Share

#32:

Author: YuChenXi
last update Last Updated: 2025-11-18 16:26:24

Napangiwi si Marcus.

Hindi na lang ito basta nagbibiro.

Mabilis na inusisa ni Isabella ang sugat ni Marcus. Ganun na lang ang pagkagimbal iya ng makitang may dugo nga ang bendahe na nakatakip sa sugat nito.

"Kailan pa ito? Akala ko ay galos lang ang natamo mo kagabi," tanong ni Isabella na umalalay na kay Marcus.

Umakbay naman si Marcus sa kanya. Lihim na sinulyapan ni Marcus ang assistant at kinindatan.

"Halika, dito na muna tayo." Umalalay pa si Isabella sa pag upo ni Marcus.

Kumuha ng isang silid si Isabella sa hotel na iyon para agad na makita ang sugat ni Marcus. Hindi siya mapakali dahil alam niya na isa siya sa dahilan kaya pinaghihigantian ng mga Mansano si Marcus.

"Hindi ko lang sinabi sayo kagabi para huwag kang mag alala. Pero nalaman mo rin. Masyado ka kasing mapanakit," nagpapaawa pang sabi ni Marcus sa kanya.

"Hmp, hindi ka kasi nag iingat. Sino ba kasi ang nagsabi sayo na lumabas ng walang kasama, iyan tuloy, pinagkaisahan ka." puno naman ng pag aalalang panenermon ni I
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #32:

    Napangiwi si Marcus.Hindi na lang ito basta nagbibiro.Mabilis na inusisa ni Isabella ang sugat ni Marcus. Ganun na lang ang pagkagimbal iya ng makitang may dugo nga ang bendahe na nakatakip sa sugat nito."Kailan pa ito? Akala ko ay galos lang ang natamo mo kagabi," tanong ni Isabella na umalalay na kay Marcus.Umakbay naman si Marcus sa kanya. Lihim na sinulyapan ni Marcus ang assistant at kinindatan."Halika, dito na muna tayo." Umalalay pa si Isabella sa pag upo ni Marcus.Kumuha ng isang silid si Isabella sa hotel na iyon para agad na makita ang sugat ni Marcus. Hindi siya mapakali dahil alam niya na isa siya sa dahilan kaya pinaghihigantian ng mga Mansano si Marcus."Hindi ko lang sinabi sayo kagabi para huwag kang mag alala. Pero nalaman mo rin. Masyado ka kasing mapanakit," nagpapaawa pang sabi ni Marcus sa kanya."Hmp, hindi ka kasi nag iingat. Sino ba kasi ang nagsabi sayo na lumabas ng walang kasama, iyan tuloy, pinagkaisahan ka." puno naman ng pag aalalang panenermon ni I

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #31:

    "Huh! Hayop kang babae, malandi! Pokpok!" Sigaw ni Mrs. Corpuz na pumasok sa loob ng kwarto kung saan naabutan nilang magkatabi sa higaan ang asawa nito at ni Cathy.Kasabay ng pagkislap ng mga camera para kunan ang tagpong naabutan nila."Kaya ka sumikat na isang painter dahil sa pagpatol mo sa mga mayayamang lalaki na may asawa na. Hayop ka, isa kang pokpok." galit na galit na igaw ni Mrs. Corpuz saka nito hinila ang kumot na itinakip ni Cathy sa mukha."Huwag...""Ipapakita ko sa lahat kung anong klase kang babae," nakipaghilaan pa si Mrs. Corpuz sa kumot nito.Nagmamadali na ring pumasok ang ina ni Cathy sa pag aakalang si Isabella na ang pinagkakaguluhan ng mga media ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mga mata nito ng makita ang anak na siyang katabi ni mr. Corpuz."Ganyan mo ba pinalaki ang anak mo. Ang makisampid sa asawa ng may asawa para lang umakyat ang katayuan sa buhay," sumbat ni mrs. Corpuz sa ina ni Cathy."Mrs. Corpuz, hindi...""Anong hindi ang sinasabi mo dyan? Hi

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #30:

    "Halika, ipapakilala kita sa mga malalaking tao para hindi ka manibago kapag kasal ka na sa isang Tuazon."Napalingon si Isabella sa kanyang madrasta na nakalapit na sa kanila."Go, hayaan mo na kami dito." sabi sa kanya ni Cathy.Kahit na ayaw niyang sumama sa kanyang madrasta ay napilitan si Isabella ng hilain na siya nito sa mga umpukan ng mga kilalang tao."Sino siya mrs. Nicolas?" tanong ng isa sa mga bisita nila."Siya ang anak ng aking asawa sa una nitong asawa. Pero ako ang nagpalaki sa kanya at itinuturing ko siyang tunay na anak kaya ipapakilala ko siya sa inyo. Siya si Isabella, malapit na rin siyang ikasal sa isa sa mga apo ng mga Tuazon.""Siya ba ang fiancée ni Carlo? Aba, napakaswete naman ng batang iyon at kay ganda ng mapapangasawa niya." sabi naman ng isa.Nawala ang ngiti sa labi ng kanyang madrasta sa narinig nitong pagpuri sa kanya."Napakagandang dilag. Mas maganda pa siya sa tunay mong anak,""Oo nga." sigunda naman ng iba.Kahit tabingi na ang ngiti ng kanyang

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #29:

    Itutuloy na sana niya ang pagpipinta ng tumunog ang kanyang cellphone.Nawala bigla ang gana sana niyang gumuhit at tapusin iyon agad ng makita niya kung sino ang tumatawag."Isabella, tapos na ba ang ipinapaguhit ko sayo?" tanong sa kanya ni Cathy. Nilambingan pa talaga nito ang boses kaya mas lalo siyang naasar dito.Ngunit hindi naman niya iyon mailabas ng tuluyan.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka siya napatingin sa kanyang canvas."I'm still doing it," walang kagana gana niyang sagot kay Cathy. "Huwag kang mag alala, ipapadala ko agad sayo kung tapos ko ng iguhit.""Really, maaasahan ka talaga, Isabella." hindi maitago sa boses ni Cathy ang katuwaan sa sinabi niya. "It's on me today, ipinagdidiwang namin ngayon ang birthday ko dito sa Imperial Hotel. They asked you to come too, para makilala ka naman ng ibang tao.""Oh, talaga. Gusto nila akong imbitahan sa party mo? Okay, huwag kang mag alala, sister. Darating ako." sagot niya na may peke pang ngiti sa kanyang mga lab

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #28:

    Lihim na napangiti si Marcus, ngunit nagpanggap pa rin itong nanghihina.Wala naman itong natamong sugat kanina sa paglaban sa mga tauhan ni Cardo Mansano. Ngunit gusto lang naman niyang makitang mag alala si Isabella.."Marcus, anong nangyari sayo? Sino ang may gawa nito sayo?" tanong ni Isabella kay Marcus saka niya masusing tinignan ang mga pasa nito sa mukha.Umiling si Marcus saka may kinuha ito sa kaliwa nito.Doon lang niya napansin ang pamilyar na paper bag sa bakery kung saan siya laging bumibili ng puff na paborito niyang kainin."Binili mo iyan? Pero bakit may mga pasa ka?" tanong pa ni Isabella.Tumango si Marcus saka iyon binigay sa kanya."Lumabas ako para bumili iyan kanina, pero tinambangan ako ng mga tauhan ng mga Mansano. Sinabi ko sa kanila na hindi ako lalaban basta hindi nila iyan gagalawin at sisirain," mahinang sagot ni Marcus."Mas mahalaga pa ba ang buhay mo kaysa sa mga puff na ito? Pwede ka pa namang bumili ng iba kung nasira ito."Sumimangot si Marcus. Ang

  • Spoiled Me, Mr. Billionaire   #27:

    Agad na nakatulog si Isabella dahil sa pagod ng gabing iyon sa dami ng nangyari.Hindi siya namahay. Komportable siya sa kamang kinahihigan kaya nahimbing na siya sa pagkakatulog.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng silid kung saan natutulog si Isabella.Si Marcus ang pumasok.Magaan ang bawat hakbang na lumapit sa kama. Maingat na naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan si Isabella sa payapa nitong pagkakapikit.Ngumiti si Marcus. Umangat ang kamay niya at pinasadahan ng daliri nito ang ilong ni Isabella."Hindi ka pa rin nagbabago, aking Issay. Agad ka parin nakakatulog kahit sa kung kaninong bahay." mahinang usal ni Marcus na hindi mapigilan ang pagkaaliw na pagmasdan ang maamong mukha ni Isabella."Hmm, sleep tight, Issay." bulong ni Marcus.Dahan dahan siya nitong niyuko at magaan na hinalikan sa mga labi.Nanatili ng ilan pang minuto si Marcus na pagmasdan si Isabella bago siya nagpasyang lumabas para hindi na maistorbo ang tulog niya.Maingat na isinara ni Marcus ang pinto.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status