Home / Romance / Stolen Heart / Chapter One- First meet

Share

Chapter One- First meet

Author: Allesia Amara
last update Last Updated: 2022-03-30 15:26:13

NASA kasarapan pa ng tulog si Ella ng dumating na ang kanyang Ina galing sa palengke.

“Ella, bangon na d'yan may pasok ka pa,” wika ni Aling Susan

“Opo Inay,” Habang painat-inat na umupo sa gilid ng kama.

Nagmamadaling bumangon si Ella ng maalala may pasok pala siya at mabilis na tumungo ng banyo. Halos tumutulo pa ang buhok ni Ella sa pagmamadali, nakalimutan na niyang kumain ng almusal dahil male-late na naman siya.

“Good morning po Madam, Sorry po late na naman ako ngayon, madaling araw na po kasi ako nakauwi kaya na-late po ako." Nahihiyang saad niya kay Mrs. Uy

"No problem Ella. I understand naman you worked hard dahil sa inyo ng Nanay mo. By the way next month na ba ang graduation ninyo?" Tanong ni Mrs.Uy.

"Opo, Bakit po Madam?" Takang tanong niya.

"I'm just asking," ngiting tugon nito.

Natapos ang buong araw na pagod ngunit puno ng kasiyahan si Ella dahil iniisip n'ya na sa wakas ay matutupad na din ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, at mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang Ina ilang taon din n'ya itong pinaghirapan.

"Ella mauna na ako sa inyong dalawa ni Kathy, meron kasi akong bisita na galing Manila ang pamangkin ko," paalam ni Mrs. Uy.

"Opo," sagot ni Ella habang nag-aayos ng mga naka-display na damit.

“Friend, Sasabay ka ba sa'kin pag uwi?” Tanong ni Kathy.

“Mauna ka na girl! may dadaanan pa kasi ako, ang bayad ni Aling Nancy sa na-order niyang pansit kahapon kay Inay.”

"Okay Friend! ingat ka sa pag-uwi.”

"Salamat,"

Naglalakad na si Ella papunta sa waiting shed upang mag-antay ng jeep. Hindi inaasahan habang patawid na s’ya biglang may humarurot na sasakyan na itim na Montero na muntik pa siyang mahagip.

"Ano ba yan nakakainis naman pauwi na lang eh! Nabasa pa ako, hay! grabe naman ang driver ng sasakyan na ‘yun,” inis na sabi niya.

Sa di kalayuan huminto ang Montero na itim na muntik ng makahagip kay Ella, bumaba ang lulan nito at habang pinupunasan ni Ella ng panyo ang kanyang damit, inis na inis ang lalaki habang pababa ng kanyang sasakyan at ng makalapit kay Ella.

"Hoy! ikaw babae! kung gusto mong magpakamatay 'wag kang mandamay ha!" pasigaw na may galit na wika nito.

“Aba! ikaw na nga ang muntik na makabangga ikaw pa ang galit,” inis na sagot niya.

Di na sumagot pa ang binata galit na umalis ito, habang nagmamaneho panay ang mura nito.

"Damn that Girl!" galit na wika niya habang pinaharorot ang sasakyan paalis.

Nakauwi na si Ella, ngunit napahinto siya sandali dahil may naalala siya sa sinabi ng lalake at nagpainit ng kanyang ulo.

“Ano sabi niya magpapakamatay ba kamo, at bakit ko naman gagawin ‘yon?” Inis na pabulong na sabi ni Ella sa sarili.

Sinilip ni Aling Susan ang anak sa bintana kung dumating naba ito.

“Anak and'yan ka na pala, pumasok ka na dito at kakain na tayo,"

"Opo Inay."

Kaya naman pumasok na si Ella sa loob ng bahay at nagmano sa Ina, nagtataka naman si Aling Susan bakit parang mainit ang ulo nito ng dumating ngunit hindi na n'ya ito inusisa pa.

"Anak, nakuha mo ba ang bayad sa pansit na inorder ni Aling Nancy?" Tanong nito habang naghahanda ng pagkain

Ngunit di namalayan ni Ella tinatanong na pala s'ya ng kanyang Ina, at kinalabit siya nito.

"Anak, ano ba nangyayari sayo?"

“Ano po ulit Inay?"

"Sabi ko nadaanan mo ba kako 'yung bayad kay Aling Nancy?"

"Opo," kinuha niya ang pera sa bag at inabot sa Ina.

"May problema ka ba anak?" Alalang inusisa ang anak.

"Wala po ito Inay, kain na po tayo." Yaya niya.

Pagkatapos maghapunan, Hindi pa rin makalimutan ni Ella lalaking nagpainit ng kanyang ulo kanina. Hanggang sa pagtulog ni Ella naaalala pa din nito ang mukha ng lalaking galit at parang gusto na s'ya lamunin, ngunit kita sa mata nito ang lungkot. Di na namalayan ni Ella ang sarili na nakatulugan na pala niya ang pag-iisip sa tagpo ng gabing iyon.

