Share

Chapter 2

Auteur: London Bridge
last update Dernière mise à jour: 2026-03-09 12:02:08

Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.

“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.

Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”

“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”

Natigilan ako. “A-Ano?” mahina kong sagot, pilit na pinakakalma ang aking boses. “Anong… ibig mong sabihin?”

Lumapit si Manang, hawak pa ang basahan niya. “Hindi rin po umuwi si Sir Rowan kagabi. Sabi namin baka magkasama po kayo.”

Parang biglang lumiit ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ang lakas ng kabog ng puso ko, ramdam ko hanggang sa aking mga tainga.

“Ako lang ang umuwi?” pilit kong sabi, sabay iwas ng tingin. “Si Rowan… hindi pa rin ba talaga dumarating hanggang ngayon?”

Umiling si Manang, at kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. “Hindi pa po, Ma’am. Wala pa siyang tawag, wala ring message.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kung hindi ko kasama si Rowan kagabi, tapos hindi siya ang lalaking nasa kama ko kanina paggising ko, ibig sabihin… lalong nanginig ang aking mga kamay.

Oh my god... ano ba talagang nangyari kagabi?

“Ma’am, gusto niyo po bang kumain muna? Mukhang pagod na pagod kayo.” Pagpapatuloy pa ni Manang. Alam kong nagtataka siya sa magulo kong hitsura; hindi pa rin kasi sapat kahit nag-ayos ako nang kaunti bago bumaba ng taxi.

Umiling ako. “Hindi. Gusto ko lang magpahinga.”

Mabilis akong umakyat sa kuwarto naming mag-asawa. Bawat hakbang, parang tinutusok ng karayom ang aking dibdib. Ang dami kong tanong na lalo lang dumarami, pero wala kahit isa ang may kasagutan. Pagkasara ko ng pintuan, napaupo ako sa sahig. Umiyak ako nang tahimik habang yakap ang sarili kong mga braso, na parang gusto kong burahin ang lahat ng nangyari.

Napakagat ako sa aking labi, pinipigilan ang sigaw ng pagkasuklam at hiya sa sarili. Pero ang sakit ng katawan ko, ang mga labi kong namamaga, at ang imahe ng mukha ng lalaking nakasiping ko ang huli kong nakita bago ako tumakbo palabas ng kuwartong iyon… lahat iyon, hindi ko kayang burahin.

Pumasok ako agad sa banyo, halos madapa pa sa pagmamadali. Pagtingin ko sa salamin ay napaatras ako. Doon ko lang napansin ang mga mapupulang marka sa aking leeg, sa braso, hanggang sa dibdib.

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang shower knob. Bumuhos ang malamig na tubig, pero pakiramdam ko hindi iyon sapat para linisin ang dumi na bumabalot sa aking balat. Dinampot ko ang sabon at body scrub saka sinimulang kuskusin ang bawat parte ng aking katawan. Halos magasgas na ang balat ko sa sobrang diin.

“Please, go away!" paulit-ulit kong bulong. Pilit kong iniisip na baka kapag mas lalo kong kinuskos ay mabubura rin ang lahat ng nangyari. Pero habang ginagawa ko iyon, mas lalo kong nakikita ang mga marka at pamumula sa balat ko. Mga ebidensya na hindi ko kayang itanggi.

Pagdampi ng kamay ko sa aking dibdib ay napaigtad ako sa kirot. Maging ang aking mga nipplès ay tila namamaga. Ang bigat ng pakiramdam, para bang may nakadagan pa rin doon.

Napaluhod ako sa malamig na sahig ng banyo habang patuloy ang agos ng tubig mula sa shower. Doon ako tuluyang umiyak nang malakas, wala na akong pakialam kung marinig man ako ng mga kasambahay.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Nakakadiri. Nandidiri ako sa sarili ko. Para akong binaboy, at ang mas masakit pa, hindi ko alam kung paano haharapin ang asawa ko o kung paano ipapaliwanag na wala akong matandaan man lang sa nangyari.

Bandang hapon, narinig ko ang malakas na busina sa labas. Napabalikwas ako mula sa kama. Ramdam ko ang kaba, parang gusto kong sumuka. Dumating na siya. Dumating na yata si Rowan. Hindi ko rin namalayang nakatulog ako sa kaiiyak.

Nag-unahan ang mga katulong sa pagbukas ng gate. Mula sa bintana, tanaw ko ang pamilyar na kotse. Bumaba si Rowan, maayos ang suot, parang walang nangyari. Nakangiti pa siya nang ibaba ang kanyang sunglasses.

