HINDI mapigilan ni Naya ang mamangha ng igala niya ang tingin sa paligid ng makapasok sila ng Mama niya sa loob ng penthouse ng Ninong Hugo niya.
Sobrang laki kasi niyon, doble yata ng inuupuan nilang bahay. Hindi lang iyon, napakaganda nga din ng interior design ng loob. Naghahanap ang Ninong Hugo ng maglilinis ng bahay nito pero mukhang wala naman ng lilinisin doon dahil sa sobrang linis. Wala nga siyang makitang kahit konting alikabok sa paligid. Hindi nga din niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya dahil mukhang hindi sila mapapagod doon. Wala kasi silang masyado lilinisan, magluluto at maglalaba na lang ang gagawin nila doon. Sinabi din ng Mama niya na hindi sila mahihirapan sa paglalaba doon dahil may washing machine naman daw. Hindi nila kailangan na magkamay. Ngayon araw ang unang trabaho ng ina sa Ninong Hugo niya. At gaya iginiit niya ay sasama siya sa Mama niya kapag magta-trabaho ito doon. Naipagpaalam nga din nila iyon kay Ninong Hugo ng puntahan nila ito sa kompanya nito. At pumayag naman ito. And speaking of Ninong Hugo, hindi siya makapaniwala na sobrang gwapo ito. Maling-mali siya sa iniisip niya noon na hitsura nito. Ninong Hugo is tall, fair complexioned, well-built and oozing with sex appeal. Daig pa nito ang artista at modelo kilala ni Naya. "Mag-trabaho na tayo, Naya, para matapos na tayo agad. May pasok ka pa mamaya sa coffee shop. Para may oras ka pang makapagpahinga kahit saglit," mayamaya ay wika ng Mama niya. "Sige po," sagot naman niya. "Ako na ang bahala sa kusina. Ikaw na lang ang maglinis ng penthouse," wika ng Mama niya sa kanya. "Mamaya na lang po ako maglilinis, Ma. Samahan ko muna kayo sa pagluluto," suhestiyon niya. Wala naman ng nagawa ang Mama niya kundi gawin ang gusto niya. Nagtungo sila sa kusina at hindi na naman niya napigilan ang mamangha nang makita ang mga ilang kasangkapan doon na tanging sa picture lang na makikita. "Ano pong lulutuin nating dinner ni Ninong Hugo, Ma?" mayamaya ay tanong niya. "Sinigang na baboy, Naya. Paborito iyon ng Ninong mo," sagot sa kanya ng Mama niya ng buksan nito ang fridge. Nang sumilip nga din siya doon ay nakita niyang punong-puno iyon. Napatingin nga din sila sa bottled beer na nasa fridge. Mahilig din yatang uminom si Ninong Hugo. Inilabas naman na ng Mama niya ang mga ingredient sa pagluluto ng Sinigang. At sa sumunod na sandali ay abala na sila ng Mama niya sa pagluluto at habang hinihintay ng maluto iyon ay inutusan na siya ng Mama niya na maglinis, ito na daw ang bahala doon. Nagsimula naman na siyang sundin ang inutos ng Mama niya. At dahil wala naman masyadong lilinisin ay natapos agad siya. Mayamaya ay napatingin si Naya sa isang pinto na nakasara doon. Naisip ni Naya na baka kwarto iyon ni Ninong Hugo. Humakbang siya palapit doon para linisin din. Pero hindi pa niya napipihit ang seradura ng mapatigil siya ng tawagin siy ng Mama niya. "Naya." Nilingon niya ang Mama niya at sumalubong sa kanya ang magkasalubong na kilay nito. "Ayaw na ayaw ng Ninong Hugo mo na may ibang pumapasok sa kwarto niya," imporma nito sa kanya. "Oh," sambit naman niya. "Paano ko po lilinisan ang kwarto ni Ninong Hugo kung hindi po ako papasok?" "Ang Ninong Hugo mo ang naglilinis ng kwarto niya," sagot ng Mama niya. Tumango na lang naman si Naya bilang sagot sa sinabi ng Mama niya. Gusto din sana sabihin na paano niya lalabhan ang mga maruruming damit nito kung hindi niya iyon kukunin sa kwarto nito? Umalis naman na siya sa harap ng pinto para maghanap ng ibang gagawin. Hanggang sa mapatigil si Naya at napatitig sa dalawang picture frame na naka-display. Ang isang picture frame ay mukha ni Ninong Hugo at isang may edad na babae. Nasiguro niyang ang ina iyon ng Ninong niya dahil may pagkakahiwag ang dalawa. Tumigil naman