INICIAR SESIÓN“Wow! Never thought you’ll be that handsome.”Napalingon ako sa bukana ng boutique at agad na napairap ng makita doon si Dwayne. Kasunod niyang dumating ay sina Zoren, Dwight, Clara at Brooklyn.“Sabi ni Adaline pangit daw.”“Ada? Nandito ka? Sabi mo hindi ka sasama?” si Brooklyn na agad lumapit sa akin.“Hindi naman talaga. Nakita ko lang si Neo dito at tinulungan na ring pumili ng damit at gastahin ‘yong pera ni Dwayne.”“Tss... Kahit ilang libo pa ang kunin mo, hindi ‘yan basta-bastang mauubos,” singit naman ni Dwayne.“Tama na ba ‘tong suot ko?”“You’re really look good at that, Neo,” sabi pa ni Clara.Napabusangot ako. Lalo pa at sumang-ayon sa kanya ang lahat.Hindi na rin ako nagtagal at nagpaalam na rin na uuwi na. Hindi na rin nila ako pinilit na sumama sa kanila at inihatid na lang sa sasakyan namin.Pagkauwi sa bahay ay naabutan ko si mommy at daddy na nagts-tsaa sa living room. May pinaguusapan silang sigurado akong nakakatawa dahil pareho silang nakangiti nang lumingon sa
Nagbadyang umangat ang gilid ng labi ni Neo. Feeling ko napapangiti siya pero pinipigilan niya lang. Nag iwas din siya ng tingin at bumalik na din sa counter dahil bumukas ang glass door at pumasok ang iilang mga students ng school namin."Alam mo ikaw ang feeling mo din. Pake ni Neo kung hindi ka pumunta?" nakabusangot na sabi ni Brooklyn na agad ko lang pinagtawanan."Ang tagal niyo namang dalawa! 20 minutes na lang klase ko na," reklamo ni Clara pagkarating ni Zoren at Dwayne."Bumili pa kasi ako ng flowers for you," ani Zoren sabay abot ng isang bouquet ng roses kay Clara na nakangiti naman nitong tinanggap, kilig na kilig naman sa babaero niyang suitor."Thank you!""Nakipaglandian pa kasi sa florist kaya natagalan," sabay hagalpak ng tawa ni Dwayne."Dude, gago ka ba?" agad na reklamo ni Zoren kay Dwayne.Nagsipagtawanan kaming lahat na nasa lamesa. Lalo pa at kasunod ng reklamo niyang 'yon ay ang pamomroblema kung paano papakalmahin ang ngayong galit na si Clara.Nagkwentuhan l
"That was a smooth, clear and on point presentation, Ms. Roa. Congratulations to your group. Hm, improving huh!" iyan ang naging komento sa akin ng professor namin nang natapos ako sa aming presentation.I'm improving? Yeah. Maybe a bit. Hindi ko naman kasi talaga ito ginagawa dati. Sikat man ako sa school na ito, iyon ay dahil kilala ang pamilya ko sa syudad na ito at close friend ng family namin ang may ari. Hindi dahil matalino ako. Kaya ngayon ay gulat na gulat at manghang-mangha ang prof namin at ang mga kaklase ko. Kahit ako nga ay hindi makapaniwala na nakaya kong mag present ng mag isa sa harapan. Of course, may mga konting mistakes pero sobrang konti lang talaga. Kinabahan din naman ako pero hindi gaano. Sinunod ko lang kung anong mga itinuro sa akin ni Neo. This is all thanks to him. Kailangan ko talagang magpasalamat sa kanya sa personal. Okay na ba kung mag thank you lang ako? I think it isn't enough. E, kung ilibre ko kaya siya? Total, nilibre naman niya ako kagabi."Ada,
ADALINE ROAHindi iyon date 'di ba? It's not a date!Pero bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko? Why am I so happy? Bakit para akong lumulutang sa ere habang kumakain ng isaw? Bakit sobrang sarap sa pakiramdam? Ang sarap pala ng isaw!"Where have you been?"Agad akong tumigil sa pagngiti at huminto sa paglalakad. Paakyat na sana ako ng hagdan, paakyat sa kwarto ko nang narinig ko ang boses ni daddy."D-dad! G-gising pa po pala kayo?"Lumapit ako sa kanya at nagmano."Akala ko po tulog na kayo kaya—""Alas dose na ng madaling araw, Adaline. Saan ka nanggaling?""S-sa school po.""School? Pang umaga ang klase niyo. Anong ginagawa mo sa school niyo ng ganitong oras?""Naiwala ko po kasi 'yong flash drive ko at natagalan po akong hanapin 'yon."Actually, nagsisimula na akong kabahan. Pinagsalikop ko na ang mga kamay ko habang tinitingnan ako ni daddy. Nagsumbong ba agad ang driver namin? Ang bilis naman niya!"Pwede ka namang bumili ng bago.""Nandoon po kasi 'yong presentation namin
NEO SAMANIEGONag iwan na naman ng sticky note 'yong babaeng may pink na buhok sa ilalim ng desk niya. Nakasanayan kong iyon ang una kong pinagkakaabalahan sa tuwing papasok ako sa classroom na ito para sa klase namin.Alam kong mali itong ginagawa kong pagsagot sa mga assignments niya. Pero hindi ko magawa-gawang pigilan ang sarili ko. Sa tuwing nag iiwan siya ng sticky note ay excited agad akong sagutan 'yon.Abala ako sa pagsagot ng assignment niya nang napansin kong may strawberry sa ilalim ng desk ko. Pinakatitigan ko iyon saglit bago ako nagpasyang yumuko upang kunin 'yon. Pahirapan pa para sa akin ang makuha 'yon dahil talagang inabot ko lang at hindi na ako nag abala pang umalis mula sa pagkakaupo. Minsan talagang tinatamad na ako.Akala ko totoong strawberry pero nang nakuha ko ay isa pala 'yong flash drive. Hindi ko alam kung kanino kaya nagpasya akong tingnan ang files na nasa loob. Baka sakaling magkaroon ako ng ideya kung kanino ito."Jemuel, pwedeng makahiram ng laptop m
Nabuburyo ako sa klase. Inaantok na ako habang nakapangalumbaba sa desk habang nagle-lecture ang professor namin sa harapan.Pinagkaabalahan ko na lang ang notebook ko at nagsulat ako roon ng kung ano-ano. Nagpa-assignment ang prof namin kaya isinulat ko iyon sa notebook at idinikit sa ilalim ng upuan. Bukas may sagot na ito sigurado.Minsan talagang gusto ko nang ma-meet itong savior ko. Lagi na lang niya akong sini-save sa mga assignments namin."Ada, gusto mong mag shopping? Pupunta kasi ako ng mall ngayon at gusto ni mommy na kunin ko ang damit na susuotin ko para sa party ko ngayong Sabado," sabi ni Brooklyn.Abala ako sa paglalagay ng mga pens ko sa lagayan. I want it to be properly arranged. Nao-overwhelmed kasi ako kapag sobrang kalat ng loob ng tote bag ko. Kaya as much as possible ay ina-arrange ko kapag ibinabalik ko na ang mga gamit na kinuha ko.Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Brooklyn."Ayusin ko lang ito.""Brooklyn, samahan mo na muna ako sa comfort room please,"







