LOGIN"Naiwan ko yata ang cellphone ko sa sasakyan?" bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na hinahalungkat ang laman ng aking bag, ngunit hindi ko talaga ito makita roon.Tumayo ako mula sa gilid ng malambot na kama ni Tyler at sinulyapan ang nakasarang pinto ng banyo kung saan naroon siya sa loob at kasalukuyang naliligo. Narinig ko ang bagsak ng tubig mula sa shower. Hindi ko na siya inistorbo pa dahil alam ko na kung sasabihin kong bababa ako sa garahe para kunin ang cellphone ko, siguradong magmamadali lang itong matapos maligo para lang samahan ako sa ibaba.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba patungo sa malawak na sala ng mansyon. Pagdating ko roon, naabutan ko si Axel na nakahiga sa sofa habang abala sa panonood ng telebisyon. Agad itong napabangon at mabilis na umayos ng upo nang mapansin ang aking paglapit."Ma'am Sophia!" gulat ngunit magalang niyang bati."Axel, pwede ko bang mahiram 'yung susi ng sasakyang sinakyan natin pauwi kanina? Naiwan ko yata roon sa loob a
Napalunok ako nang tuluyang huminto ang sasakyan sa loob ng malawak na garahe ng mansyon ng pamilya Santibañez. Mukhang napansin ni Tyler ang naging reaksyon ko at ang panlalamig ng aking mga kamay. Binalingan niya ako nang may malambot na ngiti sa kanyang mga labi at agad na hinawakan nang mahigpit ang aking palad upang payapain ang nagwawala kong dibdib."Don't be nervous. Everything will be okay," malambing niyang bulong, sapat na para tuluyang pawiin ang natitira kong takot.Tumango ako sa kanya at pinilit na ngumiti pabalik. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at sabay na humakbang patungo sa pintuan. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ay agad na bumungad sa amin ang pamilyar na mga mukha sa sala. Naroon sina Manang Loring, si Amesyl, ang iba pang mga kasambahay, at ang Mommy ni Tyler. Bakas sa kanilang mga mukha na kanina pa sila hindi mapakali at talagang naghihintay sa aming pagdating.Sa isang sulyap ay agad na nagtama ang paningin namin ng ina ni Tyler. Mabilis siyang na
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa akin dito. Hindi niyo po ako itinuring na iba," emosyonal kong saad habang nagpapaalam na. "Hinding-hindi ko po makakalimutan ang lahat ng kabutihang ipinakita ninyo sa akin noong walang-wala ako."Mabilis na pinunasan ni Aling Roselda ang luhang pumatak sa kanyang mga mata gamit ang dulo ng kanyang daster. Sa loob ng isang buwan ay tuluyan na rin akong napamahal sa kanya kaya bakas sa kanyang mukha ang hirap na pakawalan ako."Kapag may oras kayong dalawa, bumalik at dumalaw kayo rito sa amin. Bukas na bukas ang pintuan ng bahay namin para sa'yo, Sophia... para sa inyong dalawa."Hindi ko na napigilan ang aking sarili na tuluyang maiyak. Tumango ako at mabilis na niyakap ang ginang. Mahigpit naman niya akong niyakap pabalik habang marahang tinatapik-tapik ang aking likuran upang patahanin ako."Huwag mo akong kakalimutang tawagan kapag nanganak ka na, ah?" bilin niya sa akin pagkabitaw sa yakap habang hawak pa rin ang magkabilang balikat
Noong umalis ako sa Pilipinas, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako babalik doon. Desidido na akong magpakalayo-layo sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa akin at walang nakakaalam ng aking nakaraan. Alam ko kasi na hahanapin at hahanapin ako ni Tyler kung mananatili lang ako sa bansa, at natatakot ako dahil alam ko rin kung gaano siya kapursigido, na mahahanap at mahahanap niya ako. Alam ko ang sarili ko na... kapag nakita ko siya, bibigay ako. Babalik ako sa kanya at sasama ako sa kahit saan niya gustuhin. Kaya bago ko pa magawa ang kahinaang iyon, pinili ko nang lumipad patungo rito sa Vietnam. Pero hindi ko akalain na kahit sa ibang bansa... muli’t muli niya pa rin akong matatagpuan."Alam ba... ng Mommy mo na narito ka? Hindi ka na dapat pumunta pa rito," kagat-labi kong tanong bago dahan-dahang lumunok ng laway."She knows," mabilis na sagot ni Tyler. "Alam niyang pupunta ako rito, at alam niyang ikaw ang pupuntahan ko. Sinabi ko naman sa'yo noong tumawag ako noong g
TYLER"Wala akong masyadong alam tungkol sa nakaraan ni Sophia, pero ramdam ko na may pinagdadaanan siyang napakabigat dahil madalas ko siyang nahuhuli na umiiyak sa gabi, at tulala naman sa umaga," pambungad na pagkukuwento ni Aling Roselda Lê habang inaabutan ako ng isang basong malamig na tubig. "Ni wala nga siyang working permit dito kaya patago lang talaga siyang nagtatrabaho sa amin ng asawa ko. Expired na rin ang tourist visa niya noong isang araw pa."Nasa loob kami ngayon ng mismong bahay ng mag-asawa, isang simpleng tahanan na matatagpuan sa likod lang ng kanilang kainan. Ang asawa naman niyang si Lê Đức Hùng ay tahimik na nakaupo sa tapat namin, palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa at matamang nakikinig kahit pa halatang hindi niya masyadong naiintindihan ang aming pinag-uusapan.Dito sa kusina ng bahay na ito nagluluto si Sophia ng mga pagkaing itinitinda nila araw-araw. At dahil walang anak ang mag-asawa, pinatira na rin nila rito si Sophia para may kasama sila."Alam
TYLERAlas-tres y medya na ng hapon nang tuluyang lumapag ang private jet ng The Santibañez Group sa paliparan ng Hó Chí Mính City. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras, agad kaming dumeritso ni Axel upang mag-check in sa nakuha niyang private suite na matatagpuan malapit mismo sa main square kung saan nakunan ang video presentation ni Sophia.Pagkababa pa lang ng mga gamit namin sa suite ay hinarap ko na si Axel para hatiin ang aming trabaho."Axel, magsimula ka nang magtanong-tanong sa malalaking hotels, boutique inns, at mga Airbnb listings dito sa paligid kung may registered guest ba under the name of Sophia Aragon," utos ko sa kanya habang isinusuot ang aking coat."Paano kayo, Sir?" tanong niya."Ako naman ang titingin at mag-iikot sa mga maliliit na apartment complexes at mga room for rent sa mga eskinita," sagot ko. Kung gustong magtago ni Sophia nang matagal nang hindi gumagastos nang malaki, mas pipiliin niyang manirahan sa mga simpleng paupahan kaysa sa mga mamahaling hotel.
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin







