IN FAIRNESS, MASARAP nga sa restaurant na ito, medyo marami lang tao. Naparami tuloy ang kain ko kaya tatawa-tawa si Omeng habang nakatingin sa akin, "Oh di ba, sabi ko naman saiyo, masarap dito, sakto lang ang presyo. Ewan ko ba sa inyong mga mayayaman kung bakit gustong-gusto nyong nag-aaksaya ng pera kumain sa mga hotel, bukod sa kakarampot lang ang servings, overrated pa. Madalas, ang tatabang ng lasa."Nagkibit balikat lang ako. Dinagdagan ni Omeng ang rice sa pinggan ko, "Kain lang ng kain ha. Wala pang two thousand itong in-order natin kaya marami pa kong sobra. Saka wag kang magdiet. Mas maganda ka kapag bilugan iyong mukha mo."Napatitig ako dito. "May birthday wish ka ba?" Tanong ko."Meron sana pero malabong magkatotoo eh," halos paanas lang na sagot nito sa akin. Napalunok ako nang makitang titig na titig ito sa akin. Bigla tuloy akong naconscious.Pinunasan nito ng paper towel ang labi ko. Napakurap-kurap ako. Hey Pamela, nawawala ka nga yatang talaga sa wisyo
Last Updated : 2025-07-31 Read more