Kiss of Ruin

Kiss of Ruin

last updateDernière mise à jour : 2025-09-03
Par:  mscelene Mis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
8Chapitres
11Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Akala ni Elara Cruz, nakatakas na siya sa madilim na nakaraan ng pamilya niya. Tahimik na buhay na lang ang gusto niya—malayo sa gulo, malayo sa sakit. Pero lahat nagbago nang makilala niya si Damian Blackthorn—ang cold, ruthless, at sobrang dangerous na heir ng isang crime empire. He’s everything she should avoid. Pero isang halik lang mula sa kanya, at malinaw na: “Akin ka.” Mahalaga ba ang puso kung kapalit nito ay buhay? Hanggang saan kaya ang kaya niyang isugal para sa isang pag-ibig na bawal, mapanganib, at nakakatukso? Sa mundong ginagalawan ni Damian, ang loyalty sinusukat sa dugo… at ang betrayal binabayaran ng kamatayan. At sa huli, kailangang pumili ni Elara: lalaban ba siya—o magpapalunod sa halik ng sariling pagkawasak?

Voir plus

Chapitre 1

The Stranger in the Rain

⚠️ Mature themes ahead. Read at your own risk. ⚠️

---

Elara’s POV

Mas lalo pang lumalakas ang ulan, tumatagos na sa manipis kong jacket. I hug myself tighter pero wala ring silbi. Ang neon sign ng nightclub sa likod ko nagfi-flicker, nagbibigay lang ng mahina at nag-aalangan na ilaw sa paligid.

Of all nights, bakit ngayon pa ako ginabi?

Binuksan ko ulit phone ko—pero patay na. Low batt.

Great. Just perfect.

Tahimik ang kalsada. Pero hindi ’yung tipong nakakarelax na tahimik—’yung tipong nakakapangilabot. Parang may mali, parang may nakatingin.

Kinilabutan ako. Hindi dapat ako nandito.

Lumabas ako mula sa maliit na bubungan, hinayaan ang ulan na dumampi sa balat ko. Lakad ako papunta sa gilid ng kalsada, nagbabakasakaling may dumaan na taxi. Pero deep down, alam kong wala.

“Perfect.” bulong ko, halos nanggigigil sa inis.

At doon ko siya naramdaman.

Parang biglang bumigat ang hangin, parang may mga matang nakabaon sa likod ko.

Paglingon ko—ayun siya.

Lumabas siya mula sa dilim, parang mismong gabi ang nagtulak sa kanya palapit. Matangkad. Malapad ang balikat. Naka-all black, at parang kasalanan na nakasuot sa katawan niya. Tumama ang ilaw sa matalim niyang panga, sa mapanganib na kurba ng labi niya—at sa mga mata niya. Malalim. Madilim. Nakakakuryente.

Napakagat ako sa labi. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ramdam ko hanggang tenga.

“You shouldn’t be out here alone.” sabi niya. Malalim. Makinis ang boses, pero parang utos na hindi pwedeng suwayin.

Itaas ko ang baba ko—hindi dahil matapang ako, kundi dahil ayokong magmukhang mahina.

“I’m fine. Just waiting for a cab.”

Ngumiti siya ng kaunti, parang naaliw.

“There are no cabs here.”

“Then I’ll walk.” sagot ko agad. Kahit nanginginig ang tuhod ko, pinilit kong panindigan.

Tumawa siya, mababa at parang nang-aasar.

“In the rain? In those shoes? You won’t last five minutes.”

Napairap ako kahit sumisigaw na ng danger ang instincts ko.

“And what? You’re not one of them?”

Umusog siya palapit. Kinapos ako ng hininga. Parang sinisipsip niya ang hangin sa paligid ko, parang wala akong choice kundi mapako sa kinatatayuan.

“No,” bulong niya. Naka-curve ang labi niya sa isang smirk na nakakatindig-balahibo.

“I’m much worse.”

Namilog ang mata ko. Hindi ako makagalaw. Malapit na siya, sobrang lapit na ramdam ko ang patak ng ulan na tumatama sa buhok niya at sumasabog sa balat ko.

Hindi ko alam kung sisigaw ba ako… o hihila palapit.

Pero bago ko pa magawa ang kahit ano, biglang may gumalaw sa kabilang kalsada.

Dalawang lalaki. Lasenggo? Addict? Hindi ko alam. Pero kita ko agad kung paano nila ako tinitignan—gutom. Parang lobo na may nakitang tupa.

Umusog ako paatras, nanginginig.

Tumingin siya sa kanila. Biglang nawala ang smirk niya. Napalitan ng malamig, nakakatakot na titig.

At bago ko pa marehistro ang lahat—gumalaw siya.

Pak! Dug!

Narinig ko ang tunog ng kamao niya na tumatama sa laman. Isang sigaw. Isang kalabog. Bumagsak ang isa sa semento. Yung isa, pilit lumaban, pero wala siyang laban. Mabilis. Brutal. Parang sanay na sanay. In seconds, pareho silang nakahandusay, halos hindi makahinga.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Nandidiri ako. Natatakot. Pero bakit hindi ko maiwasang tumingin?

Sino siya?

Nang humarap siya ulit sa akin, hingal, basang-basa sa ulan, kita ko ang titig niya. Walang bahid ng guilt. Walang kahit anong pagsisisi.

Meron lang… satisfaction.

At ang mas nakakatakot—parang hindi ko kayang lumayo.

Nakatitig lang ako. Hindi makapagsalita.

Hinayaan niya lang akong titigan siya, as if binabasa niya lahat ng iniisip ko. Tapos bigla siyang umatras, bumalik sa dilim, at nawala na parang hindi dumating.

Ako na lang ang naiwan, nanginginig sa ulan.

At alam ko sa sarili ko—hindi ito ang huli.

At ang mas masama, hindi ko sigurado kung gusto ko ba na huli na iyon.

---

Damian’s POV

Ang ulan—lagi ko itong kakampi. Tinatakpan nito ang dugo. Nililinis nito ang kasalanan.

Pero ngayong gabi, may dinala itong bago.

Siya.

Hindi siya bagay dito. Hindi siya dapat nasa kalsadang ito—hindi sa mundong puno ng demonyo. Pero pagkakita ko pa lang sa kanya, nakatayo sa ilalim ng kumukurap na neon sign, alam ko na.

Fragile. Beautiful. Innocent.

Everything I should stay away from.

Pero hindi ako umatras.

Yung tapang niya—kahit nanginginig, kahit halatang takot—she still dared to look at me. To answer back. Walang yumuyuko sa akin, pero siya… iba siya.

At hindi magtatagal, mauupos din ’yung apoy niya kung mapapabayaan. Pero gusto ko iyon. Gusto ko siya.

Yung dalawang junkies? Walang kwenta. Parasites. Binagsak ko sila kasi walang pwedeng humipo ng hindi ko pa pinapayagan.

Hindi pa niya alam. Pero sa sandaling nagtama ang mata namin, tapos na.

Siya na ang akin.

Elara Cruz.

I’ll break her. Ruin her. Own her.

At kahit na alam niyang masama ako, kahit na alam niyang pagkawasak lang ang hatid ko… hihilingin pa rin niyang manatili ako.

Kasi kapag minarkahan na kita—wala ka nang takas.

---

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

Pas de commentaire
8
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status