Share

Chapter 5

Penulis: Pusa
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-01 20:35:02

Kinabukasan maagang nagising si Anna upang maligo at magluto ng  almusal nila ni Gina. Sa karenderya kung saan sila nagtatrabaho ay doon rin sila naglalagi. Sa ikalawang palapag kasi no'n ay paupahan ni Aling Agnes pero pinagamit na lang sa kanila ng libre ang silid. Sa katabi ng karenderyang iyon ang bahay naman ni Aling Agnes.

Humihigop si Anna ng kape nang bumaba si Gina sa hagdan. Agad niya ito inalok ng almusal.

"Oh, halika na, Gi." paanyaya niya sa kakagising lang na si Gina.

Paunat-unat naman ito ng katawan bago ito naupo sa silya. Kinuha nito ang kape at ininom. Kapagkuwan ay nagsalita ito.

"Papasok ka na?" tanong nito sa kaniya.

"Oo. Hindi na masakit ang katawan ko." saad ni Anna.

"Sigurado ka?" may halong pagdududa ang tanong nito.

Aminado si Anna na masakit pa rin ang buo niyang katawan, pero dahil sayang ang araw na um-absent siya ay  papasok na lang siya ngayon.

"Oo nga e." sagot niya. Pero laking gulat niya nang mariing pisilin ni Gina ang balikat niya.

"A-aray!" reklamo niya sabay hawak sa parte ng balikat kung saan siya nito pinisil.

"Ah, magaling ka na pala a!" Hindi pa nakontento si Gina dahil pati ang braso niya na may mga pasa pa ay hinawakan nito at pinisil. "Oh, bakit ka umaaray?" nakangising tanong nito sa kan'ya. Wala siyang nagawa kundi ang mapangiwi na lang.

"Loka ka! Hayaan mo na ako, Gi. Gusto kong pumasok e. Sayang ang araw." wika niya. Humalukipkip naman sa isang tabi si Gina.

"Kumain na tayo dahil maya-maya ay magbubukas na tayo." untag niya sa dalaga.

"Five thirty pa lang day! Maliligo pa ako." tamad na wika ni Gina.

Maaga kasi silang nagbubukas ng karenderya; alas siyete ng umaga. Dahil marami na roon ang naga-almusal. Sa mga oras na ito ay siguradong niluluto na ng kanilang kusinero ang kanilang special batchoy.

Nang matapos sa pag-aalmusal si Anna ay nauna na siyang lumabas ng kusina. Magkaiba ang kusina na ginagamit ng kusinero sa kusina na ginagamit nila ni Gina.

Inayos ni Anna ang mga silya na nakataob sa mesa, ibinaba niya iyon sa lapag. Naglagay siya ng tissue sa bawat mesa, kasama ang kutsara't tinidor. Matapos siguraduhing maayos at malinis na ang lahat ay sinimulan niyang buksan ang entrance. Simple lamang ang Agne's Batchoyan, hindi iyon kalakihan. Dalawa lang sila ni Gina ang waitress at isa lang ang kusinero.

Matapos ang ilang minuto ay nagsimula nang magsipasukan ang mga tao sa nasabing resto.

"Good morning, binibini!" Napaigtad pa si Anna nang marinig ang boses ng isang lalaki.

"S-sir? May kailangan po ba kayo?" gulat niyang tanong sa lalaki habang sapo ang dibdib.

Kasalukuyang hinuhugasan niya ang mga pinagkainan sa lababo ng mga sandaling iyon.

"Pasensya ka na kung nagulat kita. By the way, gusto ko lang um-order ng batchoy with egg," nakangiting wika ni Rico.

"Huh?" Napakamot sa ulo si Anna. Hindi niya alintana ang bula ng sabon na kumapit sa buhok niya. Gamit ang daliri na may bula pa ay tinuro niya kay Rico ang counter.

"Sa counter po kumukuha ng order, Sir. Kusina na po itong napasukan mo." nakangiwing wika niya sa lalaki. Pero imbes na sagutin siya nito ay tumaas ang isang kamay nito at bago pa na niya namalayan ay naroon na iyon

sa buhok niya.

