Home / Romance / Still You / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Rieann
last update Last Updated: 2022-08-16 18:44:43

“MARAMI ka ng magagandang shot?”

           Napatingin si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pasigaw tanong ni Demay sa kanyang tainga.

           “Yes. Mahal na ang babayaran mo sa akin,” pasigaw ding biro ni Laura.

           Kinailangan ni Demay na sumigaw dahil sa ingay ng tugtog at sa mga taong nagtitilian sa mga makikisig at mga guwapong mga modelo. Ginanap ang fashion show sa isa sa mga ballroom hall ng Hotel Frank.

          Ibinaba ni Laura ang hawak na camera nang makaramdam ng pangangawit ng balikat. Mag-iisang oras na siyang halos walang tigil sa pagkuha ng litrato. Dahil sa suot nilang special ID pass, maganda ang puwesto nila sa event. Maayos na nakukuhan ni Laura ng litrato ang mga modelo habang kumukuha naman ng video si Demay gamit ang cell phone nito.

           “Sure. Bibigyan kita ng maraming Cebu delicacies,” sagot ni Demay.

          “Call.” Wala namang balak magpabayad si Laura kay Demay tulad ng dati kapag ginagawan niya ito ng pabor. Sa tagal ng pagkakaibigan nila, normal na sa kanila ang humingi ng pabor sa isa’t-isa paminsan-minsan. Pero magugustuhan ni Tamara ang Cebu delicacies.  

           Itinaas ni Laura ang camera at nagpatuloy sa ginagawa. Lumipas pa ang ilang minuto nang sa wakas ay i-anunsiyo ng host ang pagrampa ni Lance Jason. Ibig sabihin ay malapit na ring matapos ang trabaho niya.

          Nakasilip sa lens ng camera si Laura nang lumabas si Lance at magsimulang maglakad sa runway. Lalong umingay ang paligid. Awtomatiko ang naging pagpindot niya sa camera. Pero bigla siyang natigilan nang rumehistro sa isip niya ang kabuuan ni Lance. Napadiretso siya ng tayo at wala sa loob na naibaba ang camera habang nakasunod ng tingin sa binata.

          Lance was breathtakingly gorgeous. Para itong Greek God na bumaba sa lupa at naglalakad patungo sa kanya. Hindi niya maiwasang mapatanga dito. He was wearing a corporate business attire pero isa-isang nawala ang mga damit nito nang isa-isa nito iyong hubarin at ihagis sa nagtitiliang audience.

         Nahigit ni Laura ang paghinga nang magkasalubong ang tingin nila ni Lance nang huminto ito sa kanyang harapan. Ilang sandaling natigilan ito bago ngumiti. Halatang nakilala siya nito.

        “O?” tanong ni Laura kay Demay nang magbawi na ng tingin si Lance at naglakad patungo sa kabilang bahagi ng runway. Kanina pa siya kinakalabit ni Demay at may sinasabi pero hindi niya maintindihan dahil nakatanga siya sa binata.

        “Picturan mo si Lance!” pasigaw na utos ni Demay.  

        Saka pa lang tila natauhan si Laura. Itinaas niya ang camera at ginawa ang sinabi ni Demay. Gusto sana niyang titigan lang si Lance habang rumarampa pero nanaig ang pagiging professional photographer niya. She wanted to take a thousand of pictures of him if possible not only for Demay’s article but also for her personal collection.

        Pero sa huling bahagi ng pagrampa ni Lance ay napatigil na naman si Laura sa ginagawa. Bigla kasing hinila ni Lance pahubad ang suot nitong slacks at tumabad ang suot nitong puting boxer briefs. Ginawa iyon ni Lance sa mismong harap niya at matamis ang ngiting nakatingin na naman sa kanya. 

        Mas lalong nagkagulo ang audience. Wala sa loob na napalunok si Laura habang nakatitig sa katawan ni Lance. Nang bumaba ang tingin niya sa umbok sa boxer briefs nito.  Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang paligid.

          “Laura, picture!” muling paalala ni Demay habang niyuyugyug siya sa balikat.

          Napailing si Laura at muling itinaas ang camera. Sunod – sunod ang ginawa niyang pagkuha ng litrato. Kasalukuyan na kasing nagba-bow si Lance. Pagkatapos ay tuluyan na itong umalis sa runway.

          Minutes later. Tapos na ang fashion show. Nakangiting nakatayo si Laura sa isang tabi at nire-review ang mga kuha niya nang lapitan siya ni Demay matapos makipag-usap sa event coordinator.

          “Balik na ako sa room ko, Demay,” paalam niya. “Ise-send ko na lang sa email mo ‘yong mga pictures.”

          “Mamaya ka na bumalik sa room mo. Sumama ka muna sa akin sa akin sa backstage.” 

          “Ano’ng gagawin natin doon?”

          “Pipicturan mo ako habang ini-interview ko ang mga model,” nakangising biro nito.

          Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

         “Babatiin lang natin si Lance.”   Bago pa makatanggi si Laura ay ipinulupot na ni Demay ang braso sa braso niya at hinila siya patungo sa backstage.  

MABILIS na nakarating sina Laura at Demay sa dressing room ni Lance. Sinalubong sila ng isang matangkad na bading. Kaagad na ipinakilala sila ni Demay sa isa’t-isa.

          “Ang ganda-ganda at ang sexy mo naman, Laura,” papuri ni Marckie na pinsan ni Demay at local agent ni Lance. “Gusto mo bang magmodelo?”

          “No. Thanks,” tipid ang ngiting mabilis na tanggi niya. Hindi na mabilang ni Laura kung ilan na ang nag-alok sa kanyang magmodelo o mag-artista here and abroad. Pero lagi ay tinatanggihan niya. Hindi kasi niya pinangarap iyon. Masaya at kuntento na siya sa kanyang trabaho.  

          “Marckie, puwede ko na bang ma-interview si Lance?” tanong ni Demay.

          “Sure. Pero sandali lang, ha? Marami pang susunod.” Binuksan ni Marckie ang pinto sa likuran nito para makapasok sila.

           Pagpasok pa lamang sa loob ng dressing room, kaagad na nagkasalubong ang tingin nila ni Lance sa salamin. Nag-iisa sa silid si Lance. Nakaupo sa isang stool sa harap ng vanity mirror hawak ang cell phone. Puting T-shirt, denim pants at rubber shoes ang suot nito. Halatang bagong shower.

         “Laura…” gulat na sabi ni Lance pero mabilis ding naka-recover.  “I knew it, ikaw ‘yong nakita ko sa gilid ng stage kanina.” Tumayo ito at sinalubong sila.

Mabilis na b****o si Lance kay Laura.

         “Congratulations, Lance. Isinama lang ako dito ni Demay,” aniya sabay turo sa kaibigan.

         “Congratulations, Lance,” sabi naman ni Demay.

“Thank you,” tugon ni Lance at b****o din kay Demay. “Magkakilala pala kayo ni Laura.”

         “Since high school,” tugon ni Demay.

         “Naka-check in rin kayo dito?” tanong pa ni Lance pero kay Laura nakatingin.

         “Yes.”

        “Yes.” Halos sabay na tugon nila ni Demay. 

          “May shoot si Laura with Leysam Tuazon,” imporma ni Demay. “Build Asia Magazine hired her. You know him, right? The famous furniture designer and businessman?”

          “Of course. Build Asia and Leysam Tuazon. Wow! Big time! You’re really amazing, Laura.”

          “Yes, she is,” proud na sabi ni Demay. Inakbayan pa siya nito. “Alam mo bang award-winning photographer ‘tong kaibigan ko, Lance? Thankful nga ako dahil tinuturing pa akong kaibigan nito kahit sikat na at can’t afford ko ang professional fee n’ya.”

         “Bolera. Kung singilin kaya kita ngayon?” biro ni Laura kay Demay.   “Interview-hin mo na nga si Lance.”

        “Oo nga pala. Lance, pwede ba kitang interview-hin sandali?” tanong ni Demay sa binata.

         “Sure. Take a seat, ladies.” Itinuro ni Lance ang sofa at muling naupo sa stool.

          Si Demay lang ang naupo sa sofa. Nanatiling nakatayo si Laura at pumuwesto malapit sa pinto. Kinuhanan niya ng litrato ang dalawa habang nagaganap ang interview.

         Sandali lang ang interview. Nang matapos, nagulat si Laura nang humiling ng picture si Lance kasama siya. Nag-selfie sila gamit ang cell phone nito. Pagkatapos ay inilabas ni Demay ang cell phone nito at kinuhanan sila ng picture ni Lance.

          “May after-party sa bar later. Punta kayo,” sabi ni Lance pagkatapos.

          “I can’t.  May ira-rush akong trabaho,” tanggi ni Demay.

          “Hindi rin ako pwede. May trabaho ako bukas. I have to wake up early in the morning,” sabi naman ni Laura.

          “I see. But can I call you sometime, Laura?” tanong pa ni Lance.

          Nagulat si Laura sa narinig. Sandaling nag-alangan siya sa pagsagot. “No.”

Dissapointed na bumuntong-hininga si Lance.

          Nagpaalam na sila ni Demay at lumabas ng dressing room.

         Tumango lang si Marckie nang magpaalam sila ni Demay. Abala ito sa pakikipag-usap sa mga fans at iba pang showbiz reporters na gustong makaharap si Lance.

         “Grabe ka. Tumanggi kang makipag-date kay Lance,” hindi makapaniwalang sabi ni Demay nang bahagya silang makalayo.

         “Ano’ng date? Nagyaya ba siya ng date?”

         “Gano’n na rin ang ibig n’yang sabihin bruha! Lance is into you.”

         “Shut up. You knew I am based in London.”

         “Marami ng LDR ang nagwo-work ngayon dahil sa technology, Laura. Who knows baka kayo pala talaga ni Lance ang destiny. Ngayon pa lang magbo-volunteer na ako para maging maid of honor mo kapag kayo ang nagkatuluyan.”

         “No, thanks. Don’t forget my best friend is Tamara Flores, the international music goddess. Of course, siya ang maid of honor ko kapag ikinasal ako, ‘no?”

         “Oo nga pala. Basta ‘yung promise mong interview ko kay Tamara, ha? Just give me a call anytime kapag pwede na.” 

          “Okay. May kailangan ka pa bang interview-hin? Sasama pa ba ako?”

          “Marami pa but I can manage. Si Lance lang naman ang pinakaimportante.”

          “Okay. Just wait for my email tonight. Ise-send ko bago ako matulog.”

          “Thank you.”

           Nagbeso sila at naglakad na si Laura patungo sa room niya.

NAGISING si Laura sa alarm ng kanyang cell phone. Napaungol siya nang magambala ang tulog niya. Pero nang maalalang sinadya talaga niyang mag-alarm  ng alas-kuwatro ng madaling araw ay napilitan siyang bumangon.

             She had been in this hotel several times before kaya alam niya na may restaurant sa penthouse at maganda ang sunrise at sunset doon. Balak niyang kuhanan ng litrato ang pagsikat ng araw. Kung magiging maganda ang kuha niya, balak niyang i-display ang mga litrato sa art gallery ng kaibigan niya sa London.

           Matapos mai-off ang alarm clock sa kanyang cell phone ay nagtungo na siya sa banyo, naghilamos at at nagbihis. Ilang sandali pa ay sakay na siya ng elevator patungo sa penthouse dala ang sling bag at camera niya.

          Pagdating sa restaurant ay kaagad sinalubong si Laura ng waiter at inihatid sa isang two-seater table. Matapos maupo, nagulat siya nang biglang tumawag sa kanya sa kabilang table.

          “Laura!”

          “Lance!” gulat na bulalas niya nang makita ang binata.

          Nakangiting mabilis na nilapitan siya nito. “I’m glad you’re also here. Can I join you?”

          “O-okay,” reluctant niyang sabi.   

          Binalingan ni Lance ang waiter. “Paki-serve na lang dito ang order ko,” sabi nito bago siya inalalayan sa pag-upo.

          “Yes, sir,” tugon ng waiter. Binalingan siya nito. “Kayo po, Ma’am? Ano po ang order n’yo?” 

           “Tapsilog, cappuccino and water, please.”

            “Nakapunta ka na dito dati pa? You already knew the menu,” amused na sabi ni Lance nang makaupo pagkaalis ng waiter.

            “Yes,” tipid niyang sagot. 

            “I see. Bakit ang aga mo naman yatang nagising.” 

            “Maganda kasi ang sunrise dito kaya gumising ako nang maaga.”

            “Ah, dito ka pala pupunta no’ng sinabi mo kagabi na kailangan mong gumising nang maaga?” 

            “Yes. And you? Hindi ka pa ba natutulog?”

           Umiling si Lance. “Hindi pa. Katatapos lang din ng afterparty. Nagutom lang ako kaya pumunta muna ako dito.”

           Napansin nga niya na nakainom si Lance. Pero hindi naman ito mukhang lasing na lasing. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Bukod sa kanila ni Lance ay may mangilan-ngilan ding customers ang naroon. May magkakapareha at ang iba ay nagsosolo at nagkakape at mukhang hinihintay din ang pagsikat ng araw.

           “I’m glad I see you again, Laura,”  sabi ni Lance.

           Ngiti lang ang isinagot niya sa binata.

           Kaswal na nag-usap sila habang kumakain. Pinag-usapan nila ang naging  fashion show ni Lance at ang magiging trabaho niya. Ayaw man niya na maramdaman, masaya siya na muli niyang nakasama sa pagkain si Lance.

          Halos katatapos lang nilang kumain nang magsimulang sumilip ang araw.  Tumayo na si Laura bitbit ang camera. Nakahanap siya ng perfect spot para makuhanan nang maayos ang sunrise sa gilid  at tagong bahagi ng restaurant. Sumunod sa kanya si Lance pero hindi siya inabala nito. Naging abala rin ito sa pagkuha ng larawan gamit ang cell phone nito.

          Nang makuntento sa mga kuha niya, ibinaba na niya ang camera. Katabi na niya noon si Lance.

          “Got a perfect shot?” tanong nito sa kaliwa niya.

          Nakangiting sunod-sunod na tumango si Laura. “A lot actually. Ang ganda talaga ng sunrise dito.”

          “Mas maganda ka pa rin sa sunrise.”

          Akala ni Laura ay nagbibiro lang si Lance. Pero nang tumingin siya dito, nagulat siya nang makitang titig na titig ito sa kanya.

          Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang kumilos ito at hinapit siya.

          “Lance…” sambit niya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya. She knew he was going to kiss her pero hindi niya nakawang umiwas.

          Sa umpisa ay parang dumadampi lang ang mga labi nito sa mga labi niya. Pero hindi nagtagal ay lumalim iyon at hindi niya napigilan ang sarili na tumugon.         

Nakapalibot na ang mga kamay niya sa leeg nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

          “I like you so you much, Laura,” sabi ni Lance.

          “I-I like you, too,” pag-amin niya.

          Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Tumigil lang sila nang kapwa kapusan nang hininga. Niyakap siya ni Lance. Pero dahil nakasabit sa leeg niya ang camera, patagilid siyang niyakap nito habang nakatingin sa papasikat na araw. Ganoon ang ayos nila hanggang sa tuluyang magliwanag. 

        

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Still You    Chapter 63 (Final Chapter)

    INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m

  • Still You    Chapter 62

    DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi

  • Still You    Chapter 61

    UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl

  • Still You    Chapter 60

    AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed

  • Still You    Chapter 59

    NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa

  • Still You    Chapter 58

    “GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su

  • Still You    Chapter 57

    HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya. Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito. “Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna. Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan. “Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw

  • Still You    Chapter 56

    PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil

  • Still You    Chapter 55

    SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status