“Pakasalan mo ako!” lasing at wala na yata ako sa hulog habang namunungay ang aking mga matang nakatitig kay Omeng, my body guard/ secretary. Ito lang ang paraan ko para matigil na ang kalokohan ni Mommy. Gusto kong galitin si Mommy, makaganti man lang ako kahit paano sa ginawa niyang pag iwan sa amin ni Daddy fifteen years ago. Alam kong manggagalaiti si Mommy kapag pinakasalan ko ang isa sa mga tauhan ko. Sakto si Omeng, my body guard secretary. Hah, sino bang magulang ang matutuwang magoakasal ang anak nya sa isang hampas lupang gaya ni Omeng? Pero bakit ang yabang ni Omeng? Bakit parang unti unti, ako ang nalulunod? Bakit parang habang tumatagal, sarili ko na ang pinaparusahan ko sa pekeng relasyon naming ito ni Omeng?
view moreSINADYA ko talagang higpitan ang pagkakahawak sa braso ni Omeng habang nakangising ipinapakilala ito kay Mommy. Nakita kong biglang nagdilim ang mukha ni Mommy, hindi maitago ang pangangatal ng mga kamay nito habang pinapasadahan ng tingin ang lalaking kasama ko mula ulo hanggang paa. Lihim akong napangiti. Samantalang ramdam ko ang kaba ni Omeng. Kung ito lang ang masusunod, kakaripas na ito ng takbo palabas ng mamahaling restaurant.
Ibinalik ko ang atensyon ko kay Mommy habang lihim akong natatawa.
Obvious namang minumura na ni Mommy sa utak nya ang lalaking kapit ko sa braso, itsura pa lang ng pananamit ni Omeng ay hndi na papasa sa socialite kong ina. Ano pa kaya kapag nalaman nyang nagtatrabaho bilang body guard/ secretary ko si Omeng?
Well, ito naman talaga ang reason kung bakit ko pinagpanggap na ‘boyfriend’ si Omeng. Gusto kong magwala sa galit si Mommy.
Gusto kong kahit na paano, makabawi man lang ako sa lahat ng sakit na ginawa nya sa akin nuong pinili nyang iwan si Daddy at sumama sya sa ibang lalaki.
So far, ‘civil’ naman sina Daddy at Mommy sa isa’t-isa. Ewan ko ba kay Daddy kung bakit napakabilis nakapag-move on at nakahanap kaagad ng girlfriend samantalang ako, fifteen years na ang nagdaan pero hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa rin sa isip at puso ko ang araw na nagpuntang Amerika si Mommy kasama ng nuon ay kalaguyo pa lamang nito. Ang lakas ng palahaw ko. Almost two weeks akong hindi pumasok sa school.
Hindi na rin nabalik ang dating sigla ko. Hindi ko na yata muling mararamdaman iyon lalo pa at punong-puno pa rin ng galit ang dibdib ko. Paano kaming nagawang ipagpalit ni Mommy sa business partner ni Dad?
She is an evil woman.
Walang matinong babae ang sasama sa ibang lalaki lalo pa at napakabait naman ni Daddy dito. My dad is a good provider. Ano pa bang hahanapin nya kay Daddy eh lahat naman ng luho, sunod-sunuran ito? Oo, twenty years ang gap nila sa isa’t-isa. My dad was already in his forty’s when he married my Mom. Samantalang si Mommy, ninteen years old pa lang ng mga panahong iyon. Pero ginusto naman ni Mommy iyon. In fact sa esatdo ni Daddy, maraming naghahabol ditong mga babae. Kung tutuusin, hindi nga sila ‘bagay’ dahil galing lang sa mahirap na pamilya si Mommy.
Ginamit lang nito ang ganda para makaahon sa kahirapan.
Pero hindi pa rin ito nakuntento. Nang magkaroon ng pagkakataon at nakuha na nito ang gusto kay Daddy, hayun at tinakasan na kami nito at sumama sa mayaman rin at mas batang kasosyo ni Daddy sa ilan nitong mga negosyo. Ninong ko pa sa binyag.
Parang dinurog ang puso ko nang makalipas ang ilang buwan ay napawalang bisa ang kasal nina Mommy at Daddy at tuluyan na itong nagpakasal kay ‘Tito Rodrigo.’ Hanggang ngayon ay abot langit ang galit ko sa lalaking iyon na naturingan pa namang isa sa mga Ninong ko sa binyag.