"May bula ka sa buhok," nakangiting turan ni Rico sa kan'ya, "puwede bang ikaw na lang maghatid ng order namin?" sabi nito nang matapos tanggalin ang nasa ulo niya.

"Ah, sige po. Sandali lang po, Sir, maghuhugas lang po ako ng kamay." Tumango naman ang lalaki saka lumabas na sa kusinang iyon. Iiling-iling niya itong sinundan ng tingin.

Hindi nag-iisa si Rico sa kinauupuan nito. Kasama nito ang kaibigang si September. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit umaasa siya na sana kasama rin ng mga ito si Brett. Iwinaksi na lamang niya sa isipan ang mga bagay na iyon.

"Hi, Anna! Kumusta na?" Si September iyon.

"Maayos lang po ako, Sir. Salamat." Magalang niyang tugon sa binata.

Ngumiti naman ito saka sinimulang higopin ang sabaw na in-order nito. Halatang mayayaman ang mga ito pero walang kaarte-arte sa mga katawan. Knowing na hindi naman pang sosyal ang Agne's Batchoyan, pero doon nila piniling kumain.

Sa kagaya nilang mga tao ay dapat sa mamahaling resto ang mga ito kumakain. Napailing na lang si Anna.

Bumalik si Anna sa kusina, pero agad din naman siyang lumabas ng ipatawag siya ni Rico.

Nagdagdag pala ito ng order na i-take-out.

"Thank you, Anna." Nagulat pa si Anna ng pisilin ni Rico ang baba niya.

"S-salamat din po, Sir."

"Drop the 'sir' Anna, tawagin mo na lang kami sa mga pangalan namin." komento ni September.

Tumango naman si Anna. Kapagkuwan ay nagpaalam na ang mga ito na aalis.

At dahil sa dalawang binata na iyon ay dumami na naman ang kanilang kustumer ng araw na iyon. Tuwang-tuwa na naman si Aling Agnes.

"Naku, Anna, mukhang babalik-balikan na ng mga poging iyon ang batchoyan natin a, ang lakas talaga ng ganda mo!" komento ni Aling Agnes kay Anna.

Natawa naman si Anna sa sinabi ng Ginang.

"Masarap po kasi ang batchoy natin, Manang, kaya po sila bumabalik rito," saad ni Anna kay Aling Agnes.

Pagsapit ng alas singko ng hapon ay nagsara na sila. Dahil maaga pa para matulog ay napagpasyahan nina Anna at Gina na tumambay muna sa labas at magpahangin.

Kumakain sila ng balut nang bigla na lang sumulpot sina Rico at September.

"Hey, ladies!" sabay na wika ng dalawang lalaki.

"Kayong dalawa ba e, saan nakatira? Bakit parang palagi na lang kayo nandito?" Si Gina na nakataas ang kilay ang nagtanong no'n sa dalawa.

"Sa Empire's village." simpleng sagot ni September kay Gina.

Alam ni Anna kung saan ang Empire's village na sinasabi ni September. Ilang beses na kasi niyang nakita iyon noong nag-aaral pa siya. Sa kabilang bayan lang iyon. Pawang mayayaman  ang mga nakatira sa nagsisilakihang mga bahay doon, o mas tamang sabihin ay mansion.

"Mayayaman pala kayo e, 'bat kayo nandito sa squater area? Hindi ba kayo nandidiri sa tuwing kakain kayo sa Batchoyan na pinagtatrabahuhan namin? Sa pagkakaalam ko kasi ang mga mayayaman ay maarte." Usisa pa ni Gina na nakatikwas ang kilay. Natahimik naman sa isang tabi si Anna. Ewan ba niya kung bakit mainit ang ulo ng kaibigan sa mga mayayaman.

"Well, miss, hindi kami maarte kung iyan ang akala mo." sagot ni September kay Gina. Inagaw nito ang balut na hawak ni Gina saka iyon walang paalam na kinain.

"Edi wow!" pabalang na wika ni Gina sa binata, "at bumili ka ng sayo, oy! Ka yamang tao e, nangunguha ng hindi kan'ya!" angil pa ng dalaga sa binata habang pilit kinukuha ang balut na hawak ni September. Nag-aagawan na ang mga ito.

