Share

Chapter 5: Finally, 21

Penulis: Maecel_DC
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-20 05:27:59

Kinaumagahan ay dumating kaagad ang mga kaibigan ko habang si Piere yata ay natutulog pa sa kwarto niya. Balita ko ay uminom siya kagabi ng wine kaya pala bahagya niya akong iniiwasan.

Ang mga kaibigan ko ay pinaupo ko sa entertainment area, si manang naman ay ginawan kami ng masarap na meryenda.

“Nasaan na ang sinasabi mong lalake?” bulong ni Hani sa akin.

“Tulog pa siya,” nakangiting sabi ko.

“H-Hindi ka ba niya sinasaktan?” pabulong na sabi ni Hani habang tumitingin sa kanan at kaliwa na para bang may makakarinig no’n.

“Hindi naman?” nagtatakang sagot ko.

Nang breakfast na ay pinaghandaan kami ni manang, ngunit biglang may tumikhim sa gilid dahilan para mapalingon rin ako.

Nakita ko naman si Piere na tila kagigising lang at basa pa ang buhok na mukhang galing sa paghilamos.

“Good morning,” inaantok na bati niya dahilan para mas malalim ang boses niya at tila namamaos maos pa.

“Hala ampogi!” bulong ni Hani at siniko ako, napahawak naman ako sa tagiliran ko.

“Gago, noong umulan ng kagwapuhan ay binabaha siya!” dagdag sabi ni Hani kaya natawa ako.

“Can I join?” wika ni Piere at nakapamulsang naglakad papalapit sa tapat ko dahilan para makatabi niya si Merly na halos mahimatay sa kalatili niya ng walang tunog.

Abnormal talaga ‘tong mga ‘to nakakahiya!

“S-Sure po!” uutal utal pang sabi ni Hani.

Dahil doon at tahimik kaming kumain, “Girlfriend mo po ba si Lumi? Bakit niyo po pala pinatira si Lumi dito?” derederetsong tanong ni Merly.

Napangiwi ako dahil natigilan sa pagnguya si Piere, nang matapos niyang makain ‘yon ay alanganin siyang tumawa at tinignan ako.

“H-Hindi ko sinabing boyfriend kita, promise! Wala,” mabilis na sagot ko.

“Well, I guess you can call it like that, I mean our relationship. Right?” Sunod sunod akong tumango sa sinabi ni Piere.

Matapos namin mag-umagahan ay aakyat na sana si Piere ngunit sinenyasan niya ako. “Follow me.”

“Saglit lang ha,” sabi ko sa mga kaibigan at lakad takbo na sumunod kay Piere.

Halos masamid ako nang dumeretso siya sa kwarto niya dahilan para kabahan ako, ngayon lang ako makakapasok sa kwarto niya.

Pagkapasok sa loob ay natigilan ako noong isarado niya ang pinto ng kwarto at i-corner ako sa likod no’n.

“P-Piere,” nauutal na sambit ko sa pangalan niya at tiningala siya sa likas niyang tangkad.

Ang berde niyang mata ay tila dumidilim ang tingin, “You know our rules right?”

“Po? Opo,” mabilis na sagot ko.

“Alright, don’t meet your father behind my back. I already—”

“P-Paano po kapag emergency? Bawal rin po?” pagputol ko sa sasabihin niya, hindi siya nakasagot at umiwas tingin.

“Your father is a gabling addict, he’ll do anything to make sure he’ll have the money he needed. If I ever had an encoun—”

“Pwede po tagalog niyo na lang? Hehehe, ‘di ko po gets eh. Ambilis po at may accent,” nahihiyang sabi ko ng nakangiti.

Nauubos ang pasensya niyabg huminga ng malalim, “Yung ama mo kako, sa sobrang lulong sa alak at sugal baka may gawin sa’yo para lamang magkapera siya. Malinaw?” pag-uulit niya kaya ngumiti ako at tumango.

