LOGINShadows in Paradise
Sa loob ng halos limang buwan, ang Club de Oro ay naging isang estrangherong lugar para sa akin. Matapos ang biglaang pagkawala ni Mr. Chua, na ayon sa mga bali-balita ay nagtungo sa Macau para sa kanyang mga "negosyo," ang buhay sa loob ng club ay tila dumaan sa isang kakaibang yugto ng katahimikan. Walang mga banta, walang mga biglaang inspeksyon, at walang mga utos na nagpapakaba sa aking dibdib.
Ang amoy ng hinalong alak, murang pabango, at usok ng sigarilyo na dati ay nakakasulasok, ay naging bahagi na lamang ng aking pang-araw-araw na pag-iral. Sa ilalim ng kumukurap-kurap na neon lights, ang bawat indayog ng aking katawan ay naging mekanikal. Hindi na ito ang tahimik na sigaw para sa kaligtasan, kundi isang paraan para makaraos. Sa gitna ng katahimikang ito, nagkaroon ako ng pagkakataong huminga—ngunit alam ko sa kaibuturan ko, ang katahimikang ito ay isa lamang kalmado bago ang pagdating ng bagyo.
Isang gabi, habang nag-aayos ako ng aking gamit matapos ang aking huling set, biglang nagbago ang timpla ng hangin. Ang mga bouncer na dati ay tamad na nakatayo ay biglang tumuwid ng tayo. Ang musika ay tila humina, at ang ingay ng mga kliyente ay napalitan ng isang mapang-aping tensyon.
Pagpasok ko sa backstage, nakita ko ang lahat ng mga babae na nakayuko. Sa dulo ng pasilyo, nakatayo ang anino ng isang lalaking hindi ko inasahang makikita pang muli.
Mr. Chua.
Bumalik siya. At kasabay ng kanyang pagbabalik ang paggunaw ng limang buwang kapayapaan na aking pinahalagahan. Ang kanyang mga mata, na tila sa isang buwitre na nag-aabang ng biktima, ay agad na dumapo sa akin.
"Spring," tawag niya. Ang boses nito ay parang latay ng latigo na humahapdi sa balat. "Matagal tayong hindi nagkita. Mukhang naging kampante ka sa katahimikan, hindi ba?"
Hindi ako nakasagot. Ang bawat sentimong kinikita ko sa loob ng limang buwan na iyon ay naipon ko para sa araw na ito—ang araw na akala ko ay makakatakas na ako. Ngunit sa isang iglap, ang lahat ng aking pag-asa ay tila naglaho.
Pinatatawag niya ako sa kanyang opisina. Sa loob, ang amoy ng mamahaling ceruto ay nakakasuka, tila isang alaala ng impiyernong hindi ko kailanman matatakasan. Isang makapal na folder ang inilapag niya sa harap ko.
"Balita ko, may tiyahin kang nagtatrabaho para sa mga Dominguez," panimula ni Mr. Chua, ang boses ay kalmado ngunit may pait. "At isa sa mga miyembro ng Celestial Band ang inalagaan dati ng tiyahin mo... si Archer Nox Dominguez. Kilala mo siya, hindi ba? Ang keyboardist ng Celestial."
Hindi ako nakapagsalita. Nanatiling nakatitig sa akin ang matanda, ang kanyang mga mata ay tila sa isang buwitre na matagal nang naghihintay ng tamang pagkakataon para dumagit.
"Ang Celestial Sanctuary," pagpapatuloy niya. "Ang kuta ng pinakasikat na banda sa bansa. Doon ka papasok, Spring. Magsisilbi kang mata at tenga ko sa loob. Sa pamamagitan ng koneksyon mo sa tiyahin mo, makakapasok ka bilang house aide. Dapat makombinsi mo ang tiyahin mo na ikaw ang maipasok doon. Kapag nakuha mo ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanilang security protocols, burado na ang utang ng amain mo. Malaya ka na, at malaya na rin ang nanay mo."
Umiling ako, ramdam ang panginginig ng aking labi at ang luhang unti-unting namumuo sa aking mga mata. "Ayoko pong manlinlang ng tao, Mr. Chua. Hayaan niyo na po kaming mamuhay nang tahimik ni Nanay. Magtatrabaho po ako nang maayos dito, babayaran ko ang lahat ng utang... please."
Tumawa lang siya nang mapakla—isang tunog na walang bahid ng awa. Iniharap niya ang kanyang cellphone sa akin. Sa screen, isang live video feed ang bumungad: si Nanay Susan na payapang natutulog sa loob ng aming bahay, habang isang pulang tuldok ng laser pointer ang nakatutok nang diretso sa kanyang bintana.
"Ang buhay ng nanay mo ay nakadepende sa bawat report na ibibigay mo sa akin," malamig niyang banta. "Isang maling galaw, o kahit isang araw na mawalan ka ng balita sa akin, at mananatiling tulog ang nanay mo... habambuhay. Maliwanag?"
Tila gumuho ang mundo ko. Ang bawat hininga ko ay naging mabigat, tila may nakadagan na malaking bato sa aking dibdib. Wala akong takas. Wala na akong ibang pagpipilian kundi ang maging anino sa paraiso ng iba, kapalit ng buhay ng tanging taong nagmamahal sa akin.
"Maliwanag," pabulong kong sagot. Ang boses ko ay parang basag na salamin.
"Magaling." Isinara niya ang folder at iniabot ito sa akin. "May limang araw ka para maghanda."
Paglabas ko ng opisina, ang bawat hakbang ko ay parang paglalakad sa ibabaw ng mga bubog. Ang musika ng Club de Oro ay tila nanunuya sa akin. Sasayaw pa rin ako? tanong ko sa sarili. Hanggang kailan?
"Spring!"
Hinarap ako ni Lira sa gilid ng backstage. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?"
Hindi ako nakasagot agad. Ipinasok ko ang folder sa loob ng aking bag na puno ng mga lumang costume. "Lira, kailangan ko nang umalis dito. Hindi na ako mananatili sa entablado."
"Ano? Saan ka pupunta?"
"Sa Celestial Sanctuary," sagot ko, pilit kong pinanatiling matatag ang aking boses kahit na ang puso ko ay nagwawala na sa kaba. "Magiging house aide ako doon. Iyon ang tanging paraan para... para mailigtas ko si Nanay."
Napahawak si Lira sa aking balikat. Alam niyang hindi iyon isang paglipat ng trabaho para sa mas magandang buhay; alam niyang iyon ay isang misyon para sa kaligtasan. "Mag-ingat ka, Spring. Ang mga lalaking iyon... ang Celestial Band... hindi sila basta-bastang tao. Higit pa sila sa mga kliyente natin dito."
Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Lira, nagkulong ako sa banyo ng aming silid. Dala ang isang lumang cellphone na itinago ko sa ilalim ng aking unan, nanginginig ang mga kamay kong dinial ang numero ng aking Tiya Lena. Siya ang nagsisilbing head housekeeper sa mga Dominguez, at siya rin ang nag-aalaga noon kay Archer Nox noong bata pa ito.
“Hello? Spring? Napatawag ka, anak?” ang boses ni Tiya Lena sa kabilang linya. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
Huminga ako nang malalim, pilit kong pinapakalma ang aking nagwawalang puso. “Tiya... tumatawag po ako dahil... gusto ko na pong umalis dito sa club. Hindi ko na po kaya, Tiya. Gusto ko na pong magbagong-buhay para makatulong kay Nanay.”
“Mabuti naman kung ganoon, Spring. Anong plano mo?”
“Hindi ko po alam kung saan magsisimula, Tiya. Pero narinig ko po na kayo ang humahawak sa mga housekeeping staff para sa pamilyang Dominguez at sa mga konektado sa kanila. May alam po ba kayong pwede kong pasukan? Kahit anong marangal na trabaho po, tatanggapin ko. Gusto ko lang po talagang lumayo kay Mang Carlo—natatakot na ako, Tiya. Kailangan ko po talagang makapag-ipon para sa pagpapagamot sa sakit ni Nanay.”
Tumahimik sandali si Tiya Lena sa kabilang linya, tila nag-iisip. “Mahirap maghanap ng trabaho sa panahong ito, Spring. At alam mo naman na hindi basta-basta ang mga pinaglilingkuran ko. Napakahigpit ng seguridad dahil sa mga kliyente namin.”
