Share

Chapter 57

HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya.

Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito.

“Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna.

Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan.

“Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status