“For emergency, then I guess I don’t have a choice but to let you, in one condition, make sure you’re with my butler.” Tango lamang ang isinagot ko.

“Aalis po muna kami para gumala sa mall, salamat!” paalam ko at aalis na sana ngunit mabilis niya akong naibalik sa kinatatayuan nang mahuli niya ang bewang ko.

“Ano pa po—” Naputol ang sasabihin ko noong mabilis siyang yumuko at dinampian ng halik ang labi ko.

“Have fun,” mahinang sabi niya matapos humiwalay at hinawakan ako sa balikat upang palabasin sa kwarto niya.

Pero bago ako saraduhan ay pinigil ko ang pinto, “Ano po iyang nakaumbok?” Turo ko sa pants niya dahilan para mapalunok siya at takpan iyon.

“Wala, alis na.” Taboy niya at tuluyan akong sinaraduhan.

MAKALIPAS ang ilang linggo ay birthday ko na, masaya akong tinitignan ang buong garden ng mansion ni Piere dahil may mga dekorasyon iyon at may mga handa.

“What’s your birthday wish?” nakangiting sabi ni Piere at sinuotan ako ng party hat na parang bata.

“Hmm, pwede po ba pumunta si itay?” baka sakali ko.

Natigilan siya at unti-unti na nawala ang ngiti sa labi, “I’ll see what I can do,” bulong niyang tugon at walang gana akong tinalikuran.

Maya-maya ay magsisimula na ang party, ngunit mas natuwa ako noong kalagitnaan ng kasiyahan ay dumating si itay.

“Itay!” masayang bati ko sa kanya at tumakbo upang yakapin siya, ngunit nang akapin ko siya ay halos sumalampak ako sa sahig noong itulak ako nito.

“Ano ba’t yayakap yakap ka pa? Hindi ka na bata,” pabalang na sabi niya dahilan para manlabo ang mata ko.

Masakit yung pagkakasalampak ko, ngunit mas masakit ang naging pag tanggi niya sa yakap ko.

“N-Ngayon lang po tayo nagkita e—”

“Aba’y masaya nga ako ng nawala ka, wala akong palamunin na iniisip!” pasigaw niyang sabi, tinulungan naman ako ni manang na itayo.

Lumabi ako at iniiwas ang tingin sa kanya, maging si Hani at Merly na natatanging bisita ko ay nabigla.

“A-Ano ho bang ginawa ko sa inyo at ayaw na ayaw niyo sa akin?” nagsimulang mabasag ang boses ko dahil sa kakapigil ko ng luha.

Maging ang lalamunan ko ay tila sinasakal, ngunit hindi lang ‘yon, ramdam ko rin ang pagpiga sa puso ko dahil sa sariling tanong.

“Kalokohan na itanong pa sa akin ‘yan, kung hindi ako pinakiusapan ng butler ni Sir Piere ay hindi ako pupunta rito. Ang kapal ng mukha mong mag-enjoy sa kaarawan na namatay ang ina mo!” bulyaw niya dahilan para sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ko.

K-Kaya nga ngayon lang ako pinaghandaan sa sariling kaarawan ko, ngayong bente uno lang ako nagkaroon ng birthday party at masarap na three-layered cake.

“That’s enough,” pag-awat ni Piere at malamig ang mga tinig na tumayo sa aking harapan.

Matipid siyang ngumiti sa akin, “Ang sabi ko ay dumalo ka sa kaarawan ng anak mo, hindi maghasik ng lagim dahil sa galit mo sa kanya,” seryosong sabi ni Piere at nilingon ang ama ko.

“S-Sir Piere,” mahinang sambit ni itay sa pangalan ni Piere.

“Mabuti pa’t umalis ka na Julio, habang may natitira pa akong isang porsyento ng pasensya.” Tinalikuran ni Piere si ama at hinawakan ako sa kamay.

“Don’t spoil your own party, Lumi. Have fun and just like what your father did, stop caring.” Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at inayos ang buhok ko.

