Share

CHAPTER 2

Naalimpungatan ako dahil sa bigat ng aking pakiramdam at hirap na rin akong makahinga dahil parang may nakadagan sa akin na mabigat na bagay.

Nakadagan?

Sa akin...?

Oh my!

Agad akong nagmulat ng mata at pagmulat ko nabungaran ko ang isang lalaking mahimbing na natutulog habang nakayakap ang isang braso nito sa dibdib ko, at ang isang hita naman nito ay nakadantay sa akin habang ang kanyang mukha ay nakasiksik sa balikat at leeg ko. Ramdam ko rin ang pagtusok sa aking balat ng bigote nito at ng mapa tingin ako sa ibabang bahagi ng katawan nito ay wala ring kahit anong saplot. Awtomatikong napatingin ako sa sarili ko at agad akong napasigaw sa aking nakita.

"Ahhhhhhh!"

"Hayup ka! Rapist ka! Kinuha mo ang pinaka iingatan ko!" Sambit ko habang pinaghahampas ko s'ya at wala akong naging pakialam kahit saan tumama ang mga palad ko.

Bumangon s'ya na ‘di alintana ang kahubadan at hindi man lang sumagot sa mga pinagsasabi ko bagkus ay nginisihan pa ako.

"Ikaw ang rapist sa ating dalawa, Ms. Bragais don't you remember about last night? Don't you? Hm.." anito bago pumasok sa pinto ng banyo.

Hindi man lang nag abala na takpan ang kanyang tigas na tigas na sandata na animoy sasabak sa matinding labanan.

Habang ako’y hindi alam ang gagawin, napapa-isip kung paano ako nakarating rito, at kung paano ako kadaling bumigay sa lalaking ni pangalan ay hindi ko alam.

"Gaga ka talaga, Dina." pag kausap ko sa sarili

"Shit! Ano bang klase ng wine na 'yon?" piping usal ko sa isip, habang ang aking mga palad ay nakasabunot sa aking buhok.

"Nakaka stress. Naibigay ko ang pinaka iingatan ko sa taong hindi ko man kilala. Tangina! Paano kung mabuntis n'ya ako? Lagot ako kay Daddy, kay Kuya, at masas lalo na sa Boyfriend kong si Matteo." piping usal ko sa isip

Agad akong tumayo para magbihis habang wala pa ang lalaking naka one night stand ko.

Shit! Ano ba 'tong napasok ko!

Mabilis kong sinuot ang dress na suot ko kagabi at basta ko na lamang dinampot ang aking purse, kasunod nito ang aking three inches Stiletto heels na basta ko na lamang binitbit palabas ng pinto kwarto.

Hirap man maglakad dahil sa sakit ng aking katawan partikular sa gitnang bahagi ng pagitan ng aking dalawang hita ay hindi ko na alintana dahil ang tanging nais ko na lamang ay makaalis rito sa lugar na 'to.

Pagkababa ko ng building ay mabilis naman akong nakakuha ng sasakyang taxi patungo sa bahay namin. Mabuti na lamang ay sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya minabuti kong umuwi sa bahay namin. Alam ko ring dumating na kahapon sina mommy at Kuya mula sa US.

Sa USA, kasi nakabase ngayon ang kapatid kong panganay habang buntis naman ang asawa nito kung kaya't kinailangan ni Mommy ang pumunta ron upang alalayan ito. Nakauwi lang ang mga ito dahil naisilang na ni Ate Eve ang aking pamangkin.

Habang lulan ng taxi pauwi bigla kong naalala ang naging usapan namin ng boyfriend kong si Matthew.

"Omg! Nakalimutan ko kagabi na dapat ay susunduin pala ako ni Matt para sabay na kaming umuwi. Shit!" Piping usal ko sa isip.

Tatawagan ko nalang s'ya para humingi ng paumanhin ngunit ng mapa tingin ako sa kamay ko ay tanging purse lang ang dala dala ko dahil naiwan ko ang cellphone ko!

“Ang swerte naman ng araw na ‘to sa akin! Shit!”

Napahawak ako sa dibdib dahil bigla akong kinabahan sa aking naiisip.

“Paano kung naiwan ko sa Motel? Tapos.. tapos tumawag si Matt tapos sagutin ng gagong naka one night stand ko? Patay na talaga! Nalintikan na…”

Napatingin ako sa driver ng taxi maya't maya kasi ang tingin n'ya sa likod, partikular sa akin kaya wala sa sarili akong napatingin sa dibdib ko. Pagtingin ko d’on ko narealize na...

