Share

Kabanata 3

Author: Shinzanzou
last update publish date: 2026-08-22 16:59:02

Nabuburyo ako sa klase. Inaantok na ako habang nakapangalumbaba sa desk habang nagle-lecture ang professor namin sa harapan.

Pinagkaabalahan ko na lang ang notebook ko at nagsulat ako roon ng kung ano-ano. Nagpa-assignment ang prof namin kaya isinulat ko iyon sa notebook at idinikit sa ilalim ng upuan. Bukas may sagot na ito sigurado.

Minsan talagang gusto ko nang ma-meet itong savior ko. Lagi na lang niya akong sini-save sa mga assignments namin.

"Ada, gusto mong mag shopping? Pupunta kasi ako ng mall ngayon at gusto ni mommy na kunin ko ang damit na susuotin ko para sa party ko ngayong Sabado," sabi ni Brooklyn.

Abala ako sa paglalagay ng mga pens ko sa lagayan. I want it to be properly arranged. Nao-overwhelmed kasi ako kapag sobrang kalat ng loob ng tote bag ko. Kaya as much as possible ay ina-arrange ko kapag ibinabalik ko na ang mga gamit na kinuha ko.

Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Brooklyn.

"Ayusin ko lang ito."

"Brooklyn, samahan mo na muna ako sa comfort room please," rinig kong sabi ni Clara.

"Uh, Ada. Gusto mong sumama sa comfort room or kita na lang tayo sa baba?"

"Sa baba na lang," sabi ko. Tapos ko na rin namang ayusin ang mga gamit ko.

Tumango si Brooklyn at pinaghihila na siya ni Clara. Nauna akong bumaba. Nasa ikatlong palapag kasi ang classroom namin. Nang nakarating ako sa ikalawang palapag at pababa na sana ay naabutan ko si Zoren na nakangiting nakikipag usap sa isa sa mga freshmen.

Wow! Just wow! Nang napansin niya ako ay agad siyang yumuko. Pilit na nagtatago kahit na kitang kita ko naman na.

Dahan dahan ang mga hakbang ko pababa.

"Nakapagpa-reserve ka na ba ng hotel room?" rinig kong sabi ng balingkinitang babae.

"Uhh . . . Y-yes," tugon ni Zoren.

"Okay. See you later then," sabi nito bago naunang bumaba, nilagpasan ako.

Tumigil ako sa paghakbang at marahas na napabuga ng hangin. Nilingon ko si Zoren na manghang nakatingin ngayon sa akin.

"A-Adaline!" biglang ngising sabi niya.

"Seriously, Zoren? Hotel?" sarkastiko kong sabi.

Napabuga siya ng hangin bago bumaba at tumabi sa akin.

"Wala lang naman 'yon, Ada. Huwag mong sabihin kay Clara ah?"

"Anong wala lang? Magho-hotel kayo! Hindi 'yon wala lang! Hindi pa nga kayo ng kaibigan ko ay nag c-cheat ka na!"

"Oh! No! It's not cheating. My heart belongs to Clara but my body belongs to just anyone who's free. Hindi ako cheater, Adaline. Fuckboy lang. Magkaiba 'yon."

I sarcastically laughed. "Fuckboy, cheater, it's all the same, Zoren!"

"Look, I am just enjoying my life because we only live once. Alam mo naman si Clara, conservative. Hindi niya mapupunan ang mga pangangailangan ko. But I love her. I really do. So please, huwag mong sasabihin sa kanya ang kung anumang nakita o narinig mo."

Umiling ako. "I don't know, Zoren. But I don't tolerate this kind of bullshit," sabi ko at nagmadali na sa pagbaba.

"Fuck!" I heard him cursed.

Sa simula pa lang ay hindi talaga ako boto kay Zoren para kay Clara. Alam ko kasing hindi siya 'yong tipo ng lalaking magse-seryoso. Ni hindi nga siya nag e-effort sa panliligaw niya sa kaibigan ko. Dwight's a lot better than him. I can see his effort even on the smallest things. I see how he cared for Clara.

"Oh my god! Mag de-date daw kami ni Zoren ngayong Sunday! First ever date namin ito! What should I wear?"

Halos manakit na lamang ang mga mata ko kakairap sa kawalan habang pinakikinggan ang mga tili ni Clara. Kilig na kilig siya sa manliligaw niya kunong si Zoren.

"Mag shopping na lang din tayo ng mga damit," suhestiyon ni Brooklyn.

"Mabuti pa nga. Oh my god! Kinikilig talaga ako!"

