Hingang malalim... Hingang malalim.
Bahagyang umawang ang mga labi ni Belleza at dahan-dahan na bumuga ng hangin. Mahigpit ang hawak ng isang kamay niya sa bow ng pana samantalang sa kabila naman ay unti-unting lumuluwang ang kaniyang mga daliri para sa pagbitaw ng string. Isa... dalawa... Bumulusok ang palaso patungo sa direksyon ng kaniyang target at sapul ang isang maliit na nilalang. Bago pa man iyon bumagsak sa lupa ay nawalan na ito ng buhay. "Tang!" biglang sigaw ni Belleza sa tuwa. "Tinamaan ko ang ibon! May lechong ulam na tayo! Ang galing po, diba?" Unang beses siyang isinama ng kaniyang ama sa pangangaso kaya ganoon na lamang ang tuwa niya, lalo pa't nakahuli agad siya ng pang-ulam nila. "Belleza, anak. Ang galing mo," natutuwang sambit ng singkwenta anyos na lalaki, matipuno, nasa 5'5" ang taas at bagaman mestizo ay sunog naman ang balat sa araw. Siya ang kaniyang ama, ang natatangi niyang kayamanan sa mundo. "Nagbunga ang madalas kong pag-eensayo sa paggamit ng pana, Tang." Nginisihan niya ang ama saka masayang dinampot ang ibon. Tumagos sa dibdib nito ang matulis na dulo ng palaso, tinamaan ang maliit na puso dahilan para bawian agad ito ng buhay. Itinaas niya ito para ipakita sa kaniyang ama. "Manghuhuli pa po ako para makarami. Gutom ako, eh. Gusto kong kumain ng marami mamaya." Ibinaba ng ginoo ang pasan na isang bungkos ng mga tuyong kahoy na panggatong. "Ikaw ang bahala, anak. Mag-iingat ka, ha?" "Opo, tang." "Baka may makasalubong ka riyang ahas o baboy-ramo!" "Huwag kang mag-alala, tang. Yakang-yaka lang 'yan!" Inihanda na niya ang pana at sumuong ulit sa kakahuyan. Ang tirahan nila ay malayo sa bayan at ibang kabahayan. Matatagpuan iyon sa paanan ng bangin na ngayon ay napalilibutan na ng mga naglalakihang mga punong-kahoy. Kaya lahat ng pagkain nila ay kung hindi galing sa mga pananim ay galing naman sa gubat. Survival in the mountains means living on the edge. You gotta take chances to get by. At kahit na muwebles kung ituring si Belleza ng kaniyang magulang, nagsisikap pa rin siya na matutong makipaglaban sa buhay na kinagisnan niya, kahit gaano pa ito kahirap. Inayos niya ang pagkakabit ng palaso sa string. Pagkatapos ay sinundan ng tingin ang isa pang ibon na kasama kanina ng kaniyang nahuli. Dumapo ito sa isang puno. Naningkit ang mga mata niya na sinundan ito ng tingin. Bago pa man niya ito matarget ay lumipad na ito sa kabilang puno. Umabante siya at patuloy itong sinusundan, dahan-dahan habang hawak ang dulo ng arrow. Muli niya itong inasinta at nakahanda nang tirahin nang biglang... Natigilan siya. Wala sa sariling naibaba niya ang palaso habang pinagmamasdan ang maliliit na mga ibong tuwang-tuwa sa pagdating ng magulang ng mga ito. No'n niya lang napagtanto na nakapatong pala ito sa isang pugad na mayroong tatlong sisiw. Nakonsensya siya, dahil ang ibong balak niyang patayin ay isa palang magulang! Naaawa siya rito lalo na roon sa napatay niya. "Tang," tawag niya nang makauwi na sila. "Bakit, anak?" "Nabigo ko po ba kayo?" "Bakit naman?" "Kasi, hindi ko hinuli iyong isang ibon. Nakonsensya ako, eh. May mga anak kasi." "Anak, ok lang ang ginawa mo. Kapag pinatay mo naman yung magulang, malamang papatayin din ng ibang hayop ang mga anak dahil wala nang magtatanggol sa kanila. Kailangan nilang mabuhay para may pang-ulam naman tayo sa susunod na araw!" Tumawa ito at pabiro siyang tinapik. May punto naman ang sinabi nito. Hindi sila pwedeng maubusan ng pagkain. Pero nalungkot pa rin siya sa sinapit ng isang ibon sa mga kamay niya. "Ngayon ko lang po napagtanto kung gaano ako kasama para patayin ang kabiyak ng ibon, Tang." Natawa ulit ang ginoo. "Ikaw talaga, anak. Ganoon talaga... Minsan, kailangan mong pumatay para mabuhay." Malungkot pa rin siya. Naalala niya ang kwento ng nasira niyang ina, na ang mga ganoong ibon ay isang uri na monogamous. Kapag nawalan daw ng kapareha ang mga ibong ito, makakaranas sila ng pagluluksa, pagbabago sa pag-uugali at pagkawala ng interes sa ibang mga bagay. Maaaring maapektuhan no'n ang kanilang buhay kasama ang mga anak na naiwan. They are known for their strong pair bonds and loyalty to their mates. Hindi sila naglalakbay o nagpapalit ng kasama sa buhay. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay bihira sa mundo ng mga ibon. Parang sa mga lobo rin. Parang... Pag-ibig din ng kaniyang mamang at Tatang na tanging kamatayan lang ang nakakapagpabuwag. Hanggang sa pagtulog ay baon niya ang konsensya. Alam niya ang pakiramdam nang mawalan, ang bigat ng pagluluksa, ang hirap na magpatuloy sa kabila ng pangungulila. Ganoon ang dinanas niya no'ng masawi ang kaniyang mamang at kapatid dahil sa landslide sa kanilang lugar. Maraming buhay ang nasawi noon, kabilang na ang kanilang buong kaanak at ibang kapitbahay. Iilan lamang ang nakaligtas na ngayon ay nagsilipat na sa mga bahay na pinamigay ng gobyerno. Bagaman napag-iiwanan na ng panahon, hindi pa rin sila handang iwan ang lugar na iyon, dahil naroon ang mahalagang alaala ng nasawi nilang kapamilya. At sa loob ng 19 na taon niya sa mundo, naging parte na ng kaniyang buhay ang lahat ng bahagi ng lugar na iyon. Doon siya isinilang, doon din siya mamamatay. Nang sumunod na araw ay minabuti ng kaniyang ama na iwan siya sa bahay. Mag-isa na lamang itong nangaso dahil parang hindi pa rin daw siya nakakapag-move on. Habang hinihintay ang pagbabalik ng ama ay nagsaing na muna siya sa kahoy. Ilang oras din siyang nag-abang. Pagkauwi nito ay masaya niya itong sinalubong. "Tang?" Kumunot ang noo niya nang mapansing iika-ika ito sa paghakbang. "Ano pong nangyari sa paa ninyo?" "Wala 'to. O, nakapagsaing ka na ba? Masarap ang ulam natin ngayon," masigla nitong sabi sabay taas ng bitbit na manok. Nakanguso niyang tiningnan ang manok. Buhay pa naman pero laylay na ang mga pakpak. "Saan naman ho galing iyan, Tang?" "Naligaw. Hinuli ko na. Sayang din kasi, na-miss ko nang mag-ulam ng tinulang manok, 'nak." Agad nitong kinuha ang kutsilyo saka nilaslas sa leeg ang manok. Nagpapapasag iyon pero kahit ano'ng gawin ng manok ay hindi na nito magawang maisalba ang sariling buhay. Nangisay ito habang ang dugo ay patuloy sa pagdaloy sa lupa. Naawa siya sa sinapit ng manok pero nang maluto na ay napalamon na rin siya. Masarap kasing magluto ang kaniyang Tatang, bagay na sobrang minahal ng mamang niya noong nabubuhay pa ito. *** DALAWANG araw niya nang napapansin na tila nanginginig ang katawan ng kaniyang tatang. Para bang nilalamig ito kahit pa mainit naman ang panahon. Minsan pa'y naririnig niya itong nagmumura nang mahina at umuungol na para bang nasasaktan nang sobra. Isang araw, hindi na siya nakatiis at nag-aalalang lumapit sa higaan nito. Tanghali na pero hindi pa rin kasi ito umaalis doon. "Tatang, ano po ang problima?" "Wala, anak." Nginitian siya nito. Pinipilit lang nitong pasiglahin ang mukha pero hindi naman maitatago ng pamumutla nito ang totoong nararamdaman. Pasimple nitong ibinaba ang kamay saka marahan na hinaplos ang binti nito. Sinilip niya ang paa ng kaniyang ama at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamamaga no'n. "Tang! Ang paa niyo ho!" Agad nitong tinakpan ng kumot ang paa. "Sus, wala 'to. Natusok lang ako ng pako noong huli kong pangangaso." "Tang naman! Pako? Delikado po 'yon, eh! Ba't 'di niyo agad pinagamot sa bayan?" "Sus, ayos lang ako, anak. Nagamot