“Shit! Wala akong bra at pati na rin panty.”

Nakalimutan kong isuot dahil sa pagmamadali kong makaalis sa lugar na 'yon. Minabuti ko na yakapin ang sarili upang hindi mahalata na wala akong suot na Bra.

"Ma'am nandito na po tayo." aniya

"Ma'am?" ulit nito

Tinig ng taxi driver ang nagpa gising sa diwa kong nanaginip ng gising dahil sa mga kamalasang natamo ko ngayong araw na ‘to! Hindi ko na rin pala namalayan na nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"Ito po ang bayad, keep the change."

Mabuti na lang ay naka-bukas ang gate dahil naglilinis ang isa sa mga kasambahay namin ng sasakyan kaya nakabukas ito. Mabilis akong nagtatakbo papasok sa loob ng bahay paakyat sa hagdan hanggang makarating sa kwarto ko dahil sa kagustuhan ko ng maligo, at kakaiba na rin ang nararamdaman ko bukod sa nanlalagkit ay nandidiri rin ako sa sarili ko. Halos naamoy ko pa ang amoy ng lalaking naka one night ko.

“Shit! Ang tindi at kapit na kapit naman ng amoy n’on!” mahinang kausap ko sa sarili habang naghuhubad.

"Dina! Dina!" tinig ni Mommy mula sa labas ng pinto

"Mommy, saglit lang po maliligo muna ako." sagot kong pasigaw dahil tuwalya na lamang ang nakabalot sa hubad kong katawan.

"Sige. Anak bumaba ka agad pagkatapos mo hihintayin ka namin bago kami kumain ng almusal."

"Opo.” sigaw kong sagot.

Binilisan kong maligo dahil nakaramdam na rin ako ng gutom at medyo masama ang pakiramdam ko.

Anniversary nina Dad and Mom, ngayong araw.

Alam ko maya maya lang ay marami nang bisita ang parating.

Nang matapos maligo ay nagbihis na ako ng isang white t-shirt at short, mas komportable kasi ako sa ganitong kasuotan.

"Oh! Ayan na pala ang prinsesa natin eh! Kumain na tayo!” nakangiting imporma ni Dad kay Mommy.

"Happy Anniversary po Mommy and Daddy!"

"Salamat! Hija, bakit nga pala nag tatakbo ka raw kanina sabi ni Manang Bering ng dumating ka?" wikang tanong ni Daddy habang si Mommy naman ay nag hihintayin ng sagot ko.

"Ah eh! Dad.. kasi.. kasi natatae na ako eh!" pagsisinungaling ko

"Ikaw talagang bata ka parang hindi ka dalaga kung kumilos." Aniya ni Mommy sa akin at hinawakan na ako papunta sa kusina.

"Mukhang mainit ka, Anak masama ba pakiramdam mo?" Saad ni Mom sa malambing na tinig

"Medyo masama po pakiramdam ko."

"Ohh! S'ya kumain kana para makainom ka na kaagad ng gamot!"

"Mommy na saan po sina Kuya at ate? At ang baby?" ani kong tanong habang ngumunguya

"May pinuntahan lang Anak."

"Ah" sagot ko habang tumatango tango. Gusto ko na kasi makita ang pamangkin ko nakaka excite lang.

"Anak, inumin mo ito tapos umakyat kana sa kwarto mo para makapag pahinga ka!"

"Sige po, Mommy magpapahinga po muna ako."

Sinunod ko ang bilin ni Mommy na umakyat ako sa aking kwarto at nagpahinga hindi naman nagtagal ay hinila na ako ng antok.

May ilang oras siguro akong nakatulog nang biglang may kumatok.

"Dina! Dina!" may naghahanap sayo nakapulot raw ng cellphone mo nandito s'ya sa labas ng kwarto mo, buksan mo para makapasok kami.

“Kuya naman.. pwede naman kasi sa baba na lang kayo maghintay ng pagbaba ko, eh! At p'wede namang ikaw na lang ang kumuha muna ng telepono ko.” sagot ko dahil parang lumala ang sama ng pakiramdam ko.

“Dina!?” muling sigaw ng kapatid ko. “Aba matutu kang magpasalamat!” anito kaya naman wala na akong nagawa kundi ang bumangon.

