Nakatingin lang si Anna sa amo na si Carol habang mahigpit nitong kayakap ang lalaki na nagngangalang Louie. Hinatid sila ng lalaki sa sasakyan, at nagpaalam na rin ito kay Paolo.Hindi maiwasang tanongin ni Anna ang isipan kung ano ba ang meron sa dalawa, halata naman kasi na may kakaiba sa mga ito."Let's go, Anna." untag sa kaniya ni Carol. Napatango siya rito at pumasok na rin sa loob ng kotse.Nang makaupo na sila lahat ay nagsimula ng umandar ang sasakyan. Tahimik sila sa loob ng biglang basagin ni Paolo ang katahimikan."Mom, bakit po kayo nagyayakapan ni Tito Louie?" Nakita ni Anna kung paano takasan ng kulay ang mukha ng amo. Napatingin ito sa kaniya at nahuli siya nito na nakatingin rito. Umiwas siya ng tingin at napayuko na lang."A-ah...ano anak...wala lang iyon. Gano'n talaga kami ng Tito Louie mo. Don't tell your dad about it, ha?" pahayag ni Carol sa anak.Tumango naman si Paolo, "Okay po." ani ng bata.Tahimik lang si Anna at pinakiramdaman ang amo. Base sa pananalita
"Ano ba, bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ni Anna nang hablutin ni Brett ang braso niya.Basta na lamang itong sumulpot habang nasa kusina siya at kumakain ng masarap na batchoy. Naputol tuloy ang gana niya. Masama niyang binalingan ang binata na ngayon ay nakataas na ang palad tanda na sumusuko na ito."Okay...okay. Please naman, Anna, bumalik ka na sa bahay." panunuyo pa ni Brett.Pangatlong beses na nitong balik sa lugar upang suyuin si Anna na bumalik na ng mansiyon.Tumikwas ang nguso ni Anna, saka pinamewangan si Brett."Ayoko.""Anna—""Ayoko nga sabi e. Bakit ba ang kulit mo? Hindi na ako kailangan doon dahil naroon na ang asawa mo kaya may mag-aalaga na kay Paolo. Kaya umalis ka na. Istorbo ka sa kinakain ko." nakasimangot na reklamo ni Anna.Muli siyang naupo sa bangko at sinimulan ulit kainin ang batchoy niya. Nitong nagdaang linggo ay napadalas ang pag-crave niya sa pagkain na ito. Maya't maya siyang um-order niyon kay Gina, tapos pinapahatid niya sa kaniyang silid. Doon kas
Nakaupo si Anna sa kama kasama si Paolo. Nakakandong ito at nakayakap sa kaniya. Sa loob sila ng silid ng bata. Kanina lang ay habang nasa kitchen siya at gumagawa ng meryenda ay umiiyak itong lumapit sa kaniya. Gusto raw nitong may makakasama sa silid nito. Kaya naman narito siya ngayon, kayakap ito habang patuloy naman ito sa pag-iyak. Inaalo naman niya ito pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iiyak. "Ate Anna, nag-aaway po ba sila?" anang bata. Ang tinutukoy nito ay si Carol at Brett.Magmula kasi nang dumating sila galing sa school ay nag-away na ang dalawa. Ang masaklap pa ay nakita iyon ni Paolo.Hindi malaman ni Anna kung paano mag-explain kay Paolo lalo't narinig nito kanina ang naging pag-uusap ng mga magulang nito."Nag-uusap lang sila, Paolo." saad niya sabay kagat sa pang-ibabang labi. Alam niyang kasinungalingan iyong sinabi niya. Wala naman kasing nag-uusap na nagsisigawan."Nang nagsisigawan po? That's not a proper way to talk, Ate Anna. I know what I heard."Napangi
Namamawis ang mga kamay ni Anna at hindi siya mapakali habang hinihintay niyang tawagin siya ng Doctor. Day-off niya ngayon at nagpaalam siyang mamasyal, ngunit ang talagang pakay niya ay magpatingin sa Doctor dahil hindi na maganda ang pakiramdam niya. Parati na lang siyang nagsusuka at nahihilo, at may idea siya kung bakit niya iyon nararamdaman. Kaya siya narito sa Hospital ng San Diego ay para magpatingin sa Doctor."Miss, ikaw na ang susunod. Pasok ka na." tawag sa kaniya ng babaeng nurse.Tumayo si Anna at sumunod sa nurse papasok sa isang room."Sit down, Miss Samson." anang Doctor nang makapasok siya.Naupo si Anna sa silya paharap sa Doctor."Anong nararamdaman mo?" tanong kaagad ng Doctor kay Anna.Nakurot ni Anna ang palad sa tensyon na nararamdaman. Pakiramdam niya ay nasa hot seat siya ngayon at pinalilibutan ng maraming tao."Miss Samson?" tawag ng Doctor kay Anna. Napakurap-kurap ang dalaga."M-Madalas po akong nahihilo...at nagsusuka, Doc." wika niya sabay iwas ng tin
Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg
Matapos ang nangyari nakaraang gabi ay iniiwasan na ni Anna si Brett. May pagkakataon na nagkakasalubong sila sa loob ng mansiyon, ngunit hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap ang binata.Katulad na lang ngayon, habang nasa hardin siya at nagdidilig ng halaman ay narito si Brett sa likuran niya. Nakatayo ang lalaki at nakapamewang ito. Hindi niya ito sinulyapan. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Araw kasi ng sabado ngayon, kaya walang pasok si Paolo. Pagkatapos ni Anna sa pagdidilig ay umikot siya paharap, at naglakad na parang hindi nakikita si Brett. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki at gustong-gusto niya isampal sa pagmumukha nito ang mga pinagsasabi nito nakaraang gabi.Si Brett naman ay malalim na napabuga ng hangin ng lagpasan siya ng dalaga. Nais niya itong maka-usap at humingi ng despensa sa mga nasabi niya kagabi. Napapikit ng mariin si Brett bago siya umikot at habulin si Anna."Anna, wait." wika niya sabay hablot sa braso ng dalaga. "I want to talk to you." Tumigil
Kung may mas masakit man ngayon sa nararamdaman ni Brett, iyon ay ang makita ang anak na nakahiga sa stretcher, duguan at halos wala ng buhay habang tinulak ito papasok sa loob ng Emergency room. Sa mga sandaling iyon ay wala sa sarili si Brett. Tulala, at halos hindi makahinga dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang dibdib, at anumang oras ay parang sasabog iyon.Natataranta siya at halos hindi na mapakali lalo na at nakikita niya ang dugo ng anak sa kaniyang damit at palad.Sinubukan niyang pumasok sa loob ng Emergency room, ngunit hinarang siya ng nurse. "Papasokin niyo ako ano ba?! Kailangan ako ng anak ko!" angil niya sa dalawang nurse na nakaharang sa pintoan. Masisiraraan siya ng bait kapag hindi niya makikita si Paolo."I'm so sorry, Sir. Pero bawal po kayo sa loob." wika ng nurse na bakas ang takot kay Brett."Damn it!"Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig habang sapo ang kaniyang mukha. Hindi na ni Brett napigilan ang emosyon, bumuhos na iyon. Humagulhol siya ng
Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy