LOGIN“Siyam na buwan, Cleah. May siyam na buwan ka para iharap sa akin ang lalaking 'yan. Kapag wala pa rin... aakuhin ko 'yan.” Mula pa noong mga bata kami, si John Clifford Jornales na ang nag-iisang lalaking nakapagpabihag sa puso ko, hanggang ngayon na tatlong taon na kaming kasal. Pero alam ko ang limitasyon ko. Kaya lang naman kami kinasal ay dahil sa kagustuhan ng mga magulang namin, hindi dahil mahal din niya ako. Noon pa man ay may nagmamay-ari na sa puso niya, si Brittany. Nang bumalik si Brittany sa buhay namin, napagpasyahan kong oras na para palayain si Cliff. Ginawa ko ang pinakamalaking kasalanan para lang itulak siya palayo. Nagsinungaling ako. Sinabi kong nagpagalaw ako sa ibang lalaki at iyon ang nakabuntis sa akin. Akala ko ay sa pagsisinungaling kong iyon ay hihiwalayan na niya ako, na pipirmahan na niya ang matagal na naming pinahandang divorce papers. Na sa wakas ay magiging masaya na siya. Pero nagkamali ako. Ayaw niyang pumirma. Ayaw niya akong pakawalan. Mananatili raw akong asawa niya hangga't hindi ko naihaharap sa kaniya ang lalaking nakabuntis sa akin. Ang hindi niya alam... wala naman akong maihaharap sa kaniyang ibang lalaki dahil una sa lahat, siya naman talaga ang ama ng pinagbubuntis ko.
View More“Cleah! Come here!”
Napatigil ako sa pag-aayos ng mga bulaklak sa vase sa dining area nang marinig ko ang pagtawag sa'kin ng asawa ko, si Clifford. Nilingon ko ang direksyon ng living room at nakita ko siya doon na nakatayo. Napangiti ako. Kahit dito, kitang-kita pa rin ang angking kakisigan niya.
Tatlong taon na kaming kasal pero heto ako't parang araw-araw pa rin in love sa kaniya.
“Ano 'yon, Cliff?” tanong ko pagkalapit ko sa kaniya. “At bakit parang ang saya mo? Anong meron sa cellphone mo?”
Dinungaw ko ang tinitingnan niya sa kaniyang cellphone pero agad din napabalik sa mukha niya ang tingin ko nang ibulsa niya ang phone.
“She's back! Brittany is finally back! Aren't you happy for me, Cleah?!” mayamayang masigla niyang tinig, hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat bago yakapin ng sobrang higpit.
Natameme ako at hindi agad nakapag-react. Si Britanny… siya ang ex niyang umalis noon at nagpunta sa ibang bansa bago kami ikasal.
Ibigsabihin, nandito na siya?
At ibigsabihin din ba nito ay… tapos na ang maliligayang araw ko kasama siya?
“Narinig mo ba ako, Cleah?! Nandito na siya! Bumalik na siya sa wakas!” tuwang-tuwa pa niyang ulit sa wikang Tagalog.
Tila nanginig ang bibig ko habang nakatingin ako sa malapad niyang mga ngiti.
"Ah—eh, g-ganoon ba? K-Kelan daw ba siya bumalik?” tanong ko nang mag-sink na talaga sa akin ang balita niya.
Diyos ko! Panaginip ba ito? Kasi kung panaginip, pwede ba'ng gisingin Niyo na ako?
Ano nang mangyayari sa kasal namin? Ito na ang napagkasunduan namin bago kami ikasal, e. Na kapag bumalik na si Brittany, maghihiwalay na kami.
Magkaibigan kami ni Clifford mula pa noong elementarya kami. Sa iisang pribadong paaralan kami pumasok mula elementarya hanggang sa makapagtapos kami ng kolehiyo. Sanggol pa lang kami ay naplano na ng mga magulang namin na balang araw ay ipagkakasundo kaming dalawa— at nangyari na nga ang kasalan noong fourth year college kami pareho.
Noong una ay umayaw si Clifford kasi may girlfriend naman siya nun at iyon ay si Brittany. Ako nama'y wala ng komento doon pero hindi rin ako tumanggi sa nasabing kasunduan kasi una sa lahat, mahal ko na siya noon pa man. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, pumayag ako sa kondisyon niyang ituloy ang kasal namin kahit may Brittany na siya sa puso niya.
Siguro'y naawa sa'kin ang panahon dahil nagkataon din na nakipag-break sa kaniya si Brittany, sunod ay nag-migrate na ito sa ibang bansa.
Hindi ko alam ang rason ni Clifford kung bakit bigla niyang naisipan na pumayag sa kasal namin, pero ikinatuwa ko iyon ng lubos-lubos.
Umaasa ako na balang araw ay mahuhulog din siya sa akin, na makakalimutan niya si Brittany kapag ako na ang kasama niya araw-araw… pero mukhang mali pala ako.
Sobrang bait at maalaga na asawa ni Clifford, tiipong siya na ang hihilingin mong mapapangasawa sa sobrang responsable niyang asawa
Ipinagluluto niya ako kapag may sakit ako, hinahatid-sundo sa trabaho, at gabi-gabing niyayakap habang natutulog. Pero alam ko sa sarili ko na ang mga trato niyang iyon sa akin ay dahil… isang matalik na kaibigan ang turing niya sa akin. Walang romansa, walang pagnanasa, o kahit anong may kaugnayan sa pag-ibig.
“Napakagandang balita niyan, Cliff! S-Sa wakas, magkikita na ulit kayo!” dugtong ko, malapad na rin akong nakangiti kahit nagsisimula nang magbara ang lalamunan ko.
“I know, right?!” natutuwa niyang sabi sabay gulo nang bahagya sa buhok ko, isang gawi na matagal na niyang ginagawa mula pa noong mga bata pa kami. “Magkikita kami mamayang gabi. I want you to meet her properly soon, Cleah. Ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan, kaya gusto kong makasundo mo siya agad!”
Tumango ako, pinigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. “Sige… excited na rin ako! Uhm, bakit 'di ka pa magbihis? Alas-sais na oh. Anong oras ba kayo magkikita?”
“Seven sharp! God, I'm so happy! I missed her so dāmn much!"
Nang tumalikod na siya at masayang umakyat sa hagdan papunta sa kuwarto namin, doon pa lang kusang nagsipagbagsakan ang mga luha ko.
Napaupo ako sa katabing sofa at doon ay huminga ako ng napakalalim. Paano na ‘to? Paano na ang… pinagbubuntis ko?
Ilang araw ko nang dinadala ang sikretong ito. Noong isang linggo ko pa nadiskubre na may nabubuhay na munting nilalang sa loob ng aking tiyan. Isang linggo ko na ring pinag-iisipan kung paano ko ito sasabihin sa kaniya. Lagi akong naghahanap ng tyempo na sabihin ito sa kaniya, dahilan kaya lagi kong bulsa-bulsa ang PT. Para kung sakaling—
Ganoon na lang ang pagkakatigil ko sa pag-iisip nang pagkapa ko sa bulsa ko ay walang PT akong nahawakan. Natigil ako sa pag-iyak at agad na napatayo.
“Saan na ‘yun?” kinakabahan kong usal sa sarili.
Kinapa-kapa ko pa ang ibang bulsa ko pero halos nabaliktad ko na ang mga ito ngunit wala talaga doon ang PT ko. “Sh*t! Saan ko kaya nalagay?!"
Luminga-linga ako sa paligid, umaasang baka nahulog ko lang ito nang hindi sadya. Subalit pagtingin ko sa bandang hagdan ay tila pansamantalang huminto sa pagtibok ang puso ko nang makita ko doon na nakatayo si Cliff.
"Cliff…” mahina at halos hindi marinig kong tawag sa kaniya.
Pinaghalong blangko at gulat ang kaniyang mukha, ang kaniyang kamay ay bahagyang nakataas sa ere habang hawak-hawak ang hinahanap kong PT.
“Cleah… is this… yours?”
Napalunok ako. Ang boses niya ay hindi na masaya. Nawala ang sigla sa mukha niya at ang kulay ng balat niya ay tila namumutla na.
“M-Maliligo sana ako pero nakita ko ‘to sa gilid ng kama natin. Sa'yo ba ‘to?" dahan-dahan na siyang naglalakad patungo sa kinatatayuan ko.
Palihim kong naikuyom ang kamao ko habang sunod-sunod na ang paglunok ko sa laway ko. “Uhm, e… akin nga ‘yan, Cliff… pero…"
Sasabihin ko ba? Pero parang hindi naman siya masaya! Kanina lang ay tuwang tuwa siyang ibinalita sa akin ang pagbabalik ng ex niya tapos ngayon…
“H-Hindi sa 'yo 'yan! N-Nabuntis ako ng ibang lalaki! I-I'm sorry, Cliff…” nanginginig kong tanggi, pilit na pinatatag ang boses bago ako napaiwas sandali ng tingin sa kaniya.
“Ibang… lalaki?” pautal-utal niyang tanong, tila hindi makapaniwala sa narinig. “P-Pero... wala ka namang naging boyfriend kahit isa. Ni hindi ka lumalabas ng bahay nang hindi nakakapag-alam sa'kin. Sabihin mo, nagbunga ba ‘yung—"
“Hindi, mali ka ng iniisip!" agap ko. “Itong pinagbubuntis ko, magdadalawang buwan na! H-Hindi sa'yo ‘to, Cliff,” muli kong tanggi at tarantang inagaw sa kaniya ang PT.
Umalinsunod ang mata niya sa kamay ko nang idiretso ko sa bulsa ang PT. Gulat pa rin ang mukha niya. At mas nagulat pa siya nang dali-dali akong umakyat sa kuwarto namin at nang balikan ko siya ay dala ko na ang matagal na naming pinahandang divorce paper.
“Heto. Actually, balak ko sanang ipagtapat ito sa'yo pero naunahan mo na ako. S-Sakto, dahil dumating na rin pala ang ex mo. H-Hindi ka na mag-iisa diba? Sa wakas… pareho na tayong makakalaya—"
“Sinong lalaki?” hindi pa man ako tapos magsalita ay sumabat na siya. "Sabihin mo, Cleah… sinong lalaki ang gumalaw sa'yo habang kasal tayo, sino?!”