"Seryoso ka na ba d'yan kay Zoren, Clara? Baka saktan ka lang niyan, e."

"Alam mo, Ada! Para ka lang ding si Dwight, e! Ang ne-nega niyo. Zoren is serious with me. Hindi niya ako sasaktan. Sabi niya mahal niya ako."

"Paano kung ano . . . Paano kung gusto niya lang pala ay ang makuha ka pagkatapos ay iiwan ka lang din. You know about his history right? Isa siya sa mga sikat na fuckboy sa school natin."

"People change, Ada! Mahal ko na din siya. So if you don't mind, huwag ka na lang makialam if ganyan ang mindset mo. Let's go, Brooklyn," sabi niya at hinila na si Brooklyn papasok sa isang sikat na botique.

Napabuga na lamang ako ng hangin at napapailing bago nagpasyang sumunod sa kanila doon.

Clara enjoyed shopping despite of me tailing them. Ang akala ko hindi siya galit sa akin so I still stay pero buong oras ng pamimili ay hindi niya ako pinapansin at si Brooklyn lang ang kinakausap niya. Mabuti na nga lang at magaling si Brooklyn pumagitna sa aming dalawa kaya hindi ako naa-out of place.

Nasa counter na kami nagbabayad nang napansin kong wala ang USB ko na kasama sa keychains na nakasabit sa zipper ng bag ko.

"Oh no!" sabi ko habang pilit iyong hinahanap sa loob ng bag.

"What's wrong, Ada?" tanong ni Brooklyn.

"Nawawala ang USB ko."

"Wait, nandun 'yong group presentation niyo sa Psychiatry 2 'di ba?" singit ni Clara.

Kabado akong tumango.

"Hala, Adaline!" si Brooklyn, halata ang kaba sa boses. Kahit sino naman ay talagang kakabahan. Ilang linggo naming pinaghirapan ang presentation na 'yon para bukas.

"Ang alam ko nandito lang 'yon, e."

"Kailan mo ba huling ginamit?" si Clara.

"Kanina sa classroom no'ng nag transfer ako ng mga files— Baka nga nasa classroom!"

Napatingin ako sa wristwatch ko. Alas siyete na ng gabi. Siguradong may nagkaklase na doon. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na lang. Kailangan ko talagang bumalik.

"Hahanapin ko sa classroom natin."

"Pero, Ada parating na si Dwight, e. May usapan kasi kami ngayon," sabi ni Clara.

"Ako rin, Ada. May family dinner kami, late na nga ako."

"Ayos lang. Ako na lang ang babalik. At saka kasalanan ko naman ito. Pasensya na," sabi ko at nagpaalam na sa kanila.

Hindi ito ang unang pagkakataong papasok ako ng gabi sa school. Pero ang huli ay no'ng first year pa kami. No'ng nagkayayaan kaming mag ghost hunting. Wala ding pasok no'ng araw na 'yon kaya talagang nanibago ako sa mga nakikita ko ngayon.

Hindi masyadong madilim ang paligid dahil sa mga ilaw. Marami rin akong nakakasalubong na mga students. May ilaw ang mga lamp posts, pati na rin sa hallway.

Dumiretso ako sa classroom namin kung saan sigurado akong doon ko nahulog ang USB ko.

"Oy, may naligaw na mula sa day class! Hi, Ms. Roa!" agad na nag ingay ang ilang grupo ng mga estudyanteng lalaki na nakatambay sa hallway.

Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso lamang ako.

"Ay! Isnabera pala talaga!" rinig kong patutsada ng isa.

"Shh! Baka marinig ka. Isumbong ka niyang sa parents niya. Doon mo pa naman balak mag OJT sa hospital nila."

Huminga ako ng malalim. Sarado ang pintuan ng classroom pagkarating ko. May nagkaklase sa loob. Sumilip ako mula sa glass window at nakitang may prof pa nga. Kaya wala akong choice kung 'di ang maghintay. Sinubukan kong sumilip sa bandang likuran kung nasaan ang upuan ko. Nakita kong walang nakaupo roon. Napasimangot ako. Akala ko pa naman ay makikilala ko na rin ang savior ko ngayong gabi.

"Haay, Ada! Focus ka sa paghahanap ng USB mo! Saka mo na isipin 'yong savior mo!" saway ko sa sarili ko.

Halos lagpas trienta minutos din akong naghintay sa labas ng classroom bago tuluyang bumukas ang p***o at lumabas ang professor. Quarter to nine na ng gabi at wala pa akong kain. Gutom at antok na ako.

