LOGINParty-goer si Karisma. Isang gabi nang may magtangkang masama sa kanya ay iniligtas siya ng isang lalaki na nandoon, si Tobias Ortega. Nang malaman ng kanyang ina ang nangyari ay inutusan siya nitong pilitin ang binata na pumayag para maging personal bodyguard niya, kung hindi ay hindi na siya papayagan pang dumalo sa mga parties. Ngunit ayaw ni Tobias, kaya’t nagpasya si Karisma na pilitin ito at ligawan. Mapapapayag niya kaya ito?
View MoreWalang magawa si Kari magmula nang pumasok si Tobias sa school. Kaya naman naisip niya na lang na maglinis ng konti.Hindi naman niya ginalaw ang mga gamit dahil ayaw niyang makialam, nagwalis lamang siya at pinunasan ang mga kaunting alikabok sa mga gamit.Pagod na humiga siya sa higaan ni Tobias, tumitig sa kisame. Ngayon niya lang naisip kung paano siya ime-message ng binata kung wala naman silang number ng isa’t-isa.Naaalala niya na hindi totoo ang binigay nitong number sa kanya noon, dahil doon ay lalo siyang napagalitan ng mommy niya.Hindi niya naman masisisi si Tobias dahil kahit siya ay maiinis kung may hahabol nang hahabol sa kanya. Akala niya nga ay hindi mapapalapit ang loob nito sa kanya.Agad siyang napaupo nang bumukas ang pintuan, nadismaya siya nang makitang si Joaquin ang pumasok.Nakita nito ang reaksyon niya kaya tumawa ito. “‘Wag mo naman masyadong ipahalata na dismayado ka na ako ang nakita mo, nandyan na rin si Tobi sa labas.”Mabilis siyang napangiti at tumayo
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang maglaro ng Mario Kart. Racing game iyon, dati ay kadalasan nilalaro ni Karisma iyon kasama ang mga kapatid niya. Lagi niyang kakampi dati ang kanyang Kuya Felix na magaling sa mga laro.Ngayon ay magkakampi sila ni Tobias, at kalaban nila sina Domino at Joaquin.“Hindi ko makita rito sa gilid,” saad ni Domino at umupo sa carpet, samantalang si Joaquin ay katabi niyang nakaupo roon sa couch.Umupo rin si Tobias sa tapat niya, sa pagitan ng mga binti niya. Ipinatong ng binata ang braso nito sa mga tuhod niya at sumandal sa kanya tapos ay nag-angat ng tingin kaya tinakpan niya agad ng controller ang mukha niya. Paano kung hindi pala siya maganda sa anggulo na ‘yon?“Oh, simula na,” paalala ni Domino kaya bumaling na sa screen si Tobias, hinigpitan ni Kari ang paghawak sa controller niya dahil kinakabahan siya na nae-excite.Kalmado lang ang mga kalaro niya na nakatingin sa screen, pero siguradong walang magpapatalo sa mga ito.Agad na tumahimik n
Tahimik na nakatayo si Kari sa labas ng pintuan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Tobias. Pumasok ang binata sa loob kani-kanina lang at sinabing maghintay muna siya roon saglit.Nilibot niya ang tingin sa paligid habang niyayakap ang sarili, madilim kaya’t hindi maaninag. Pero may ilaw na nanggagaling sa loob kung nasaan si Tobias.“Oh, brad, bakit bigla mong inaayos ‘yang higaan mo?” Narinig niyang tanong ni Domino, nagulat siya na nandoon pala ito.“Oh, oh. Bakit tinatago mo ‘yang mga magazines?” Boses naman iyon ni Joaquin.“Ano naman kung maingay kami? May makakarinig ba?”Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto sa harapan niya. Niluwa nito si Joaquin na nakasuot lamang ng boxer shorts at puting shirt.“Kari!” Halakhak nito habang nakahawak sa frame ng pintuan, napansin niya agad ang nakapulupot na gasa sa kamao nito. “Nandyan ka pala.”Nahihiyang ngumiti siya at sinilip si Tobias na binato ng damit ang nakahubad na si Domino na nasa loob.“Pasok ka.” Hinila siya ni Joaq
Tanghali na nang magising si Kari kinabukasan. Ayaw niyang bumangon pero may kumatok sa pinto ng kwarto niya.“Sino ‘yan?” tanong niya habang nakapikit pa rin.“Ma’am Kari, oras na po ng pagkain.”Suminghap siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. “I don’t wanna eat, please, stop disturbing my sleep.”“Sige po, ma’am. Pasensya na.”Wala na ulit kumatok sa pagkatapos no’n pero hindi na rin siya nakatulog ulit. Naligo na lang siya at inayos ang sarili, aalis siya dahil hindi siya mapakali sa bahay nila. Hindi na siya komportable. Wala rin siyang ganang pumasok sa eskwelahan.Naglagay siya ng concealer para matakpan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa mga sampal ng ina, mabuti ay hindi sobra ang pamamaga kaya hindi masyadong halata. Slippers lang ulit ang sinuot niya dahil hindi siya makakalakad ng maayos sa sapatos.Pagkababa niya ay nagulat siya nang may humarang sa kanya na kasambahay.“Binilin po ni Mada’am Elena na wag kayong paaalisin.”Napairap siya sa han






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews