Share

Chapter 5- Kicked-out

Kitang kita ng mga mata ko ang nakasulat. "Transfer amounting Ten, Million Pesos to the receiver Maria Montefalco." Halos hindi ako makapaniwala na may pumasok ng pera sa account ko. Kaya nagmamadali akong dinukot ang cellphone ko sa bulsa at nag log-in sa online banking ko. Napag alaman kong wala namang pumasok kahit isang kusing sa account ko. Kaya isa lang ang ibig sabihin nito may nag set-up sa akin. Pero, sino namang hayop na tao ang gagawa nito sa akin. Wala naman akong kagalit man lang. Maliban kay--" Natutop ko ang bibig ko at hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni Mary ito sa akin. Alam kong galit siya sa akin kasi ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng anak niya.

Habang nagba browse pa ako ng files ng tumunog ang cellphone ko at ng i-check ko kong kanino galing ang text message. Kay Paulina pala sinabi nito na umalis na ang Mommy at ate ko kaya pwede na akong pumunta doon. Minabuti kong kunin ang laptop ng Daddy ko at baka may makuha pa akong ibang ebedensya dito na makakatulong sa akin sa problema ko.

Nang maka alis na ako sa MGC. Agad akong sumakay ng taxi at simula ng naaksidente ako iniwasan ko na muna ang pag gamit ng kotse.

"Sa Mt. Magdalene po tayo kuya." ani ko

"Okay, ma'am." sagot nito.

Nang maramdaman kong umandar na ang taxi. Natahimik na ako at hinintay kong magtetext pa ba sa akin si Paulina. Alam kong wala pang isang oras lang naman ang layo ng ospital na 'yon mula MGC kong hindi ako mata traffic. Inayos ko na ang mga gamit ko nang makita kong malapit na ako sa ospital at dumukot ng pera sa wallet. Nang isang libo at inabot dito nakita ko ang metro niya at wala pa namang 1000 kaya okay na siguro 'yon.

Nang iaabot pa sana niya sa akin ang sukli hindi ko na kinuha at sinabi ko na lang na; "Keep the change na po, kuya. Salamat."

"Salamat din po, Ma'am." sagot niya.

Nang makalabas ako sa taxi at naglakad patungo sa ospital. Naka ilang buntong hininga ako bago pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ni Paulina. "Maria, here." tawag nito sa pangalan ko. Nang nakita ko siya sa bandang dulo malapit sa emergency room. Agad akong naglakad patungo doon. At nang makalapit ako sa kan'ya halos madurog ang puso ko nang mapasilip sa emergency room. Punong puno ng aparatus ang katawang ng aking Daddy. Binalingan ko si Paulina at tinanong na; "A...Anong nagyari sa Daddy ko?" tanong ko dito.

"C..Comatose si Sir, Maria at sabi ng doctor hindi pa malaman kong kailan siya magigising o kong magigising pa ba." sagot nito. Na lalong nagpalugmok sa akin. Napa hawak ako sa tuhod ko at unti-unting napaluhod. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at naninikip na rin ang dibdib ko ng oras na'yon. "M..Maria, ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng tubig?" tanong nito sa kan'ya.

"O..Okay lang ako. Bakit, bakit si Daddy ko pa.." naiiyak na wika niya na may kasamang pagsigaw at halos mapaos na nga siya sa kakasigaw. Napapagod na siya at wala na nang maisigaw pa. Hanggang sa nahimatay ito at nawalan ng malay.

Nagising na lang siya na inaasikaso na ng mga nurses. "Nurse, Paulina, anong nangyari?" tanong nito.

"Ah! Nahimatay ka kasi at nawalan ng malay kaya dinala ka namin dito." sagot ni Paulina kay Maria.

"Ganon ba.. Teka, nasaan si Dad? May balita na ba sa kan'ya, Paulina?" tanong nito.

