Share

“You can't leave me.”

Mariing nakapikit ang mga mata ni Etel, subalit pabaling-baling ang kanyang higa at tila hindi mapakali.

“Uhm . . . ”Basam-basa ang kanyang damit na tila ay galing siyang naligo pagkatapos ay dumiritso ng higa. Tanging ungol na maykalakip na impit at iyak ang tanging maririnig mula sa dalaga.

“Uhmm . . . ”

“Mo-mommy . . . I'm your princess . . .

Help . . . Mommy . . ."

“No!”

“Ahhh!” Napabalikwas nang bangon si Etel nang magising mula sa kanyang panaginip. Tumayo s’ya at nagtatakang napatingin sa kanyang paligid. Makikita ang takot at pagkalito sa kanyang mukha. Animo’y iniisip niyang totoo ang kanyang napanaginipan. Wala siyang magawa habang unti-unting pumapasok sa kanyang isipan kung ano talaga ang nangyayari.

“Sinong mommy?” Bakas sa boses ni Etel ang matinding pagtataka. Sapagkat ni minsan ay hindi pa niya tinawag na Mommy ang kanyang Nanay Katrina. Mas lalong wala siyang alam na mommy, maliban sa nanay niya.

“Sino ang babaeng nasa panaginip ko?” Sapo ni Etel ang kanyang dibdib.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status