“Saan mo nakilala ang lalaking yan?” Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Mommy, kulang na lang ay duraan nya sa mukha si Omeng, parang diring-diri ito lalo pa at napansin nitong pudpod na ang sapatos na suot-suot nito at halatang mumurahing brand.
Knowing mom, alam kong number one na tinitingnan nito ay ang estado ng pamumuhay ng isang tao.
As if naman hindi rin ito nanggaling sa hirap.
“Hindi nyo na kailangang malaman pa kung saan ko sya nakilala,” matabang na sagot ko dito. “Besides simula naman ng umalis ka at sumama sa lalaking iyon, para nyo na ring tinapos ang pagiging ina sa akin,” dagdag ko pa, hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko magpahanggang ngayon. Hindi na nga yata maghihilom pa ang sugat na gawa ni Mommy dito sa puso ko.
“Pamela,” akmang hahawakan ako ni Mommy pero mabilis akong umiwas sa kanya at tinigasan ko ang mukha ko para pigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
Ayokong umiyak sa harap ni Mommy ‘no?
Never kong ipapakita sa kanya ang kahinaan ko.
“Ahh Ma’m, gusto ko lang pong. . .” Narinig kong sabi ni Omeng. Kung hindi ko pa ito tinapakan sa kaliwang paa ay baka magtuloy-tuloy ito sa pagsasalita at aminin kay Mommy ang katotohanang nagpapanggap lamang sila.
Pinilit ko lang naman si Omeng na magkunwaring boyfrend ko. Halos makiusap nga ito sa akin na huwag ko ng ituloy ang plano ko.
Pero tinakot ko sya.
Ang sabi ko, tatanggalin ko sya sa trabaho kapag hindi siya pumayag na maging ‘boyfriend ko’ for three months habang nandito sa Pilipinas si Mommy.
Natatandaan ko pa ang naging conversation namin ni Omeng kahapon. . .
“Anak ng teteng, bakit ako? Bodyguard mo nga lang ako nuong una, pero ginawa mo na rin akong assistant secretary mo, ngayon gusto mo pa akong dyowain?” Tumaas ang boses ni Omeng habang nagproprotesta ang anyong nakatingin sa akin.
“Excuse me! Don’t flatter yourself too much! Magpapanggap ka lang na boyfriend ko, as in fake relationship,” Giit ko habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa, “Wag kang assuming!” May tono ng pagkamalditang sabi ko.
“Eh bakit nga ako, may makukuha ka namang ibang pwedeng magpanggap na boyfriend mo?” Matiim na tanong nito sa akin.
Bahagya pa itong lumapit sa akin habang nakapamewang.
Napangisi ako habang natatawa sa mannerism ng lalaking ito. Wala pang isang buwang nagtratrabaho sa akin si Omeng bilang body guard ko. Hindi ko alam kung saan ito nakuha ni Daddy. Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto ito ni Daddy at parang anak ang turing dito. At last week nga, hindi na lamang ito isang body guard ko. Ito na rin ang kinuha ni Daddy na pumalit bilang secretary ko nang magresign ang dati kong sekretarya.
Bwisit ako kay Omeng sa totoo lang. Kung umasta kasi ito minsan, parang hindi man lang nangingilag sa akin samantalang ako ang amo nito. Madalas pa nga ay may pagka-bossing ito na akala mo ay kung sino.
“Why not?” sabi kong tiningnan ito mula ulo hanggang paa, “Ngayon pa lang sinasabi ko na saiyong hindi ka magugustuhan ni Mommy. . .”
“Ah, gusto mong galitin ang nanay mo! At iniisip mong ako ang gagamitin mong paraan para magwala sya sa galit, ganun ba?”
Tumango ako.
Tinalikuran ako ni Omeng, akmang magwo-walk out na, “No way! Over my dead body!” malakas ang tinig na sabi pa nito sa akin.
“Talaga lang ha? Eh kung tanggalin ko kaya sa trabaho lahat ng maid ko especially si Yaya Luring!” Nanakot ang himig na sagot ko sa kanya.
Napabalik ito, “Bakit kailangang idamay mo sila dito?”
“At bakit ang hindi?” Nakataas ang kilay na sabi ko.
“Talaga bang ganyan ka? Wala ka man lang. . .”
“Puso? Oo, wala ako nun!” ani ko.