“Nasaan si Sophia?” agad niyang tanong kay Manang habang tinatanggal ang kanyang coat.

“Sir, nandoon po sa taas, nagpapahinga. Kanina pa po siya dumating,” sagot ni Manang.

Tumango si Rowan, halatang pagod pero excited. “Tawagin mo siya, gusto ko siyang makita.”

Doon ay lalo akong napaiyak nang tahimik. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto ng kuwarto namin, pinapakinggan ko siya habang nagsasalita sa baba. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa guilt. Gusto kong bumaba, gusto kong yakapin ang asawa ko, pero nanginginig ang aking mga tuhod. Natatakot akong makita niya ang aking mga pasa. Natatakot akong tumingin nang diretso sa kanyang mga mata at makita niya ang bagong sikreto na pilit kong itinatago.

At sa sandaling narinig ko siyang umaakyat na sa hagdan, mas lalo akong kinabahan. Narinig ko ang bawat yabag niya. Mabigat, pamilyar, pero ngayon parang bawat tunog ay tinatamaan ang puso ko ng matalim na bato. Humigpit ang kapit ko sa kumot, halos mawalan ng kulay ang kamao ko sa higpit. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

Pagbukas ng pinto, bumungad ang mukha ni Rowan. Maayos pa rin siya, mabango ang hitsura, walang bahid ng pagod na parang galing sa inuman kagabi. Pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko ang pamamaga ng aking mga labi.

“Sophia,” mahina niyang tawag.

“K-Kararating mo lang?” tanong ko.

Tumango siya, tinanggal ang relo at inilapag iyon sa mesa. Para bang walang problema, parang wala man lang balak magpaliwanag kung bakit hindi kami magkasamang umuwi. Hindi ko na napigilan. Mabilis kong itinanong, halos pabulong pero puno ng kaba.

“Rowan, nasaan ka ba kagabi? Bakit hindi ka umuwi? I mean, bakit hindi tayo sabay na umuwi?”

Natigilan siya, tumingin saglit sa akin, tapos parang wala lang bago sumagot. “Si Mariel. May sakit siya kagabi. Tinawagan niya ako. Medyo boring na iyong party, so I just stayed with her buong magdamag.”

Parang may sumabog na bomba sa loob ng dibdib ko. Napasinghap ako pero agad kong tinakpan ng pilit at mapait na ngiti ang reaksyon ko. Si Mariel. Palagi na lang si Mariel. Lagi itong handang puntahan at alagaan ni Rowan, pero sa akin, laging nawawala kapag kailangan ko siya.

“Ni hindi mo man lang naisip na naiwan ako roon, Rowan? Hindi mo man lang…”

Gusto kong isigaw sa kanya, "Habang inaalagaan mo siya, alam mo ba kung anong nangyayari sa akin? Habang pinipili mo siya, bakit ako napunta sa kama ng kaibigan mo?"

Pero wala akong nasabi. Nilulon ko ang lahat ng pait at pilit na ikinubli ang sakit. Dahil alam na alam ko ang isasagot niya kung sakaling sumbatan ko siya.

“Ah, ganun ba,” mahina kong sagot, may bikig ang aking lalamunan. “Mabuti naman at napuntahan mo siya.”

Ngumisi si Rowan, pero malamig. “Of course. Alam mo namang hindi ko matitiis ang babaeng mahal ko, hindi ba?”

Muli ay naramdaman ko ang pagkadurog ng aking puso. Sinasadya talaga niya ito para ako na mismo ang makipaghiwalay. Matagal ko nang alam na hindi ako minahal ng asawa ko. Para sa kanya, isa lang akong babaeng napilitan niyang pakasalan dahil kailangan niya makuha ang mana niya. Hindi boto ang pamilya ni Rowan kay Mariel dahil minsan nang niloko ni Mariel si Rowan.

Tumalikod siya sandali para magpalit ng damit, at doon ko tinakpan ang aking bibig upang pigilin ang mga hikbi.

Kasalanan ko ito dahil pinilit kong pakasalan siya kahit hindi naman talaga ako ang gusto niya. Hindi ko puwedeng ipagtapat ang nangyari kagabi, kung paanong gumuho ang mundo ko sa tabi ng kaibigan niya. Lalo lang siyang magkakaroon ng dahilan para hiwalayan ako.

**

Kinabukasan, maaga pa lang ay narinig ko na ang ingay sa sala. Mabigat pa rin ang aking katawan, pero bumangon ako dahil sa kakaibang kaba. Pagbaba ko ng hagdan, muntik na akong mapamura sa nakita ko.

Si Mariel.

Nakaupo siya sa sofa na para bang siya ang may-ari ng bahay. Halos nakabilad ang katawan, naka-nightgown pa, may kasamang maliit na overnight bag.

“Good morning, Sophia,” sarkastikong bati niya. “Nakakahiya man sabihin, pero I’ll be staying here for a while. Hindi ko na kayang mag-isa sa condo ko, lalo na ngayon na masama ang pakiramdam ko. Kailangan ko ng mag-aalaga sa akin.”

Nanlaki ang aking mga mata, at lumabas ang matagal ko nang itinatagong galit. “Mariel, ang kapal din talaga ng mukha mo, ano? Dito pa talaga sa bahay namin? Mukha ba itong hospital para dito ka magpaalaga?”

Ngumisi siya, parang alam na alam na matatalo niya ako kahit ako pa ang legal na asawa. “Rowan loves me, Sophia. Alam mo naman iyan. Kaya wag ka na ring magpanggap na masakit ito para sa iyo dahil matagal mo ng alam na hindi ka niya mahal.”

Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig. Ako ang asawa, pero ako ang tinawag na intruder. Pero hindi ako magpapatalo.

“At the end of the day, hindi ikaw ang asawa. Hindi ikaw ang pinakasalan niya,” mariin kong sagot, pilit pinatatatag ang aking boses. “Ako. Ako ang may karapatan dito, Mariel. Kung may dapat lumayo, ikaw iyon.”

Bago pa makasagot si Mariel, bumukas ang pinto. Dumating si Rowan galing sa pagja-jogging. Sa isang iglap, nawala ang kaunting lakas ng loob ko, pero hindi ako umatras.

“Rowan,” lumapit agad si Mariel sa kanya, parang siya ang asawa rito. “I told Sophia na dito na muna ako. I hope it’s okay to her. Hindi naman ako magtatagal, mga dalawang linggo lang."

Hindi ko na napigilan ang sumigaw. “Naririnig mo ba ang kahibangan ng babaeng yan, Rowan? Papayagan mong dito tumira ang babae mo? Sa mismong bahay natin?”

Tumitig sa akin si Rowan. Malamig ang kanyang mga mata. Walang ni katiting na usig ng konsensya.

“Sophia, if you can’t handle this situation anymore, then maybe we should annul our marriage."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 3

    Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na niyang makipaghiwalay.Mabigat pa rin ng dibdib ko, pero pinipilit kong huminga nang maayos. Hanggang sa may marinig akong tunog ng sasakyan sa labas ng gate.Sa una ay inisip ko na baka si Rowan iyon. Pero nang bumukas ang malaking gate at makita ko ang isang itim na sports car na pumasok, halos mahulog ang tasa sa aking kamay.Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Tumigil ang kotse sa mismong harap ng mansion, at bumukas ang pinto. Mula roon ay lumabas ang isang matangkad na lalaking may dominanteng aura.Siya yung lalaking... nakasiping ko!Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanuyo ang lalamunan ko, at ang puso ko? Para itong gustong kumawala sa dibdib ko sa sobrang lakas n

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 2

    Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Natigilan ako. “A-Ano?” mahina kong sagot, pilit na pinakakalma ang aking boses. “Anong… ibig mong sabihin?”Lumapit si Manang, hawak pa ang basahan niya. “Hindi rin po umuwi si Sir Rowan kagabi. Sabi namin baka magkasama po kayo.”Parang biglang lumiit ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ang lakas ng kabog ng puso ko, ramdam ko hanggang sa aking mga tainga.“Ako lang ang umuwi?” pilit kong sabi, sabay iwas ng tingin. “Si Rowan… hindi pa rin ba talaga dumarating hanggang ngayon?”Umiling si Manang, at kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. “Hindi pa po, Ma’am. Wala pa siyang tawag, wala ring message.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kung hindi ko kasama si Rowan kagabi, t

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 1

    "Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa tapos ang party. Nakakahiya naman kung aalis ako agad," tugon niya.Isang baso lang naman ng cocktail juice ang nainom ko pero bakit parang isang balde ng alok ang nilaklak ko."Halika, magpahinga ka muna." Inalalayan ako ni Rowan at inalis doon sa table namin.Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil halos hindi ko na makita ang dinadaanan namin. Pero narinig ko ang pagbukas ng elevator kaya alam kong paakyat kami sa itaas ng penthouse.“S-Saan... tayo pupunta?”“Sa itaas, makapagpahinga ka muna roon, Sophia,” sambit ni Rowan. Hindi ako sigurado pero parang may matinding excitement sa tono niya.At alam ko kung bakit siya nagmamadali na mailagak ako sa isang silid. Ito ay upang malaya na

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status