Lumipas ang ilang mga araw at unti-unti nang naging maayos ang kalagayan ni Lolo Felipe. Muling nanumbalik ang lakas ng matanda at normal na din ang blood pressure nito. Maayos kasing mag-alaga si Rosario. At nakikinig din naman sa kaniya ang matanda.
Maayos naman ang lahat maliban na lang sa tuwing nagkukrus ang landas nila ni Stacey. Kahit anong pakumbaba at pag-e-explain sa paulit-ulit na bintang sa kanya ni Stacey ay hindi pa din ito nakikinig. Minsan ay napapatanong na lang siya kung ano ba ang trip ng kaniyang hipag. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang itong galit sa kaniya."Hoy, Rosario!"Napabuntong hininga na lang siya ng makita si Stacey na papalapit sa kanya. "Huwag ngayon, Stacey. Medyo pagod ako at wala akong oras at lakas para makipag-away sa 'yo." Tumalikod na siya at maglalakad na sana ng biglang hablutin ni Stacey ang buhok niya. "Stacey, ano ba? Ano na naman bang problema mo?""Anong problema ko?" tanong ni Stacey. "Hindi pa ba obvious? Ikaw," may diing sabi ni Stacey at mas hinigpitan pa ang pagsabunot sa buhok niya. "Ikaw ang problema ko. Ikaw at ang pagiging pakialamera mo!"Napapikit na lang siya dahil sa sakit ng ulo niya. "Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginawa sa 'yo, ah. Hindi ako nakikialam sa 'yo."Natawa naman ng mapakla si Stacey. "Hindi nakialam pero isinumbong mo ako kay Lolo Felipe." Napakunot noo si Rosario. "Sinabi mo sa kanya na madaling araw na akong nakauwi kanina at lasing pa. Kaya pinagalitan tuloy ako ni lolo."Napatiim bagang si Rosario at inalis ang kamay ni Stacey sa buhok niya at malakas na itinulak siya. Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya ang babae."How dare you! Lumalaban ka na?" naghahamong tanong nito."Hindi ako lumalaban at hindi kita isinumbong, okay?"Sinamaan siya ng tingin ni Stacey. "Sinungaling!""Totoo ang sinasabi ko. Sa katunayan ay ang Kuya Raiden mo ang nagsabi sa lolo mo."Umiling si Stacey. "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Hindi ako magagawang ilaglag ng kuya ko. Siguro ikaw ang nagsabi kay kuya na isumbong ako para mapagalitan ako, no? Umamin ka na!"Napakunot noo na lang siya. "Bakit ba palagi mo na lang akong ginagawan ng kwento at kasalanan na hindi ko naman ginawa, Stacey? Wala naman akong ginagawa sa 'yo pero bakit ang init ng dugo mo sa akin?""Dahil nilandi mo ang kuya ko!" Idinuro siya ni Stacey. "Dahil sa pagiging malandi mo ay pinakasalan ka niya kaya wala na tuloy silang pag-asa na magkabalikan ni Britney. Si Britney lang naman ang gusto kong maging sister-in-law at hindi ang isang katulad mo na hampas lupa!"Medyo nasaktan si Rosario sa sinabi ni Stacey. Alam naman niya na kaya hindi siya tanggap ng pamilya ni Raiden ay dahil sa isang jewelry shop lang siya nagtatrabaho nang magkakilala sila ng asawa. Habang si Britney ay isang mayaman at isang fashion designer sa Paris. Ano nga namang laban niya sa pambato nila?Napatitig siya sa babae. "Hindi ko nilandi ang kuya mo, Stacey. Siya ang unang lumapit sa akin, nanligaw. Isa pa, matagal ng hiwalay ang kuya mo at si Britney bago pa kami nagkakilala."Umiling si Stacey. "Hindi ako naniniwala. Nilandi mo ang kuya ko at 'yon ang totoo. Malandi ka!"Bigla na lang siyang sinulong ni Stacey at sinampal at sinabunutan. Sinubukan niyang awatin ang babae pero mas malakas ito sa kanya. Ramdam niya ang galit ni Stacey sa bawat pagsabunot sa kanya. Hindi naman niya kasalanan kung siya ang pinakasalan ng kapatid nito."Stacey, tama na!" pakiusap niya pero hindi nakinig sa kanya si Stacey."What the hell is happening here?" Doon lamang napatigil si Stacey sa pagsabunot sa kanya at bahagyang lumayo. Inayos ni Stacey ang sarili habang buhaghag naman ang buhok ni Rosario. "What is the meaning of this, Stacey?" tanong ni Estacia, ang ina nina Raiden at Stacey, ang kanyang hipag na babae. "Bakit nag-aaway kayo?""Kasi 'yan, mom!" Galit na tinuro siya ni Stacey. "Nagsumbong ba naman kay lolo na madaling araw na akong umuwi. Napagalitan tuloy ako.""Hindi po 'yan totoo," depensa kaagad ni Rosario.Tiningnan siya ni Estacia dahilan para kabahan siya. Noon pa man ay hindi na siya komportable na kasama ang byenan niya. May awra kasi ito na maawtoridad at pinaparamdam sa kanya na ayaw siya nito.Mabuti na nga lang nang ikasal sila ng asawa ay bumukod kaagad sila pero tatlong buwan lang pala magiging peaceful ang marriage life niya. Kung hindi lang talaga dahil kay Lolo Felipe ay hindi siya mananatili sa mansyong ito.Sinubukan naman niya noon na mapalapit sa byenan pero talaga aloof ito sa kanya. Hindi naman siya sinisigawan pero ramdam niya ang pinapahiwatig nito sa boses nito."If it's not true then why are you so defenssive, my dear?" elegante at dahan-dahan nitong tanong. Kahit na gano'n ang boses ng byenan na parang mahinahon ay hindi niya maiwasan na kabahan.Napayuko na lang siya. "Hindi naman po. Sinasabi ko lang ang totoo, mom."Narinig niya ang pagtawa ng byenan. "Mom?" tanong nito. "Kailan kita pinayagan na tawagin akong mom?" Napalabi na lang si Rosario at hindi nakasagot. Lumapit sa kanya si Estacia at hinawakan ang mukha niya. "You should call me, ma'am, not mom." Ngumisi si Estacia sa kanya. "Dahil kahit ikinasal na kayo ng anak ko ay hindi ibig sabihin ay tanggap na kita sa pamilya namin, okay?"Napaigik na lang siya ng mahigpit na hinawakan nito ang mukha niya. "Huwag kang umasta na kung sino sa mansyon na ito, Rosario, dahil in the first place ay hindi ka welcome dito at sampid ka lang. Nandito ka lang din dahil inaalagaan mo ang papa ko. Naiintindihan mo?" Tumango-tango na lang siya bilang sagot. Ngumisi si Estacia. "Good."Malakas na binitawan ni Estacia ang mukha niya dahilan para mapahawak siya sa mukha niya. Sumakit bigla ang panga niya dahil sa higpit na pagkakahawak nito at pakiramdam niya ay bumaon sa balat niya ang mahahaba nitong kuko."Mom?" Napatingin silang lahat kay Raiden na mukhang kararating lang."Oh my son, Raiden." Lumapit si Estacia sa anak at hinalikan ito sa pisngi."Kailan pa kayo bumalik?" tanong ni Raiden sa ina."Ngayon lang."Napatingin si Raiden kay Rosario na medyo magulo ang buhok. Inaayos na niya ang buhok pero nahuli pa din siya ng asawa. "Hon, what happen to you?" nag-aalalang tanong ni Raiden sa kanya.Sasagot na sana siya ng magsalita si Estacia, "Hay naku, anak! Nag-away lang naman sila ni Stacey."Napanganga si Stacey sa sinabi ng ina. "Mom!" Hindi na natuloy ni Stacey ang sasabihin ng itaas ng ina ang kamay nito."Mabuti na lang at naabutan ko sila kaya napaghiwalay ko kaagad." Papagalitan na sana ni Raiden ang kapatid ng sumingit ulit si Estacia. "Huwag mo ng pagalitan ang kapatid mo dahil napagsabihan ko na siya." Lumapit si Estacia sa anak at hinawakan ito sa braso. "Come on, son. Samahan mo naman akong magmeryenda dahil nagutom ako sa byahe namin ng daddy mo."Hinila ni Estacia si Raiden dahilan para maiwan sa kinatatayuan si Rosario. Magpoprotesta na sana ang asawa niya ng ngumiti lang siya at sinasabing ayos lang ng lumingon sa kanya si Raiden.Ngumiti naman ang asawa niya at nag-thank you. Tuluyan na ngang umalis ang dalawa. Umikot naman ang mga mata ni Stacey bago umalis at naiwan siyang mag-isa sa hallway.Napahawak na lang sa braso si Rosario. Mukhang ito na ang simula ng kalbaryo ng buhay niya sa kamay ng hipag at byenan niya.Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang
Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa
"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na
Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan
Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon
"Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us