Share

TBTO 6: I'm Sorry

last update Last Updated: 2024-08-21 13:52:34

"Kumain ka na," utos niya matapos ilapag ang tray sa mini table rito sa kuwarto niya.

Kanina pa niya ako inaaya sa ibaba para sabay na kami kumain pero nagmatigas ako. Hindi ko rin naman inaasahan na dadalhan pa rin niya ako rito.

Nakasuot siya ngayon ng three-piece suit at mukhang papasok sa opisina. Pairap ko na iniwas ang mga mata ko mula sa kaniya nang tingnan niya ako hawak ang kaniyang neck tie.

Ramdam ko ang paglapit niya sa akin pero hindi ako nag-abala na balingan siya. Mukha lang akong tanga na nakaupo sa sofa at hinihintay siya na makaalis upang ako naman ang umalis.

"Kuhanin mo," aniya nang iabot sa akin ang neck tie na hawak niya.

"Anong gagawin ko riyan? Pananakal sa'yo—"

"Can't you just put it on me and don't say too much. Damn, why are you so talkative. That happened since when?" tanong niya.

"May mga kamay ka 'di ba? Bakit hindi mo gamitin?" sagot ko. Ginawa pa akong katulong.

"You used to put it on me," aniya. "And this— this is the tie you bought for me," pahina nang pahina na aniya na animo'y nahihiya pa.

Nang balingan ko siya ay nakatayo lang siya sa harapan ko. Hawak ang neck tie at hinihintay na abutin ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Beatrice sa lalaki na ito pero mukhang hulog na hulog ang loob sa kaniya kaya nagiging ganito.

"Fine— fine, I'll do it on my own—"

Padarag ko na inabot sa kaniya ang neck tie upang ilagay na lang din sa kaniya dahil mukhang kaawa-awa naman siya sa harapan ko.

"Isasakal ko talaga sa'yo 'to," inis na usal ko at hinila ang kuwelyo niya upang maisuot ko ang neck tie sa sa kaniya.

Ilang na ilang ako habang sinusuot iyon sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay pilit na binabaling ang atensiyon sa ginagawa.

Hindi ko ikakaila ang guwapo niya na mukha. Matikas din ang pangangatawan niya kaya hindi ako magtataka kung maraming magkakandarapa sa kaniya. Kung siguro hindi lang kami nagkakilala sa ganitong sitwasyon ay hindi imposible na magustuhan ko siya kaso nang dahil sa mga ipinakita niya sa akin mula nang nandito ako ay wala akong ibang naramdaman kung hindi galit.

"I'm sorry," maya-maya ay bulong niya. Bahagya ako na natigilan sa ginagawa ko nginti pinilit din na bumalik agad sa ginagawa. "I'm sorry for being rude to you since you step here on my house... again. I'm just upset because you just left me without informing me nor leave at least a single message, that will do but I received nothing. Iniwan mo ako nang hindi mo man lang sinabi kung ano ang dahilan. You left me hanging when you stole my heart that I promised to myself, I will never give to anyone especially to you. I'm sorry, Beatrice," aniya.

Hindi ko alam kung anong tapang ng loob ang pumasok sa akin para salubungin ang mga mata niya na na kanina pa hinihintay na salubungin ang aking mga mata. Tipid siya na ngumiti.

Akma pa siya na yayakap nang itulak ko na siya palayo sa akin. "Tapos na," sambit ko.

"Alright. Thank you," aniya at kusa na rin na umatras sa akin. "Baka gabihin ako ng uwi mamaya dahil may project tour kami. You have my number, call me if you need anything. Re-reply-an kita," aniya.

"Mukha ba akong may cellphone. Nakita mo ba na sarili ko lang ang dala ko nang pumunta ako rito. Kung hindi ba naman kasi kayo mga hibang ay nakuha ko sana ang mga gamit ko sa dressing room."

"I'll get you one later," aniya.

Natawa ako habang nakatingin sa kaniya. "Hindi na baka dumagdag pa sa utang ni Beatrice," sagot ko.

"Please be kind to me, love. Hindi ako sanay na tinatrato mo ako ng ganito," aniya.

Napahilot na lang ako sa sintido ko at saka muling umupo sa sofa. Sinigurado ko na maramdaman niya na ayaw ko na makipag-usap pa.

Dinig ko ang marahan na pagbuntonghininga niya bago yumuko. Hindi ko inaasahan ang biglang pag-atake ng mukha niya upang patakan ako ng halik sa labi kaya naman hindi ko na naiwasan pa iyon.

Masama ang pinukol ko sa kaniya na tingin habang siya ay tipid lang ang ngiti na binigay sa akin. "I'll go now. Kumain ka na. I cooked your favorite dish. I love you," aniya.

Napairap na lang ako sa kawalan. Nag-asikaso na rin siya. Nang makuha na ang bag niya ay umalis na rin siya. Nagtagal pa sa pinto at mukhang may gusto pa na sabihin pero sa huli ay umalis na lang din siya.

Nagpalipas lang ako ng ilang minuto upang siguraduhin na hindi na siya babalik pa bago ako tumayo upang lapitan ang mini table at tingnan ang hinanda niya na pagkain.

Kusang tumaas ang kilay ko nang makita ang paborito ko roon. Sino ba si Beatrice at mukhang halos lahat ng bagay ay pareho kami.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor, wala pa sanang balak na umupo pero nang matikman iyon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

Ang tagal ko na nag-crave sa beef caldereta dahil na rin sa wala naman talagang natitira sa sahod ko. Lahat ng pera ko ay napupunta sa mga utang namin ni Mama at ang iilan ay pinangsusugal pa niya kaya wala talagang budget na natitira para mabili o makain ko ang mga gusto ko.

Pang-dalawang serving ang nilagay niya sa mangkok na siyang ipinagpapasalamat ko dahil talaga naman na busog na busog ako matapos kainin iyon. Hindi pa naman sumapat ang kinain ko kagabi sa kusina.

Said at walang tira ang mga plato na nasa harapan ko. Naitakip ko pa ang palad ko sa bunganga ko nang dumighay ako nang dahil sa sobrang kabusugan.

Sa halip na bumaba nang makaramdam ng sakit ng tiyan ay dumiretso na ako sa comfort room ni Lazaro. Nagulat pa ako dahil punong-puno ng salamin ang loob. Kahit ang inaapakan ko ay salamin kung saan kitang-kita ko ang sarili ko.

Nang dahil din doon ay kitang-kita ko ang kalinisan ng comfort room niya. Kahit pa nakakaramdam ako ng takot dahil baka bigla na lang mabasag ang salamin na inaapakan ko ay ipinagsawalang bahala ko na lang dahil sa sakit ng tiyan ko.

Pansin ko rin ang hitsura ko. Ilang araw na rin mula nang hindi ako makaligo at ang nakakahiya pa roon ay galing pa ako sa trabaho mula ng araw na iyon. Hindi naman ako nangingialam ng mga gamit doon sa kabilang room. Ang tanging ginalaw ko lang doon ay ang bagong toothbrush at sabon na panghilamos.

Naalibadbaran na rin ako sa sarili ko kaya hindi ko na naiwasan pa na mangialam ako sa mga gamit niya at saka naligo. Mahahaba ang mga damit niya na umaabot na hanggang sa tuhod ko kaya hindi na ako nag-abala pa na mag-short dahil wala rin akong makita na garterized short na mayroon siya.

Puro iyon maluluwang sa baywang at kung pipilitin ko na suotin ay baka malaglag lang din sa akin.

Hinugasan ko na rin sa ibaba ang mga pinagkainan ko upang matanggal na ang amoy na paikot-ikot sa loob ng room niya.

Sinubukan ko pa na sumilip sa labas at saka muling pumasok sa loob nang magkatinginan kami ng isa sa mga tauhan ni Lazaro. Mukhang mahihirapan talaga ako na makaalis sa bahay na ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 21: EastWood

    Inaasahan ko na hindi na ako aabutan pa ni Lazaro pagdating ng umaga ngunit nagkamali ako. Saktong alas tres nang bumaba ako at naabutan ko siya sa kusina na hawak ang isang sachet ng kape. Bakas sa mukha niya na hindi rin niya inaasahan na makita ako na gising ng ganito kaaga. Tiningnan pa niya ang kaniyang relo bago muling itinuon ang atensiyon sa akin. "Why are you up too early? Alas tres pa lang ng umaga," mababa ang boses na aniya. Nagkibit-balikat ako at sinamahan siya roon sa lamesa. Katatapos ko lang maligo at balot pa ng tuwalya ang basang buhok ko. Nagkataon na ako ang pinatulog niya sa kama kaya hindi ko alam na gising na rin pala siya. "Coffee?" offer niya. Umiling ako. "Ako na," sambit ko at saka ako kumuha ng baso upang pagtimplahan ang sarili ko. "Anyway, I'll go back to EastWood later. I already told you about that last night... if you forgot." Tumango ako. "Anong oras ang alis mo?" tanong ko. As much as I could, I want to have a civil relationship with

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 22: Longing

    Panay ang hikab ko sa sumunod na araw. Gayunpaman ay hindi ko rin hinayaan na maging pabaya ako sa trabaho. Pinilit ko na kumilos kahit pakiramdam ko ay sinasaktan ko lang ang katawan ko. Dumaan ang tanghali. Pakiramdam ko ay hindi bababa sa sampung libo ang kinikita ng restaurant na ito dahil sa panay na pasok ng mga customer. Karamihan ay mga trabahador sa kanto at mga estudyante. Mura ang mga pagkain dito kaya siguro ay kahit ganito na hindi naman malaki ang karinderya ay pinupuntahan pa rin ng mga tao. Pinilit kong ubusin ang pagkain ko upang walang masayang na tira. Muntik pa akong mabulunan dahil sa pagmamadali. Tinatawag na ako ulit sa labas. Ang senaryo ay isa-isa kaming kakain dito sa loob upang hindi mawalan ng tao sa labas. Iyon nga lang ay sampung minuto lang ang binibigay, bahala ka na kung mabilaukan ka pa. Ni hindi ko alam kung tatagal pa ako sa trabaho na ito. Ilan sa mga putahe na tinitinda ay luto ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hindi malabo na mapasma