"Miss Roa, bakit ka nandito?" salubong sa akin ng professor nila na si Doctor Soriano.

"Hi po, may hinahanap lang po," tugon ko.

Tumango siya at agad ring nagpaalam. Hinintay ko pang makalabas ang mga estudyante bago ako tuluyang pumasok sa classroom. May iilang estudyanteng naiwan pero hindi ko pinansin at tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa upuan ko. At ganun na lang ang pagbagsak ng mga balikat ko nang nakitang wala roon ang hinahanap ko. Kahit sa mga ilalim ay wala.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag asa at naiiyak na.

"Miss?" may malamig na boses na biglang nagsalita sa likuran ko. Ilang sandali bago ko iyon nilingon.

"Ito ba 'yong hinahanap mo?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko pagkakitang hawak hawak iyon ni Neo. Tumayo ako at naroroon pa rin ang titig sa USB na hawak niya, hindi ko magawang iangat ang paningin ko sa kanya ngayong nakasuot siya ng puting uniporme. Daig niya pa ang mayayaman kong kaklase sa postura niya ngayon. Kapag talaga naka-uniform ay hindi mo na malalaman kung sinong mayayaman at kung sinong mahihirap. Maybe this was the reason why uniforms are made. So, we can't see the difference. Para hindi natin makikita kung buhay nila sa labas ng paaralan.

"Miss?" aniya.

Napakurap-kurap ako at kinuha mula sa kamay niya ang USB.

"O-oo. I-Ito nga. S-salamat."

Putcha! Bakit ako nauutal? Bakit kasi napakagwapo niya ngayon? Mas gwapo siya kumpara no'ng una ko siya nakita at kumpara kaninang umaga na suot niya'y uniform sa cafe. Mas gwapo siya kapag nakaputing uniform. Bagay na bagay talaga sa kanya maging doktor.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stealing His Property   Kabanata 22

    I am getting better every day. Alam ko 'yon kasi 'yon din ang sinasabi sa akin ni Neo. That I'm improving. And he sounded so very proud everytime na sinasabi niyang improving ako."Every after ng session natin, ano nang ginagawa mo non?"Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit mo naman naitanong?" iyon agad ang naging tugon ko. Well, I got curious why, but agad din naman akong nag isip kung ano nga bang ginagawa ko after ng tutoring session namin."Naitanong ko lang," maikli niyang sabi.Nagkibit balikat ako. "Wala naman akong ibang ginagawa dito sa bahay kung 'di mag aral nang mag aral.""Hindi ka gumagala?"I immediately shook my head. "Nope. Magagalit sina mommy pag nalaman nilang lumabas ako. I'm grounded til-" Napatigil ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung alam niya 'yong tungkol sa arranged marriage ko kay Felix. Kaya di ko na tinuloy ang gusto kong sabihin."Ah, grounded ka..." tila wala sa sarili niyang sambit. Tumatango-tango pa habang nakatingin sa kawalan."Yeah...""Han

  • Stealing His Property   Kabanata 21

    Our first tutoring session went well. Hindi man lahat ng naituro ni Neo ay nakabisado ko at masasabi kong pumasok talaga sa kokote ko ay at least kahit konti ay may natutunan naman ako.Don't forget.Napangiti ako nang nabasa ang text message niya. We exchanged numbers earlier. Hindi ko rin alam kung bakit niya hiningi ang number ko. Pero gusto ko rin naman kaya ibinigay ko na. At ito na nga. May text message na siya!Opo. Hindi ko nakakalimutan. Gagawin ko ngayon.I immediately replied. Akala ko naman gusto niya akong makausap sa text kaya niya hiningi number ko. 'Yon pala para magiging reminder ko siya.Nakabusangot akong huminga ng malalim saka tumayo at kinuha ang notebook at pen. Gagawin ko na 'yong assignment na iniwan niya.Matagal din bago ko natapos. Aaminin kong hindi naman talaga ako ganon katalino. Saka hindi nga ako nakinig ng maayos sa kanya kanina. Kaya pano ko masasagutan ng tama tong pina-assignment niya sa akin?Kinabukasan ay 'yong assignment talaga ang ibinungad ni

