LOGIN"Sina mommy at daddy?" tanong ko sa aming mayordoma pagkapasok ko ng mansion.
"Nasa library, Miss Ada."
Tumango ako. "Aakyat na po ako sa taas."
"Ah! Miss Ada, bilin po ng mommy mo na sabihan kang tatawag ulit si Mr. Felix sa iyo mamaya."
Tumango ulit ako bago tuluyang umakyat sa kwarto ko. Si Felix ay ang fiance ko. Nakatakda na kaming ikasal pagkatapos kong grumaduate. Rule iyon sa pamilya namin. Limang taong gulang pa lang ako ay alam ko nang ikakasal ako sa kanya paglaki. Hindi ako nagreklamo o pumalag no'ng sabihin nina mommy at daddy iyon sa akin. Ipinaintindi din naman kasi sa akin na kailangan iyon para sa ikalalago ng kompanya namin na ako rin ang magmamana pagdating ng panahon.
Bago pumasok ng banyo upang maligo ay in-on ko na ang laptop ko para kapag tumawag si Felix ay agad kong masasagot. Hindi nga ako nagkamali dahil eksaktong pagkalabas ko mula banyo ay tumawag siya.
"Hi!" agad niyang bati sa akin.
"Hi! Uhh . . . Wait lang ah? Magbibihis lang ako," nakangiti kong sabi bago umalis sa harapan ng laptop.
"So . . . How's your day?" tanong niya.
"Mm . . . Ayos naman. Ikaw? Kumusta exams mo?"
"Fine. We're celebrating now. Nandito kami sa bahay ng kaibigan ko. Finally, the hell week's done."
Bahagya akong natawa at naupo sa harapan ng laptop. Sinimulan kong i-blow-dry ang buhok ko.
"Congratulations," ngiti ko.
"Thank you, Ada."
Hindi ako nagsalita at naging abala sa buhok ko. Nanahimik din si Felix kaya napatingin ako sa kanya.
"What's wrong?"
I caught him looking at me while smiling.
"Dalawang taon na lang, Ada. Ikakasal na tayo."
Natigilan ako sandali bago pinilit ang sariling ngumiti sa kanya.
Felix is definitely not my type. Napatunayan ko 'yon matapos kong makita 'yong lalaki sa cafeteria kanina— si Neo.
While Neo's the hearthrob type, Felix's the nerdy one. With his big eyeglasses on, iisipin mo talagang matalino siya. Pero ang totoo, malabo lang talaga ang mata niya at hindi siya matalino. Ewan ko ba kay daddy kung bakit siya ang napili para ipakasal sa akin. E, wala nga siyang matinong pananaw sa buhay. Siguro ay dahil tagapagmana siya ng kompanya nila? Sabi ni daddy pagkatapos ng kasal ay mag m-merge ang mga kompanya namin. Mag e-expand at mas yayaman kami.
I was told to learn to love him. Pero ewan ko ba, hindi ko siya magawa-gawang mahalin. Well, hindi naman siya masama at mabuting tao naman siya. Hindi ko lang talaga maintindihan itong puso ko at hirap akong mahalin siya.
"Ada? Are you still listening to me?"
Napakurap ako at agad na ngumiti. Kung saan saan na naman ako dinala ng mga thoughts ko.
"Yes!" masigla kong tugon.
"Akala ko nag hang na ang laptop ko, e."
Felix is in USA. Doon siya nag aaral kasama ang ate niya. Minsan lang kaming nagkikita. Sa isang taon ay isang beses lang silang umuuwi dito. Pero madalas kaming nag vi-video call. We have gotten close, to the extent that we're already comfortable with each other.
"Are you excited?" tanong niya.
"Saan?"
"Sa kasal natin."
Natigilan ako at natulala saglit bago nagawang ngumiti kay Felix.
"O-of course. I-I'm looking forward to it."
"Same, Ada!" he exclaimed. Kita ko nga ang excitement niya.