“Kahit ano po, Tiya. Sisiguraduhin ko pong hindi kayo mapapahiya.”
“Alam mo, sa totoo lang, may pinaghahandaan kami sa Celestial Sanctuary. Hindi man ito isinapubliko dahil sa kailangang privacy at seguridad ng Celestial Band, naghahanap kami ng isang mapagkakatiwalaang house aide na makakatulong sa loob. Hindi ito madaling trabaho, Spring. Napakahigpit ng mga protocols doon.”
Napatigil ang paghinga ko. Ito na iyon. “Tiya, handa po ako. Kahit gaano kahigpit, susundin ko po ang lahat ng patakaran. Pakiusap po, irekomenda niyo ako.”
“Dahil pamilya tayo, at alam kong mabuti ang hangarin mo para sa nanay mo, susubukan ko. Kakausapin ko ang management para sa isang interview. Pero siguraduhin mong seryoso ka, dahil hindi basta-basta ang mga taong makakasalamuha mo doon.”
“Salamat po, Tiya. Seryoso po ako. Handa po akong magtrabaho nang mabuti.”
Pagpatay ko ng tawag, napaupo ako sa malamig na sahig. Ang kasinungalingan ko ay mas mabigat kaysa sa mga pasa sa aking binti. Ginamit ko ang tiwala ng aking sariling tiyahin para pasukin ang mundong pilit akong ipinapasok ni Mr. Chua. Hindi ko man nasabi ang tungkol sa banta ng baril at sa aking pagiging espiya, alam ko sa sarili ko na ang bawat hakbang ko sa Sanctuary ay hiram na oras para sa buhay ni Nanay.
Wala nang balikan. Ang misyong ito ay hindi na lang tungkol sa pagtakas; ito ay naging isang laro ng kamatayan kung saan ang taya ay ang buhay ng pinakamahal kong tao sa mundo.
Pagkalipas ng dalawang araw, isang convoy ng mga itim na SUV ang huminto sa harap ng Celestial Sanctuary sa Antipolo. Ang mansyon ay tila isang kuta sa itaas ng bundok, napalilibutan ng matatayog na pader at makabagong security system na tila hindi kayang pasukin kahit ng isang langgam.
Habang nasa loob ng sasakyan, hindi mapakali si Spring. Katabi niya sina Mrs. Azura Dominguez at Mrs. Venus Sanchez—ang mga ina nina Archer at Neptune. Ang bawat haplos ni Mrs. Azura sa kanyang kamay ay tila saksak sa kanyang konsensya.
"Huwag kang matakot, Spring," malambing na sabi ni Mrs. Azura. "Kilala ko ang Tiya Lena mo, at alam kong mabuti kang bata. Dito ka magtatrabaho bilang house aid. Limitado lang ang mga kinukuha naming tauhan dahil sa banta sa buhay ng mga bata, pero dahil pamangkin ka ni Manang Lena, malaki ang tiwala ko sa 'yo."
Napayuko si Spring. Tiwala. Isang salitang hindi niya dapat tinatanggap.
Pagbaba ng sasakyan, isang babaeng may sleek ponytail at matalim na aura ang sumunod sa kanila, bitbit ang isang malaking silver kitchen case. Siya si Zoe Bree Mendoza. Ang bawat hakbang nito ay puno ng kumpiyansa, tila ba handang manaksak ng kahit na sino gamit ang isang spatula kung kailangan.
Bitbit ang kanyang kupas at lumang bag, pumasok si Spring sa malawak na sala. Doon ay tila nagtipon ang buong lakas ng Celestial. Nakita niya ang matatangkad at matitikas na miyembro ng banda na tila ba mga diyos na bumaba sa lupa.
Naroon si Sirius Phoenix Montemayor, ang vocalist na may princely look at nakakasilaw na ngiti. Si Rigel Rodriguez, ang drummer na may dalang wild at artistic na aura. At si Archer Nox Dominguez, ang keyboardist na may cat-shaped eyes na tila binabasa ang bawat kilos mo.