Natawa na lang si Anna at Rico habang pinagmamasdan ang dalawa na walang tigil sa bangayan. Kung titignan mo kasi ay parang matagal nang magkakilala ang mga ito.

"Anna, bakit ka pala nagtatyagang manilbihan dito kung puwede ka namang humanap ng mas magandang trabaho? I'm sure may tinapos ka naman 'diba?" tanong sa kan'ya ni Rico na titig na titig sa mukha niya. Iyong titig na hindi naman nakakailang.

Bumuntong-hininga si Anna bago nito sinagot si Rico.

"Hindi ko natapos ang kolehiyo ko. Saka maayos na'ko sa trabaho ko, ang importante lang naman sa'kin ay may matutuluyan." ani niya.

Tumango naman si Rico.

"How about your parents?" tanong pa ni Rico.

"Wala na sila. Nag-iisa na lang ako." malungkot niyang sagot.

"I'm so sorry to hear that." hinging paumanhin ni Rico.

"Okay lang." tipid niyang tugon sa binata. Nang may maalala si Anna ay nag-awtomatikong bumuka ang bibig niya upang tanongin si Rico.

"Uhm, Rico, si Brett ba ay kapitbahay niyo rin?" diretsahang tanong niya sa binata.

"Yeah. Bakit mo natanong?"

"W-wala lang." aniya.

"Crush mo noh?" Nanlaki ang mga mata ni Anna sa tinuran ng binata. Agad niyang itinama ang paratang nito.

"Hindi a. May boyfriend na ako!" labas sa ilong na tugon niya. Hindi totoo iyong sinabi niya. No boyfriend since birth siya kaya nais niyang batukan ang sarili sa pagsisinungaling. Pero ang tungkol sa pagkakaroon ng gusto kay Brett ay iyon ang totoo. Crush nga niya ito.

Tumango-tango naman si Rico sa kan'yang sinabi. Pero may ngiti itong sinusupil sa labi. Kapagkuwan ay nagpaalam na ang mga ito sa kanila ni Gina. Nasundan na lang nila ng tingin ang papalayong kotse na sinasakyan ng mga ito. Nauna nang pumasok si Gina habang si Anna naman ay naiwan sa labas. Sa harap lang naman sila ng Agne's Batchoyan tumatambay.

"Anna." ani ng isang baritonong boses.

Napabaling naman si Anna sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Napatayo siya sa kinauupuan nang makilala kung sino iyon. "Sir Brett." sambit niyang kinakabahan.

Nang humakbang ang binata palapit sa kinaroonan ni Anna ay lalong rumambol ang dibdib ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili pero naiihi siya sa simpleng titig lamang ni Brett. Hindi niya maalis ang paningin sa kulay abong mga mata ng binata na animo'y walang kabuhay-buhay.

"I came here to offer you a job. Kung gusto mo lang naman." Diretsahang pahayag ni Brett na ikinagising ng diwa niya.

"Po?" ulit ni Anna. Sa lakas kasi ng tambol ng dibdib niya ay tila nabibingi na siya.

"A job, Anna. I want to offer you a job." matigas na sabi ni Brett. Tila bored na ito at gusto nang umalis sa lugar.

Agad namang inayos ni Anna ang sarili nang mapansin ang inis sa mukha ng lalaki. Parang napipilitan lang kasi ito na kausapin siya.

"Naku, Sir, maayos na po ako sa trabaho kong ito. Salamat na lang po." Iyon ang nasagot niya sa lalaki. Pero nang maalala ang trabaho at kung anong klaseng trabaho ba iyon ay napatanong siya kay Brett. "Anong trabaho po ba iyon, Sir?" Kapagkuwan ay napakagat siya sa pang-ibabang labi.

"Nanny." tipid na tugon ni Brett na ang mga mata ay nasa labi niya.

"Ah, yaya po ba ng anak mo, Sir? Iyong guwapong bata po?" saad pa ni Anna. Tumango naman ang lalaki.

Tumingin ito sa relong pambisig bago muling tumingin sa kan'ya. Iyong tingin na kaswal lang, walang emosyon. Maganda nga ang mga mata nito, wala namang kabuhay-buhay.

