Hindi maalis sa isip ko lahat ng sinabi ni Krio. Pilit ko ring inaalala kung kilala ko ba ang babaeng gusto niya. Hinalughog ng utak ko lahat nang senaryo na magkasama kami kung meron ba itong babaeng na nilapitan.Sa dami ng babaeng lumalapit sa kaniya di ko maisa-isa. Halos di ako ako makatulog kakaisip sa walang kwentang bagay na yun ni hindi ko na makausap ng mabuti si Khrus kagabi dahil lumutang ang isip ko.Nakakahiya tuloy kay Khrus. Minsan lang nga kung mag-usap kami ng tao hindi ko pa makausap ng maayos.Napabuntong hininga nalang ako at kinalimutan ang iniisip ko.Isang Linggo nalang at balik klase na naman kaya heto kami't bumibili ng mga gamit namin para sa eskwela. Panibagong unos sa buhay nanaman ang mararanasan ko ngayon taon." 20 pesos? Ang mahal naman para sa isang simpleng ballpen lang" reklamong bulong ko sabay balik ng ballpen na hawak ko sa lalagyan niyo at pumili nalang ng mas mura. Nakabudget ang pera ko kaya maingat ako sa kung ano ang mga binibili ko." 50 pe
Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hindi ako mapakali gusto ko siyang sundan. " Mace" napalingon ako sa likuran ko. Nagtama ang tingin namin ni Khrus at isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin. Inabot niya ang dala niya napatingin ako don at nakangiting tinanggap yun galing sa kaniya." Salamat, nag-abala ka pa" " I told you I'll court you once I get back and I'm here now" sambit niya. Napakagat labi naman ako at di alam kung anong sasabihin. Napatitig lang ako sa kaniya at hinayaan siya sa ginagawa niya. He kiss my forehead." Kailan ka dumating? Di mo sinabi sakin" tanong ko nang magtama ulit ang tingin namin." Kaninang umaga lang" " Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating mo"" It's a surprise. Did I surprise you?" napangiti ako sabay tango sa kaniya." You're so cute" aniya sabay marahang kurot sa pisnge ko na ikinanguso ko.Napalingon ako sa bahay ganon din siya." Ipapasok ko muna to sa loob. Hindi kasi kita pweding maaya sa loob ng bahay wala sina nanay at tatay" ta
Halos kutosin ko ang sarili ko sa pagkainis ng makitang ilang minuto nalang ay alas otso na. Unang araw sa klase ay malalate agad ako!Mabilis akong bumangon at naligo ng mabilis. Hindi pa nakakatulong ang ingay ni nanay na pinapagalitan ako mas lalo lang akong nataranta. Halos liparin ko na ang buong sulok ng bahay kakamadali ko." Nay nandiyan na ba si Krio?" tanong ko kay nanay nang lumabas ako sa kwarto ko dala-dala ang mga gamit ko sa eskwela. " Hindi napadaan si Krio dito" aniya na ikinahinto ko." H-Hindi po ba?" umiling si nanay at may pag-alalang tumingin sa akin." Ewan ko ba sa batang yan hindi na pumupunta dito, nakakapagtaka" umiwas ako ng tingin sa sinabi niya.Matamlay kong nilapag sa sala namin ang mga gamit ko sabay masid sa pintuan ng bahay namin.Hindi siya pumunta dito...Noon pa man ay sinusundo niya ako dahil gusto ko laging sabay kami. Nakakatampo.Ilang araw na siyang walang paramdam. Inaasahan ko na kahit ngayon manlang sa unang araw ng pasukan ay magkakasam
Hindi ko inalis ang malamig kong tingin sa kaniya habang humakbang ako papalapit sa posisyon niya. Naghuhurumintado ang puso sa di ko malamang dahilan. " Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, may klase pa ako" malamig kong sabi. Napaiwas siya ng tingin. Umigting ang panga niya at malalim na napabuntong hininga. Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag ko at pigil-pigil ang sariling ihampas yun sa kaniya. Magsasalita ba siya o hindi?" Bilisan mo" madiin kong utos sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita. " Bahala ka diyan" inis kong sambit ng lang minuto segundo na ang nakalipas ay hindi parin siya umimik. Tinalikuran ko siya.Usap daw pero hindi naman pala magsasalita, may klase pa ako at hindi ako ang mag-aadjust para sa kaniya." Ming" malambing na tawag niya na ikinahinto ko sa paghakbang. Inis akong lumingon sa kaniya dahilan para magsalubong ulit ang tingin namin. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang siko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Di na ako tumanggi