Muntik na akong mapatalon sa gulat sa biglaang pagtaas ng boses niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang sunod niyang ginawa ay mariin niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog ako.
“So y-you were having an affair all this time, huh, Cleah?!” sigaw na niya.
Nginitian ko lang siya at bumalik na rin sa upuan ko. Nakatitig lang siya nang tikman ko ulit ang sabaw ng luto niya. Hindi ko naiwasang mapangiwi nang malasahan ko ulit ito. "I told you…" aniya. Binaba ko ang kutsara ko saka ko siya tiningnan. "Masarap naman.." I gulped. "K-Kaso parang nasobrahan ata ng alat." Seryoso niya akong tinanguan, para bang tinatandaan niya ang komento ko. "In fairness, ha! Maganda pagkakaluto mo ng karne. Hindi siya matigas." komento ko pa nang manguya ko ang karne. "And for the eggplant," lumunok muna ako bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ayos din ang pagkakaluto mo. Sakto lang." ngiti ko na naman sa kaniya. Tahimik lang siyang nakikinig. Kumuha na din siya ng kutsara niya saka tinikman rin ang sariling luto. Muntikan na akong matawa nang mapangiwi siya saglit. "You're right. It's salty," nakatitig siya sa bowl ng luto niya. "Damihan mo na lang ang kanin mo kung pipilitin mo pa rin kainin 'to." Napangiti na lang ako sa kaniya. Hindi dahil sa sugges
Nandito kami ngayon sa tambayan (Hideout nila). Dito niya ako dinala pagkatapos kong irant sa kaniya ng paulit-ulit si Sir. "Mabuti na lang talaga at 'di ka pumatay ng palaka. Tama na ‘yung ako lang ang nagsa-suffer ngayon." malungkot kong sabi.Nakaupo ako ngayon sa gilid ng lababo. Pinapanood siyang nagluluto. Nagbolunter kasi siya na ipagluto ako nang sa ganoon daw ay gumaan ang pakiramdam ko. Nawalan na din ako ng ganang pumasok sa susunod pa naming klase kaya pumayag na ako."Ah, huh." bulalas niya.Kanina pa ako nagrereklamo sa kaniya dito, habang siya'y abala sa niluluto. Hinahayaan lang niya akong magsalita. Tinatanguan at paminsan-minsan ay sinasagot naman niya ako. "Tapos ano… hindi ka maiiyak ng ganito." muli kong reklamo.Napalingon siya sa akin dahil medyo pumiyok ang boses ko. Huminga muna siya nang malalim bago ako nilapitan.“He’ll be punished, don’t worry.” he said then stared at me while gently tapping my head, trying to calm me down.Mas lalo lang akong naiyak nan
"Oh, ba't 'di pumasok ang isang 'yun?" bungad sa akin ni Alyzza. Saglit niyang sinulyapan ang pintuan bago niya binaling ulit ang tingin sa akin. "May pupuntahan daw, eh. Babalik din naman daw mamaya." mahinahong sagot ko. Dala-dala ang garapon, sabay kaming naupo sa assigned seat namin. Napangiwi ako nang silipin ko ang loob nito. Dilat na dilat ang mukha ng palaka pero buhay pa naman. “Wear your gloves. We’ll start in just a minute.” utos ni Sir. Agad din naman namin dinampot ang kaniya-kainyang gloves na iniwan namin dito kahapon. Muntikan na akong masuka nang damputin ko ang palaka palabas sa garapon. Gumalaw-galaw pa ito na parang gusto ng kumawala. "Stay still. Huwag kang makulit." Inis kong bulong sa palaka. Using a pushpin, I smiled as I successfully pinned the frog to my assigned table. Napabusangot ako nang makita ko ang hitsura ng palaka. Parang naiiyak siya na ewan, o baka ini-imagine ko lang na ganoon? Nilingon ko si Alyzza at nakita kong mukhang parehas lang din
He shook his head. “What exactly did I say? As far as I remember, that’s not what I said. Think about it.”"Ah basta! 'Yun na 'yon!" sabi ko na lang.Tinikom ko ang bibig ko saka iniwas na ang tingin sa kaniya. Wala sa sarili kong hinawakan ang mainit-init pang kape ko nang…"Mikaela—" Huli na nang subukan niya akong pigilan. "Aw!" napadaing ako nang matalsikan ng mainit na tubig ang kamay ko nang bigla kong mabitawan ang baso. Mabilis niyang nahigit ang napaso kong kamay papunta sa may lababo. Hindi naman humahapdi pero kung maka-react naman ang isang 'to parang mababalian na ako ng braso. "Kuha muna ako ng petroleum." sambit ni Alyzza. Nginitian lang siya ni Daniel at umalis na para kunin ang petroleum. "Careful next time, tss." Carefulin mo mukha mo. Tss. "Okay lang naman ako." pabulong kong sabi.Diretso lang ang tingin ko sa bumubuhos na tubig galing sa gripo. Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kaniya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya nito.Mabuti na lang at
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews