JUANCHO'S POV"Thanks for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael sa bayan ng San Felicidad.Ronnie looks like na hindi siya sanay na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He is like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait pa sa mga taong nasa paligid niya kahit hindi niya alam na niloloko at pinapaikot na pala siya ng mga ito.Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan pa ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na inorder ko para sa kanya pero umiling lang siya at sinabing hindi siya iinom."Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo naman akong mag-inom!" I said while smiling.He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ito ng kaunti sa binigay kong drinks na Margarita sa kanya."Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako.I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm now single! Bawa
After 2 years...YARELI'S POV"Can I sit here?"Napatingin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan ko kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante dito sa university namin.Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya dito?Nag-aaral ako ngayon sa Philippine Normal University o PNU sa Taft Avenue Ermita, Manila at muli kong pinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalake na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal ulit 2 years ago ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko.Alam na siguro ng mga estudyante dito sa PNU na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin- pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus
FIRST WARNING: This story can trigger mental health. The male leads of this story are battling their obsessive disorder. This is intended only for open-minded readers.This story has a lot of FLAWS. Especially to the male leads who can't control their obsessive behavior to the female lead in the next few chapters. Obsessive sickness was hard to fight and we shouldn't normalize rape, kidnapping, and violence. Don't read this if you will judge this story. There is always character development in the end. I made this with flaws and you don't need to drag the author's work if you can't accept the other parts and consequences of the Steffano Brothers' Obsession.---PROLOGUEHindi ko alam kung bakit nandito ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na magagawa nila sa akin ito.Mga demonyo sila!Masyado akong nagtiwala sa mga magkakapatid na ito. Nagpadala ako sa maamo at mabait nilang pakikitungo sa akin.Hindi ko akalain na ilalayo nila ako sa pamilya ko at itatago sa lugar na hindi ko
YARELI'S POVJuancho Antonio SteffanoAng lalakeng hinahangaan ng lahat ng mga kababaihan dito sa San Felicidad. Bukod sa gwapo ito, matangkad at edukado ay makapangyarihan rin ang pamilya niya dito sa buong probinsya ng San Felicidad.Siya ang bunsong anak nina Governor Vicente Steffano at Madam Josefina Cruz-Steffano. Si Juancho ay kinaiinggitan rin ng lahat ng mga kalalakihan dito sa probinsya namin. Sino nga ba ang hindi maiinggit sa kanya?Bukod sa anak siya ng isang Gobernador ay mayaman at maimpluwensiya rin ang pamilya niya. Kayang-kaya niyang mapaikot at mapasunod sa mga kamay niya ang mga tao dito sa San Felicidad. Hindi man maganda ang ugali at pakikitungo niya sa lahat ay hindi iyon naging hadlang para hindi ko siya magustuhan.Maniniwala ba kayo na naging kami nang mahigit isang linggo pero kaagad rin siyang nakipaghiwalay sa akin dahil hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya?Kung iba sana akong babae malamang ay walang pag-aalinlangan nilang ibibigay ang sarili
RIVER'S POVNagmamaneho ako ngayon papuntang San Felicidad kasama ang mga kapatid kong sila Efraim, Irvin, Grant at ang bunsong si Amir. We need to go to San Felicidad sa utos na rin ni Dad para umattend sa Fiesta raw na ginaganap doon and my Dad's brother Vicente Steffano was a Governor on that province.Ayaw man naming magpunta dito ay napilit pa rin kami ni Dad dahil sa hindi siya makaka-attend sa fiesta ng San Felicidad. He have a lot of business trips lately kasama si Mom kaya wala na kaming nagawa kundi ang sundin ang pabor nila.Ang pinsan naming si Juancho ang susundo sa amin pero ang kumag ay hindi namin macontact ngayon. Mabuti nalang at kahit papaano ay alam ko ang daan papunta sa mansyon nila dahil nakapunta na kami ni Mom ng isang beses dito sa San Felicidad 1 year ago.Dahil sa napakahina ng signal sa probinsya na ito ay gusto ko nalang matawa kung gaano kalukot ang mukha ngayon ni Amir na mukhang busy sa paglalaro ng League of Legends sa phone niya."What kind of place
YARELI'S POVHabang nagwawalis ako sa may bakuran ng bahay namin ay laking gulat ko nalang nang makita sa labas sila Grant at Irvin at kinawayan nila ako.Binitawan ko muna ang hawak kong walis tingting at lumapit sa kanila."Kayo pala, anong ginagawa niyo dito? saka paano niyo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko."Nagtanong-tanong lang kami sa mga tauhan sa bukid kung may kilala ba silang Yareli. Famous ka pala dito e, kilala ka nila." nakangiting sabi ni Grant.Ang gagwapo talaga nilang magkakapatid. Lahat sila ay mga gwapo, may magandang pangangatawan at matatangkad. Hindi na nakakapagtaka kung marami mang babae ang nahuhumaling sa kanila."Hindi naman," nahihiyang sabi ko at ngumiti ng pilit."Kaya pala kami nagpunta dito dahil gusto ka naming iinvite sa mansyon." sabi naman ni Irvin.Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Pero bakit? Hindi ako nababagay na magpunta sa mansyon nila Governor Vicente at Madam Josefina. Hindi ba't doon muna kayo pansamantalang nakikituloy? Mahirap l
YARELI'S POVKasama ko ngayon ang mga magkakapatid at alam kong gusto nilang magtanong sa akin kung bakit umiiyak ako kanina nang makita ako ni Efraim pero hindi ko pa kayang ikwento sa kanila ang lahat na si Juancho ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong nasasaktan.Hindi na nila kailangan pang malaman iyon dahil kahit masakit ay tatanggapin ko nalang na hinding-hindi ako magugustuhan ni Juancho.Nailibot ko na ang magkakapatid sa bukirin ng mga Steffano at alas kwatro na ng hapon nang matapos kami. Marahil ay nagtataka na si Inay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako umuuwi kaya magpapaalam na ako sa kanila na uuwi na ako."Kailangan ko na palang umuwi, baka kasi hinahanap na ako ni Inay sa bahay. Kailangan ko pang magsaing." sabi ko sa kanila."Ihahatid ka na namin pauwi." nakangiti namang sabi ni Grant.Sa kanilang limang magkakapatid ay si Grant ang pinakamasayahin at palaging nakangiti. Hindi halata sa itsura niyang may pagka badboy. Malaki kasi ang katawan niya at muk
YARELI'S POVNandito kami ngayon sa bayan kasama sila Mayet, Jestin at Ronnie. Dahil malaki ang kinita ni Mayet sa pag-oonline selling ng mga damit at bags na binebenta niya sa Facebook ay nagyaya siyang manlibre sa amin na hindi na namin tinanggihan pa.Nasa mall kami ngayon ng bayan ng San Felicidad. Hindi ito gaanong kalakihang mall at hanggang 2nd floor lang ang palapag nito. Medyo marami ang mga tao ngayon sa mall at kakatapos lang ng pagdiriwang ng fiesta ng San Felicidad."Sa ganda mo girl, center of attention ka na naman. Ikaw na talaga!" nakangising sabi sa akin ni Mayet nang mapansin rin niya ang mangilan-ngilang tao na nandito sa mall na napapatingin sa akin.Hindi ko alam kung bakit ako tinitignan ng mga tao e, isang simpleng printed white t-shirt at jeans lang naman ang suot ko na pinaresan ko ng mumurahing sandals. Hindi rin naman ako nakamake-up bukod sa pinahid kong liptint sa labi ko para hindi magdry ito. Walang espesyal sa itsura ko ngayon pero kagaya nga ng sinasab