"Zoe?" halos mapatid ang boses ni Neptune Sanchez, ang bassist na kilala sa kanyang boxy smile pero ngayon ay mukhang nakakita ng maligno.
"Long time no see, Tonton," bungad ni Zoe Bree. Ang kanyang ngiti ay puno ng pang-uuyam na tila ba matagal na silang may 'world war' ng binata.
"Huwag mo akong tawaging Tonton! Neptune na ang pangalan ko!" bulyaw ng bassist habang mabilis na nagtatago sa likod ni Sirius. "Ma! Bakit kailangang siya pa ang magluto rito? Pwede naman kaming mag-order!" reklamo ni Neptune kay Mrs. Venus.
"Dahil ang kinakain niyo ang unti-unting pumapatay sa inyo, Neptune," sabat ni Zoe sabay bagsak ng kanyang kitchen case sa mesa. Ang kalansing ng mga kutsilyo sa loob ay nagpatindig ng balahibo ni Neptune. "Sa kusinang ito, ako ang boss. Neptune, kapag nakakita pa ako ng chips sa ilalim ng kama mo, asahan mong puro ampalaya ang ulam mo sa loob ng isang buwan!"
Habang nagbabangayan ang dalawa, si Spring ay nanatiling tahimik sa gilid. Sinubukan niyang maging anino, ngunit naramdaman niya ang isang malamig na titig na tila tumatagos sa kanyang kaluluwa. Sa dulo ng pasilyo, nakatayo ang bodyguard na si Haven Diamond Fortaleza. Hindi ito kumukurap, ang kanyang Phoenix-shape eyes ay tila binabasa ang bawat hibla ng pagkatao ni Spring.
"Lahat, makinig kayo," muling anunsyo ni Mrs. Azura. "Ito si Spring. Siya ang bagong house aid na pamangkin ni Manang Lena. Maging mabait kayo sa kanya."
Habang bumabati ang ibang miyembro, hindi mapakali si Spring. Alam niyang si Haven ang pinakamalaking hadlang sa kanyang misyon. Ang bawat sulyap ng bodyguard ay isang paalala na sa gitna ng marangyang bahay na ito, siya ay isang impostor.
Nang makaalis ang mga convoy ng mga magulang, naiwan ang katahimikan na agad binasag ni Zoe nang kumpiskahin ang junk food sa hoodie ni Neptune. "Welcome to your new life Tonton!"
"I hate you, Zoe Bree Mendoza! I hate you to the moon and back!" sigaw ni Neptune habang patakbong umakyat ng hagdan.
Naiwan si Spring sa sala. Sa gitna ng kanyang pag-iisa, hindi niya napigilang sulyapan ang malalaking security monitors. Pinag-aaralan niya ang bawat anggulo ng camera, ang bawat blind spot na kailangan ni Mr. Chua. Ngunit sa isang iglap, naramdaman niyang nakatingin sa kanya si Haven mula sa malayo—isang tingin na punong-puno ng pagdududa na tila sinasabing, 'Binabantayan kita.'
Bago pa makakilos si Spring, isang malamyos na nota ng gitara ang umalingawngaw mula sa itaas. Isang himig na tila nagpatahimik sa magulong isipan ng dalaga. Pababa ng hagdan ang lead guitarist na si Orion Vargas, ang tinaguriang Fairy Prince.
Ang kanyang wolf cut na buhok ay bahagyang gulo-gulo, at ang kanyang dark brown eyes ay tila nagbibigay ng kakaibang liwanag sa madilim na mundo ni Spring. May dala itong aura ng kapayapaan na hindi kailanman naramdaman ni Spring sa loob ng Club de Oro.
"Bago ka?" ang boses ni Orion ay malamyos at malumanay, parang isang malambot na unan sa gitna ng matigas na kalsadang nilakaran ni Spring. Tumigil ito sa mismong tapat niya. Ang amoy ni Orion—isang halo ng sandalwood at bagong labang damit—ay biglang nagpabilis sa tibok ng puso ni Spring.
Inabot ni Orion ang isang nahulog na panyo mula sa bag ni Spring. Sa sandaling magkadikit ang kanilang mga daliri, tila may kuryenteng gumising sa namamanhid na puso ng dalaga. Isang pakiramdam ng kaligtasan na matagal na niyang kinalimutan.