  • Stealing His Property   Kabanata 20

    Hindi mahirap magturo si Neo. Pero ako? Mahirap paintindihin. Pa'no naman kasi, hindi ako makapag-focus. Paano ako makakapag-focus kung masyado siyang gwapo sa paningin ko?"Nakikinig ka ba? Kanina pa tayo sa formula na 'to, Ada."Umayos ako ng upo nang mapuna ang inis sa boses niya. Kanina pa nga kami dito pero hindi ko magets 'yong sinasabi niya. Kahit anong gawin ko ay puro lang ako tango. Kapag tinatanong niya ako kung nakuha ko na ba ay tatango lang ako bilang sagot pero sa tuwing may pinapa-solve siyang equation sa akin ay wala naman akong masagot."Break muna kaya tayo?" sabi ko."Paano tayo mag b-break, hindi naman tayo. Sagutan mo na 'yan, huwag mo 'kong dinadaan sa mga ganyan-ganyan mo. Hindi mo ako malulusutan, Adaline Roa."Sumimangot ako. Padabog ko na lamang kinuha ang papel at ballpen na hawak niya at sinagutan 'yon."Tsh! Pano naman magiging tayo e hindi mo naman ako tinatanong kung gusto ko ba! E, kung tinatanong mo kaya ako!" bulong-bulong ko pa. Kapag sinusubukang s

  • Stealing His Property   Kabanata 19

    The semester ends. Tumuloy ang barkada sa Seoul trip na plano namin. While ako ay naiwan sa bahay for the planned tutoring sessions. Isang linggo akong may rest bago ang simula ng sessions.At sa buong linggo na walang pasok ay wala akong ibang pinagkaabalahan kung 'di ang pag comfort sa kaibigan kong si Brooklyn. Hindi ko akalaing ang taas na pala ng level ng pagkahulog niya kay Neo. To the point na isang buong linggo niya itong iniyakan.I was busy scrolling on my socials last night dahil sunod sunod ang posting nila ng mga photos nila sa mga ganap nila sa Seoul. Kaya ito ako ngayon. Puyat!"Adaline, anak gising."Today is the day! Maaga akong ginising ni Yaya Luz para paghandain ako sa unang session ko. Half day lang naman pero hindi ko alam kung kakayanin kong hindi mabagot. Uminom lang ako ng tubig, nag toothbrush at naghilamos saka ako agad na bumaba for my breakfast."Si mommy at daddy?" tanong ko kay Cheche pagkababa ko.Naupo ako sa harap ng lamesa. May mangilan-ngilang pagka

  • Stealing His Property   Kabanata 18

    We spent the day talking, laughing, dancing and swimming. Pero kahit ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang ngiti ni Neo kanina no'ng nahuli ko siyang nakatingin sa cleavage ko!Nang mapagod ng bandang alas dos ay nagdesisyon kaming mag movie marathon sa theater room nina Brooklyn. Pero hindi pa nga nangangalahati sa movie ay tahimik na ang paligid namin. Tulog na ang lahat maliban sa akin at kay Dwight na abala sa cellphone niya. Maybe napagod sa pag s-swimming namin kanina. Tumayo ako. I decided to go out."Saan ka?" tanong ni Dwight."Pahangin lang," sabi ko sabay taas ng isang bote ng alak na hawak ko.Umakyat ako sa rooftop. Since medyo nasa burol na bahagi ang bahay nina Brooklyn ay kita ko mula rito kung gaano kaganda ang syudad namin.Marahan akong bumuntonghininga. Is this what I really wanted? To be free?Masaya naman ako kahit papaano. Well, minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko. But I know I'm happy sa tuwing sinusunod ko ang gusto ng parent

  • Stealing His Property   Kabanata 17

    Weeks has passed. Hindi na muling nagparamdam sa amin si Neo. Everything was also back to normal, like nothing ever happened. Well, everything maliban sa... Hindi na siya nag iiwan ng sticky notes sa ilalim ng desk ko."Sa tingin mo ba patatawarin ka namin at ang pamilya mo sa nangyari? Hindi, Adaline! Ngayon pang alam namin na sobrang close ng pamilya mo sa mga Griffin! Magkakampi kayo! You, your family and that William Griffin!" Raya spat.I talked to them and asked for forgiveness. Hiniling ko rin sa kanilang huwag na nila akong guluhin tungkol sa nangyaring isang taon na naman na ang nakakalipas. I don't wanna involve anymore.But as expected ay hindi nila ako pinakinggan."Hindi kami magkakampi! William Griffin is my sexual harasser! I'm a victim too!""Talaga ba? And do you think we were that fool enough to believe you just like that? Hindi ba nga ikaw lang ang nakaligtas—"She shook her head. "No. Ikaw lang ang iniligtas nila sa gabing 'yon! Now that I think about it... Hindi k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status