"I will give you a big salary kung tatanggapin mo ang alok ko. Kapag nakapagdesisyon ka na," may kinuha itong card sa wallet at ibinigay kay Anna, "pumunta ka lang sa opisina ko.  I need to go." Hindi na nito hinintay pang makapagsalita si Anna. Mabilis ang bawat hakbang na tinungo nito ang kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada.

Nang mawala ang binata sa paningin ni Anna ay tumalikod na rin siya upang pumasok sa loob.

Napatingin si Anna sa card na binigay ni Brett. "Hays, paano kaya 'to?" tanong niya sa sarili. Matagal niyang tinitigan ang card bago iyon inilagay sa pitaka niya.

Tulog na si Gina nang makapasok siya sa silid nila. Hindi siya makatulog ng gabing iyon. Pabaling-baling siya sa kinahihigaan.

May kung anong tumutulak sa kan'ya na tanggapin ang trabahong alok ni Brett, pero may bahagi rin ng isip niya na ayaw niyang tanggapin. Kung malaking sahud nga ang ibibigay ng binata ay tiyak na makakaipon siya, at pag nagkataon ay maipagpapatuloy na niya ang pag-aaral sa kolehiyo.

Dalawang taon na lang kasi ga-graduate na siya sa kursong HRM. Kung hindi lang sana siya pinatigil ng tiyahin malamang nakapagtapos na siya ngayon. Simula kasi highschool ay scholarship na siya hanggang mag-kolehiyo kaya wala siyang nagagastos sa pag-aaral kundi allowance lang. Pero pinatigil siya ng tiyahin. Imbes kasi na matuwa ito dahil nakakuha siya ng scholarship ay nagalit pa ito sa kan'ya, bakit raw kasi nakakuha siya habang ang pinsan nitong si Chloe ay hindi. Masipag kasi siyang mag-aral, at mataas ang grado niya kaya isa siya sa napiling bigyan ng scholarship. Isa iyon sa ikinaiinisan ng tiyahin niya at ni Chloe sa kan'ya.

Hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong imbes na matuwa na lang sa naabot mo e, ka-iinggitan ka pa at sisiraan. Sa katulad niya na walang ibang hangad kundi ang makapagtapos lang ng pag-aaral ay mismong kadugo pa niya ang gagawa no'n sa kan'ya.

Ipagkalat ba naman ng tiyahin mo at pinsan mo sa university na isa kang magna. Hindi magna-cum-laude kundi magnanakaw!

Masakit iyon sa kalooban ni Anna. Hindi niya lubos maisip kung bakit gano'n ang ugali ng pamilya niya. Ipinikit niya ang mga mata ng maramdaman ang nagbabadyang luha.

Nang magmulat, inilibot niya sa buong silid ang paningin. Hindi habang buhay ay magiging ganito na lang siya. Kailangan niyang buhayin muli ang mga pangarap na binuo niya noon para sa sarili. Gusto niyang makapag-ipon, at mangyayari lamang iyon kung malaki ang masasahud niya. Sa kinikita niya kasi bilang waitress ay hindi iyon sapat para makapag-ipon siya.  Magastos ang kursong gusto niya kaya kailangan niya ng malaking kuwarta.

Kinuha niya muli ang card sa pitaka at iyon ay muling pinagkatitigan. Bukas rin ay pupuntahan niya ang address na nakalagay roon. Magpapaalam siya kay Aling Agnes, tiyak na maiintindihan naman siya nito kapag sinabi niya ang kan'yang dahilan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Still holding on   Chapter 37

    Malungkot na pinagmasdan ni Anna ang silid na ilang buwan rin niyang inukupa. Inilibot niya ang paningin, mapait siyang napangiti sapagkat maraming alaala sa kaniya ang silid na ito. Pero gayunpaman ay wala siyang nararamdaman na paghihinayang sa pag-alis niyang ito. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan, para sa anak niya at para sa kanila ni Brett ang gagawin niyang ito. Dahil ito ang dapat nilang gawin, ang lumayo sa isa't isa nang sa gano'n ay malaman kung hanggang saan nga ba patungo ang lahat. Mahal niya si Brett, pero siya ay hanggang ngayon walang kasagutan kung mahal rin ba siya ng binata. "Siguro naisip ng Panginoon na ilayo kami sa isa't isa ng tatay mo, anak, dahil hindi ito ang panahon para sa amin. Na hindi kami para sa isa't isa. Pero kumakapit pa rin ako sa Panginoon na dadating ang tamang oras na itatakda niya kami para mahalin ang sa isa't isa." Pagkausap ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya. Kung hindi man ito ang tamang panahon para mahalin si Brett ay maghihintay s