"S-salamat po... Sir Orion," utal niyang sagot, sabay yuko para hindi makita ng binata ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Don't be too nervous, Spring. Relax lang. We don't bite," biro ni Orion bago ito nagpatuloy sa paglalakad palayo, dala ang kanyang gitara na tila bahagi na ng kanyang katawan.
Habang pinapanood ni Spring ang pag-alis ni Orion, biglang uminit ang cellphone sa kanyang bulsa. Isang notification mula sa isang encrypted number. Binuksan niya ang text mula kay Mr. Chua: “Nasa loob ka na. Simulan mo na ang pagkuha ng codes. Huwag mong kakalimutan ang nanay mo. May sniper na naghihintay ng go-signal ko.”
Pumikit si Spring nang mariin habang hawak ang panyong ibinigay ni Orion. Ang paraisong pinasukan niya ay isa palang mas magandang uri ng hawla. Ang lalaking nagparamdam sa kanya ng panandaliang kaligtasan ang nakatakda niyang traydurin sa ilalim ng mga anino ng Celestial Sanctuary.
Shattered MasksSpring POVIlang araw na rin ang nakalipas simula nang huli akong makatanggap ng tawag o text mula kay Mr. Chua. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong pinapaniwala ang sarili ko na baka napagod na rin siya, o baka nakahanap na siya ng ibang "espiya" na mas madaling utusan kaysa sa akin. Sa wakas, ang tensyon sa aking dibdib ay nagsimula nang humupa. Nakahinga ako nang maluwag, naisip ko na baka, sa gitna ng lahat ng ito, may pag-asa pa pala akong mabuhay nang payapa sa tabi ng Celestial.Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi pala isang paglaya—isa pala itong paghahanda para sa isang malaking pasabog.Sa hapunan ng gabing iyon, ang mesa ay hindi lamang puno ng masusustansyang pagkain ni Zoe Bree, kundi puno rin ng tensyong halos kasing-init ng nilutong sabaw. Nakaupo ang lahat: si Sirius na seryoso katabi si Haven, si Archer at Orion na tahimik, si Rigel na masaganang kumakain at sina Neptune at Zoe na nagbabangayan tungkol sa gulay.Nakahain ang organic herb-crus
The Missing MelodyOrion's POVSanay ako sa ingay. Sa mundong ginagalawan ng Celestial, ang ingay ay katumbas ng tagumpay—ang tilian ng mga tagahanga, ang malakas na beat ng drums ni Rigel, at ang sabay-sabay na pagtibok ng puso ng mga taong nanonood sa amin. Ngunit dito sa loob ng Celestial Sanctuary, may isang uri ng katahimikan na hindi ko mawari. At sa gitna ng katahimikang iyon, napansin ko siya: si Spring.Mula noong unang araw na dumating siya, iba na ang pakiramdam ko. Hindi siya katulad ng ibang staff na nakasalamuha ko na. May kakaibang bigat sa bawat hakbang niya, isang anino na tila pilit na nagtatago kahit nasa harap na siya.Habang nag-aayos siya ng mga kagamitan sa music room, hindi nakatakas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang mga kamay. Akala ko noong una ay dahil lang sa nerbiyos o dahil bago siya sa trabaho, ngunit habang tumatagal, nakikita ko ang pattern. May takot sa kanyang mga kilos—takot na hindi galing sa pagiging mahiyain, kundi sa isang bagay na
The Bonds of BetrayalAng hangin sa loob ng Celestial Sanctuary ay tila mas magaan kaysa sa nakaraang mga araw. Sa music room, itinuturo ni Orion kay Spring ang mga simpleng chords sa gitara. Ang bawat nota ay tila isang payapang daloy ng tubig na nagtatanggal ng mga tinik sa puso ng dalaga. Sa loob ng ilang sandali, nakalimutan ni Spring ang kanyang pagiging espiya; nakalimutan niya ang banta ng sniper, ang takot kay Haven, at ang dumi ng nakaraan sa Club de Oro."Ang galing mo, Spring. Mabilis kang matuto," nakangiting sabi ni Orion, ang mga mata ay puno ng paghanga.Ngunit ang masayang sandaling iyon ay biglang naputol nang tumunog ang cellphone sa bulsa ni Spring. Isang encrypted message ang lumabas sa screen. Dahil sa pag-aakalang isa na naman itong utos na paglilinis, agad niya itong binuksan habang nakatalikod nang bahagya kay Orion.Ngunit hindi ito text. Isang voice call mula kay Mr. Chua.Sa matinding kaba, lumabas siya ng silid at nagtungo sa pasilyo. "Mr. Chua? Ano po
SHADOWS OF DOUBTAng unang umaga sa Celestial Sanctuary ay hindi sinalubong ng sikat ng araw para kay Spring, kundi ng isang mabigat na pakiramdam na tila may nakadagan sa kanyang dibdib. Sa loob ng marangyang mansyong ito, bawat sulok ay may lihim, at bawat anino ay tila may mata. Habang naglilinis, hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, kahit saan siya lumingon, naroon ang malamig na titig ni Haven Diamond Fortaleza—ang babaeng tila binabasa ang bawat tibok ng kanyang puso.Habang bitbit ang isang tambak ng mga bagong labang tuwalya patungo sa pool area, narinig niya ang ritmo ng mga yabag na naging dahilan ng kanyang pagkatigil. Pababa ng hagdan si Haven, ang bawat galaw ay disiplinado at matalim."Spring," tawag ni Haven.Napatigil ang dalaga, halos malaglag ang mga tuwalya sa kanyang mga kamay. Ang boses ni Haven ay hindi lang basta pagtawag; ito ay isang pag-utos na kayang magpatigil sa kanyang mundo."Bakit nanginginig ang mga kamay mo?" tanong ni Haven, lumalapit nang daha
The Gap Between Loyalty and BetrayalAng gabi sa Antipolo ay balot ng malamig na simoy ng hangin, ngunit sa loob ng Celestial Sanctuary, tila nagliliyab ang konsensya ni Spring. Ang bawat paghinga niya ay may kasamang bigat na tila tinatabunan ng mga pader ng mansyong ito. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama sa servant’s quarters, ang maliit na silid na naging pansamantalang santuwaryo niya, ngunit sa halip na kapayapaan, tila ito ay naging isang malamig na bilangguan.Sa kanyang palad, mahigpit niyang hawak ang isang maliit na device na kasingliit lamang ng butones—isang signal jammer at transmitter na ibinigay ni Mr. Chua bago siya pumasok sa mansyon. Ang plastik na gilid nito ay bumaon sa kanyang balat, isang paalala ng kanyang maruming misyon."Kailangan mo lang itong idikit sa ilalim ng main console sa command center," boses ni Chua ang tila bumubulong sa dilim, isang boses na kailanman ay hindi niya makakalimutan. "Isang beses lang, Spring. Pagkatapos noon, malaya na ang nanay
Shadows in ParadiseSa loob ng halos limang buwan, ang Club de Oro ay naging isang estrangherong lugar para sa akin. Matapos ang biglaang pagkawala ni Mr. Chua, na ayon sa mga bali-balita ay nagtungo sa Macau para sa kanyang mga "negosyo," ang buhay sa loob ng club ay tila dumaan sa isang kakaibang yugto ng katahimikan. Walang mga banta, walang mga biglaang inspeksyon, at walang mga utos na nagpapakaba sa aking dibdib.Ang amoy ng hinalong alak, murang pabango, at usok ng sigarilyo na dati ay nakakasulasok, ay naging bahagi na lamang ng aking pang-araw-araw na pag-iral. Sa ilalim ng kumukurap-kurap na neon lights, ang bawat indayog ng aking katawan ay naging mekanikal. Hindi na ito ang tahimik na sigaw para sa kaligtasan, kundi isang paraan para makaraos. Sa gitna ng katahimikang ito, nagkaroon ako ng pagkakataong huminga—ngunit alam ko sa kaibuturan ko, ang katahimikang ito ay isa lamang kalmado bago ang pagdating ng bagyo.Isang gabi, habang nag-aayos ako ng aking gamit matapos an