“Pakilabas ang basura, guards!” malakas na sabi ni Piere dahilan para panoorin ko si ama na palabasin ng guwardiya ni Piere.

Tinitigan ko naman si Piere na maganda ang ngiti sa akin, “Happy 21st birthday, Lumi.”

“P-Piere,” naiiyak na usal ko sa pangalan niya.

“Don’t cry, I’ll make sure to make your birthday memorable…” pabulong niyang usal kaya napalunok ako.

‘Memorable?’

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad   Chapter 159: When The Feelings Arise.

    =Avelina’s Point Of View= A week later… Dahil sa mga hints ni Eren at mas ninenerbyos ako sa tuwing nasa paligid siya. Para bang may gagawin o sasabihin na naman siyang bago at hindi ko inaasahan. Pagkauwi ko ng bahay ay madilim na sa labas, pagkapasok ko ng penthouse ay natanaw ko kaagad si Eren na nakaupo sa sala kaharap ang laptop niya. “I’m home,” bati ko. Napalingon siya at tumango, abala sa pagtipa ng kanyang laptop. “Did you eat?” tanong niya habang hindi nakatingin sa akin. “Mm, with my friends…” “That’s good. Because I already did with my parents,” kwento niya. “Shower lang ako,” paalam ko. Tango lamang ang ibinigay niyang sagot kaya naman pumasok na ako sa kwarto at nilinisan ang sarili ko. Matapos mag-shower ay lumabas akong basa pa ang buhok. Sinulyapan ko siya na abala sa pagtitipa pa rin sa kanyang laptop. Nang mapansin niya ako ay mabilis akong umiwas tingin lalo na nang lumingon ang berdeng mata niya na batid kong nakuha niya sa ama niya. “Avi,” I he

  • Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad   Chapter 158: Where Is This Going?

    =Avelina’s Point Of View= “Naging literal na sandal ah,” natatawang sabi ko sa kanya. “Ah…” mahinang tugon niya at tumawa ngunit napalunok ako nang abutin niya ang kamay ko at hawakan iyon sa ibabaw ng kanyang hita. ‘Luhhhh?!’ “This is how I lean on someone, that’s why I’m not used to it,” he whispered lowly before chuckling. Napangiti ako at hindi ko maitanggi na ang kiliti sa puso ko ay mas lumala. Hindi ko alam kung bakit, pero parang tumigil ang mundo nang hawakan niya ang kamay ko. Para bang gusto kong magtanong, pero natatakot akong malaman ang sagot. Tinitigan ko siya, pero abala siya sa pagtitig sa aming magkahawak na mga kamay, parang wala siyang balak bitawan ito. “Eren…” mahina kong tawag, pero parang wala siyang naririnig. Tumayo siya bigla, hawak pa rin ang kamay ko, at hinila ako papunta sa balcony. Napatigil ako nang maramdaman ang malamig na hangin sa labas. Tila nagising ako mula sa tulirong pakiramdam kanina. “Ano na naman ’to?” tanong ko, pilit na ina

  • Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad   Chapter 157: Lean On Me.

    =Avelina’s Point Of View= I stayed by his side hanggang sa maging stable si Lysèe. “M-Maupo ka muna while your parents are on their way,” mahinahon na sabi ko kay Eren at hinawalan siya sa braso at iniupo sa tabi ko. Tulala niya akong sinunod. Hindi inaalis ang tingin kay Lysèe. Para siyang na-trauma. Namumutla rin ang mukha niya at punong puno ng dugo ang damit at katawan niya. Bumuntong hininga ako. Galing kasi sa ibang bansa ang parents niya dahil sa business trip. Nang mailipat si Lysèe sa pribadong kwarto ay nagising na si Lysèe. “J-Just w-why did you do that huh?” Mariing tanong ni Eren at tila maluha-luha ang mga mata. “K-Kuya,” mahinang tawag ni Lysèe at doon ay sunod-sunod na siyang umiyak. “I’m asking you! What’s happening huh?” gitil ni Eren at halatang pinipigilan ang galit. “I-I’m so tired, I’m so t-tired…” umiiyak na bulong ni Lysèe at nakakahawa ang iyak niya dahilan para umiwas tingin ako. Lalo na nang yakapin siya ni Eren at patahanin. It was so emotion

  • Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad   Chapter 156: Showing Flaws.

