TINANGGAP ni Naya ang offer ng VIP guest ng The Gentleman's Club. Sayang din kasi ang tatlumpong libo para sa isang sayaw lang. Malaking pera din iyon, pwede niya iyong idagdag sa iniipon niya, makakabili din siya ng maintenance ng ina niya at makakabili siya ng masarap na pagkain para sa ina at sa kapatid
Kaya sa halip na umuwi si Naya ay muli niyang isinuot ang costume at ang mask niya. She still wanted to hide her identity by wearing a mask. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago siya kumatok sa VIP room ng The Gentleman's Club kung nasaan ang VIP Guest na nag-book sa kanya para sa isang solo performance. At sila lang dalawa ang naroon sa loob ng VIP room. In-assure naman siya ni Madam Miranda na safe siya doon, na walang walang ibang gagawin sa kanya ang guest na hindi niya gusto. Nasa kanya daw kung papayag ba siya sa ibang request nito. "Come in." Naya heard the deep and baritone voice inside the room. At pakiramdam niya ay tumaas ang balahibo niya sa katawan ng marinig niya ang baritonong boses na iyon. His voice is husky para sa lalaking may edad na. Sigurado kasi si Naya na matanda na ang guest na nag-book sa kanya. Isang buntong-hininga pa ang pinakawalan ni Naya bago binuksan ang pinto ng kwarto at saka siya pumasok doon. Dim light ang sumalubong sa kanya ng pumasok siya. Iginila nga din niya ang tingin sa paligid para hanapin ang guest na nag-book sa kanya. At parang may sumipa sa tiyan ni Naya nang sumalubong sa kanya ang pamilyar na titig. Those eyes! Those piercing and dark eyes that made her heart skip a beat. Dahil ang guest na nagbook sa kanya para sa isang private solo performance ay walang iba kundi ang lalaking nakakuha ng atensiyon niya sa The Gentleman's Club. He is wearing his mask as well. Nakaupo ito sa sofa na nasa gitna ng kwarto. At may hawak-hawak din itong kopita na may lamang alak. At para hindi isang hari habang nakaupo ito sa trono nito. Naya licked her lower lip before she continued walking. Hindi naman niya kailangan magsalita, hindi niya kailangan na batiin ang lalaki. At tanging gagawin lang niya ay magsasayaw sa harap nito. Lumapit siya sa speaker doon para ipatugtog ang sasayawin niya. She can still feel the intense gaze of the man, sending shivers down to her spine. Nang mapindot niya ang speaker ay lumapit siya sa pole at muling tumingin sa lalaki. He's still looking at her, making her knees feel weak. Damn. Paano siya makakasayaw ng maayos kung sa titig nito ay pinapahina nito ang tuhod niya? Ipinilig na lang niya ang ulo. At in-umpisahan na niya ang pagsasayaw niya. And while dancing seductively, she maintained eye contact with the man. The man never took his eyes off her, either. Sinayawan niya ang pole ng nakakaakit habang hindi niya inaalis ang titig dito. Isinandal naman nito ang likod sa headrest ng sofa habang pinapaunod siya sa pagsasayaw. Umakyat siya sa pole para magawa ang stunt niya sa sayaw. At doon lang naman inalis ni Naya ang tingin sa lalaki para ituon ang atensiyon sa pagsasayaw. Hindi siya expert sa pole dancing kaya kailangan niyang ituon ang atensiyon para hindi siya magkamali. Pero hindi niya maipaliwanag, malakas ang hatak ng lalaki dahil muli siyang tumingin dito kahit na nasa taas siya ng pole. At hindi niya napigilan ang mapatingin sa ibabang bahagi ng katawan nito ng may mapansin siya. At hindi mapigilan ni Naya ang magulat sa nakita. Parang may ipinatayong tent sa suot nitong pantalon. Twenty one na siya at wala pang karanasan pero hindi naman siya gaanong ka-inosente para hindi malaman kung ano iyon. He is having a boner! At dahil sa gulat ay nawala siya sa focus dahilan para madulas siya mula sa pagkakapit niya sa pole dahilan para mahulog siya. "Aw!" daing niya ng tumama ang pwetan niya sa sahig. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng maramdaman niya ang sakit sa pwetan dahil sa pagbagsak niya. Akmang tatayo siya ng mapatigil nang makarinig siya ng mga yabag palapit. Nag-angat ng tingin si Naya at ganoon na lang ang pag-awang ng labi niya nang makita ang lalaking naglalakad palapit sa kanya. At hindi na naman maintindihan ni Naya kung bakit bigla na namang bumilis ang tibok ng puso. At mas lalo iyong bumilis ng lumuhod ito sa harap niya. Hindi na nga niya kailangan tumingala para magpantay ang paningin nila dahil nasa harap na niya ang lalaki at magka-level na ang mukha nila. Ngayon ay kitang-kita ma niya ang itim na mga mata nito. Those devilish eyes sent shivers down her spine. And his expensive perfume lingered in her nose. Ang bango-bango nito. "Are you okay?" he asked in a deep and baritone voice. Pinagdikit ni Naya ang ibabang labi ng marinig muli niya ang boses nito, pakiramdam niya ay tumaas muli ang lahat ng balahibo niya sa katawan. "I'm asking you," untag nito ng hindi pa siya sumasagot. Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. "O-okay lang ako," sagot niya, lihim nga niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya. Pagkatapos niyon ay sinubukan niyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig. Pero napangiwi si Naya nang maramdaman niya ang sakit sa pang-upo niya. Hindi nga din niya napigilan na hawakan iyon. Napatingin muli siya sa lalaki ng marinig niya ang mabigat na buntong-hininga nito. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang walang sabi-sabing binuhat siya nito in a bride style. "Anong...ginagawa mo?" tanong niya ng makabawi siya mula sa pagkakabigla. Sa halip na sagutin siya nito ay nagpatuloy ito sa paglalakad. "Ibaba mo ako!" Pilit naman niyang bumaba mula sa pagkakabuhat nito sa kanya ng makaramdam siya ng kaba sa posibleng gawin nito, sinabi naman ni Madam Miranda na safe siya do'n. Gayunman ay hindi pa din niya maiwasan ang kabahan. Humugot muli ito ng malalalim na buntong-hininga bago ito huminto sa paglalakad. At sinunod nito ang gusto niyang manyari. Ibinaba siya nito mula sa pagkakabuhat nito sa kanya. At pagkababang-pagkababa niya ay agad siyang nagbigay distansiya sa pagitan nila. At dahil nakasuot siya ng mataas na takong ay hindi niya inaasahan na matatapilok siya dahilan para ma-out of balance siya. Pero bago pa siya tuluyang ma-out of balance ay mabilis siyang nakakapit sa suot nitong long-sleeved at nahila niya ang lalaki. At mukhang hindi iyon inaasahan ng lalaki dahil naisama niya ito sa pagbagsak niya. Pero bago pa tumama ang likod ni Naya sa matigas na sahig ay mabilis na ipinulupot nito ang kamay sa baywang at pinagpalit ang posisyon nila. Napapikit na lang si Naya ng tuluyan silang bumagsak na dalawa sa sahig. And while her eyes were closed, she felt a hard object poking at her abdomen, sending an intense wave of pleasure. Mabilis namang nagmulat ng mga mata si Naya at agad na sumalubong sa kanya ang itim na mga mata ng estrangherong lalaki. At nang ma-realize ni Naya ang posisyon nila ay mabilis siyang tumayo mula sa pagkakadagan dito. Pero hindi niya inaasahan na ma-apakan niya ang malaking binti nito dahilan para muli siyang mapahiga dito. Pero bago iyon ay itinukod na niya ang dalawang kamay para hindi siya muling bumagsak sa katawan nito. Hindi siya bumagsak sa katawan nito pero narinig niya ang pag-igik nito na para bang nasaktan ito. At mayamaya ay napakunot ang noo niya ng makaramdam ang kamay, lalo na ang palad ng kakaiba. What she held felt warm, thick, and seemed long. At imposibleng sahig iyon. She tried to squeeze it, it seemed to pulsate in her palm. "Fuck!" The man cursed. Sa kuryusidad ay bumaba ang tingin niya sa kamay kung ano iyong nahawakan niya. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Naya nang ma-realize na hindi sa sahig nakatukod ang palad niya. Kundi sa pagkalalaki ng estrangherong lalaki!Happy reading! Sana suportahan niyo ang story ni Naya at Hugo. 😊
HINDI napigilan ni Naya ang amuyin ang sarili ng malanghap niya sa suot na damit ang amoy ni Ninong Hugo. Hindi kasi siya nito pinayagan muli na umalis na ganoon ang hitsura. Kaya muli siya nitong pinahiram ng T-shirt nito. Nang makapagpalit ay lumabas na siya ng banyo. At ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita si Ninong Hugo palabas niya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto habang ang dalawang braso ay magka-krus sa ibabaw ng dibdib nito. Nakalihis ang manggas ng suot nitong long sleeved hanggang sa siko kaya kitang-kita niya ang ugat sa mga braso nito. Nag-angat siya ng tingin at hindi na naman niya napigilan ang mapasinghap nang magtama ang mga mata ni Ninong Hugo. His eyes were darker again just like what she saw a while ago and his intense gaze make her body shiver. Umalis si Ninong Hugo mula sa pagkakasandal nito sa pader. Napansin nga din niya ang pagpasada nito ng tingin mula sa suot niyang T-shirt nito na pinahiram nito sa kanya. "My shirt is big on you, Naya,"