" Ilang araw ka ng lutang" bahagya akong napalingon kay Reesa sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas mula mong mag-umpisa ang klase kami na lagi ang magkasama. " Kinakabahan lang ako sa pageant" dahilan ko sabay iwas ng tingin sa kaniya." Oy, may praktis kayo later? nood ako!" Aniya sabay siko sakin, napatango nalang ako sabay simsim ng milktea na hawak ko.Sa susunod na linggo na ang fiesta at habang napapalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Gabi-gabi na kami nagpapraktis, nakakapagod." Hindi ko na nakikita si Krio ah, busy?" halos masamid ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong na yun kay Reesa. Agad kong kinalma ang sarili ko lalo't nakatingin siya sakin." O-Oo" napaiwas ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko yung sabihin. Napatango naman siya at mukhang kuntento sa sagot ko.Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong natataranta. Parang silang plakang umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.
" Tara na Khrus" aya ko, agad siyang bumaling sa akin at napatango. Nagpaalam kami sa dalawa, saglit na nagtama ang tingin namin ni Krio tinanguan lang niya ako.Buong praktis ay hindi ako makapagfocus, napagalitan pa ako dahil masyado akong lutang at nagkakamali. Nakakahiya dahil nanood marami ang nanood." Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Khrus sa akin nang makapagpahinga kami sa praktis. Nakaupo kami sa gilid ng stage nang abutan niya ako ng tubig." Ayos lang, pagod lang siguro to" rason ko kahit hindi naman talaga iyon ang rason. Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Nahagip ng tingin ko si Krio at Deia na naguusap sa gilid habang kumakain ng street food. May pagkakataon pang nagtatawanan ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nasa paligid. Kung hindi ko sila kilala ay iisipin kong magjowa sila.Napakagat labi ako dahil sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko.We used to be like that before. Nakikita ko ang sarili ko sa posisyon ni Deia ng
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.PLAGIARISM IS CRIME!You may encounter grammatical errors and typo on the flow of story.Not a pro but please respoct my work. Thank you for viewing and hope you would enjoy this story and if you don't like this just leave. Ang dami pa pong magagandang story dito.Baguhan palang po ako kaya pasensiya na agad kung hindi ko maexceed ang expectations niyo.
Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng human size mirror ng sala namin. Masyado akong nagagandahan sa sarili ko ngayon sabayan pa na subrang ganda ng dress na suot ko.Nilagyan ko ng malaking itim na ribbon ang buhok ko at hinayaang nakalugay lang sa likod ang maalong kurba nito, nagliptint din ako kunti at pulbo. Nakasuot ako ng white puff sleeve dress na hapit sa beywang ko at hanggang tuhod ang haba. Bigay to ni Khrus noon, ngayon ko lang sinuot dahil uuwi siya ngayon pagkatapos ng dalawang taon niyang pag-aaral sa Europe.Ano kayang magiging reaksiyon niya pag nakita niyang suot ko to?Mas lalo akong napangiti.Iniisip ko palang kinikilig na ako!Matagal ko naring gusto ang lalakeng yun. Mula siya sa angkan ng mga Sudalga- ang pinakamayamang pamilya na naninirahan dito sa Victorina. Subrang bait ng pamilya niya, hindi nakikitaan ng pagkamata-pobre mahilig pa nga itong makisama sa mga tulad naming mga dukha at utang na loob namin sa kani