Share

Chapter 4- The Thief

Nagkakagulo ang Montefalco building, dahil kanina pa nagwawala ang CEO ng kumpanya na Daddy ni Maria. Walang nakaka awat sa pagwawala nito kahit na ang secretary niya pang si Paulina na labis rin ang takot sa nakita. Ngayon niya lang kasi nakita ang boss niyang nagkagan'yan sa tagal niyang nanilbihan dito bilang secretary.

Kaya malayo pa lang siya kitang kita na niya ang paghangos na pagtakbo nito. Nang magkalapit silang dalawa. Hapong hapo ito tila pagod na pagod na daig pa nakipag laban sa marathon.

"Paulina bakit? May problema ba? Late na ba ako?" sunod sunod na tanong ko.

"Oo, Ma'am Maria, kanina pa nagwawala si sir at walang maka awat dito.." sagot naman niya. Nagmamadaling naglakad papasok ng elevator siya ng marinig ang sinabi ni Paulina. Knowing her Dad, hindi naman siya magwawala ng walang dahilan at mabigat na problema. Kinakabahan man pinuntahan niya ang kan'yang Daddy sa opisina nito at para maka usap.

Kakatok pa sana siya ng biglang bumukas ang pintuan at ang sama ng tingin ng kan'yang Daddy sa kan'ya.

"Good thing that you are here." wika nito sa galit na boses. Hindi naman niya malaman kong bakit nagalit ang Daddy niya. Wala siyang kaalam alam na na set-up na pala siya ng kan'yang Mommy.

"You need money?" walang paligoy ligoy na tanonf ng kan'yang Daddy sa kan'ya at hindi niya ito maintindihan pa.

"No! Dad.." sagot niya sa pag-aakalang wala lang ito. Kaya nagulat siya ng nakatanggap siya ng dalawang nakakayanig na magkabilaang sampal mula dito.

"No! Pero, nagawa mong magnakaw ng 10 Millions sa kumpanya. P...Paano mong nagawa ito sa akin na sarili mong Daddy???" tanong nito na pagalit pa.

"H..Hindi ko alam yang ibinibintang niyo sa akin, Dad. Maniwala kayo sa akin, hindi ko magagawang pag nakawan ang kumpanya." sagot niya na naiiyak na rin.

"I don't believe you. Get out of my office and life now--" malakas na sigaw nito. At nang lalapitan niya ang kan'yang Daddy bigla na lang nanikip ang dibdib nito. "Ackkkk!!"

"D...Dad! Daddy, help us! Pleaseeee!" malakas na sigaw niya habang naiyak. Hindi naman niya malaman ang gagawin kaya nagtatakbo siya sa labas pata humingi ng tulong. Nang dumating ang Mommy niya. "Mom, si D..Dad--" anas niya na hindi maituloy ang sasabihin.

"What about him. Tell us???" pagalit na tanong nito. Imbes na magsalita pa si Maria tinuro na lang niya sa loob. Nagtatakbo naman ang Mommy niya papasok doon hanggang sa narinig niya lang ito ng ilang segundo na nagsisigaw. "Help, help us!! My husband needs a help.."

Nanatili lang na nakatayo si Maria at tila natuod ito, nakakaramdam rin siya ng pangangatog ng tuhod sa sobrang pagkabalisa. Nang makita siya ni Paulina linapitan siya nito para tulungan. "Ayos lang po ba kayo Ma'am, Maria? Kamusta po, napakalma niyo ba ang Daddy niyo?" tanong nito.

"Hin--" Hindi na niya nasabi pa ang gustong sabihin ng dumating ang mga medic at pumasok sa loob ng opisina ng CEO. Nagtataka man si Paulina ng makitang nilalabas ang katawan ng kan'yang boss na nakahiga sa bed stretcher.

"Give way! My husband needs to rush in the hospital." ani ng Mommy niya na nagsisigaw na para tumabi lang ang mga nakahang. Nang nakita siya nito hinawakan nito ang braso niya at sa sobrang higpit nang pagkakahawak ng braso niya nakakaramdam na siya ng sakit. "M..Mom, nasasaktan po ako." ani ni Maria dito kaso talagang bingi yata ito kaya isang nakakabinging sampal at sabunot ang tinamo niya. What did she expect from her Mom.