ang tingin ni Naya sa isang solo picture ni Hugo. Seryoso nga ang ekpresyon ng mukha nito na para bang napipilitan lang itong picture-an. Gayunman, kahit seryoso ay makikita pa din ang ka-gwapuhan nito. Inalis naman na ni Naya ang tingin doon ng tawagin ng ina ang atensiyon. "Naya, tapos ka na ba?" "Malapit na po, Ma," sagot naman niya. "Tapos na ako sa pagluluto, bilisan mo na diyan para makauwi na tayo." Mabilis naman niyang tinapos ang ginagawa niya. At nang matapos ay lumapit na siya sa Mama niya. Tapos na nga itong nagluto at tapos na din nitong hinagasan ang pinaglutuan. "Tapos ka na?" tanong ng Mama niya sa kanya. Tumango naman siya. "Pahinga muna tayo saglit at aalis na din tayo." Habang nagpapahinga ay naisipan ni Naya na ilabas ang sticky note sa bag niya. Sinulatan niya iyon at saka niya inilagay sa takip ng kaserola para agad na mabasa iyon ni Ninong Hugo kapag bubuksan nito iyon. Nang makapagpahinga ay niyaya na siya ng Mama niya. Akmang lalabas na sila ng penthouse ng mapatigil siya ng may naalalala. "Saglit lang, Ma." Mabilis niyang binuksan ang bag at kinuhang muli ang post it note. Muli siyang nagsulat doon at idinikit niya sa pinto ng kwarto ni Ninong Hugo. At bago umalis si Naya ay binasa muna niya ang note na isinulat niya doon. Ninong Hugo, pakilabas po sa susunod ang mga maruruming damit niyo para pagbalik namin ay malabhan na. Salamat po. At nang sa tingin ni Naya ay okay na iyon ay umalis na siya sa harap ng pinto at tuluyan ng lumabas ng penthouse.Happy reading!
HINDI napigilan ni Naya ang amuyin ang sarili ng malanghap niya sa suot na damit ang amoy ni Ninong Hugo. Hindi kasi siya nito pinayagan muli na umalis na ganoon ang hitsura. Kaya muli siya nitong pinahiram ng T-shirt nito. Nang makapagpalit ay lumabas na siya ng banyo. At ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita si Ninong Hugo palabas niya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto habang ang dalawang braso ay magka-krus sa ibabaw ng dibdib nito. Nakalihis ang manggas ng suot nitong long sleeved hanggang sa siko kaya kitang-kita niya ang ugat sa mga braso nito. Nag-angat siya ng tingin at hindi na naman niya napigilan ang mapasinghap nang magtama ang mga mata ni Ninong Hugo. His eyes were darker again just like what she saw a while ago and his intense gaze make her body shiver. Umalis si Ninong Hugo mula sa pagkakasandal nito sa pader. Napansin nga din niya ang pagpasada nito ng tingin mula sa suot niyang T-shirt nito na pinahiram nito sa kanya. "My shirt is big on you, Naya,"
"SHIT!" Hindi napigilan ni Naya ang mapamura nang mabasa ang blouse na suot pagkatapos niyang maglinis ng banyo sa penthouse ni Ninong Hugo. Prohibited siyang pumasok sa kwarto nito kaya ang banyo sa labas ang nilinis niya. Iniiwasan naman ni Naya na mabasa ang damit dahil wala siyang extra pero gayunman ay hindi pa din niya maiwasan. Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Tapos na din naman siya sa trabaho niya do'n. Nakapagluto at nakapaglinis na siya. Huli niyang ginawa ay ang paglilinis ng banyo. Pwede na nga din siyang umuwi pero balak niyang hintayin si Ninong Hugo dahil babayaran na niya ang utang niyang sampung libo dito. Medyo malaki din kasi ang tip na nakuha niya sa pagsasayaw niya sa The Gentleman's Club, idagdag pa iyong pera na binayad sa kanya no'ng nagbook sa kanya para sa solo performance. Tama nga ang sinabi ni Madam Miranda na easy money ang pagta-trabaho niya doon. Nagtungo si Naya sa living room. Kinuha niya ang tote bag niya para kunin sa lo