Huling-huli ko talaga ang weakness ng lalaking ito. Hindi naman magkaano-ano sina Omeng at Yaya Luring. Pero alam kung parang isang tunay na ina na ang turing nito sa matanda niyang yaya. Well, ganuon din naman ako. Para nang ina ang turing ko kay Yaya Luring lalo na nang iwanan ako ni Mommy at siya lang ang madalas kong iyakan ng mga panahong iyon.
Bluff ko lang naman kay Omeng na tatanggalan ko ng trabaho si Yaya Luring sa oras na tumanggi ito sa alok niya. Of course hindi ko magagawa iyon sa matanda. Pero mukhang effective ang pananakot ko. Bumigay rin si Omeng sa wakas.
“Okay, okay. Pumapayag na akong maging boyfriend mo for three months. Pero sa isang kondisyon?”
Nangunot ang nuo ko. Nagtatanong ang mga mata ko. Pabuka na ang bibig ko nang muli itong magsalita.
“Hayaan mong ako ang magpatakbo ng relasyong ito!” sagot nito sa akin.
MAHABA-HABA RIN ANG NAGING DISKUYON namin ni Omeng kagabi bago ako napapayag sa kondisyon nya. Three months lang naman eh. In fairness, guwapo si Omeng. Kung magbibihis nga lamang ito ng maayos, mapagkakamalan mo itong modelo.
Ang kisig ng pangangatawan at halatang batak sa trabaho kaya malaki ang mga muscles. Matangkad din at makinis ang morenong kutis. Namula ang mukha ko nang magtama ang paningin namin mula sa rear view mirror habang nagmamaneho na itong pauwi at sa unahan rin ako naupo para hindi kami pagtakhan ni Mommy. Mabilis akong umiwas ng tingin at isinandal ko ang ulo ko sa passenger’s seat. Hindi naging maganda ang inuwian ng pag-uusap namin ni Mommy.
Sabagay, palagi naman na kaming nagtatalo at nag-aaway pagkatapos ng mga nangyari.
Wala ng bago. Pero mas intense this time dahil naging very vocal ito maski sa harapan ni Omeng na hindi niya ito gusto para sa kanya. Ang sagot ko, ‘ako ang may katawan at ako ang makikisama sa kanya, hindi kayo! Nakalimutan nyo na yatang fifteen years ago, inalis nyo na ang karapatan bilang nanay ko. Nakikipag-ugnayan lang ako sa inyo ngayon dahil sinusunod ko ang utos ni Daddy. No more, no less!’
POV NI OMENG OR ROMMEL JAMBOY SA TOTOO NITONG PANGALAN:
MAGANDA si Pamela Morales. Me topak nga lang madalas. Pero hindi ko naman siya masisisi kung maging ganun man ang pakikitungo nito sa ina. In fact nakakarelate ako sa kanya dahil halos pareho kami ng sitwasyon. Kaya nga ako naglayas dahil sa ginawa ng tatay ko. Huminga ako ng malalim at muli kong itunuon ang pansin sa pagmamaneho.
Kasagsagan ng traffic sa Edsa, maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Hindi ko ugaling sumagot ng tawag kapag nagmamaneho lalo pa at kasama ko ang amo ko. But since traffic naman at nakahinto ang sasakyan, sinagot ko na rin ito.
“Criselda!” Napalakas ang boses ko, nakita kong bumaling sa akin ng tingin si Pamela, hininaan ko na ang boses ko, “Criselda, napatawag ka?”
Kaibigan ko si Criselda. Nakilala ko canteen na kauna-unahang pinagtrabahuhan ko nuong naglayas ako. Fourteen years old pa lang ako nuon. Ang tagal na pala naming magkaibigan ni Criselda dahil magtwe-twenty five years old na ako sa darating na Friday.
“Anong plano mo sa Friday? Labas tayo, ako ang taya!” Sabi ni Criselda sa akin.
Napakamot ako sa ulo. Last week ay nagyaya rin itong lumabas pero hindi ako pwede dahil may pinuntahan kami ni Pamela.
“Naku, pasensya na, hindi ako pwede this coming Friday. Alam mo naman ang amo ko, daming ganap sa buhay,” sinabi ko iyon nang halos pabulong lang pero mukhang narinig ni Pamela kaya bahagya itong napasimangot nang sulyapan ko sa rear view mirror.
