Tahimik na nakatayo si Kari sa labas ng pintuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Tobias. Pumasok ang binata sa loob kani-kanina lang at sinabing maghintay muna siya roon saglit.Nilibot niya ang tingin sa paligid habang niyayakap ang sarili, madilim kaya’t hindi maaninag. Pero may ilaw na nanggagaling sa loob kung nasaan si Tobias.“Oh, brad, bakit bigla mong inaayos ‘yang higaan mo?” Narinig niyang tanong ni Domino, nagulat siya na nandoon pala ito.“Oh, oh. Bakit tinatago mo ‘yang mga magazines?” Boses naman iyon ni Joaquin.“Ano naman kung maingay kami? May makakarinig ba?”Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. Niluwa nito si Joaquin na nakasuot lamang ng boxer shorts at puting shirt.“Kari!” Halakhak nito habang nakahawak sa frame ng pintuan, napansin niya agad ang nakapulupot na gasa sa kamao nito. “Nandyan ka pala.”Nahihiyang ngumiti siya at sinilip si Tobias na binato ng damit ang nakahubad na si Domino na nasa loob.“Pasok ka.” Hinila siya ni Joaq
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang maglaro ng Mario Kart. Racing game iyon, dati ay kadalasan nilalaro ni Karisma iyon kasama ang mga kapatid niya. Lagi niyang kakampi dati ang kanyang Kuya Felix na magaling sa mga laro.Ngayon ay magkakampi sila ni Tobias, at kalaban nila sina Domino at Joaquin.“Hindi ko makita rito sa gilid,” saad ni Domino at umupo sa carpet, samantalang si Joaquin ay katabi niyang nakaupo roon sa couch.Umupo rin si Tobias sa tapat niya, sa pagitan ng mga binti niya. Ipinatong ng binata ang braso nito sa mga tuhod niya at sumandal sa kanya tapos ay nag-angat ng tingin kaya tinakpan niya agad ng controller ang mukha niya. Paano kung hindi pala siya maganda sa anggulo na ‘yon?“Oh, simula na,” paalala ni Domino kaya bumaling na sa screen si Tobias, hinigpitan ni Kari ang paghawak sa controller niya dahil kinakabahan siya na nae-excite.Kalmado lang ang mga kalaro niya na nakatingin sa screen, pero siguradong walang magpapatalo sa mga ito.Agad na tumahimik n
Walang magawa si Kari magmula nang pumasok si Tobias sa school. Kaya naman naisip niya na lang na maglinis ng konti.Hindi naman niya ginalaw ang mga gamit dahil ayaw niyang makialam, nagwalis lamang siya at pinunasan ang mga kaunting alikabok sa mga gamit.Pagod na humiga siya sa higaan ni Tobias, tumitig sa kisame. Ngayon niya lang naisip kung paano siya ime-message ng binata kung wala naman silang number ng isa’t-isa.Naaalala niya na hindi totoo ang binigay nitong number sa kanya noon, dahil doon ay lalo siyang napagalitan ng mommy niya.Hindi niya naman masisisi si Tobias dahil kahit siya ay maiinis kung may hahabol nang hahabol sa kanya. Akala niya nga ay hindi mapapalapit ang loob nito sa kanya.Agad siyang napaupo nang bumukas ang pintuan, nadismaya siya nang makitang si Joaquin ang pumasok.Nakita nito ang reaksyon niya kaya tumawa ito. “‘Wag mo naman masyadong ipahalata na dismayado ka na ako ang nakita mo, nandyan na rin si Tobi sa labas.”Mabilis siyang napangiti at tumayo
“Are you alone?”Napalingon si Karisma nang maramdaman niya ang mainit na kamay na dumulas sa kanyang bewang. An attractive, foreign looking guy smiled at her.Pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay matamis na ngumiti. Kilala niya ito. The infamous womanizer, Dice Ferrer.Gumapang ang titig nito mula sa mukha niya pababa sa kanyang katawan, at nawala ang ngiti niya nang dumapo ang palad nito sa kanyang hita.Agad niyang tinabig iyon ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngiti nito. He’s obviously drunk, and a mess.“Wanna have some fun tonight?” bulong nito sa kanyang tenga.Karisma sighed. Hinarap niya ito at hinawi ang mahahaba niyang buhok, tapos ay itinaas ang kanyang kilay.“Do I know you?”Mabagal na kumunot ang noo ng binata. Of course, kilala niya nga ito. Pero hindi niya iyon aaminin dahil gusto niyang sirain ang pride nito. She wanted to humble him.“You don’t know me?” tanong nito.Mabagal siyang umiling habang sinasalubong ang titig nito. “The question is,