"SHIT!" Hindi napigilan ni Naya ang mapamura nang mabasa ang blouse na suot pagkatapos niyang maglinis ng banyo sa penthouse ni Ninong Hugo. Prohibited siyang pumasok sa kwarto nito kaya ang banyo sa labas ang nilinis niya. Iniiwasan naman ni Naya na mabasa ang damit dahil wala siyang extra pero gayunman ay hindi pa din niya maiwasan. Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Tapos na din naman siya sa trabaho niya do'n. Nakapagluto at nakapaglinis na siya. Huli niyang ginawa ay ang paglilinis ng banyo. Pwede na nga din siyang umuwi pero balak niyang hintayin si Ninong Hugo dahil babayaran na niya ang utang niyang sampung libo dito. Medyo malaki din kasi ang tip na nakuha niya sa pagsasayaw niya sa The Gentleman's Club, idagdag pa iyong pera na binayad sa kanya no'ng nagbook sa kanya para sa solo performance. Tama nga ang sinabi ni Madam Miranda na easy money ang pagta-trabaho niya doon. Nagtungo si Naya sa living room. Kinuha niya ang tote bag niya para kunin sa lo
HINDI napigilan ni Naya ang pagkabog ng dibdib dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi naman ito ang unang beses na sasabak muli si Naya sa pagsasayaw sa The Gentleman's Club pero pakiramdam niya ay iyon ang unang beses. Siguro dahil isang buwan na ang lumipas simula noong huling tumapak siya sa nasabing club. At hindi na isang beses na sasayaw siya do'n. Naya was now a contract dancer in the said club. "Okay. Get ready girls," mayamaya ay wika ng floor director sa kanilang limang pole dancer. Kahit papaano ay nabawasan naman ang kaba ni Naya dahil hindi lang siya ang mag-isa na magsasayaw sa harap ng mga guest. Lima sila. "Okay. Labas na kayo," mayamaya ay wika nito. Lumabas naman na sila sa backstage. At kanya-kanya na silang pwesto sa pole. Inayos naman ni Naya ang suot na mask ng sandaling iyon. Sinigurado niya na mahigpit ang pagkakatali niyon sa mukha para hindi malaglag. Ayaw ni Naya na makita ang mukha niya para naman kahit papaano ay maitago niya ang identity niya sa
"COME in," wika ni Hugo sa baritonong boses ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng opisina niya. Nakatutok pa din ang atensiyon sa harap ng computer ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng opisina. "Sir?" Sa pagkakataong iyon ay doon lang inalis ni Hugo ang tingin sa harap ng computer ng marinig niya ang boses na iyon ng secretary niya na si John. "Yes?" "Sir, mag-o-overtime ba tayo?" tanong nito sa kanya. Tiningnan naman niya ang wristwatch na suot para tingnan ang oras. At nakita naman niyang lagpas alas cinco na. Masyadong tutok ang atensiyon sa trabaho kaya hindi na niya namalayan ang oras, uwian na pala. Pero hindi pa siya tapos sa ginagawa kaya mananatili pa siya do'n. "You may go, John," wika naman niya. Wala naman na siyang i-iutos dito kaya hindi na niya ito kailangan doon. "Pero bago ka umalis, ipagtimpla mo muna ako ng kape," mayamaya ay utos niya dito. "Sige po, Sir," sagot nito. Muli itong lumabas ng opisina para sundin ang pinag-
NANGAKO si Naya na sarili na hindi na siya babalik muli sa The Gentleman's Club. Pero mukhang nakatadhana na sa kanya ang bumalik do'n. Because here she is now, waiting for Madam Miranda to sign the contract of The Gentleman's Club. Nakatanggap kasi siya ng text galing dito noong nakaraang araw. And she offered her again a job. Sa totoo lang ay hindi lang iyong ang unang beses na nakatanggap siya ng text message galing dito. Simula noong huling tapak niya sa The Gentleman's Club at nang sabihin niya dito na hindi na siya babalik ay nakakatanggap na siya ng text message galing dito. Nililigawan siya nito na maging contract dancer, marami daw kasing naghahanap sa kanya na VIP Guest, maraming nagtatanong kung kailan daw siya babalik, kung kailangan siya muling sasayaw. Pero iniignora ni Naya ang text message nito dahil nga ayaw na niya. At saktong nasa vulnerable estate siya noong panahong nakatanggap muli si Naya ng text message galing kay Madam Miranda kaya tinanggap na niya ang o
KUMUNOT ang noo ni Naya nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay hindi niya nakita ang Mama Nancy niya. Nagpaalam siya kaninang umaga na may pupuntahan. Tinanong naman siya ng Mama niya kung anong oras siya babalik at sinabing baka mamayang hapon pa. Balak kasi ni Naya na maghanap ng part time job para pandagag sa kinikita niya. Para mabayadan din niya ang inutang niyang sampung libo sa Ninong Hugo niya noong nakarang linggo. Pero agad din naman umuwi si Naya sa bahay nila ng biglang sumakit ang ulo niya. Sobrang init kasi sa labas at marami na din siyang napuntahan na establishemento na Hiring pero hindi pa din siya nakahanap ng pwedeng maging part time. "Ma?" tawag niya sa pangalan ng Mama niya. Pumasok siya sa kwarto nito para tingnan ito doon pero gaya sa sala ay wala din doon ang Mama niya. At halos libutin na niya ang buong bahay pero kahit anino ng Mama niya ay hindi pa din niya makita. Lumabas ba ito? Lumabas si Naya ng bahay para hanapin kung saan nagpunta ang Mama niya