Share

Chapter 60

AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina.

“Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya.

Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos.

“‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance.

“Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay.

Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status