  • Still holding on   Chapter 36

    Araw ng libing ni Paolo, lahat ay emosyunal sapagka't huling araw na lang na makikita nila ang labi ng bata. Lahat ay nakatayo at nagkani-kaniyang pahid ng panyo sa mga matang walang tigil sa paglabas ng luha habang nagmi-misa ang Pari.Pagkatapos ng misa ay hinatid na sa huling hantongan ang bata. Sa isang private cemetery sa San Diego inihatid ang labi ni Paolo.Malungkot na nakatingin si Brett sa mukha ng anak. Kinakabisado niya ng maigi ang itsura ni Paolo dahil huling araw nalang niya na makikita ito. Dahil nakabukas ang coffin ay malaya niyang nahaplos ang pisngi ng bata, at hinalikan niya rin ito sa noo."Mami-miss kita, anak. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana tulungan mo si Daddy na makaya ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang anak, parang gusto ko na rin sumuko..." Tumulo ang luha ni Brett habang nakatitig kay Paolo. "M-Mahal na mahal kita, anak." sambit pa niya.Nang hindi na niya makaya na makita si Paolo ay umatras siya at pumunta sa isang tabi at doon pinagpatuloy ang

  • Still holding on   Chapter 35

    Pagkapasok ni Brett sa loob ng kaniyang silid ay malakas niyang inihagis ang bote. Tumama iyon sa dingding at nabasag. Pati ang mga gamit sa loob ng kaniyang silid ay binalibag rin niya. At nang mapagod ay napaupo siya sa sahig habang nasasabunutan ang sariling buhok.Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maloko. Ang nalaman niya kanina ay isang kalokohan. Ang buong akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Anna ngunit nagkamali yata siya. "Fuck!"Tumayo si Brett at pumasok sa loob ng banyo upang pumailalaim sa tubig ng sa ganoon ay maibsan ang init ng ulo niya. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay napa-isip siya.Huling araw na ng lamay ng anak niya ngayon kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya. Nagulat pa ang ilang kasambahay nang makita siya. Marahil hindi inakala ng mga ito na lalabas rin siya mula sa pagkukulong sa silid niya.Pati si Bebang na nakasalubong niya ay nagtataka rin na napapatingin sa kaniya."Bebang

  • Still holding on   Chapter 34

    Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett."B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya."Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha.Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nanginginig ang buong katawan niya, at masakit rin ang balakang niya. Naupo siya sa kama at sinapo ang tiyan na umiiyak.Nag-aalala siya at baka napano na ang bata. Binalingan niya si Brett at galit itong tiningnan

  • Still holding on   Chapter 33

    Malungkot na nakatingin si Anna sa batang nakahiga sa loob ng kabaong. Ang bigat-bigat sa dibdib na isiping hindi na niya makikita pa kahit kailan ang pag-ngiti nito, ang marinig ang malambing nitong tinig, at higit sa lahat ang mayakap ito.Pinahid ni Anna ang mga luha na umaagos sa pisngi, kapagkuwan ay hinaplos niya ang salamin sa bandang mukha ni Paolo."S-Sayang at hindi mo na makikilala pa ang kapatid mo, Paolo..." malungkot niyang sambit.Alam ni Anna na malabong mangyari na tatanggapin ni Paolo ang kapatid nito na mula sa kaniya, pero hindi niya ipagkakait sa anak na ipakilala si Paolo bilang kapatid nito kahit hindi man ito tanggapin ng huli.Ngunit wala na si Paolo, at hindi na nito makikilala pa ang kapatid.Nasa ganoong senaryo si Anna nang bigla niyang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng mansiyon dahilan upang siya'y mapakislot sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang napahid ang mga luha at napa-ikot paharap sa entrada ng bahay kung saan tumatakbo ang ibang katulong p

  • Still holding on   Chapter 32

    Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status