ko na 'to." Mas lumapit pa siya saka hinila ang kumot para silipin ang sugat nito pero itinulak palayo ang noo niya ng daliri nito. "Nakapagsaing ka na ba?" "Eh, Tang..." Nagkamot siya ng kilay nang may naalala. "Isang baso na lang ho pala ang bigas natin." Ang tatang naman niya ang napakamot. "Sige, aalis ako mamaya. Dito ka lang, ha?" "Malayo ho ang tindahan dito, dadaanan niyo pa ang dalawang bakanteng lote bago iyon marating. May sugat pa kayo sa paa. Baka hindi niyo po kayanin. Ako na lang ho ang bibili." "Hindi. Ako na. Kaya ko pa namang maglakad." "Tang naman, eh! Maga ho ang paa niyo, mahihirapan kayong maglakad niyan. Kaya ko naman ho, eh." "Huwag nang matigas ang ulo, Belleza. Malayo ang tindahan at walang ibang kabahayan dito. Baka may makasalubong kang manyakis at kung ano pang gawin sa 'yo. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon." Napabuntong-hininga siya sa katigasan nito. Kahit ano'ng gawin niya, hindi talaga ito pumapayag na mag-isa siyang aalis ng bahay. Madalas itong lumuluwas ng bayan para bumili ng bigas at iba pang pangangailangan nila. Pati noong nag-aaral pa siya ng elementary, hatid-sundo siya nito araw-araw. Kahit na noong highschool na siya ay iyon lagi ang ginagawa nito. Hindi ito napapagod kahit na ilang kilometro ang layo ng eskwelahan nila sa bahay. Natatakot ito na baka raw may makasalubong siyang makamandag na ahas, or worse, baka pag-intresan siya ng mga kalalakihang makakakita sa kaniya. Maganda naman kasi siya, maputi at makinis. Balingkinitan man ay angkin naman niya ang magandang hubog ng katawan na namana niya sa kaniyang ina. Sa unang tingin lang ng ibang lalaki sa kaniya ay tiyak na pagnanasahan agad siya. Kaya hangga't humihinga pa ang kaniyang ama, gagawin nito ang lahat upang protektahan at ingatan siya. *** "Anak." Isang gabi ay seryoso ang mukha ng kaniyang tatang habang nakatanaw sa labas ng bintana. Tinitingnan nito ang mga bituin sa kalangitan. Siya naman ay nakahiga na sa papag na nasa tapat ng higaan nito. "Ano po 'yon, Tang?" "Na-miss ko na ang Mamang mo at si Bunso." Hindi agad siya nakapagsalita. Bumangon siya at hinarap ito na nanatili pa ring nakatanaw sa labas. "Na-miss ko na rin ho sila, Tang." "Gusto ko na silang makasama, anak." Natigilan siya. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang siyang kinabahan. Tumayo siya at lumipat sa papag nito saka tiningnan ang seryoso nitong mukha. "Tang..." Lumingon ito sa kaniya at tipid na ngumiti. Hindi niya maintindihan. Bigla na lang nanikip ang kaniyang dibdib at parang may mabigat na bagay ang bumundol doon. Nagsimula ring magtubig ang mga mata niya. Bakit ba bigla siyang naiyak? "T-tang. Ba't niyo naman ho sinasabi iyan? Paano ako? Makakasama rin ho natin sila pero huwag muna ngayon." "Gusto mo na bang mag-asawa?" biglang pag-iiba nito sa usapan. Kumunot ang kaniyang noo at padabog na kinusot ang mga mata. "Tang naman, eh! Kung anu-anong tinatanong. Bata pa po ako!" "Desi nuwebe ka na." "Eh, bata pa rin po iyon! Bakit niyo po ba naitanong?" Bakit pakiramdam niya ay pinagtatabuyan na siya ng kaniyang Tatang? Naiinis tuloy siya. "Paano 'pag nawala ako? Sino na ang makakasama mo? Kailangan mo nang mag-asawa." "Tang naman. Huwag naman kayong magsalita ng ganiyan. Mahaba po ang buhay ninyo." "Gusto mo bang makapunta ng Manila at maipagpatuloy ang iyong pag-aaral? Ibebenta ko ang lupain natin para makapunta ka roon. Baka naroon ang swerte mo, anak. Baka makahanap ka roon ng milyonaryo na mapapangasawa mo. Artista. O 'yong pangarap mong doctor. O kahit hindi na mayaman, anak. Ang mahalaga ay aalagaan at mamahalin ka nang tapat." Tuluyan na siyang napasimangot. Hindi siya