Share

Kabanata 13

Hindi maiwasan ni Kari ang pagngiti habang pauwi siya, nakatingin lamang siya sa may bintana at parang batang pangsi-ngisi.

“Ma’am, mukhang masaya ka ngayon a,” puna ni Mang Raul. “Pumayag na ba ang lalaki na iyon na maging bodyguard mo?”

Biglang napawi ang ngiti niya dahil sa tanong nito. Nawala na sa isip niya na kaya niya nga pala ginagawa iyon ay dahil kailangan niyang pilitin na maging bodyguard si Tobias. Ngunit parang nagpunta siya ngayong araw dahil sa ibang dahilan.

Umiling siya. “No, mukhang wala siyang balak pumayag.”

“Eh, kung gano’n, ma’am. Hindi ko na tatanungin kung bakit kayo masaya ngayon,” anito sa nakakalokong tono.

Napailing na lang siya para pigilan ang pagngiti at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Tumigil ang mata niya sa isang papel na nakadikit sa glass door ng isang fast food restaurant na nadaanan nila.

EMPLOYEE FOR HIRE!

Napaayos siya sa pagkakaupo at bumuntong-hininga. Senyales na nga yata iyon para magtrabaho siya, bukas ay dadalhin niya ang kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status