Share

Kabanata 18

Hindi alam kung paano sila nakarating ni Tobias sa isang bakanteng classroom, hindi na niya maalala ang nangyari dahil sa sobrang pag-iyak.

Kani-kanina ay umalis si Tobias saglit at pagbalik ay may mga dala nang pagkain at inumin, kaya naman nilantakan niya ang mga iyon. Gutom na gutom siya. Kagabi pa ang huling kain niya at napagod pa siya dahil sa kakaiyak.

Napatigil siya sa pag nguya nang mapansin na pinapanood pala siya ni Tobias. Nakapatong ang kanang bahagi ng mukha nito sa lamesa ng inuupuan nito at nakatingin lang sa kanya.

Bigla na lang siyan nabulunan kaya agad binuksan ng binata ang bote ng tubig at iniabot sa kanya na agad niyang ininom.

“Dahan dahan.” Mahinahon na sabi nito.

Pinunasan ni Tobias ng likod ng palad ang bibig niya at sumubo ulit ng pagkain. Sumandal ito sa upuan at idiniretso ang mahaba nitong binti, naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod niya na maingat na pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.

Lumingon siya sa binata kaya tumigil ang kamay nito at tuma
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status