    =Avelina’s Point Of View= I really had fun with him. Parang kumpletong kumpleto ang araw ko sa mga simpleng tawa at ngiti niya. Sa pagod kakakuha ng litrato ay parehas kaming bumagsak sa kama. Hinarap niya ang laptop at ako naman ay nag-edit ng pictures. Nakadapa ako sa kama habang siya ay nakasandal ang likod sa headboard at prenteng tumitipa sa kanyang latest na laptop. “How’s business?” kalmadong tanong ko while playing with the filters. “Good. Doing great and smooth,” tugon niya. “Pinag-isipan mo na ba yung alok ko na trabaho?” “Mm, kahit ano. Ayos lang. Basta kumikita. Dad won’t let me in on his company. Wala siyang tiwala sa isang gastador na tulad ko,” mahinang sabi ko at tumawa. Napansin ko ang pagsulyap ni Eren sa akin kaya tinignan ko rin siya. “Oh baka wala ka na ring tiwala sa akin?” natatawang biro ko pa at sinagi ang hita niyang nasa gilid ko lang. “Hindi naman. But I can train you in handling company, since we’re husband and wife. Para naman may katulong

  • Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad   Chapter 155: It suits you.

    =Avelina’s Point Of View= “Let’s go shopping,” sabi bigla ni Erem. Mapabangon ako sa kama at mabilis na pumasok sa closet at kinuha ang damit na nadala ko sa maleta tsaka mabilis na lumabas. “Tara?” anyaya ko agad. “Bilis ah?” he chuckled. “Syempre! Ikaw na nag-insist no’n eh,” ngising sagot ko at inunahan ang daan. Sa pagsunod niya ay nagawa niyang sabayan ang excited na yabag ng paa ko. Habang papunta kami sa magagandang bilihan rito ay nagkusa na siyang kumuha ng basket at sinundan ako. “Uy bagay sa’yo ‘to! Kunin natin!” angil ko at inilagay ‘yon sa hawak niyang basket. Halos ang daming bagay sa kanya na masusuot dito at hindi ko mapigilan ang sariling pormahan siya. Para kasi siyang model, halos lahat bagay at maganda tignan lalo na sa physique niya. Habang tumitingin ay natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kanya. “Stop picking something for me, Avi. Choose something for yourself too,” seryosong sabi niya magkalapat ang mapupulang labi dah

  • Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad   Chapter 154: Honeymoon of Relaxation.

    =Avelina’s Point Of View= [Sa Resort] Pagdating namin sa isang mamahaling resort na may pribadong villa, napalunok ako sa laki ng lugar. Ang buong paligid ay parang postcard na binuhay. May infinity pool, mga punong nakapalibot sa villa, at ang dagat na hindi kalayuan. “E-Eren… this is too much,” mahina kong sabi habang nakatingin sa paligid. “Hmm. This is just the standard,” sagot niya, tila walang epekto sa kanya ang engrandeng lugar na ito. Pumasok kami sa loob ng villa, at lalo lang akong natulala. Ang loob ay moderno at elegante, mula sa mga chandelier hanggang sa napakalambot na sofa. Ang kama sa kwarto ay napakalaki, at tila ba ang bawat detalye ay iniisip para sa karangyaan. Habang abala si Eren sa pagseset ng mga gamit niya, ako naman ay napaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matutuwa o maiilang. “Avelina, tara. Let’s eat dinner,” tawag niya mula sa terrace na may perfect view ng dagat. Sa Dinner Tahimik ang paligid habang kumakain kami ng masarap na st

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status