"Talagang masasaktan at mapapatay pa kitang babae ka. Kapag may nangyari sa asawa ko. Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. Tandaan mo yan!" banta ng Donya sa kan'ya. At sa lakas ng boses nito bingi na lang ang hindi makakarinig.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Mary. Na hindi na lang niya pinans. Nang akmang kikilos na siya bigla siyang inawat ng mga ito na; "Hep! Where do you think you are going??? Dito ka lang, narinig mo ba ang sinabi ni Mommy o talagang kinakalaban mo na siya?" singit ni Mary na nagpapansin na naman sa Mommy nila. Wala naman siyang pakialam sa kanila. She only want is her Dad, nothing more.

"Hindi niyo ako mapipigilan na makita ang Daddy ko.." singhal ni Maria sa pinaka malakas niyang boses. Sobrang nasasagad na siya ng mga ito.

"Don't make any scene here." saway ng Mommy niya ng mapansing dumami na ang nakiki usyoso sa away nilang dalawa.

"Ako ba ang nang gugulo dito? Ang gusto ko lang makita ang Daddy ko. Bakit, niyo ba pinagkakait sa akin 'yon? Isa rin naman akong Montefalco." giit niya. Natahimik ang mga ito at bubuka pa sana ng bibig ng tawagin na nang isa sa staff at binalitang dinala na sa ospital ang matanda. Hindi na sila hinintay pa at si Gregor na ang nagdala ang isa sa katiwala ng matanda.

"W...What?? Let's go, Ma'am. Wala naman tayong mapapala sa babaeng 'to." wika ni Mary, habang inaaya ang Mommy nito.

"We're not done, Maria. Sa oras na may mangyaring masama sa asawa ko, tandaan mo 'to humanda ka sa akin." banta ng kan'yang Mommy sabay talikod at naglakad papalayo sa kan'ya. Habang naiwan naman siyang tulala at hindi makalakad ang kan'yang mga paa.

Nang maka alis ang mag-inang bruha. Lumapit si Paulina at tinaboy ang mga nakikiusyoso. "Oh! Tapos na ang palabas. Go back to work." mariing utos niya sa mga ito. Nagpulasan naman ang lahat ng sabihan niya. Mga tsismosa talaga, hindi trabaho ang intindihin. Nakakaloka!!

"Ayos ka lang ba Ma'am Maria?" tanong ni Paulina.

"Oo, ayos lang naman ako. Alam mo ba kong saan dinalang ospital si Dad, ha?" tanong ko sa nanginginig ang boses. Hindi ko akalain na magkakaganon ang Daddy ko.

"Oo, sa Mt. Magdalene." wika niya.

"Sige, susunod na ako." sagot ko kaso pinigilan niya ako.

"Ano ba, Paulina, bitawan mo nga ako." inis na bulyaw ko dito. Kailangan ako ng Daddy ko..

"Hindi pwede, Ma'am Maria, narinig mo naman ang sinabi ng Mommy mo. Ako na lang ang susunod at babalitaan agad kita kapag naka alis na sila ng bruha mong ate.." ani nito. Sa lahat talaga si Paulina ang karamay ko. Siya lang kasi ang nakaka alam na isa akong Montefalco.

"S..Salamat, Paulina. Sige, kailangan ko munang mag-imbestiga." wika ko.

"Imbestiga? Saan???" tanong nito. Pero, hindi ko pwedeng sabihin sa kan'ya kaya naman sinagot ko na lang siya na; "W...Wala 'yon, disregard it. Medyo, wala lang talaga ako sa sarili sa nangyari kay Dad." sagot ko naman dito.

"Okay.. Sige, mauna na rin ako." aniya.

"S..Salamat, Paulina, mag-iingat ka." pahabol na wika ko.

Nang maka alis na ito sinimulan ko ng pumasok sa opisina ng Daddy ko para maghanap ng ebidensya. Sinimulan kong buksan ang laptop niya at madali ko lang itong nabuksan since hindi naman mahilig maglagay ng passcode ang Daddy ko ever since. At dito na ako unti-unting nangatog ang tuhod sa sobrang pagkabigal sa aking nakita..

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bratinela17
Salamat po sa pagbabasa ma'am ...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
napakawalang hiya talaga yang mommy at ate mo maria hindi mo ata sila totoong kadugo kaya ganyan ang turing sayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status