umiiyak pero 'yong luha niya ay hindi niya maawat. Kusang naglabasan ang mga iyon. "Gusto ko nga pong makapunta ng Manila," sabi niya habang panay ang palis ng luha. Ang mga kilay niya naman ay salubong na. "Sabi ng kaklase ko noon na may kamag-anak doon, maganda raw sa Manila, maliwanag, maraming matataas na building, maraming pasyalan. "Gusto ko ring makapag-college, Tang. At makapag-asawa ng gwapo, malambing at mayaman na lalaki. Pangarap naman talaga iyon ng mga kababaihan, pero kung ang kapalit naman no'n ay maiiwan kayo rito nang mag-isa, hindi bale na lang. Ano kung tatanda akong dalaga at walang natapos na kurso? Kayo lang naman ang mahalaga sa akin, eh." "Hindi naman pwedeng sa akin lang iikot ang mundo mo, anak." "Mas gusto ko hong alagaan kayo, Tang. Nangako ako kay Mamang, hindi ko ho kayo iiwan. At hinding-hindi ko ho kayo pababayaan." Isa iyon sa dahilan kung bakit mas pinili niyang huwag munang magpatuloy sa kolehiyo. Ayaw niyang iwan doon ang kaniyang Tatang. Hindi na ito nagsalita pa. Inabot nito ang kaniyang ulo saka marahan na hinaplos ang mahaba't tuwid niyang buhok. "Huwag niyo ho akong iiwan, Tang. Promise niyo po." Mapait na ngumiti ang lalaki. "Mahal na mahal ka ng Tatang, Belleza, anak." "Mahal na mahal ko rin ho kayo, Tang. Kayo na lang ho ang naiwan kong pamilya. Kayo lang ho ang aking kayamanan." ***She thought fate's favor was hers, she thought Lion was within her grasp... But now, a haunting truth slaps her in the face.Nagkamali pala siya ng akala."Bakit nga pala hindi mo kasama sina Rozz at Salvatore?" biglang tanong niya.Nahinto sa pagpupunas ng towel si Lion. Katatapos lang nitong mag-shower at himala na hindi nito isinabay si Belleza sa banyo gayung gustung-gusto nito iyon at nakasanayan na nga sa paglipas ng mga araw."Walang magbabantay sa iyo," tipid nitong sagot sa tanong niya.Kumunot ang kaniyang noo. Maraming beses na itong umalis ng mansion na laging kasama ang dalawa. Bakit ngayon lang siya nito pinababantayan?Nag-init agad ang kaniyang ulo. Hindi siya kumbinsido. At kung bakit bigla na lang kumulo ang kaniyang dugo ay hindi niya rin maintindihan ang sarili.Hindi na lamang siya sumagot at tumagilid sa pagkakahiga, patalikod sa gawi nito. Calmness eluded her, yet she had no right to be jealous. Or was she? Wala naman siyang basehan para makaramdam ng ganoon.Na
Patay-malisya siyang umupo sa tapat ng dalawang lalaki at tumitig kay Rozz na ngayon ay abala na sa kaharap na laptop, as if he's really focused pero ang totoo'y nakikiramdam lang. Sumulyap ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang paghigpit ng mga panga nito nang malamang nakatitig siya. She's amused by the anger and frustration that danced in his beautiful brown eyes. Gumuhit ang sarkastikong ngiti sa kaniyang mga labi. "You know, Rozz, being young isn't permanent. Lilipas din 'yan kaya maiging mag-settle down na kayo habang malakas pa ang pangkambyo ninyo. Huwag ka nang magalit sa planong pagpapakasal ni Lion sa akin. Huwag niyo siyang idamay sa pagiging matandang binata." Salubong ang mga kilay nitong tumingin sa kaniya. Tinawanan naman niya ito, na lalo nitong ikinaasar. Samantalang si Salvatore ay pasimpleng tumikhim at kunwaring walang pakialam pero nakikinig. "What are you talking about, bitch?" "Hindi mo ba ako naiintindihan, Rozz? Kailangan ko pa bang i-translate sa Englis
NATULOG lang buong maghapon si Belleza sa kwarto ni Lionzo. Wala siyang ganang bumangon. Mabigat ang pakiramdam niya, sa tuwing pinipilipit niya ang sarili ang nanlalabo ang paningin niya at nahihilo. Ilang araw na nga bang siyang ganoon. Hindi niya matandaan kung kailan nagsimula ang ganoon, basta nagising na lang siya isang araw na masama ang pakiramdam.Tumunog ang kaniyang tiyan, biglang nangasim. Kumikislot siya sa gutom na nararamdaman kaya naman ay pinilit na niya ang sariling bumangon. Pag-ahon niya mula sa kama ay bahagya siyang gumeywang. Kumapit siya sa bedside table, sapo ang kaniyang noo at pinalipas ang sandaling pag-ikot ng kaniyang paligid. Para siyang malulula. Pati balakang niya ay nangangalay na rin.Humugot siya ng hininga at kinompos ang sarili.Kailangan niyang maglakad-lakad. Siguro nga kaya nakakaramdam siya nag panghihina dahil ilang buwan na siyang nakakulong sa mansion. Aktibo ang kaniyang katawan dati at sanay sa mga gawain, sanay sa paglalakad nang malayo,
"Gaano ba kahaba ang neckline na gusto nyo, ma'am Belleza?" magalang na tanong ng designer na nagsusukat sa kaniya.Narito sila ngayon sa isang high-end fashion boutique para magpasukat sa kilalang designer.Nagtagumpay si Belleza. Buong akala niya noong una ay hindi papayag si Lionzo sa gusto niyang mangyaring pagpapakasal pero bigla na lamang itong nag-yes. Tuwang-tuwa pa nga at agad na ipinaasikaso ang lahat ng kakailanganin para sa kasal nila. "Sakto lang," mahina niyang tugon sa babaeng designer. "Sapat na makita ang cleavage. Yung hindi malaswa pero sexy tingnan," dagdag niya.Pangiting tumango ito.Pagkatapos siyang sukatan ay lumabas na agad siya para tawagin si Lionzo."This is ridiculous! Why marry her, Lion? Women are mere playthings to you. Si può sempre trovare un'altra." (makakahanap ka ulit ng iba)Nagpanting ang tainga niya sa sinabi ni Rozz.Sumunod pala ito sa kanila.Hindi man niya naintindihan ang iba pang sinabi nito gamit ang ibang lenggwahe, alam niyang pinagta
BANG!Isang masipang putok ang nagpatulos kay Lionzo sa kinatatayuan. Binalak niyang pigilan si Belleza sa tangkang pagpapakamatay nito pero hindi niya inaasahang ililipat nito sa kaniya ang dulo ng baril at walang pag-aalinlangang ipinutok."Sir Lionzo!" Aligagang nagsilapit kay Lion ang kaniyang mga tauhan.Mabilis na inagaw ng isa ang hawak na baril ni Belleza. Saka nito hinatak palabas ang babae."Let her go!" sigaw niya.Agad namang binitiwan ng kaniyang tauhan si Belleza ngunit nalugmok lamang ang dalaga nang mawalan ito ng suporta. Bumagsak ang nangangatog nitong mga tuhod."Belle—-!" Akma niya itong dadaluhan nang biglang kumirot ang kaniyang kaliwang balikat. Tiningnan niya iyon at napabuga ng hangin nang makita ang pagdaloy ng dugo roon."Fuck!" Nadaplisan siya ng bala nang hindi niya namalayan, at no'n niya lang naramdaman ang pagsigid ng sakit sa kaniyang sugat dahil sa biglaan niyang paggalaw."Sir Lionzo! Ok lang po kayo?" Puno ng pag-aalala ang mukha ng kaniyang tap
Sabik na si Belleza na makita ang kaniyang ama. Papunta na sila sa lugar kung saan ito itinago ni Lionzo. Sakay sila ng Mercedes-Benz S-guard, ang armored car na madalas gamitin nito, sa mga lakad. Masaya siya at hindi na makapaghintay pa, ngunit kalakip no'n ang pagbundol ng hindi niya maipaliwanag na kaba.Si Lion naman ay tahimik lang sa kaniyang tabi. Seryoso, walang kibo mula pa sa bahay hanggang ngayong malayo na ang binyahe nila. Nasa malayo lagi ang tingin nito at tila lunod sa malalim na pag-iisip. Hindi niya ito matanong, ayaw niya itong kulitin dahil baka mapikon at biglang magbago ang isip nito.'Tang, magkikita na rin tayo, sa wakas!' bulong niya sa isip. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lionzo na kumuha ng kaniyang buong atensyon. Sa unang pagkakataon, nakita niya sa malalalim nitong mga mata ang tila takot at pag-aalala. Hindi niya natiis at hinawakan ito sa kamay. Napatingin si Lionzo sa kaniya at nang makita nito ang kaniyang matamis na ngiting nagpap