LOGINThe Gap Between Loyalty and Betrayal
Ang gabi sa Antipolo ay balot ng malamig na simoy ng hangin, ngunit sa loob ng Celestial Sanctuary, tila nagliliyab ang konsensya ni Spring. Ang bawat paghinga niya ay may kasamang bigat na tila tinatabunan ng mga pader ng mansyong ito. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama sa servant’s quarters, ang maliit na silid na naging pansamantalang santuwaryo niya, ngunit sa halip na kapayapaan, tila ito ay naging isang malamig na bilangguan.
Sa kanyang palad, mahigpit niyang hawak ang isang maliit na device na kasingliit lamang ng butones—isang signal jammer at transmitter na ibinigay ni Mr. Chua bago siya pumasok sa mansyon. Ang plastik na gilid nito ay bumaon sa kanyang balat, isang paalala ng kanyang maruming misyon.
"Kailangan mo lang itong idikit sa ilalim ng main console sa command center," boses ni Chua ang tila bumubulong sa dilim, isang boses na kailanman ay hindi niya makakalimutan. "Isang beses lang, Spring. Pagkatapos noon, malaya na ang nanay mo. Huwag mong hintaying dumanak ang dugo sa loob ng munting tahanan niyo bago ka kumilos."
Huminga nang malalim si Spring, pilit na pinatitibay ang loob. Lumabas siya ng silid bitbit ang bigat ng buong mundo. Alas-dos na ng madaling araw. Ang buong mansyon ay nababalot ng katahimikan, tanging ang mahinang ugong ng air conditioning at ang paminsan-minsang huni ng mga kuliglig sa labas ang naririnig. Ang bawat anino sa dingding ay tila nagiging isang mapanghusgang daliri na nakaturo sa kanya.
Dahan-dahan ang bawat hakbang niya sa pasilyo. Alam niyang sa bawat kanto ay may CCTV camera, ngunit sa loob ng higit sampung buwan sa club, natutunan niya ang sining ng pagtatago. Itinuro na sa kanya ni Chua ang mga blind spots—mga anggulong hindi sakop ng lente. Ngunit kahit alam niyang hindi siya nakikita ng camera, pakiramdam niya ay ang mismong mga pader ay nakamasid sa kanyang bawat galaw.
Nang marating niya ang bukana ng sala, tumigil siya. Ang asul na liwanag mula sa mga monitor sa kabilang silid ay nagbibigay ng multong anino sa pader. Naroon ang command center—ang puso ng seguridad ng Sanctuary. Kailangan niyang makapasok doon bago mag-ikot ang security protocol. Isang hakbang na lang, at baka mabura na ang utang ng kanyang amain.
Ngunit bago pa siya makahakbang patungo sa p***o, isang malamig na boses ang bumasag sa katahimikan, tila isang kumpas ng kamatayan na nagpapatigil sa oras.
"Masyadong malalim na ang gabi para maghanap ng maiinom, Spring."
Napatalon si Spring sa gulat at halos mabitawan ang transmitter. Sa madilim na bahagi ng mezzanine, nakasandal si Haven Diamond Fortaleza. Ang kanyang Phoenix-shape eyes ay kumikislap sa dilim, matalas at mapanuri. Hindi ito nakasuot ng uniporme, ngunit ang kanyang postura ay tila isang mandirigmang handang sumalakay sa kahit anong segundo. Ang lamig ng kanyang tinig ay tila yelong nanunuot sa buto ni Spring.
"Ms. H-Haven..." utal ni Spring, pilit na itinatago ang kamay sa likuran. Ang pawis sa kanyang noo ay dumadaloy na, sa kabila ng malamig na hangin. "Hindi po ako makatulog. Naninibago lang po sa lugar. Masyado po kasing tahimik dito, hindi po ako sanay."
Bumaba si Haven sa hagdan nang walang ingay, tila isang aninong gumagalaw sa sahig. Tumigil siya sa harap ni Spring, ang distansya ay sapat na upang maramdaman ng dalaga ang awtoridad na dala nito. Ang bawat titig nito ay tila binubunot ang kanyang mga lihim.
"Ang mga taong naninibago ay madalas na tulog dahil sa pagod. Ang mga taong may itinatago ang madalas na naglalakad sa dilim," ani Haven. Ang bawat salita niya ay tila isang palasong tumatama sa gitna ng konsensya ni Spring. "Anong meron sa kamay mo, Spring?"
"Wala po... nanginginig lang po ako sa lamig," palusot ni Spring, habang nararamdaman ang matigas na transmitter na bumaon sa kanyang palad. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Spring ang tunay na takot. Si Haven ay hindi basta bodyguard; siya ay isang mangangaso na nakatunog na sa kanyang biktima.
Tinitigan siya ni Haven nang matagal, ang mga mata ay tila naghuhukay ng katotohanan sa likod ng kanyang mga pilikmata. Isang maling galaw, at alam ni Spring na tapos na ang lahat. Ngunit bago pa mapilit ni Haven na ipakita niya ang kanyang kamay, bumukas ang p***o ng isa sa mga silid sa itaas.
"Haven? Bakit gising ka pa?" ang boses ni Orion Vargas ay bumasag sa tensyon. Pababa ito ng hagdan, nakasuot ng maluwag na puting t-shirt, hawak ang kanyang gitara. Ang kanyang wolf cut na buhok ay gulo-gulo, isang imahe ng inosenteng kapayapaan sa gitna ng madilim na kumpetisyon sa ibaba.
"May nakita lang akong hindi daw makatulog," sagot ni Haven, hindi inaalis ang tingin kay Spring.
Lumapit si Orion at napansin ang pamumutla ni Spring. Agad na lumambot ang ekspresyon ng Fairy Prince. "Spring? Ayos ka lang ba? Mukha kang nakakita ng mumu. Masyado ka sigurong ginulat ni Haven, 'wag kang mag-alala, ganyan talaga 'yan kapag gabi."
"Naninibago lang daw siya, Orion," sabat ni Haven, ang boses ay puno pa rin ng pagdududa. "Pero sa tingin ko, kailangan niya ng mas mahigpit na gabay sa bahay na ito."
"Hayaan mo na siya, Haven. Masyado kang seryoso. Unang gabi nya pa lang dito," sabi ni Orion sabay baling kay Spring. Ang kanyang mga mata ay puno ng malasakit, isang uri ng init na hindi naranasan ni Spring sa Club de Oro. "Kung hindi ka makatulog, gusto mong makinig sa tinatapos kong kanta? Sabi nila, mas epektibo ang kanta ko kaysa sa mainit na gatas."
Tumingin si Spring kay Orion, pagkatapos ay kay Haven. Ang pagdating ni Orion ay nagsilbing salbabida niya. Ang kanyang presensya ay naghatid ng kakaibang init sa malamig na katahimikan ng Sanctuary. "S-sige po, Sir Orion. Gusto ko po."
"Halika sa balkonahe. Doon, hindi ka na matatakot sa Shadow Reaper na 'to," aya ni Orion.
Habang naglalakad si Spring kasunod ni Orion, naramdaman niya ang titig ni Haven na nakatusok sa kanyang likuran. Alam niyang hindi siya tinatantanan ng tingin sa tinatawag nilang Shadow Reaper. Ang misyon ni Chua ay naging isang laro ng buhay at kamatayan, at sa ngayon, ang kabutihan ni Orion ang naging panandalian niyang panangga.
Pagdating sa balkonahe, naupo si Orion sa isang wooden bench at nagsimulang kumaskas ng gitara. Ang musika ay malungkot pero payapa—isang malaking contrast sa gulo sa loob ng isip ni Spring. Ang kanyang plush lips ay bahagyang gumalaw habang kinakanta niya ang isang bagong himig na tila nagpapatulog sa mga demonyo sa isip ni Spring.
"Alam mo, Spring," panimula ni Orion habang tumutugtog. "Ang musika, hindi nagsisinungaling. Kung ano ang nararamdaman mo, 'yun ang lumalabas na nota. Ikaw, anong nota ang dala mo ngayong gabi?"