Cute ito kapag sumisimangot. Sabagay, kahit naman anong facial expression nito, maganda pa rin. Katipo ang beauty nito ni Liza Soberano na may halong Kristine Hermosa. Nagblush ako nang mahuli nitong nakatingin ako sa kanya kaya mabilis kong ipinaling ang mga mata ko sa phone ko, hindi sinasadyang napindot ko ang camera kaya nakita ko ang mukha ni Criselda.
Pero bago pa ito makapagsalita ay ini-off ko na ang phone ko dahil nagsimula nang umandar ang trapiko.
“Girlfriend mo?” Narinig kong tanong ni Pamela.
Hindi ko sya sinagot. Manigas sya sa curiousity. Hindi niya kailangang malaman ang personal kong buhay as long as ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko.
Nagkibit ito ng balikat, “Alam ba nya iyong usapan natin? Nagpaalam ka ba sa kanya?” Tanong nitong muli.
Iniisip siguro ni Pamela na girlfriend ko nga si Criselda kaya sinakyan ko na lang ang naiisip nya, “Hindi ko na kailangang magpaalam sa kanya. Very secure sa akin si Criselda kaya hindi iyon magseselos lalo pa at kunwari lang naman itong satin.”
“G-good,” iyon lang ang sabi nito saka natahimik na. Ako naman ay nagconcentrate na lang sa pagmamaneho. Napaisip ako, ano kaya kung totohanin namin ni Pamela ang relasyon namin?
Parang may bumara sa lalamunan ko. Tiyak na sakit lang ng ulo sa akin ang babaeng tulad ng isang to!
IN FAIRNESS, MASARAP nga sa restaurant na ito, medyo marami lang tao. Naparami tuloy ang kain ko kaya tatawa-tawa si Omeng habang nakatingin sa akin, "Oh di ba, sabi ko naman saiyo, masarap dito, sakto lang ang presyo. Ewan ko ba sa inyong mga mayayaman kung bakit gustong-gusto nyong nag-aaksaya ng pera kumain sa mga hotel, bukod sa kakarampot lang ang servings, overrated pa. Madalas, ang tatabang ng lasa."Nagkibit balikat lang ako. Dinagdagan ni Omeng ang rice sa pinggan ko, "Kain lang ng kain ha. Wala pang two thousand itong in-order natin kaya marami pa kong sobra. Saka wag kang magdiet. Mas maganda ka kapag bilugan iyong mukha mo."Napatitig ako dito. "May birthday wish ka ba?" Tanong ko."Meron sana pero malabong magkatotoo eh," halos paanas lang na sagot nito sa akin. Napalunok ako nang makitang titig na titig ito sa akin. Bigla tuloy akong naconscious.Pinunasan nito ng paper towel ang labi ko. Napakurap-kurap ako. Hey Pamela, nawawala ka nga yatang talaga sa wisyo
"ANAK NG TETENG, NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO?" Matiim na tanong sa akin ni Omeng, kinabahan ako nang matitigang mabuti ang mga mata nito. Bakit parang mas gumuwapo ang lalaking ito ngayon? Hah, masyado naman yata akong natatangay ng palabas kong ito? Muli kong naalala ang pakiramdam ko kanina habang hinahalikan ito. Biglang nag-init ang mga pisngi ko. Umiwas ako ng tingin dahil parang napapaso na ako sa mga mata nito ng sandaling iyon. Nagulat na lamang ako nang hilahin ako nito palabas ng aking opisina."Pakakainin muna kita dahil baka gutom lang yan kaya kung ano-ano ng naiisip mo," sabi sa akin ni Omeng bago pa ako makapagtanong.Inagaw ko ang kamay kong hawak nito saka umayos ako ng tindig. Pero pagkabukas ng elevator ay kaagad na ako nitong hinila papasok sa loob. "Pagkatapos nating kumain, saka tayo mag-usap tungkol sa Mommy mo," narinig ko pang sabi ni Omeng. Tahimik ako habang nag-iisip ng sasabihin. Maya-maya ay muli itong nagsalita, nakangisi, "Binigla mo ako s
