Share

Chapter 12

" Ilang araw ka ng lutang" bahagya akong napalingon kay Reesa sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas mula mong mag-umpisa ang klase kami na lagi ang magkasama.

" Kinakabahan lang ako sa pageant" dahilan ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

" Oy, may praktis kayo later? nood ako!" Aniya sabay siko sakin, napatango nalang ako sabay simsim ng milktea na hawak ko.

Sa susunod na linggo na ang fiesta at habang napapalapit ang araw ay mas lalo akong kinakabahan. Gabi-gabi na kami nagpapraktis, nakakapagod.

" Hindi ko na nakikita si Krio ah, busy?" halos masamid ako sa iniinom ko nang marinig ang tanong na yun kay Reesa. Agad kong kinalma ang sarili ko lalo't nakatingin siya sakin.

" O-Oo" napaiwas ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko yung sabihin. Napatango naman siya at mukhang kuntento sa sagot ko.

Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong natataranta. Parang silang plakang umuulit sa isipan ko ang mga sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status