I lied. I am not excited. Pero tanggap ko but I am definitely not looking forward to it. Lalo pa ngayon at feeling ko ay na love at first sight yata ako do'n sa waiter ng cafeteria na tinatambayan nina Brooklyn.
Kinabukasan ay maaga akong nagpahatid sa school. Palagi akong late noon kaya ipinagtaka iyon ng mga kaibigan ko.
"Gusto kong magkape," sabi ko.
Mangha akong tiningnan ni Clara. Samantalang si Brooklyn ay pinanlilisikan ako ng mga mata.
"What?" tanong ko kay Brooklyn.
"Gusto mong magkape o gusto mong makita si Neo?" diretsahang tanong niya. Walang pake kahit na marinig ni Clara o ng mga estudyanteng papasok ng school. Nasa gate kami at hindi naman nakaharang pero nasa daraanan.
"Gusto kong magkape!" sagot ko.
"Wait! Who's Neo? Iyon bang waiter na crush ni Brooklyn? And you're not the coffee lover type Adaline," singit ni Clara.
"Yes. I may not be a lover of coffee but I can still drink right? Like once in a while?" sabi ko at tinalikuran na sila. Humarap ako sa cafeteria at naglakad na patungo roon.
"Nakakainis naman itong si Ada, e! Male-late tayo nito," rinig kong reklamo ni Clara sa likuran ko.
"Naku! Sinasabi ko sa 'yo, Ada. Hindi ka papansinin ni Neo," si Brooklyn.
Nagkibit balikat lamang ako at nagdiretso na papasok ng cafeteria. Kakabukas lang nito at wala pang customers. Mukhang kami pa nga ang una.
Naroroon na sa counter ang kahera pero si Neo ay wala pa. I wonder where he is.
Naupo ako sa bakanteng lamesa. Ganoon din naman si Clara. Samantalang si Brooklyn ang um-order para sa aming tatlo.
"Now what, Adaline Roa? Crush mo ba si Neo Samaniego?" tanong ni Clara.
Nailibot ko na ang paningin ko sa buong cafeteria pero wala talaga siya. Maybe he's late for work?
"Yes. Crush lang naman," sagot ko.
"Oh my god! This is war!" she sarcastically gasped.
"Anong war pinagsasasabi mo d'yan?"
"War! Naghahamon ka ng away sa pagitan niyong dalawa ni Brooklyn. We all know that she likes Neo. Kaya nga namin pilit na iniimbita si Neo sa birthday party ni Brooklyn because that day, Brooklyn plans to confess her feelings towards Neo. At saka hindi mo na kailangan pang magkagusto pa sa iba, Ada. You already have Felix. It'll be hard for you kung magmamahal ka ng iba."
"I am not inlove, Clara. Nagagwapuhan lang ako sa kanya kaya ko siya crush."
"Oh yeah? Remember, Ada. Mata ang nagkakagusto bago ang puso. Hmm?"
Hindi ako nakasagot sa kanya at napatitig na lamang ako kay Brooklyn na ngayon ay nakikipagtawanan sa cashier. Crush ko nga si Neo. But not to the point na hahayaan kong mawala ang pagkakaibigan namin ni Brooklyn.
"Pero hindi naman siguro ganun kalalim ang feelings ni Brooklyn kay Neo 'di ba? My god! Teenager pa lang tayo! We can't be serious in love right?"
Clara shrugged her shoulders. "I don't know. But she's happy talking about Neo. And I can't let you ruined that happiness Ms. Pink haired spoiled rich kid."
"As if you're not a spoiled rich kid," I qouted.
"I'm not spoiled no! It's Melani who's spoiled."
"Seriously, Brooklyn will going to confess?"
I don't know but I felt sad about it. I just met this Neo yesterday pero bakit kung malungkot ako ngayon ay para bang may matagal na akong emotional attachment sa kanya?
"Oo nga! Paulit-ulit ka naman, e!"
"You think Neo have feelings for her too?"
"Anong pinag uusapan niyo?"
Umayos kami ng upo ni Clara. Inilapag ni Brooklyn ang mga kape namin sa lamesa kaya napatitig ako roon. She ordered hot choco for me. Malungkot akong napangiti. I don't like coffee because I hate it's bitterness at isa pa ay may gastritis ako.
"Hindi 'yan masyadong matamis, huwag kang mag alala," sabi ni Brooklyn at naupo na.
"Thank you, Brooklyn," sabi ko at uminom na sa baso ko.
Kakahigop ko pa lang nang biglang tumunog ang chimes ng glass door. Nilingon ko 'yon nakitang papasok si Neo, suot ang kanyang uniform.
Nalingunan niya kami kaya agad akong ngumiti. Hindi siya ngumiti pabalik at mas lalo lang kumunot ang noo.
I am getting better every day. Alam ko 'yon kasi 'yon din ang sinasabi sa akin ni Neo. That I'm improving. And he sounded so very proud everytime na sinasabi niyang improving ako."Every after ng session natin, ano nang ginagawa mo non?"Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo naman naitanong?" iyon agad ang naging tugon ko. Well, I got curious why, but agad din naman akong nag isip kung ano nga bang ginagawa ko after ng tutoring session namin."Naitanong ko lang," maikli niyang sabi.Nagkibit balikat ako. "Wala naman akong ibang ginagawa dito sa bahay kung 'di mag aral nang mag aral.""Hindi ka gumagala?"I immediately shook my head. "Nope. Magagalit sina mommy pag nalaman nilang lumabas ako. I'm grounded til-" Napatigil ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung alam niya 'yong tungkol sa arranged marriage ko kay Felix. Kaya di ko na tinuloy ang gusto kong sabihin."Ah, grounded ka..." tila wala sa sarili niyang sambit. Tumatango-tango pa habang nakatingin sa kawalan."Yeah...""Han
Our first tutoring session went well. Hindi man lahat ng naituro ni Neo ay nakabisado ko at masasabi kong pumasok talaga sa kokote ko ay at least kahit konti ay may natutunan naman ako.Don't forget.Napangiti ako nang nabasa ang text message niya. We exchanged numbers earlier. Hindi ko rin alam kung bakit niya hiningi ang number ko. Pero gusto ko rin naman kaya ibinigay ko na. At ito na nga. May text message na siya!Opo. Hindi ko nakakalimutan. Gagawin ko ngayon.I immediately replied. Akala ko naman gusto niya akong makausap sa text kaya niya hiningi number ko. 'Yon pala para magiging reminder ko siya.Nakabusangot akong huminga ng malalim saka tumayo at kinuha ang notebook at pen. Gagawin ko na 'yong assignment na iniwan niya.Matagal din bago ko natapos. Aaminin kong hindi naman talaga ako ganon katalino. Saka hindi nga ako nakinig ng maayos sa kanya kanina. Kaya pano ko masasagutan ng tama tong pina-assignment niya sa akin?Kinabukasan ay 'yong assignment talaga ang ibinungad ni
Hindi mahirap magturo si Neo. Pero ako? Mahirap paintindihin. Pa'no naman kasi, hindi ako makapag-focus. Paano ako makakapag-focus kung masyado siyang gwapo sa paningin ko?"Nakikinig ka ba? Kanina pa tayo sa formula na 'to, Ada."Umayos ako ng upo nang mapuna ang inis sa boses niya. Kanina pa nga kami dito pero hindi ko magets 'yong sinasabi niya. Kahit anong gawin ko ay puro lang ako tango. Kapag tinatanong niya ako kung nakuha ko na ba ay tatango lang ako bilang sagot pero sa tuwing may pinapa-solve siyang equation sa akin ay wala naman akong masagot."Break muna kaya tayo?" sabi ko."Paano tayo mag b-break, hindi naman tayo. Sagutan mo na 'yan, huwag mo 'kong dinadaan sa mga ganyan-ganyan mo. Hindi mo ako malulusutan, Adaline Roa."Sumimangot ako. Padabog ko na lamang kinuha ang papel at ballpen na hawak niya at sinagutan 'yon."Tsh! Pano naman magiging tayo e hindi mo naman ako tinatanong kung gusto ko ba! E, kung tinatanong mo kaya ako!" bulong-bulong ko pa. Kapag sinusubukang s
