Cebu, Philippines
MATAPOS mag-check in sa Hotel Frank at mailagay sa hotel room ang kanyang luggage, bumaba na si Laura sa lobby para kumain sa isa sa mga restaurant ng hotel.
Paglabas ng elevator, natigilan siya nang makita ang isang matangkad at magandang babae na nakatayo sa gilid ng counter. The woman was a headturner hindi lang dahil maganda ito kundi dahil maingay itong nakikipagtalo sa kung sino mang kausap nito sa cell phone. Pamilyar ang babae kaya naglakad siya papalapit dito. Napailing siya nang tuluyang makilala ito. Tumayo siya sa gilid ng babae at hinintay na matapos ang phone call bago nagsalita.
“Kahit kailan talaga ang ingay mo, Demay Del Mar, ” sarcastic niyang sabi.
Tumingin ang babae kay Laura. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. “Oh, my, God! Laura Hautesserres. I can’t believe it. Nandito ka rin sa Cebu. You’re an angel!” masayang bulalas nito.
“Really?” natatawang sagot ni Laura bago sila nagbeso. Base sa reaksiyon ni Demay, malamang ay mahihingin itong pabor sa kanya.
Matalik na kaibigan ni Laura si Demay magmula pa noong high school. Ito lang ang nag-iisang kaibigan niya sa Pilipinas na hindi siya nawalan ng komunikasyon magmula nang mag-migrate sila ng pamilya niya sa Germany.
“May trabaho at naka-check in ka rin dito? tanong ni Demay. Isang feature writer at nagtatrabaho sa pinakamalaking publishing company sa Pilipinas si Demay.
“Yup. Kadarating ko lang from London. Grabe ka. Kahit saan talaga attention grabber ka. Sino ‘yong kaaway mo?”
“‘Yong photographer na kasama kong dumating dito. I’m here for a job, too. We’re invited to watch a fashion show tonight for a clothing company at ife-feature namin sa magazine. Pero ‘yong lintik na lalaking ‘yon hindi raw makakarating dahil masama raw ang pakiramdam n’ya. Hello, mamayang gabi pa ‘yong fashion show. Alas-onse pa lang ng tanghali. Sigurado na ba s’yang hindi na gaganda ang pakiramdam n’ya hanggang mamayang gabi. Halatang nagdadahilan lang s’ya. He’s not even here. Nandoon sa bahay ng girlfriend n’ya. Tagarito rin kasi ‘yong babae. LDR sila. Ipapatanggal ko talaga sa trabaho ‘yong lalaking ‘yon. Napaka-unprofessional,” gigil na dere-deretsong sabi ni Demay. Mataas pa rin ang boses.
Napansin ni Laura ang mga taong naglalakad sa lobby na napapatingin sa kanila. “Okay. But lower your voice, Demay,” pabulong niyang sabi.
Sumunod naman si Demay at hininaan na ang boses.“Maganda kasi tayo kaya tumitingin sila sa atin. Mas lalo ka na. Mas lalo kang gumanda ngayon kaysa no’ng huli tayong magkita.”
“Yeah, right. So, kailangan mo ng replacement sa photographer mo, ‘di ba? I’m free. But just for tonight lang, ha?” boluntaryo ni Laura.
“Yup, ngayong gabi lang. That’s what I love most about you, friend. You’re sensitive and always been there for me when I needed you most.”
“Bolera ka talaga. Gutom lang ‘yan. Kumain muna tayo. I’m starving.”
Inakbayan ni Laura si Demay at inakay patungo sa Filipino restaurant. Pumuwesto sila sa pinakasulok sa tabi ng glass wall. Sinabi ni Demay ang detalye ng fashion show matapos nilang mag-order.
“What? Kasama sa fashion show si Lance Jason?” gulat na bulalas ni Laura.
“Yup. The international Filipino model. He will lead the event later. What’s wrong? May problema ba kay Lance?”
Umiling si Laura. “Nothing. Nagulat lang ako.”
Mabilis na dumating ang order nila kaya natigil ang pag-uusap nila. Demay was also starving kaya nanahimik ito. Kapwa natuon ang atensiyon nila sa pagkain.
Pero nasa isip pa rin ni Laura si Lance.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng excitement sa posibilidad na muli niyang makikita ang binata pero mabilis na sinaway niya ang sarili. Hindi na dapat masundan ang pagkikita nila.
She had a crush on him the first time she had seen him in a men’s magazine years ago. Bukod sa malaki ang resemblance ni Lance sa celebrity crush niya na si Chris Hemsworth, nagustuhan niya ang binata dahil family oriented ito at mabuting kaibigan. Humanga siya rito nang mabasa nila ng kanyang best friend na si Tamara sa isang magazine interview at mapanood sa isang news program sa Pilipinas ang pagtulong nito sa mga kaibigan nang manganib ang buhay ng mga ito. Nakarelate din siya kay Lance nang mag-struggle ito sa pagpili ng kurso noong college. Pero na-curious at mas nakuha nito ang atensiyon niya nang malaman ang kaugnayan nito kay Ethan Escobar, ang lalaking kinamumuhian at ex boyfriend ni Tamara.
“Stop liking him. He’s an enemy,” sita sa kanya ni Tamara nang mahuli siya nitong tinititigan ang isang picture ni Lance sa internet.
“He’s not my enemy. At crush ko lang siya, huwag kang praning,” natatawang tugon niya sa kaibigan.
Madalas na mga modelo ang mga nakakatrabaho ni Laura pero hindi niya akalain na darating ang araw na makakatrabaho niya si Lance sa isang photoshoot. It was like a dream came true. Buo ang loyalty niya kay Tamara pero gusto pa rin niyang ma-meet ang binata nang personal.
Their first encounter was awkward. Alam niya kung gaano ka-playboy si Lance pero hindi niya akalain na mawi-witness niya iyon nang mahuli niyang itong nakikipag-sex ang isang housekeeper sa tinutuluyan nilang hotel. Gayunpaman ay hindi niya ito hinusgahan. He was enjoying his life being single.
She just wanted to meet him in person. Pero hindi niya akalain na yayain siya nitong mag-dinner pagkatapos ng photoshoot na kaagad niyang pinaunlakan. Hindi naman niya akalain na aabutin sila ng maraming oras na magkasama at marami silang mapag-uusapan.
Dahil sa matinding atraksyon sa binata at bahagya siyang nalasing, nagawa niyang ipagkaloob ang sarili dito. Pero wala siyang nararamdamang pagsisisi sa nagawa. It was a beautiful experience that she would never forget. Flattered siya dahil gusto pa ni Lance na masundan ang pagkikita nila pero alam niya na wala silang patutunguhan kaya tinanggihan niya ito. Hindi rin niya nakakalimutan ang kaugnayan nito kay Ethan Escobar.
Naisip niya na mag-back out na lang sa pagtulong kay Demay para masigurong hindi sila magkikita ni Lance. Pero sa dami ng manonood ng fashion show mamayang gabi, imposibleng makita siya ng binata. Isa pa, sa dami ng mga naggagandahang mga babae na nakakasalamuha ni Lance, baka hindi na rin ito interesado pa sa kanya.
“So, magkakilala kayo ni Lance?”
Natapatingin siya kay Demay nang magsalita ito makalipas ang ilang minuto.
“Uhm… yes. We met in New York. Nakatrabaho ko siya sa isang photoshoot.”
“I see. I know Lance personally. We’re friends. Pinsan ko din ‘yong local agent n’ya. Actually, ex boyfriend ko ang eldest brother niya way back in college. Si Ryan James.”
“Really? Ano’ng reason ng break up n’yo?” curious na tanong ni Laura. Naikuwento sa kanya ni Lance ang eldest brother nito na nakabase at nagtatrabaho sa Seattle, Washington.
Bumuntong-hininga muna si Demay bago sumagot. “He broke up with me and left me. Sa Seattle na kasi siya mag-aaral at siya na ang magma-manage ng business ng uncle niya. Hindi raw niya alam kung babalik pa siya rito kaya nakipag-break siya. Pumayag na lang ako dahil wala naman akong magagawa kung ayaw na niya. Isa pa, busy rin ako sa pag-aaral.”
Tumango-tango si Laura. “You over him?”
“Oo naman. Ang tagal na kaya no’n. Nakailang boyfriend na rin kaya ako. But let’s stop talking about him. May isa pa akong favor sa ‘yo na hindi mo pa tinutupad. Kailan ko ba puwedeng interview-hin si Tamara?”
Laura rolled her eyes. “I don’t know. Nakausap mo na ba ang agent niya?”
Tamara was an international classical composer and musician. And she was so proud of her.
Lumabi si Demay. “Yes. Pero hindi raw puwede. Kaya nga sa ‘yo na lang ako nagsasabi. Please, Laura, gawan mo naman ng paraan. Kahit anong hilingin mo, ibibigay ko. Magkaroon lang ako ng exclusive interview sa best friend mo.”
Kung tutuusin, madali lang ang hinihiling ni Demay kung gugustuhin ni Laura. Tiwala siya na hindi siya pahihindian ni Tamara kung siya ang hihiling. Pero nirerespeto niya ang desisyon ni Tamara na maging mailap sa Philippine media.
“Hayaan mo kakausapin ko si Tam,” sabi na lang niya.
“Lagi mo namang sinasabi ‘yan, eh. Kung ikaw na lang kaya ang interview-hin ko about kay Tamara? Just please answer my question. Bakit hindi pumapayag na mag-concert dito sa Pilipinas si Tamara?” dire-diretsong sabi nito.
“Demay, I don’t know. Pagsisinungaling niya.” May tiwala siya kay Demay pero hindi siya maaring magkuwento ng personal na buhay ni Tamara.
“Kainis ka naman, eh,” sabi ni Demay.
“Don’t worry magkakaroon ka rin ng interview kay Tam kapag pwede na. Kahit isama pa kita sa London.”
“Promise ‘yan, ha?”
Tumango si Laura.
Matapos kumain ay kaagad nang bumalik si Laura sa hotel room niya para magpahinga. Nagkasundo silang magkita na lang ni Demay sa venue ng fashion show kinagabihan.
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su