HINDI napigilan ni Naya ang pagkabog ng dibdib dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi naman ito ang unang beses na sasabak muli si Naya sa pagsasayaw sa The Gentleman's Club pero pakiramdam niya ay iyon ang unang beses. Siguro dahil isang buwan na ang lumipas simula noong huling tumapak siya sa nasabing club. At hindi na isang beses na sasayaw siya do'n. Naya was now a contract dancer in the said club. "Okay. Get ready girls," mayamaya ay wika ng floor director sa kanilang limang pole dancer. Kahit papaano ay nabawasan naman ang kaba ni Naya dahil hindi lang siya ang mag-isa na magsasayaw sa harap ng mga guest. Lima sila. "Okay. Labas na kayo," mayamaya ay wika nito. Lumabas naman na sila sa backstage. At kanya-kanya na silang pwesto sa pole. Inayos naman ni Naya ang suot na mask ng sandaling iyon. Sinigurado niya na mahigpit ang pagkakatali niyon sa mukha para hindi malaglag. Ayaw ni Naya na makita ang mukha niya para naman kahit papaano ay maitago niya ang identity niya sa
"COME in," wika ni Hugo sa baritonong boses ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng opisina niya. Nakatutok pa din ang atensiyon sa harap ng computer ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng opisina. "Sir?" Sa pagkakataong iyon ay doon lang inalis ni Hugo ang tingin sa harap ng computer ng marinig niya ang boses na iyon ng secretary niya na si John. "Yes?" "Sir, mag-o-overtime ba tayo?" tanong nito sa kanya. Tiningnan naman niya ang wristwatch na suot para tingnan ang oras. At nakita naman niyang lagpas alas cinco na. Masyadong tutok ang atensiyon sa trabaho kaya hindi na niya namalayan ang oras, uwian na pala. Pero hindi pa siya tapos sa ginagawa kaya mananatili pa siya do'n. "You may go, John," wika naman niya. Wala naman na siyang i-iutos dito kaya hindi na niya ito kailangan doon. "Pero bago ka umalis, ipagtimpla mo muna ako ng kape," mayamaya ay utos niya dito. "Sige po, Sir," sagot nito. Muli itong lumabas ng opisina para sundin ang pinag-
NANGAKO si Naya na sarili na hindi na siya babalik muli sa The Gentleman's Club. Pero mukhang nakatadhana na sa kanya ang bumalik do'n. Because here she is now, waiting for Madam Miranda to sign the contract of The Gentleman's Club. Nakatanggap kasi siya ng text galing dito noong nakaraang araw. And she offered her again a job. Sa totoo lang ay hindi lang iyong ang unang beses na nakatanggap siya ng text message galing dito. Simula noong huling tapak niya sa The Gentleman's Club at nang sabihin niya dito na hindi na siya babalik ay nakakatanggap na siya ng text message galing dito. Nililigawan siya nito na maging contract dancer, marami daw kasing naghahanap sa kanya na VIP Guest, maraming nagtatanong kung kailan daw siya babalik, kung kailangan siya muling sasayaw. Pero iniignora ni Naya ang text message nito dahil nga ayaw na niya. At saktong nasa vulnerable estate siya noong panahong nakatanggap muli si Naya ng text message galing kay Madam Miranda kaya tinanggap na niya ang o
KUMUNOT ang noo ni Naya nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay hindi niya nakita ang Mama Nancy niya. Nagpaalam siya kaninang umaga na may pupuntahan. Tinanong naman siya ng Mama niya kung anong oras siya babalik at sinabing baka mamayang hapon pa. Balak kasi ni Naya na maghanap ng part time job para pandagag sa kinikita niya. Para mabayadan din niya ang inutang niyang sampung libo sa Ninong Hugo niya noong nakarang linggo. Pero agad din naman umuwi si Naya sa bahay nila ng biglang sumakit ang ulo niya. Sobrang init kasi sa labas at marami na din siyang napuntahan na establishemento na Hiring pero hindi pa din siya nakahanap ng pwedeng maging part time. "Ma?" tawag niya sa pangalan ng Mama niya. Pumasok siya sa kwarto nito para tingnan ito doon pero gaya sa sala ay wala din doon ang Mama niya. At halos libutin na niya ang buong bahay pero kahit anino ng Mama niya ay hindi pa din niya makita. Lumabas ba ito? Lumabas si Naya ng bahay para hanapin kung saan nagpunta ang Mama niya