Revenge of the Discarded Wife

Revenge of the Discarded Wife

last updateLast Updated : 2026-11-14
By:  NIGHTBLOOMUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Limang taon tiniis ni Aurelia "Auri" Fuentes ang pagmamalupit ng kanyang cold-hearted na asawang si Marcus at ang pangmamaliit ng pamilya nito. Ngunit nagtapos ang lahat ng kanyang sakripisyo nang mahuli niya si Marcus sa kama kasama ang sarili niyang "best friend" na si Beatrice. Mas masakit pa, walang awa siyang tinawag ng dalawa na isang walang-silbing basahan. Nang gabing iyon, nagpasiya si Auri na tuluyan nang kumawala sa buhay na matagal niyang tiniis. Ngunit nauwi sa isang malagim na trahedya ang kanyang pag-alis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa buhay, dala ang lahat ng alaala at pait ng kanyang nakaraan. Wala na ang dating mapagtiis na Auri. Ang nagbalik ay ang nag-iisang tagapagmana ng isang bilyonaryong imperyo, handang singilin ang lahat ng taong umapi at umalipusta sa kanya. Ngunit hindi inaasahan ni Auri na sa gitna ng kanyang plano ng paghihiganti ay makikilala niya ang pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa lungsod—si Dante Leander Salvator. Isang lalaking handang gawin ang lahat, kahit sunugin ang buong mundo, para lamang protektahan siya. Ngayon, sina Marcus at Beatrice naman ang lumuluhod at nagmamakaawa ng tawad. Pero huli na ang lahat. Sisiguraduhin ni Auri na pagbabayaran nila ang bawat luhang ibinuhos niya.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

AURELIA POV

Limang taon kong inalay ang buhay ko sa lalaking akala ko ay mamahalin din ako. Pero ngayong gabi, mukhang ako lang pala ang seryosong naniniwala sa marriage namin.

Nakatuck-in ang apron ko habang pinupunasan ang huling mantsa sa marmol na dining table. Tahimik na tahimik ang buong mansyon. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na patak ng ulan sa labas at ang mahinang tunog ng oven na hudyat na handa na ang inihanda kong Wagyu steak.

Five-year anniversary namin ngayon ni Marcus. Buong araw akong nagpagod sa pagluluto, pamamalantsa, at paglilinis para maging special ang araw na ito. Akala ko, kahit minsan lang, mapapansin niya ang effort ko. Akala ko, mararamdaman niya kahit kaunti ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya.

Pero alas-diyes na ng gabi, wala pa rin siya.

Paulit-ulit kong tiningnan ang phone ko para tingnan kung may message o missed call man lang mula sa kanya. Pero wala. Napabuntong-hininga ako habang minamasahe ang sumasakit kong sentido. Pagod na pagod na ang katawan ko. Halos tatlong oras lang ang itinulog ko kagabi dahil binantayan ko siya habang inuubo. Tapos ngayong araw, ako pa rin ang nag-asikaso sa buong bahay dahil pinagbakasyon niya ang mga kasambahay. Gusto raw niya ng private celebration naming dalawa.

Private daw. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.

Click.

Biglang bumukas ang malaking front door. Napangiti ako nang hindi namamalayan at agad na lumingon, handang salubungin ang asawa ko.

Pero mabilis ding nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang kasama niya.

Hindi nag-iisa si Marcus. At lalong hindi siya mukhang galing sa isang office meeting.

Nakaakbay siya kay Beatrice, ang tinuturing kong best friend sa loob ng tatlong taon. Magulo ang buhok nito, bahagyang kumalat ang lipstick sa labi, at gusot ang damit na suot niya. Si Marcus naman ay nakabukas ang unang tatlong butones ng polo. Bahagyang namumula ang mga mata niya, pero malinaw sa mukha niya ang kawalan ng pakialam.

"Marcus... Beatrice..." halos pabulong kong sambit.

Para akong nawalan ng lakas sa mga binti. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang makitang magkasama silang dalawa o ang katotohanang hindi man lang nag-abala si Marcus na magtago.

Bumitaw si Beatrice sa pagkakaakbay ni Marcus at naglakad palapit sa dining table. Sinulyapan niya ang mga pagkaing inihanda ko bago napairap. Pagkatapos, inilagay niya ang isang kamay sa tiyan niya habang nakangising nakatingin sa akin.

"Auri, honey, do you really think Marcus would want to spend his anniversary with a boring house slave like you?" natatawang tanong niya. "Look at you. Amoy sibuyas ka pa rin kahit ilang beses kang maligo. No wonder nagsawa sa'yo ang asawa mo."

Nanlamig ang buong katawan ko.

Tumingin ako kay Marcus, umaasang kahit paano ay pagsasabihan niya si Beatrice. Kahit simpleng pagsabi lang na tumigil ito. Pero wala.

Dumiretso lang siya sa bar counter, kumuha ng baso, at nagsalin ng whiskey na para bang walang nangyayaring nakakahiya sa harap niya.

"She's right, Auri," malamig niyang sabi nang hindi man lang ako tinitingnan. "Napagod na ako sa ganitong setup. Para na lang kitang kasambahay dito sa bahay. You're dragging me down. Look at Beatrice. She's vibrant, she's successful, and most importantly..."

Hinapit niya si Beatrice sa bewang bago hinalikan ito sa sentido.

"...she's carrying my child."

Child.

Parang biglang tumigil ang lahat sa paligid ko.

Ang sakit pala talagang malaman na ipinagpalit ka ng taong minahal mo nang buong-buo. Limang taon akong nagtiis. Limang taon kong tiniis ang pangmamaliit ng pamilya niya, ang pangungutya ng mga kaibigan nila, at ang pakiramdam na para akong multo sa sarili kong kasal.

At ito pala ang kapalit ng lahat ng iyon? Ang malaman na buntis ang sarili kong best friend sa anak ng asawa ko?

"Five years, Marcus..." basag ang boses kong sabi. Pinipigilan kong tumulo ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Ayokong umiyak sa harap nila. Ayoko na silang bigyan ng pagkakataong makita akong mahina. "Limang taon akong nagtiis sa'yo. Ako ang nag-alaga sa'yo noong nagsisimula ka pa lang at wala ka pang nararating. Tapos ito ang isusukli mo sa akin?"

Lumapit si Marcus. Ang dating mga matang hinahanap ko noon ay puno na ngayon ng malamig na pagkasuklam. Itinutok niya ang hintuturo sa dibdib ko habang nagsasalita.

"Naalagaan mo nga ako noong wala pa akong pera, Auri. Pero ngayon? Isa ka na lang basahan. Isang palamunin na walang narating sa buhay! Look at yourself. Ni hindi ka makasabay sa social circle ko. Kaya huwag kang magtaka kung bakit si Beatrice ang pinili ko. She's high-class. You? You're just trash I picked up off the street."

"Trash," sabad ni Beatrice, sabay ngising puno ng pangungutya. "Get out of this house, Auri. Ipinamana na sa akin ni Marcus ang mansyong ito, pati na rin ang mga alahas mo. Wala kang makukuha rito."

Huminga ako nang malalim. Pinunasan ko ang luhang tuluyan nang kumawala sa mata ko bago ngumiti.

Nagulat silang dalawa sa ginawa ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang biglang lakas ng loob na iyon. Pero sa isang iglap, napalitan ng galit ang sakit na matagal ko nang kinikimkim. Napakadali palang maging mabait sa mga taong hindi naman marunong magpahalaga. Pero ngayong nakita ko na ang tunay nilang ugali, wala na akong dahilan para manatili.

Hindi na ako magpapakababa.

Kinuha ko ang maliit na sobre na nakapatong sa ibabaw ng refrigerator. Nandoon ang divorce papers na ilang buwan ko nang pinag-iisipan at ngayon ko lang tuluyang nagawang ihanda.

Diretso akong naglakad palapit sa kanila at inilapag ang mga papel sa tabi ng wine glass na hawak ni Marcus.

"Hindi mo na kailangang itapon sa labas ang basahang ito, Marcus," malamig kong sabi habang diretso siyang tinitingnan sa mga mata. "Dahil kusa na akong aalis. At tandaan mo ang mukha ko... dahil sa susunod na magkita tayo, kayong dalawa naman ang luluhod sa harap ko at magmamakaawa."

Hindi na ako naghintay ng sagot nila.

Tumalikod ako, taas-noo, at kinuha ang payong na nakasandal sa gilid ng p***o. Pagkatapos, tuluyan akong lumabas ng mansyon habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status