Share

CHAPTER 46

Agad siyang nahiga pagkatapos magpatuyo ng buhok. Domoble yata ang kaba niya dahil sa pag-iisip. Hindi na lang siya kinakabahan kundi nasasaktan rin.

Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Johann. Sino kaya si Celine? Ano ito sa buhay ni Johann? Girlfriend ba nito si Celine? Bakit ang lambing niya kay Celine?

Napapikit siya nang mariin. Naiinis siya! Bakit ba ayaw siyang patahimikin ng isip niya? Hindi siya nagseselos. Pero kahit ilang beses niyang itanggi iyon, iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya.

'Nababaliw na ako!'

Babangon sana siya pero narinig niya ang mga yabag sa labas ng kwarto niya. Nakatalikod siya sa pintuan. Muli niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog na. Alam niyang si Johann ang nasa labas ng silid niya. Hindi pa niya ito kayang harapin lalo na at ganito ang nararamdaman niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya sa isiping may girlfriend na ito.

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid niya. Maging ang yabag ni Johann ay dinig na di
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status