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 20: Start Up

    Maaga ako gumising kinabukasan. Hindi pa lumalabas si Lazaro ng silid nang umalis ako sa bahay.Gamit ang barya na mayroon ako ay bumili ako ng biodata upang gamitin iyon sa pag-apply ng trabaho. Inaasahan ko na rin ang mababang sahod dahil nasa probinsya ako pero mas gugustuhin ko ito kaysa bumalik sa siyudad na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang magtanim ng sama ng loob kay Mama at Kirsten."All around ka rito, kaya mo ba 'yon? Maghuhugas ka ng plato at magbibigay ng mga order ng customer, maglilinis ka rin ng tindahan bago umuwi," sambit ng may-ari ng karinderya."Magkano naman po ang sahod sa isang araw at... makukuha ko ba siya tuwing gabi o lingguhan ang sahod?" tanong ko naman."Three hundred ang araw mo, ililibre ko na rin ang pagkain mo," sagot niya.Napatango ako nang marinig iyon. Ayos na rin iyon, hindi man umabot kahit sa kalahati ng sinasahod ko sa pag-eescort ay masasabi ko na disente naman ang three hundred. Bukod pa roon ay libre na ang pagkain ko."Kailan p

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 19: Tired

    "Paulit-ulit na lang tayo, Bee. Hindi ka ba napapagod?" pagpuputol niya sa katahimikan na namayani sa pagitan namin.Pareho kami na nakatanaw sa bilog na buwan. I just accept the fact na wala na akong takas pa. Dapat ko na lang din siguro tanggapin na ganito na lang ang buhay ko.Aaminin ko na napakadali... napakabilis ko para sumuko na takasan ang problema na ito pero wala na rin akong nakikitang daan para matapos ito."Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?" balik ko na tanong sa kaniya.Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin ngunit hindi rin nagtagal nang ibalik niya sa harapan ang kaniyang paningin."Napapagod na rin ako," sagot niya. "Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. As much as I could, I don't want to be rude at you kahit na ikaw ang may kasalanan. Kaya ko na idaan sa dahas ang lahat if that's the only way na mapanatili kita sa tabi ko. If I was just a man who can afford na makita kang nasasaktan... nahihirapan, the things will be easy for me, mas magiging madali

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 18: Consequence

    Napahikab ako habang nakatingin sa araw na paputok na. Madaling araw nang makarating ang sinasakyan ko sa El Cosa.Wala pa akong mapupuntahan kaya naman ay dumiretso ako rito. Kumpiyansa ako na walang makakakilala sa akin dito at higit sa lahat ay hindi ako masusundan ni Lazaro.This province was never been related to me. It just happened na dinala ako rito ng isa sa mga na-escort ko at sadyang nagustuhan ko ang kapayapaan na hatid nito sa puso at isipan ko.Nanatili ako roon hanggang sa tuluyan na lumiwanag ang paligid. Hindi tulad kanina, nakikita ko na ngayon nang mas maayos ang gubat na dinaraanan ko upang lumabas na sa highway.Naghanap lang ako ng maliit na bahay na puwede kong pagtirahan at doon nanatili. Pakiramdam ko ay ubos na ubos ang energy ko sa biyahe kahit na nakaupo lang ako.Gabi na nang lumabas ako sa nirerentahan na maliit na bahay. Maraming tao sa labas at hindi na rin nawala pa ang mga tambay na panay ang pangca-cat call.Bumili ako ng ilang damit, pagkain na maka

  • Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession   TBTO 17: Card

    Matapos ang pag-uusap nila ni Sean ay hindi na rin ako nakisalamuha pa sa kanila. I distance myself, bagay na pakiramdam ko ay nagugustuhan din ni Sean.Kalmado ako na naglakad palabas ng bahay. Gusto ko pa magbunyi nang makita na walang gaanong tao. Nasa trabaho si Lazaro. Unti-unti nang nababawasan ang mga tauhan niya rito sa bahay na sobrang ipinagpapasalamat ko."Ma'am," tawag sa akin ng isang lalaki na bigla na lang lumabas sa quarter.Bahagya lang ako ngumiti. Itinaas ko ang dala ko na tupperware."Puwede mo ba buksan 'tong gate? Maghahatid ako ng lunch ni Lazaro," sambit ko.May pagdududa pa sa kaniyang mga mata na sinuklian ko lang ng tawa."Hindi ako tatakas. Gusto ko lang dalhan ng lunch si Lazaro," pagkukumbinsi ko."Puwede po kitang ipahatid kay Robert, maghintay po kayo rito-""I can take taxi. If you want, you can call Lazaro para mapanatag ka," dagdag ko nang hindi pa rin maalis sa kaniyang mga mata ang pagdadalawang isip na buksan ang gate.Sa huli ay nagbuntonghininga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status