"K-kuya na-"

Napamaang ako sa nabungaran ko ng mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko, walang iba kundi ang lalaking hindi ko inaasahan na nakapulot raw umano ng cellphone ko.

"Ikaw?" tanging usal na lumabas sa bibig ko.

"Yes! It's me, Ms. Bragais." aniya sabay kindat.

"Bro, salamat. Burara kasi itong kapatid ko kaya ayan kung saan saan nawawaglit ang mga gamit n'ya.“ naiiling na sambit ni Kuya na medyo tumagos sa puso ko dahil hindi lang cellphone ang nawala sa akin na napulot n’ya.

"Wala 'yon, Bro!" sagot naman ng huli.

"Tara, Bro Anniversary ngayon nina Mommy and Daddy tutal nandito ka na rin naman mag-inuman na lang tayo." narinig kong wika ni kuya.

"Magka-ak-kilala kayo Kuya?" wika kong nauutal utal.

"Yes! Princess, Mistah ko s'ya." nakangiting sambit ng kapatid ko

"Shit! Small world." piping usal ko sa isip.

"Bakit magkakilala rin ba kayo?" ganting tanong ni kuya na may pagtataka at salit salitan kaming tiningnan ng may pagtatanong.

"K-ka-" naputol ang pagsagot ng lalaki dahil mabilis ko itong pinutol.

"Hindi po kuya pero girlfriend niya ang kaibigan ko." pagsisinungaling ko at nilakihan ng mata ang huli.

"Good to know na nag seryoso ka na ngayon.” nakangiting turan ni Kuya ngunit parang may patalim na biglang humiwa sa puso ko dahil sa aking narinig.

“Paano kung mabuntis ako?

Playboy at fuck boy pala ang lalaking ‘to!” piping usal ko sa isip

"Grabe ka naman hindi ko palang kasi nakikilala ang babaeng magpapabago sa akin, Bro pero malay natin baka nasa paligid lang pala ito 'di ba?" depensa naman ng huli, tumango tango naman si Kuya bilang sagot.

“My point.”

"Bababa na kami, princess magbihis ka na harapin mo naman ang mga bisita ni Mommy at Daddy." aniya ni kuya at hinalikan ako sa noo

"Bakit ang init mo? Inaapoy ka ng lagnat!" aniya

"Masama pakiramdam ko kuya." wika ko sa malumanay na tinig.

"Saglit lang tatawagin ko si Mommy!" aniya at nagmadaling bumaba habang ako’y naiwan na nakatingin lang sa kanyang likod papalayo pababa ng hagdan

"Anong masakit sa ‘yo?" wikang tanong ng lalaking mariin na nakatitig sa akin.

Sinagot ko ito ng irap at pumasok na ako sa loob ngunit bago ko mailapat ang pinto ay narinig ko pa ang huli nitong sinabi.

"Tumawag si First Lieutenant Montevallo sinagot ko at sinabi kong magkasama tayo kagabi!" saad nitong nakangisi

Imbis na sagutin ay padabog kong sinara ang pinto, makalipas ang isang minuto bigla itong bumukas at pumasok ron sina Kuya, Mommy at ang lalaki.

"Dave kunin mo 'yung gamot at magdala ka na rin ng tubig para makainom ulit ang kapatid mo!" wika ni Mom habang hinihipo ang noo ko sabay nun ay inilagay sa kili kili ko ang thermometer.

"Samahan na kita, Bro"

"Jusko! Ano bang pinag gagawa mong bata ka? Bakit hindi man lang tumalab ang gamot na binigay ko sayo kanina." sermon ni Mom habang pinupunasan ako.

Nanatili akong walang kibo dahil hindi ko rin alam ang dapat kong isagot sa tanong ni Mommy.

"Mi, ito na! Baba na kami dahil nakakahiya naman dito sa kaibigan ko." wika ni Kuya at umakbay na ito sa kaibigan.

"Ayos lang Bro."

"Dave, sabihin mo nalang sa Daddy mo na narito ako ha, dahil baka hanapin ako. Ganun rin kay Manang pakisabi na s'ya na lang ang magpatuloy ng ginagawa ko."

Bumababa na sina Kuya, sumunod rin agad si Mommy matapos lang ako nitong pinusan at painumin ng gamot ay nagpaalam na rin ito dahil may haharapin pa raw s'ya na mga bisita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status