Home / Romance / Still You / Prologue

Share

Still You
Still You
Author: Rieann

Prologue

Author: Rieann
last update Last Updated: 2022-08-16 18:08:14

Manhattan, New York

Inilibot ni Lance ang tingin pagpasok sa studio at hinanap ng tingin si Laura. Napangiti siya nang makitang naroon pa rin ang dalaga at patuloy pa rin sa trabaho nito. Kasalukuyang ginaganap ang photoshoot para sa isang men’s magazine. Isa si Lance sa mga modelo at photographer naman si Laura. Tapos na ang trabaho niya kaya nagpalit na siya ng casual clothes. Bumalik siya sa loob ng studio para sunduin si Laura dahil may usapan sila na magdi-dinner pagkatapos ng trabaho nito.

          Tumayo sa isang sulok si Lance para panoorin ang pictorial at hintayin na rin si Laura na matapos. Pero sa photographer lang nanatili ang mga mata niya. Habang nakatingin kay Laura ay muli na naman siyang humanga sa kagandahan nito. Gusto rin niya ang serious at professional look nito habang nagtatrabaho.

           Ang totoo ay kanina lang sila pormal na nagkakilala ni Laura. Pero kagabi pa ang first encounter nila. Hindi niya maiwasang mapangiti at mapailing nang maalala ang unang pagtatagpo nila. It was awkward. Dahil sa sobrang antok ay nagkamali ito ng pinasukang hotel room. Nakapasok ito sa room niya na hindi naka-lock at nahuli siya nitong nakikipag-sex sa isang housekeeper.

           He was a known as a womanizer. He was active doing hook ups and flings for as long he can’t remember. Kaya nang akitin siya ng cute na pinay housekeeper sa tinutulayan niyang hotel ay pinatulan niya ito. They were having sex on the couch nang bigla na lang may gulat na tinig ng babae ang tumawag sa kanya.

         “Lance?” 

          Napatingin siya sa direksiyon ng pinanggalingan ng tinig. Nagulat siya at napakunot ang noo nang makitang nakatayo roon ang isang magandang babae. Shock was written on her face.

         “Girlfriend mo, Sir? Naku, sorry po,” natatarantang sabi ng housekeeper at mabilis na tumayo mula sa kandungan niya. Hindi pa man nito nabubutones ang uniporme ay tila ipo-ipo na itong nakalabas ng silid.

          Naiwan sila ng babae na nanatili pa rin sa kinatatayuan nito.

         “So, you know me. Who are you?” tanong niya sa babae. Tinanggal niya ang suot na condom at itinaas ang pantalon. Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi nang mag-iwas ito ng tingin. Tumayo siya at naglakad papalapit dito.

           Napaurong ang babae. “I-I’m sorry. Nagkamali ako ng room na pinasukan.”

           Nagulat siya sa narinig. “Filipino ka rin?”

           Hindi mahahalata na Filipino o Asian ang babae. Maputi kasi ito, matangkad, dark brown ang kulay ng buhok. Bilugan ang mukha. Malalaki ang gray na mga mata, matangos ang ilong at manipis ang kissable na mga labi. The woman was sexy and could pass a model like him.

          Hindi nito sinagot ang tanong niya. Tumalikod ito at anyong aalis pero mabilis niya itong pinigilan sa braso. Napaharap ito sa kanya at bumangga sa dibdib niya. Muntik na siyang mapaungol nang malanghap ang bango nito. 

          “Iiwanan mo na lang ako nang ganoon-ganoon lang? I am having a good time but you suddenly appeared,” bahagyang mataas ang tinig na sabi niya.   

          “I-I’m so sorry.”

          “I can’t accept that, lady. I need a replacement.” He didn’t mean what he said. Pero kung papatol ito sa sinabi niya, why not? Attracted siya rito and he is  still arouse.

          Nanlaki ang mga mata ng babae. Bago pa siya muling makakilos ay ubod-lakas na itinulak siya nito at nagmamadaling lumabas ng silid.  