"Nota po ng takot, Sir," sagot ni Spring. Hindi niya masabing ang takot na iyon ay dahil sa taong nasa harap niya—ang taong nakatakda niyang traydurin para sa kaligtasan ng kanyang ina.
Tumigil si Orion at tiningnan siya nang may malasakit. "Huwag kang matakot sa amin. Lalo na kay Haven. Trabaho lang niya ang magduda, pero dito sa Sanctuary, pamilya ang turing namin sa isa't isa. At ang pamilya, hindi nag-iiwanan."
Pamilya. Ang salitang iyon ay tila isang kutsilyong sumaksak sa konsensya ni Spring. Traydor siya sa pamilyang tinutukoy ni Orion. Paano niya magagawang saktan ang mga taong nagbukas ng p***o para sa kanya? "Salamat po, Sir Orion," bulong niya.
Nang matapos ang gabi, bumalik si Spring sa kanyang silid nang hindi naisagawa ang misyon. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nakita ang bagong text mula kay Chua: "Bakit wala pang signal? Huwag mong subukan ang pasensya ko. May oras ka pa hanggang bukas ng gabi. Gusto mo bang ipadala ko ang litrato ng nanay mo na duguan?"
Pumikit si Spring, ang luha ay tuluyan nang pumatak. Sa ilalim ng mapagmatyag na mata ni Haven at sa kabutihan ni Orion, unti-unti siyang nalulunod sa sarili niyang mga lihim.
Haven (Shadow Reaper) POV
Ang gabi sa Antipolo ay madalas na mapayapa para sa iba, ngunit para kay Haven Diamond Fortaleza, ang katahimikan ay isang senyales ng panganib. Habang ang buong Celestial Sanctuary ay tila natutulog na, ang Shadow Reaper ay gising. Nakasuot siya ng kanyang tactical gear—all black, mula sa bota hanggang sa maskarang tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha.
Hindi siya naniniwala sa aksidente. Ang paglalakad ni Spring sa dilim ay hindi dahil sa 'insomnia.' May naamoy siyang hindi tama sa dalaga, isang uri ng takot na hindi galing sa pagiging bago, kundi galing sa pagiging biktima—o kriminal.
Sa labas ng perimeter wall, malayo sa mga CCTV na nakikita ng banda, may naramdaman siyang paggalaw. Isang thermal signature ang lumitaw sa kanyang device. Hindi ito hayop. Ito ay tao—mga propesyonal na gumagalaw sa dilim.
"Grimm, report," bulong ni Haven sa kanyang comms, ang boses ay kasing talim ng kanyang kutsilyo.
"Reaper, may tatlong pumasok sa Sector 4. Mukhang mga tauhan ni Chua. May dala silang high-frequency scanners. Sinusubukan nilang butasin ang firewall ng Sanctuary mula sa labas," sagot ni Grimm mula sa command center. "Mukhang hindi nagtagumpay ang 'contact' natin sa loob, kaya gumagawa sila ng sariling paraan."
"Copy. Huwag mong gisingin ang banda. Ako na ang tatapos nito. I want one alive for questioning," utos ni Haven.
Lumabas si Haven sa isang secret exit na matatagpuan sa likod ng malaking library. Sa gitna ng masukal na bahagi ng kagubatan na nakapaligid sa mansyon, hinarap niya ang mga anino. Ang bawat hakbang niya ay walang tunog, tila isang predator na nag-aabang sa kanyang biktima.
"Sino ang nagpadala sa inyo?" malamig na tanong ni Haven habang lumilitaw mula sa likod ng isang dambuhalang puno. Ang kanyang presensya ay tila nagpabagsak sa temperatura ng paligid.
Ang dalawang lalaki, na pawang armado ng tactical batons at silenced pistols, ay agad na nag-form ng defensive stance. "Masyado kang pakialamera, Reaper. Trabaho lang ito, Ibigay mo na sa amin ang access codes at walang masasaktan," sagot ng isa bago sumugod.
Bago pa man makasugod nang tuluyan ang lalaki, isang mabilis na sipa sa tuhod at isang siko sa panga ang nagpabagsak dito. Ang tunog ng nabaling buto ay bumasag sa katahimikan ng gabi. Ang pangalawa ay sinubukang bumunot ng baril, ngunit mas mabilis si Haven. Hinawakan niya ang braso nito, pinihit hanggang sa marinig ang lagutok, at ibinalibag sa puno.
"Sino ang nagpadala sa inyo?" ulit ni Haven, ang kanyang tuhod ay nakadiin sa leeg ng lalaking natitira. Ang kanyang Phoenix-shape eyes ay nagniningas sa galit.
"S-Si... Mr. Chua..." utal ng lalaki bago ito mawalan ng malay.
Tumayo si Haven at tumingin sa direksyon ng mansyon. Alam niya. May ahas sa loob ng Sanctuary. At kailangan niyang malaman kung sino ito bago pa maging huli ang lahat.
THE BITTERSWEET HOMECOMING Orion's POV Ang pagbabalik ng CELESTIAL sa Pilipinas ay hindi lamang isang simpleng pag-uwi mula sa isang matagumpay na world tour. Ito ay isang makasaysayang paglantad ng katotohanang yayanig sa bansa at wawasak sa bawat pader ng kasinungalingang itinayo ng management sa loob ng isang taon. Habang bumababa ang aming jet, nakikita ko mula sa bintana ang naglalakihang kumpol ng tao. Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay tila sasabog sa dami ng tao. Mula sa departure area hanggang sa dulo ng parking lot, libu-libong Stellars ang nagtipon-tipon. Ang init ng panahon sa Maynila ay sumasabay sa init ng pagsalubong nila. Bawat isa ay bitbit ang kanilang mga banner, ang iba ay may luha sa mata, at ang dagat ng lightsticks ay nagniningning kahit sa ilalim ng sikat ng araw. Ang mga news team mula sa malalaking network ay nakahanda na, ang mga camera ay tila mga baril na nakatutok sa pinto ng aming eroplano. "Orion! Orion! CELESTIAL!" ang paulit-ulit na
RESURRECTION IN THE SHADOWSOrion's POV Hingal na hingal si Sirius habang pabagsak na naupo sa malambot na leather sofa ng aming private dressing room. Ang silid na ito, na dapat ay lugar ng selebrasyon para sa matagumpay na finale, ay naging mistulang interrogation room dahil sa bigat ng atmospera. Hawak-hawak pa rin ni Sirius ang maliit na piraso ng asul na confetti na tila ba ito ang pinaka-importanteng relic sa mundo. Ang kanyang princely face ay basa ng pawis at luha, ang kanyang mga mata ay nananatiling dilat, takot na sa isang pikit ay maglaho ang milagrong kakasaksi lang niya."Sirius! What was that?! Bigla kang tumakbo sa gitna ng finale! You left eighty thousand people confused!" bulyaw ni Phil habang hingal na hingal ding pumasok sa silid. Halos lumabas ang mga ugat sa leeg ni Phil; ang kanyang mukha ay kasing-pula ng mga emergency lights sa hallway. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya: damage control, press releases, at ang galit na sponsors."I saw her, Phil. I saw Haven,
The Final Concert in MetLifeOrion’s POVAng MetLife Stadium sa New Jersey ay hindi lamang isang istraktura ng bakal at semento sa gabing ito; ito ay nagmistulang isang buhay na kalawakan, isang dambuhalang katedral ng musika at damdamin. Ito ang rurok ng aming paglalakbay na sumaklaw sa limang kontinente—ang dulo ng isang mahabang kalsadang binuo ng dugo, pawis, at ang hindi matapos-tapos na pangungulila.Mula sa aking kinatatayuan sa backstage, nararamdaman ko ang bawat pintig ng stadium sa ilalim ng aking mga sapatos. Ang 80,000 na tagahanga ay tila isang dambuhalang organismo na naghihintay na magliyab. Ang hangin ay amoy ozone at excitement, hinaluan ng lamig ng gabi sa New York na nanunuot hanggang sa aking mga buto.Ang buong stadium ay nabalot ng isang kamangha-manghang Celestial Galaxy Theme. Mula sa kisame hanggang sa sahig, ang mga holographic stars at nebulae ay tila gumagalaw kasabay ng bawat tibok ng puso ng mga Stellars. Ang mga lightsticks nila ay hindi na ordinaryo—ba
