Share

CHAPTER 31

Alas tres na ng madaling araw kami umuwi galing sa bar.

Pagkarating ko ng bahay ay muli kong tinawagan ang aking asawa ngunit ‘out of coverage area’ na raw ito kaya laglag balikat kong ibinaba ang aking telepono.

Sandali kong pinagmasdan ang aking mga anak.

“Lahat ay titiisin ko para sa inyo mga anak.” mahinang sambit ko at ginawaran sila ng halik bago ako tumungo sa aming kwarto.

Nagising ako sa halakhak ni Matt at Klaus dahil nakikipaglaro ito ng habulan sa kanilang ama na naka-uniform pa. Tahimik akong nanunood sa kanila kaya hindi nila namalayan na ako’y gising na.

“Mommy!”

“Mommy play tayo.” pag-aya nila sa akin kaya naman napilitan akong tumayo para pagbigyan ang kanilang kahilingan.

Masaya ako dahil walang katumbas ang kaligayahan ng mga anak ko ngayong umuwi ang aking asawa kahit na ba hindi nasunod ang kanyang pangako na kagabi s’ya darating.

“Aww..” daing nito at mabilis naman itong dinaluhan ng kambal.

“Bakit may red, Daddy?” Tanong ng Anak kong si Matt habang nakat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status