          Maabutan niya ang babae kung gugustuhin niya pero hinayaan niya itong makaalis. Kailanman ay hindi siya naghabol sa babae. Bakit niya gagawin iyon kung kusa namang lumalapit sa kanya ang iba’t-ibang naggagandahang mga babae saan man siya naroon? 

         Kanina ay nagkagulatan sila ni Laura nang makilala ang isa’t-isa bago magsimula ang photoshoot. Laura Hautesserres ang buong pangalan nito at isang professional photographer from London.

         “I’m sorry again last night,” apologetic na sabi ni Laura nang mapagsolo sila pagkatapos ng introduction.

          “Forget it. May kasalanan din ako. Hindi ako nag-lock ng pinto,” aniya.

          Sa buong durasyon ng trabaho niya ay halos hindi niya nilubayan ng tingin si Laura. Matamis na nginingitian niya ito kapag nagkakasalubong ang kanilang tingin. Alam niyang dalaga at single pa ito dahil naitanong na niya sa isa sa mga assistant nito. Sinilip na rin niya ang social media accounts nito kanina. Nilapitan niya ito during break at inimbitahang mag-dinner. He was interested in her and he wanted to know her more. Natuwa siya nang paunlakan siya nito. 

          Bahagya siyang napapitlang nang mag-vibrate ang kanyang cell phone. Inilabas niya iyon mula sa bulsa ng kanyang denim pants at tinignan ang pumasok na mensahe. He was connected to internet and his best friend Ethan sent him a message again. Ilang sandaling nag-isip siya kung babasahin ang message o hindi. Ilang araw na niyang ini-ignore ang kaibigan dahil naiinis siya rito kahit wala naman itong kasalanan sa kanya. Girlfriend na kasi nito si Celine. Matalik na kaibigan niya si Celine at international print and ramp Filipino model din tulad niya.

            He knew he was not getting any younger. Panahon na para magkaroon siya ng seryosong karelasyon at later on ay magkapamilya. Si Celine sana ang babaeng iyon dahil boto rito ang pamilya niya at mga kaibigan. Marami rin silang pinagkakasunduan. Ang akala niya ay nagkakaunawaan na sila. They were dating and slept for a couple of times. Pero nagbakasyon lang ito sa Pilipinas ay naging girlfriend na ng kaibigan niya. 

            Gayunpaman ay masaya siya para sa dalawa. Alam niya na mamahalin at aalagaan ni Ethan si Celine. He will be fine. Makaka-move on din siya lalo na ngayon na may nakilala siyang interesting na babae. 

           Sinulyapan muna niya si Laura na patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato bago binasa ang message ni Ethan.

          Nangangamusta lang naman ang kaibigan niya. Nagtanong din ito kung kailan siya uuwi sa Pilipinas. Matapos mag-reply ng “I’m ok at next month pa ako makakauwi,” itinago na niya ang cell phone sa kanyang bulsa at muling ibinalik ang tingin kay Laura.     

          Hindi nagtagal ay natapos ang photoshoot. Tulad ng usapan nila ni Laura ay sa restobar ng tinutuluyan nilang hotel sila nagpunta.

          “So, what kind of photographer are you?” tanong niya habang magana silang kumakain at sumisimsim ng wine. May sinusunod siyang diet pero sinabihan siya ni Laura na malakas itong kumain lalo na kung pagod habang nag-oorder sila kaya dinamihan din niya ang kanyang order. Wala muna siyang diet ngayong gabi.            

          “Well, I’m a freelance fashion and advertising photographer by profession and nature photographer for leisure,” tugon ni Laura.

          “Cool. Pero nagco-conduct ka rin ng exhibit?”

          “Minsan. But as a nature photographer.” 

          “Interesting. You love your work?”

          Tumango si Laura. “So much. I travel a lot and most of the time for free. And you? Surrounding with a lot of girls, huh?”

          Natawa siya sa huling sinabi nito. “Perk of my job. ‘Yung mga babaeng nai-involve sa akin, sila naman ang kusang lumalapit. I’m single kaya may karapatan akong lumandi.”

          Si Laura naman ang natawa. “Right. But you don’t have to defend yourself on me, Lance. I understandstand. I don’t judge you. Sabi mo nga single ka.For as long as wala ka sinasagasaang relasyon, it’s fine. You’re just enjoying your life. Just be careful. You know what I mean.”      

         “Of course, maingat ako. Thank you for understanding me then. Yes, I love my job. But actually, pinag-iisipan ko na ngang mag-retiro.” 

          “Really? You’re young to retire I think.”  

          “I’m twenty five and you?

          “Mas matanda ako sa ’yo ng almost three years.”

          “You look younger,” sincere niyang sabi.

          Tinawanan lang siya ni Laura. “Gagamitin mo na ang napag-aralan mo? You’re a licensed landscape architect, right?”  

“Right,” amused niyang sabi. Marahil ay na-G****e na siya ni Laura kaya alam nito ang college degree niya. “So, you’re based in London? Filipino ka rin?”

          “Yes and yes. Actually, I’m a half German-half Filipina. Tatay ko ang German. Sa Pilipinas ako ipinanganak at lumaki.”

          “I see. Saan kayo sa Philippines? May bahay pa kayo doon?”

           “Yes, sa Dasmarias Village, Makati. Doon ako tumutuloy kapag nasa Pilipinas ako. ”

           “Really? You know what ang dami kong friends na nakatira sa Dasmariñas Village.”

            Tumigil si Laura sa pagkain at tumingin sa kanya. “Are you referring to your best friend Ethan Escobar and his family”

            “Yes. Kilala mo pala sila.”

            “I just know them because they’re celebrities. But I heard ilang blocks lang ang layo ng bahay nila sa bahay namin. Ikaw? Saan kayo sa Philippines?” 

            “Sa White Plains, Quezon City. May condo unit ako sa Ortigas pero sa bahay ng parents ko pa rin ako umuuwi kapag nasa Pilipinas ako. You dreamt being a photographer since you were a kid?” tanong pa niya.

            Mabilis na umiling si Laura. “Hindi, ‘no. Noong lumipat kami sa Germany when I was eighteen, hindi ko pa talaga alam ang gusto kong gawin sa buhay ko. I took Business Management in the Philippines pero naka- one year lang ako. Apparently, nagbakasyon ako sa uncle ko sa Vienna. I can play the piano and violin, naging street performer ako doon ng ilang linggo. My family thought I am going to be a professional classical musician or a music teacher like my uncle. Akala ko rin lalo na nung makilala ko doon ‘yong best friend ko ngayon na si Tam. I studied classical music with her pero hindi ko rin tinapos dahil na-realized ko na hindi talaga ang pagtugtog ang gusto kong gawin sa buong buhay ko. Later on, nagustuhan ko ang photography. I enrolled photography and graduated. And the rest was history.”

            “Pareho lang pala tayo ng pinagdaanan, Laura,” amused na sabi niya. “Nag-struggle din ako sa pagpili ng magiging career ko. Ang pagkakaiba lang, I dreamt to become a professional basketball player when I was in high school. I’m a good defensive player. Nakapasok naman ako sa college basketball team ng UST pero  nagkaroon kaagad ako ng knee injury no’ng rookie  year ko pa lang. That injury   made me forget my dream. Makakapaglaro ako ulit pero maari na akong malumpo kapag naulit pa ang injury ko. That time, I’m taking up Business Management like you pero naka-one year lang din ako dahil hindi ko talaga siya gusto. At medyo na-depressed ako no’n sa nangyari sa akin. Kaya lang naman ako nag-enrol dahil sa influence ng mom ko. She’s a businesswomen and florist by the way. Nag-shift ako sa BS Biology dahil sa influence ng daddy ko. He’s a doctor. Pero naka-one year lang ulit ako at nagdrop out na dahil I realized hindi ako gano’n katalino para maging isang doktor. I rest and became a bum for awhile. Mabuti na lang very understanding at supportive ang parents ko kahit tumigil ako sa pag-aaral.”

              Nakita niya ang interes sa mukha ni Laura kaya nagpatuloy siya sa pagkukuwento.                    “Apprently, Ethan convinced me na subukan ang pagmomodelo. Artista na siya siya noon. Nainggit ako sa kanya dahil hindi pa man siya nakakatapos ng college, may sarili na siyang income. Gusto ko rin ng ganoon kaya sinubukan ko. Luckily, I got accepted. Ethan also convinced me to enter show business, too. Sinubukan ko pero sandali lang. Nag-aaral na kasi ulit ako no’n at gusto ko nang maging landscape architect. I studied while working as a model. When I graduated, saka naman ako nagkaroon ng offer abroad. I accepted it dahil gusto kong mag-ipon nang husto. Gusto kong magkaroon ng sarili kong design company. My parents supported my plans kaya wala akong naging problema sa pag-alis. I just promised to them that I will pass the board at gagamitin ko ang napag-aralan ko someday. Iyon lang nawili ako sa pagtatrabaho dito sa New York kaya natagalan bago ako nakapag-take ng board exam.” 

               Kung saan-saan pa napunta ang topic nila. They ate, talked and laughed a lot that night. Masarap at may sense kausap si Laura. Gusto rin niya ang pagiging prangka nito. For the first time hindi siya nakipag-flirt sa babaeng nagugustuhan niya. Laura was different. Far different dahil nagawa niyang magkuwento ng personal niyang buhay na never pa niyang nagawa sa bagong kakilala. Kahit kay Celine ay hindi siya naging gano’n kadaldal. Pakiramdam kasi niya ay matagal na silang magkakilala. Laura was a good listener, too. Na-appreciate niya nang husto na siya hinusgahan nito sa pagiging playboy niya.

               Malalim na ang gabi nang inihatid niya si Laura sa hotel room nito.                

              “Can I call you sometime, Laura?” hindi na nakatiis na tanong niya. Kanina pa niya gustong itanong iyon sa dalaga. Binigyan na siya nito ng business card kanina pero gusto niyang malaman ang personal number nito. “I want to know you more and something else…”

              “I’m not into flings and hook ups, Lance.  Nasa magkabilang panig ng mundo din tayo nakatira at nagtatrabaho. I like you but I’m sorry. I have to say no. I don’t wanna waste time dahil wala naman tayo patutunguhan.”

               Hindi nakapagsalita si Lance. Matinding disappointment naramdaman niya. Gusto niyang tutulan ang huling sinabi ni Laura pero may katwiran ito. 

               Nang mapatingin siya sa mapupulang labi nito ay hindi na niya napigilan ang sarili. Sinapo niya ng kanyang mga kamay ang magkabilang pisngi nito at mariing hinalikan sa mga labi.

              Ang akala niya ay magagalit at manunulak ito pero sandali lang itong nagulat. Hindi ito nagpumiglas at sa halip ay tinugon pa ang halik niya. Lumakas ang kanyang loob. Hinapit niya ito at mas nilaliman pa ang paghalik. Magkahinang pa rin ang kanilang mga labi nang pumasok sila sa loob ng silid.

             They end up in her bed and slept with him that night. But they casually parted next morning. Muling tumanggi si Laura na masundan pa ang pagkikita nila. Dahil sa pride ay hindi siya nagpumilit. He already had her after all. Kailanman ay hindi siya maghahabol sa babae. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Still You    Chapter 63 (Final Chapter)

    INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m

  • Still You    Chapter 62

    DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi

  • Still You    Chapter 61

    UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl

  • Still You    Chapter 60

    AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed

  • Still You    Chapter 59

    NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa

  • Still You    Chapter 58

    “GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status