OMENG’S POV:PAGKAPASOK na pagkapasok namin ni Clarisse sa isang restaurant ay natanawan ko kaagad ang bago kong sekretarya kasama ng isang lalaki na halatang yayamanin. Napaismid ako. Hindi naman nakapagtataka kung kumuha ito ng mayamang boyfriend. Or baka asawa? Bigla tuloy ay nacurious ako sa civil status nito kung kaya’t nang oras ring iyon ay inutusan ko si Mrs. Judy na eemail sa akin ang resume nito. Walang tanong tanong na kaagad tumalima ang matanda kung kaya’t within five minutes ay naipadala na nito sa aking email ang hinihingi ko.Di ko alam kung bakit para akong nabunutan ng tinik nang mapag alaman kong dalaga pa ito.Iginiya kami ng receptionist sa mesang nakareserve para sa amin. Isa itong mamahaling restaurant kung kaya’t hindi basta-basta ang mga customers dito. Hindi karin makakapasok kung walang reservation.“Love, sino bang kausap mo sa phone?” tanong sa akin ni Clarisse nang mapansing abala ako sa aking phone.Feeling ko ay nahuli ako nito sa isang malaking kasalan
SINADYA ba nuon ni Omeng na itago ang kanyang tunay na pagkatao? Hindi ako makapaniwalang sa ganitong pagkakataon kami magkikita. Pero masayang masaya akong malaman na buhay siya. Hanggang makauwi sa bahay ay laman ng utak ko ang muli naming pagtatagpo ni Omeng. Ibang iba na ito ngayon. May ere ng authority at kumpiyansa sa sarili. Hindi na ito ang dating Omeng. Sabagay, sa taglay nitong kayamanan, hindi naman nakapagtataka kung saan ito humuhugot ng confidence. Napag alaman ko rin kay Mrs. Judy na matagal pala itong naglayas. Iyon iyong mga panahong nagtratrabaho ito sa akin.Napapikit ako nang maalala ko ang mga halik nito at kung paano makulong sa matitipuno nitong mga bisig. I miss you. I miss you so much Omeng. Kaya lang ay huli na ang lahat.Waring may gumuhit sa dibdib ko nang maalala ko ang eksenang nadatnan namin kanina. Waring sarap na sarap si Omeng habang hinahalikan ang girlfriend nito na napag alaman kong Clarisse ang pangalan. At ngayon ko lang rin naalala, ito ang baba
OMENG'S POV:NATIGILAN ako nang marealize ang pamilyar na scent na iyon kaparis ng gamit na pabango ngayon ni Clarisse. Parang may kung anong gumuhit sa dibdib ko na hindi ko kayang pangalanan. Saglit akong natuliro kung kaya't huminga ako ng malalim para mabalik ang aking wisyo. Pero bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko?Sabagay, naisip ko. Very attractive ang babaeng ito at hindi naman ako bulag para hindi iyon mapansin.Hah, marahil ay ginagamit ng babaeng ito ang ganda nito para madistract ako."You still have to prove to me na maayos kang magtrabaho. That means you are still under probation." Sabi ko dito, nilingon ko si Mrs. Judy, “Make sure maturuan mo sya ng maayos. I need an efficient secretary or else hindi kita papayagang magretiro,” sabi ko dito saka iginiya ko na si Clarisse palabas ng opisina kasama ko.Hindi ko maintindihan kung saan nangagaling itong nararamdaman ko.She is beautiful ngunit sanay naman na akong makakita ng mga naggagandahang babae. But damn. That
HINDI ako makapaniwalang nakapasa ako. At mag uumpisa na raw ang trabaho ko ngayong araw ring ito bilang executive secretary ng CEO. Nagulat ako nang banggitin ang pangalan ng CEO. Rommel Jamboy. Hindi ba ito ang tunay na pangalan ni Omeng? Kinabahan ako. Ngunit naisip kong marami namang may kapangalan. Imposible namang maging si Omeng ang maging CEO ng napakalaking kompanya na ito. Sinalubong ako ng isang may edad na babae pagkatuntong na pagkatuntong ko sa office of the CEO. Nagpakilala itong si Mrs. Judy. “Two weeks na lang ako dito kaya ngayon pa lang kailangan na ng magiging kapalit ko na itetrain ko.” sabi nitong tumitig sa akin, “ Napakaganda mo naman para maging secretary ni sir,” makahulugang sabi pa nito sa akin, “Baka mapagselosan ka ng girlfriend ni Sit eh.”“Trabaho lang ho ang ipinunta ko dito,” babala ko sa matanda.“Pasensya na iha. Kakapanuod ko ng mga telenovela ito,” bumungungisngis na sabi nito sa akin. Napangiti na lamang ako. Hanggang ngayon ay inaanticipate ko
NAGMAMADALI akong sumakay ng elevator. Bahagya pa akong natapilok. Na late ako ng ten minutes para sa aking job interview. Sobrang aga ko na ngang gumising pero inabutan pa rin ako ng traffic sa daan. Alam kong hindi ito magandang panimula pero wala naman akong kontrol sa mga aksidenteng magaganap sa daan. Ngayon ko lang narealize kung gaano kahirap ang maging isang ordinaryong tao. Habang ang mga dati kong kaibigan ay panay ang flex sa kanilang mga media accounts ng kanilang mga travels at branded stuff, heto ako at naghahanap ng trabaho. Wala naman akong inggit sa katawan. Naiisip ko lang na iyong iba sa kanila, sangkot sa mga maanomalyang transactions sa gobyerno kaya yumaman. Like Trisha. Ang dati kong bestfriend na anak ni Bingo Escuduro. Haist. Huminga ako ng malalim saka tumindig ng tuwid habang nagdarasal na sanay very understanding ang mag iinterbyu sa akin.Bago pa pumaitaas ang elevator ay isang matangkad na babae ang sumakay. Sa likod nito ay dalawang matitipunong lalaki
"OMENG buhay ka. . ." Parang maiiyak ako sa labis na kaligayahan. Hindi ba ito isang panaginip lang. Nagulat ako nang itulak ako nito palayo."Sino KA? Hindi kita kilala!" Matiim na sabi nito habang pinakatitigan ako nang husto. Nagulat ako sa naging reaction nito. Hindi pa naman ganuon katagal ang limang taon para tuluyan na ako nitong makalimutan. Not unless nanadya ito."Omeng, wag ka namang magbiro ng ganyan. . .""I'm sorry pero kung sa inaakala mong maiiskam mo ako, nagkakamali ka," walang kangiti ngiting sabi nito sa akin, "Huminto lang ako para tulungan ka," dagdag pa nitong tumingin sa paligid, "But it seems modus mo lang ito." Sabi nitong akmang babalik na sa motorsiklo nang mabilis ko itong hinila at sinampal."Bakit mo ako sinampal?""Hindi ako scammer at kung may tao man akong iiskam, sigurado kong hindi ikaw yun!""Hey! !""Hey in mong mukha mo!" Sigaw ko dito. Nagmamadali akong pumara ng tricycle para magpahatid sa pinakamalapit na talyer. Nang nasa tricycle na ako ay s