Share

Chapter 7

YARELI'S POV

Napapailing nalang ako habang pinagmamasdan si Mayet na kanina pa nanonood ng offline Kpop music videos ng grupong TREASURE sa cellphone niyang de touch screen. Dinownload niya raw ang mga videos sa Computer Shop sa bayan at dahil mahina nga ang signal dito sa San Felicidad ay dinownload niya na ito nang offline para raw may mapanood siyang mga videos sa cellphone niya.

Kanina pa siya tili ng tili habang nanonood tapos may mga sinasabi pa siyang 'I love you, Haruto sa akin ka lang! tapos 'I love you, Asahi. Kahit robot ka mahal pa rin kita!'

Kahit hindi ako makarelate sa mga pinagsasabi niya dahil hindi naman ako mahilig sa Kpop ay hinayaan ko nalang siya sa trip niya. Nagtataka lang rin ako kung bakit Haruto at Asahi ang pangalan ng mga favorite members raw niya sa grupong iyon e, hindi ba't Korean pop group nga sila? Bakit parang pang Japanese ang mga pangalan ng mga members na iyon? Hindi ko nalang tinanong pa iyon kay Mayet dahil may mas importante pa pala akong iisip
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status