"NAHIHIBANG KA NA BA?" Sigaw ni Mommy sa akin, hindi na ito nakapagpigil pa. Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwa kong pisngi. Sapat para matauhan ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para sabihin iyon kay Mommy.Napasobra naman yata ang pagsisinungaling ko?Pero napasubo na ako, wala ng atrasan ito."Hindi ako nahihibang," umayos ako ng tindig, kumapit ako kay Omeng para dito kumuha ng lakas, kahit ang totoo, hanggang ngayon ay gulat pa rin ito sa sinabi ko.Wala naman kasi ito sa usapan namin.Bugso ng sobrang galit kaya nasabi ko ang isang malaking kasinungalingan na ito. Bahala na. Ang mahalaga sa ngayon ay napagtagumpayan kong galitin si Mommy."Nasa katinuan ako, Mommy. Mahal ko si Omeng and to hell with what you think pero buo na ang pasya kong magpakasal sa kanya.""Anak ng teteng. . ." Narinig kong halos pabulong na sabi sa akin ni Omeng. Gustong-gusto na nitong magsalita pero nagpipigil lang. Siguro ay pinoprotektahan rin ang kahihiyan ko kaya sum
KITANG-KITA kong pinagpawisan si Omeng kahit todo na ang aircon sa aking opisina. Alam ko namang labag sa kalooban nito ang magpanggap bilang boyfriend ko lalo pa at ganito kung tingnan ito ni Mommy. Kulang na lang ay bigkasin ni Mommy ang salitang 'hampas lupa' sa harapan nito. Sabagay, ito naman talaga ang purpose ko. Ang manggalaiti sa inis si Mommy."Nakikipagnobyo ka sa dakila mong alalay? Wala ka na bang kahihiyan, ha Pamela?" Dinig kong sita ni Mommy sa akin saka muling ibinalik ang tingin kay Omeng. Nakita kong napatungo si Omeng, hiyang-hiya habang pinapasadahan ng tingin ni Mommy. "At ikaw lalaki, ang kapal naman ng mukha mo para samantalahin ang vulnerability ng anak ko. Alam mong milya-milya ang layo ng estado ninyong dalawa and yet ang lakas ng loob mong makipagrelasyon sa anak ko?"Nag-angat ng mukha si Omeng, parang biglang nawala ang hiya nito nang tingnan ang Mommy ko nang mata sa mata, ngunit nang magsaita ay punong-puno pa rin ng paggalang ang boses nito, "Ma
OMENG'S POV:BIRTHDAY ko ngayon. Kanina pa ako hindi mapakali dahil nahihiya akong magsabi kay Pamela na yayain ko siyang magdinner pagkatapos ng trabaho para man lang makapagcelebrate sa kaarawan ko. May naipon naman akong pera kaya pwede ko siyang itreat sa medyo mamahaling restaurant. Pero bago ko pa siya maimbinta, umurong na ang dila ko at bigla akong kinabahan. Baka kasi isnabin lang nito ang imbitasyon ko, mapahiya lang ako.Kaya bubulong-bulong na lang akong naglakad papuntang finance department. Nakita ko kaagad si Tiffany. Assistant secretary ito ng head of finance. Dalaga pa ito at napakabait at napakagiliw sa akin. Sabagay, lahat naman ng mga tsiks sa opisina mababait sa akin. Ito lang si Pamela ang hindi ata tinatalaban ng karisma ko."Rommel, iniisip pa lang kita ah," medyo kinikilig-kilig pang sabi sa akin ni Tiffany, namumungay ang mga mata nang lapitan ako, "May ibibigay sana akong sandwich saiyo kaninang lunch kaso hindi kita malapitan sa canteen dahil kasama m
"KUHANIN MO SA FINANCE department yung report na hinihingi ko," utos ko kay Omeng habang abala ako sa binabasa kong report ng opisina. Nag-angat ako ng mukha nang mapansin kong ni hindi man lamang ito tumitinag mula sa pwesto nito, "Ano pang hinihintay mo?" Nakaangat ang isang kilay na tanong ko dito. Waring atubili pa ito bago tumalima sa utos ko. Siguro ay naiinis dahil sinabihan ko siyang kailangan naming mag-overtime ngayong Friday sa dami ng kailangang tapusin sa opisina.Sa ngayon ay ako na ang CEO ng kompanya ng aking ama ngunit never akong nakakitaan ng aking mga empleyado ng katamaran. I see to it na magiging mabuti akong halimbawa sa kanila kaya ganuon na lamang ako kasipag magtrabaho. I also make sure na lahat ng documents na piniirmahan ko ay masusi kong pinag-aaralan. Bagama't two years ng retired si Daddy, sa kanya pa rin ako huimihingi ng advice lalo na sa mga malalaking desisyon ng kompanya.Kaya kung dati ay masipag na akong magtrabaho, mas lalo na ngayong sa ak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments