Share

Chapter 25

Nakatingin lang si Anna sa amo na si Carol habang mahigpit nitong kayakap ang lalaki na nagngangalang Louie. Hinatid sila ng lalaki sa sasakyan, at nagpaalam na rin ito kay Paolo.

Hindi maiwasang tanongin ni Anna ang isipan kung ano ba ang meron sa dalawa, halata naman kasi na may kakaiba sa mga ito.

"Let's go, Anna." untag sa kaniya ni Carol. Napatango siya rito at pumasok na rin sa loob ng kotse.

Nang makaupo na sila lahat ay nagsimula ng umandar ang sasakyan. Tahimik sila sa loob ng biglang basagin ni Paolo ang katahimikan.

"Mom, bakit po kayo nagyayakapan ni Tito Louie?"

Nakita ni Anna kung paano takasan ng kulay ang mukha ng amo. Napatingin ito sa kaniya at nahuli siya nito na nakatingin rito. Umiwas siya ng tingin at napayuko na lang.

"A-ah...ano anak...wala lang iyon. Gano'n talaga kami ng Tito Louie mo. Don't tell your dad about it, ha?" pahayag ni Carol sa anak.

Tumango naman si Paolo, "Okay po." ani ng bata.

Tahimik lang si Anna at pinakiramdaman ang amo. Base sa pananalita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status