“You lied to me, Karisma! Sinabi mo na nandoon ka sa mga pinsan mo, but you were in a club!”Kabababa pa lang ng taxi ni Karisma ay boses agad ng mommy niya ang bumungad sa kanya. Wala naman siyang magagawa, kasalanan niya iyon dahil nagsinungaling siya.“Nabastos ka pa! And you almost got rape, for pete’s sake!” Nakahawak sa noo ito habang pabalik-balik na naglalakad, tapos ay tumigil ito at galit na pinagmasdan siya. “Paano kung walang nagmagandang loob? Paano kung walang tumulong sayo?”Napakagat siya sa kanyang labi. Totoo naman ang sinabi ng kanyang ina, kahit naiinis siya sa lalaki na iyon dahil sinumbong siya ay totoo naman na malaking bagay na tinulungan siya nito. Hindi niya alam kung ano nang mangyayari sa kanya kanina. Pero hindi ba pwede bang iligtas siya nito nang hindi siya sinusumbong?!“Who is he?” tanong nito.Napaiwas siya ng tingin, hindi niya alam kung bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan ni Dice Ferrer. Makapangyarihan ang pamilya nito at baka magkagulo pa.“I
Hindi alam kung paano ipapaliwanag ni Kari sa mommy niya na hindi pwede si Tobias ngayong araw. Sinabi nito ay may kailangan daw itong gawin ngayon.“So, where is he?”Nakita niya na lang ang sarili niya na nakaupo sa sofa, ang mommy niya ay nakatayo sa harapan niya at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Kauuwi lang nito galing sa opisina.She sighed. “I saw him earlier, sinabi niya na bawal daw siya today kaya hiningi ko na lang ang number—”“Did you really think that I would believe that?”“Mommy!” Frustrated na sigaw niya. “Believe me! We met earlier, his name is Tobias Ortega. He’s with his friends pa nga! Cade and Tori saw them too!”“Then, why is he not here in front of me?”Napanguso siya. “Because he said he was busy but he gave me his number!” Nilabas niya ang phone niya at nilapit sa mommy niya. “Go, call him! You remember his voice naman siguro, diba? Nakausap mo po siya sa phone that night.”Tumango ito. “Okay, dial the number.”“Fine.” She rolled her eyes, she’s co
Pasado alas nueve na nang makarating si Karisma sa unit ni Nathan. Pagkabukas pa lamang ng pintuan ay sumalubong agad sa kanya ang nakangiting mukha nito.Agad niyang niyakap ang leeg nito. “Hey!”Tumawa ito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “You’re still in your uniform?”“Well, obviously. .” Umikot ang kanyang mata dahil halata naman. “So, nasaan na?”Kuminang ang mata ng kaharap at hinawakan siya sa kamay saka hinila papasok sa loob, sa may salas ay nandoon ang makinang na dress.Namilog ang mata niya. “Oh my gosh! This is so cute!”“I know!” Kinuha ni Nathan ang dress at itinapat sa katawan ni Karisma, tapos ay pinagmasdan siyang saglit. “Bagay na bagay sayo ‘to! Try it already!”Hindi na siya nagdalawang isip at hinubad ang suot niyang uniporme sa harapan nito. Nathan is gay and they’ve been friends for years. He wanted to be a fashion designer, at ang mga damit na dinedisenyo nito ay sa kanya nito pinapasuot.Suminghap si Nathan nang matapos siyang magbihis. “Really, gi
“Anong nangyari, brad?”Kanina pa nakayuko lang si Karisma habang nakatingin sa kanya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya ngayon. Nasa labas na sila ng club ngayon, matapos siyang hilahin ni Tobias palabas ay tumigil sila rito.Nag-angat siya ng tingin kay Tobias, nagsalubong ang mata nilang dalawa. Hindi man lang nito nagawang sagutin ang tanong ng kaibigan.She could see his tongue moving inside his mouth while both of his hands were on his waist, probably thinking of something.“Ayos ka lang, miss?” tanong ng isang lalaki na may buzz cut na buhok.Nilingon niya ito saglit at tumango tapos ay ibinalik agad ang tingin kay Tobias.“Yes. . I’m okay. .” sambit niya.Hindi nakawala sa paningin niya ang pag-ngisi ng isa pa nilang kasama habang naiiling-iling. Gusto tuloy malaman ni Karisma kung ano ang pumasok sa isip nito.“Pauwiin mo na lang muna, Tobi,” anito.Tobias, being an eerie human being, didn’ say anything again.“Uh, you come with me.” Mabilis niyang sabi kaya kumuno