THE FRACTURED MASKJessica's POV "YOU CAN'T DO THIS TO ME! HINDI NIYO AKO PWEDENG BALEWALAIN!!!" Ang hiyaw ko ay umalingawngaw sa apat na sulok ng VIP dressing room, sapat na para manginig ang sinumang staff na nasa labas ng pinto. Ngunit wala akong pakialam. Wala na akong pakialam sa reputasyon ko bilang "America's Sweetheart" o ang imahe kong kalmado at elegante. Sa loob ng silid na ito, ang tanging natitira ay ang isang babaeng nilapastangan ang pride.Nagkakalat ang mga mamahaling gamit sa sahig—mga makeup kit na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, mga designer clothes na kakapadala lang para sa New York Fashion Week, at ang huling biktima ng galit ko: ang aking limited edition designer bag. Inihagis ko ito nang buong lakas sa malaking salamin sa harap ko.Cling!Ang tunog ng nababasag na kristal ay tila musika sa aking pandinig. Nagkaroon ng malalaking lamat ang salamin—mga lamat na humati sa repleksyon ng aking mukha. Isang simbolo ng aking nasisirang plano, ng aking unti-unt
THE ILLUSION OF THE PRINCEOrion’s POVNakatayo kami sa gilid ng entablado ng "The Late Night Global Show with James Sterling." Ang backstage ay isang kontroladong kaguluhan—mga crew na tumatakbo dala ang mga cables, ang amoy ng mainit na kape, at ang halos nakakasulasok na bango ng mamahaling pabango at hairspray. Habang inaayos ng stylist ang aking kwelyo sa huling pagkakataon, nararamdaman ko ang mahinang pagyanig ng sahig. Hindi ito lindol; ito ang hiyawan ng libu-libong Stellars sa labas ng studio, sa mismong puso ng Times Square. Ang New York ay mistulang naging dagat ng asul at pilak—ang mga kulay ng aming banda na tila sumasakop na sa buong mundo.Ngunit sa likod ng makulay na ilaw, ang pakiramdam ko ay parang isang bilanggo na binibihisan para sa kanyang huling paghatol.Sa gitna ng kaguluhan, nahuli ng aking paningin si Phil sa gilid. Hindi siya gumagalaw, parang isang estatwa ng awtoridad. Hawak niya ang kanyang tablet, ang asul na liwanag nito ay nagbibigay ng multong anyo
THE WEIGHT OF THE SHADOWOrion’s POVAng loob ng SUV ay tila naging isang kabaong na gawa sa mamahaling leather at air-conditioned na lamig. Sa labas, ang New York City ay isang malabong guhit ng neon lights—dilaw, asul, at pula—na mabilis na dumadaloy sa bintana habang binabagtas namin ang 5th Avenue. Pero sa loob, ang hangin ay malapot sa tensyon. Amoy kape, amoy pagod, at amoy ng unti-unting nabubulok na pasensya."Phil, huling beses ko na itong sasabihin—itigil niyo ang pagpapalabas ng mga balitang may nakaraan kami ni Jessica!" sigaw ko, halos yumanig ang buong loob ng sasakyan. Ang sarili kong boses ay naging tila estranghero sa aking pandinig. Hindi ito ang boses ng Fairy Prince ng CELESTIAL na laging nakangiti sa mga interview. Ito ay boses ng isang lalaking galing sa gyera. "Hindi niyo ba maintindihan na may nasasaktan sa Pilipinas dahil sa mga kasinungalingang ito?""Orion, makinig ka!" bulyaw ni Phil pabalik, ang kanyang mukha ay pulang-pula na sa galit. "Negosyo ito! Ang C







