Six Weeks After Midnight

Six Weeks After Midnight

last updateLast Updated : 2025-07-17
By:  GennWritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
10Chapters
88views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Seven years ago, one night inside a hotel suite changed everything. Luna Herrera-an honor student struggling to survive college-never imagined that a single assignment at the Blackwell Grand Hotel would cost her everything. In one heartbreaking night, her innocence was stolen by a man too powerful to remember... and too untouchable to confront. Damon Blackwell-billionaire heir to the Blackwell Empire-is feared, admired, and dangerously controlled. But behind his cold success lies a night he cannot recall, and dreams that whisper of a woman he may have broken without knowing. Now a licensed psychologist and a single mother, Luna lives quietly with her six-year-old son, Callyx-his gray eyes the only link to a past she tried so hard to bury. Damon, on the other hand, is unraveling. Public breakdowns. Family pressure. And an ultimatum that forces him to seek therapy... under a false name. When fate brings them face to face-patient and doctor, unknowingly connected by a secret neither of them is ready to confront-can the truth stay buried? Or will six weeks after midnight come back to rewrite everything?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

CHAPTER 1 –

Mabagal ang bawat hakbang ni Luna habang paakyat siya sa service stairs ng Blackwell Grand Hotel. Dalawang palapag lang ang pagitan mula sa staff lounge hanggang sa ballroom, pero pakiramdam niya'y parang tinakbo niya ang buong lungsod. Nakatali sa isang bun ang kanyang buhok, pawisan ang batok, at may paltos na ang sakong sa suot niyang itim na sapatos.

Alas-onse pa lang ng umaga pero parang ilang araw na ang lumipas sa pagod na nararamdaman niya.

Pagkarating sa storage room, mabilis siyang nagsuot ng gloves at isinabit ang apron sa baywang. Sa paligid, maririnig ang kaluskos ng mga kasamahan niyang nag-aayos ng mga wine glass, nagpapalit ng table napkins, at sumisilip sa checklist ng room assignments.

“Luna, please assist sa room 805, may VIP check-in. Pakilagay na rin ‘yung complimentary fruit basket,” sabi ng isa sa mga senior staff habang abalang nagbibilang ng inventory.

“Copy po,” mabilis niyang sagot kahit na ang totoo’y gusto na niyang umupo sandali.

Bakas sa mukha niya ang pagod, pero wala siyang reklamo. Sa loob ng isang taon bilang part-time room attendant sa hotel na ito, sanay na siya sa sunod-sunod na trabaho, matagalang nakatayo, at paulit-ulit na ngiti para sa mga guest na bihirang ngumiti pabalik.

Hindi niya pinili ang trabahong ito dahil gusto niya—pinili niya ito dahil kailangan.

---

Pag-uwi ng alas-dos ng madaling araw, dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob ng kanilang apartment sa Pasay. Maliit lang ang espasyo—isang silid, may lumang electric fan, folding bed, at maliit na lutuan sa sulok. Mahimbing na natutulog si Nanay Rina, nakayuko ang katawan sa mesa, may sinulid pa sa kamay. Malamang ay hindi na naman ito natapos magtahi ng quota ngayong linggo.

Lumapit si Luna at marahang tinakpan ng kumot ang ina.

“Sorry, Nay…” mahinang bulong niya, kahit alam niyang hindi siya maririnig.

Nagpalit siya ng damit, naghilamos, at saka naupo sa dulo ng kama habang hinihimas ang kanyang mga paa. Kinuha niya ang maliit na sobre mula sa loob ng bag—sulat mula sa registrar ng university.

Alam na niya ang laman. Pero binasa niya pa rin.

“Reminder: Your outstanding tuition balance is ₱18,450.00. Please settle before March 25 to complete your graduation clearance process.”

Napahawak siya sa noo.

Dalawang linggo na lang.

---

Kinabukasan, habang nasa loob ng university lounge, tahimik na nakaupo si Luna sa pinakasulok, malapit sa bintana. Hawak niya ang thesis draft na tinatapos niya habang hinihintay ang susunod na klase. Sa paligid niya ay rinig ang tawanan ng mga kaklase.

“Girl, sa Shangri-La tayo mag-grad shoot ha!” tawanan ng isa. “Gastos na lang ni Papa!”

“Grabe ‘yan, baka sa yacht pa mag-after party!” biro pa ng isa.

Luna forced a smile habang pinupunit sa isip ang inggit na pilit lumulutang. Wala siyang pake sa glamor, pero minsan, hindi mo maiiwasan. Sila—may pambili ng toga, ng class ring, ng bagong heels. Samantalang siya, iniisip kung may sapat ba siyang baon hanggang weekend.

Pagdating ng prof nila, naglabasan na ang mga laptop. Si Luna, naglabas ng luma niyang tablet na may basag sa gilid. Mahina na ang battery nito kaya todo tipid siya sa paggamit.

“Uy, Luna,” lapit ni Bea, isa sa mga kaklase niya. “Sa rehearsals bukas ha? Required daw ang lahat, sabi ni Ma’am.”

“Oo, sisipot ako kung walang conflict sa schedule,” sagot niya, mahinahon.

“Wait... may part-time ka pa rin ba ngayon?” tanong ni Bea, kunwari casual pero ramdam ni Luna ang kutob sa tono.

“Konti lang. Sa tutorial center lang. Online,” mabilis niyang sagot.

Hindi niya masabing nagtatrabaho siya bilang room attendant sa isang hotel.

Ayaw niyang makaranas ng awa, o worse—pagtawanan siya.

---

Pagkatapos ng klase, dumiretso siya sa locker room ng hotel para mag-ayos. Kinuha niya ang uniporme, mabilis na nagpalit, at inayos ang buhok sa harap ng salamin.

“Pagod ka na ba?” tanong ni Jessa, isa sa mga kapwa part-timer.

“Hindi pa,” sagot niya, kahit alam niyang hindi iyon totoo.

“Kasi ‘yung under-eye mo parang estudyante sa thesis season,” biro ni Jessa, pero may lambing.

Ngumiti si Luna. “Thesis season nga kasi ako.”

Tahimik silang naglakad palabas ng locker room, bitbit ang tray ng linen at mga towel.

“Graduate ka na, ‘di ba?” tanong muli ni Jessa.

“Oo. Konti na lang. Kailangan ko na lang bayaran ‘yung balance para sa clearance.”

“Good luck. Nakakabilib ka. Hindi madali ‘tong ginagawa mo, ha.”

Hindi na siya sumagot. Hindi dahil ayaw niyang makipag-usap, kundi dahil ayaw niyang umiyak.

---

Pagkauwi kinagabihan, nadatnan niyang naghihintay sa kanya si Nanay Rina na may dalang nilagang kamote.

“Pasensya na anak, ‘yan lang naabutan ko sa palengke.”

“Perfect po ‘yan, Nay,” sagot ni Luna, sabay upo sa tapat nito.

Habang kumakain, tinanong siya ng ina, “Kamusta ang klase mo? Kailan ang graduation?”

“Next month po. Pero may babayaran pa akong balance. Konti na lang po naman.”

Tumango lang si Nanay, pero nakita ni Luna ang pag-aalala sa mga mata nito.

“Hindi kita kayang tulungan ngayon, anak,” bulong ng ina. “Pero kapag may overtime ako sa Sabado, baka kahit papaano—”

“Nay,” putol niya agad. “Ako na po bahala. Kakayanin ko.”

Tahimik silang kumain. At sa bawat subo, naramdaman ni Luna ang bigat ng pangarap na ilang ulit na niyang kinakapitan. Gusto niyang makapagtapos. Gusto niyang mapagsuot si Nanay Rina ng toga sa araw ng graduation. Gusto niyang ipagmalaki ng ina na ang anak niya, kahit mahirap, ay lumaban hanggang huli.

At kahit na kailangan niyang itago sa mundo ang totoo niyang trabaho—kahit pagod, kahit nasasaktan—wala siyang planong tumigil...

Para sa kanyang future, para sa kanyang Nanay Rina...

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Iamblitzz
Ganda! Highly recommended! <3
2025-07-18 00:16:27
0
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status