"W...Wala pa din, Maria. Kong gusto mo umuwi ka muna at babalitaan na lang kita kapag nagising ang Daddy mo o may update na dito. Mukhang pagod ka pa at kailangan mo ng energy. Sige na ako nang bahala dito. Bumalik ka na lang bukas hindi naman pupunta ang mag-inang bruha. May lakad ata pagkakarinig ko at may aasikasuhin para sa kasal nila ng nobyo daw. Ay! Ewan ko bahala sila sa buhay nila. Basta ikaw mag beauty rest ka at hwag kang magpapaka stressed sa dalawang 'yon." aniya.

Tumayo na ito at naglakad palabas ng kwarto, nag dire diretso na siya papalabas ng ospital. At nag hintay ulit ng taxing papara para makasakay ako. Nang may tumigil sa harapan ko agad akong sumakay. Sinabi ko lang kong saan niya ako ibaba.

Naidlip lang ako sandali at medyo ma traffic naman. Pinahinga ko ang sarili ko at utak ko. Pagod na pagod at bugbog ako sa buong araw. Hanggang sa magising ako na parang tumigil na ang taxi at pag mulat ko nasa tapat na pala ako ng Mansyon. Inabot ko agad ang pera dito at bumaba na ako. Naglalakad pa lang ako paakyat ng hagdan nang may mapansin akong kakaiba. Ang weird ng pakiramdam ko ng oras na 'yon. At kumunot ang noo ko ng makita ang mga maleta ko na nasa labas. "Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa sarili. Pinagkakalabog ko ang pintuan hanggang sa nag bukas ito at bumungad sa akin ang Mommy ko kasunod niya si Mary. Ang intrimitida kong kapatid na bweset sa buhay ko.

"B..Bakit nasa labas ang gamit ko, Mommy?" tanong ko pero, gets ko naman na din kong bakit gusto ko lang malaman. At expected ko na din na gagawin niya ito sa akin lalo wala na dito si Daddy. Ang taong may malasakit sa akin at tanging may paki alam.

"Bulag ka ba?? Pinapalayas ka na ni Mommy dito. Mamatay tao ka kasi. First ang baby ko, ang kawawa kong anak at second si Dad. Sinong susunod mong papatayin? Kami ni Mommy? I won't let it happen again. Kaya ngayon pa lang pinalalayas ka na namin sa pamamahay na 'to. Hwag na hwag mong ipapakita yang pagmumukha mo sa amin." wika ni Mary sabay hagis pa ng damit ko sa mukha ko.

"Bull shit!!" mura ko at wala na akong natitirang respeto pa sa kanila.

"Minumura mo kami?" tanong nito.

"Oo, mga bull shit kayo. Ikaw, Mommy, hindi mo ba ako anak para ituring mo akong basahan? Ibang klase kang Ina, napaka wala mong kwenta--" Natigil ang sasabihin pa niya ng lumagapak ang kamay nito sa pisngi niya at halos matabingi ang mukha niya sa lakas ng pagkakasampal nito.

"Inggrata ka! Ang kapal ng pagmumukha mo, lumayas ka na dito." sigaw nito sabay hawak ng buhok niya at kinaladlakad siya pababa ng hagdan. Kitang kita niya ang taxi na sinakyan niya kanina. Mabuti na lang na hindi pa ito naka alis.

"Lumayas ka at hwag ka ng babalik dito." sigaw ng Mommy niya.

"Hayan na lahat ng basurang gamit mo at lumayas ka na.." bulyaw ni Mary sabay bato ng lahat ng maleta niya ang ilan ay nagkalamat na sa taas ng impact nang pagkakabagsak.

Wala siyang nagawa kundi isa-isang pulutin ang mga gamit niya at sinakay sa taxi. Iyak siya ng iyak ng lisanin ang Mansyon na kinalakhang mula pa noong bata pa siya.

"Tara na po!" utos niya sa driver..

"Sige po ma'am. Saan po ba tayo pupunta?" tanong niya.

"S..Sabahin ko na lang po kapag nandon na tayo. Pasensya na po kayo at wala akong gana makipag usap po.." wika niya at doon na tumulo at rumagasa ang luha sa kan'yang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status