The semester ends. Tumuloy ang barkada sa Seoul trip na plano namin. While ako ay naiwan sa bahay for the planned tutoring sessions. Isang linggo akong may rest bago ang simula ng sessions.At sa buong linggo na walang pasok ay wala akong ibang pinagkaabalahan kung 'di ang pag comfort sa kaibigan kong si Brooklyn. Hindi ko akalaing ang taas na pala ng level ng pagkahulog niya kay Neo. To the point na isang buong linggo niya itong iniyakan.I was busy scrolling on my socials last night dahil sunod sunod ang posting nila ng mga photos nila sa mga ganap nila sa Seoul. Kaya ito ako ngayon. Puyat!"Adaline, anak gising."Today is the day! Maaga akong ginising ni Yaya Luz para paghandain ako sa unang session ko. Half day lang naman pero hindi ko alam kung kakayanin kong hindi mabagot. Uminom lang ako ng tubig, nag toothbrush at naghilamos saka ako agad na bumaba for my breakfast."Si mommy at daddy?" tanong ko kay Cheche pagkababa ko.Naupo ako sa harap ng lamesa. May mangilan-ngilang pagka
We spent the day talking, laughing, dancing and swimming. Pero kahit ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang ngiti ni Neo kanina no'ng nahuli ko siyang nakatingin sa cleavage ko!Nang mapagod ng bandang alas dos ay nagdesisyon kaming mag movie marathon sa theater room nina Brooklyn. Pero hindi pa nga nangangalahati sa movie ay tahimik na ang paligid namin. Tulog na ang lahat maliban sa akin at kay Dwight na abala sa cellphone niya. Maybe napagod sa pag s-swimming namin kanina. Tumayo ako. I decided to go out."Saan ka?" tanong ni Dwight."Pahangin lang," sabi ko sabay taas ng isang bote ng alak na hawak ko.Umakyat ako sa rooftop. Since medyo nasa burol na bahagi ang bahay nina Brooklyn ay kita ko mula rito kung gaano kaganda ang syudad namin.Marahan akong bumuntonghininga. Is this what I really wanted? To be free?Masaya naman ako kahit papaano. Well, minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko. But I know I'm happy sa tuwing sinusunod ko ang gusto ng parent
Weeks has passed. Hindi na muling nagparamdam sa amin si Neo. Everything was also back to normal, like nothing ever happened. Well, everything maliban sa... Hindi na siya nag iiwan ng sticky notes sa ilalim ng desk ko."Sa tingin mo ba patatawarin ka namin at ang pamilya mo sa nangyari? Hindi, Adaline! Ngayon pang alam namin na sobrang close ng pamilya mo sa mga Griffin! Magkakampi kayo! You, your family and that William Griffin!" Raya spat.I talked to them and asked for forgiveness. Hiniling ko rin sa kanilang huwag na nila akong guluhin tungkol sa nangyaring isang taon na naman na ang nakakalipas. I don't wanna involve anymore.But as expected ay hindi nila ako pinakinggan."Hindi kami magkakampi! William Griffin is my sexual harasser! I'm a victim too!""Talaga ba? And do you think we were that fool enough to believe you just like that? Hindi ba nga ikaw lang ang nakaligtas—"She shook her head. "No. Ikaw lang ang iniligtas nila sa gabing 'yon! Now that I think about it... Hindi k