"Good morning po!" bati ni Kathy sa pumasok na babae

"Miss ito ba yung boutique ni Mrs.Uy?" Ngumiti na tanong ng babae.

Halatang nasa late 50's na ang edad nito, ngunit may kagandahang taglay pa din at di ma-ikakaila na mayaman ito dahil sa awra at sasakyan nito na nasa labas ng boutique.

"Yes po Ma'am!" saad ni Kathy.

"What time kaya siya dadating, Miss?" Nakangiting tanong nito.

"Hindi ko po sure Ma'am, if what time s'ya dadating malimit kasi maaga s'yang pumapasok," tugon ni Kathy.

"Okay lang miss hintayin ko na lang siya," sabi nito

"Okay po Ma'am."

Nag-aayos si Ella ng mga stocks sa stockroom pinagmasdan niya ang isang damit na matagal na niyang gusto bilhin kaso wala naman siyang pambili. Kinuha niya ito sa pagkaka -hanger at tumingin sa salamin.

"Ang ganda naman nito." Bulong niya.

Di niya namalayan nakatingin sa kanya ang babaeng kanina pa naghihintay kay Mrs.Uy, natutuwa itong pagmasdan si Ella. Ngunit gulat na naitapon ni Ella ang damit na hawak niya.

"Hi po, ano pong kailangan nyo Ma'am?" Tanong ni Ella na parang nahiya dahil baka kanina pa naghihintay ito sa may pinto.

Tumawa ito sa kanya na parang natutuwa sa kanyang inasta at sabay tanong sa kanya.

"Hinahanap ko kasi ang banyo Miss?"

"Sa may unahan lang konti Ma'am."

"Thank you!" sagot nito

"Wala hong anuman," tugon ni Ella

Nagpatuloy sa pag-aayos si Ella ng mga damit.

"Miss, gusto mo ba ang damit na sinusukat mo kanina?" Ngiting tanong nito kay Ella.

Ngumiti si Ella sa kausap."Gusto ko po siya Ma'am, pero mahal po kasi ito. Kaya hanggang tingin na lang po ako."

"Gan'un ba."

"Nga po pala, bibili po kayo ng damit?" tanong ni Ella.

"Hindi Miss, hinihintay ko lang si Mrs. Uy kaibigan ko siya."

"Dito po tayo sa office ni madam. Pasensya na po ngayon lang po natagalan si madam siguro po may inaasikaso lang, ang alam ko po kasi dumating yung pamangkin niya na galing manila."

"Thank you Miss," pasalamat kay Ella.

Sandaling oras pa dumating na si Mrs.Uy gulat ito ng makita ang bisita na kanina pa siyang hinihintay.

"Hi how are you?" Nakangiting tanong nito.

Inaninag pa ni Mrs.Uy kung sino ba ang babae na ito, tila tuwang-tuwa ng makita siya, sa paglapit nito sa kanya ngayon lang namukhaan ang kaibigan na matagal ng hindi nakita ng matagal ng panahon.

“Ikaw ba yan...” masayang tanong ni Mrs.Uy.

"Heto at mabuti naman buhay pa rin." nasabi nito. "Ikaw kumusta ka na?"

"Well, tumatanda na. Medyo sumasakit na din mga tuhod."

Masayang binalikan nila ang panahon teenage years, na dekada na din ang lumipas.

"Pssst! Kathy, kilala mo ba bisita ni Madam?" Tanong ni Ella sa kaibigan

"Naku Girl! Dehins eh, work na lang tayo marami pa tayong i-didisplay ngayon."

"Okay! work, work..." ani Ella.

Kinabukasan papunta ng school si Ella nakita niya ang pumasok ng school compound, ang lalaking tila pamilyar sa kanya kaya sinundan niya ito.

“Ano kaya ang ginagawa niya dito ngayon ko lang siya nakitang pumunta dito,” pagtataka ni Ella.

Nakita ni Ella na pumasok ito sa Principal’s office ng school at nakalimutan niya na may klase pa pala s'ya dahil sa pagsunod niya sa isang estranghero lalaki.

"Good morning Mrs. Javier!" pangiting bati ni Ella sa guro.

"Pumasok ka na Miss Alvarez."

At pag upo ni Ella. kinalabit agad siya ni Kathy.

"Hoy! Babae saan ka ba nagpunta alam mo naman marami tayong gagawin ngayon, remember malapit na ang graduation day." wika ni Kathy habang nagsusulat.

Makikita sa mata ni Kathy ang sigla na sa wakas sa apat na taon nilang magkaibigan at magkasama sa trabaho at iskwela. Makakamit na nilang magkaibigan ang hirap nilang dalawa bilang isang working student sa kursong Business Administration dahil pangarap nilang dalawa magkaroon din ng negosyo na tulad kay Mrs. Uy.

“Ella best friend, gusto mo bang sumama sa bayan?" sabi nito. "Hanggang 2pm lang klase natin ngayon, punta tayo sa bagong fastfood sa bayan, don't worry treat ko!" Ng itong yaya ni Kathy.

"Okay!" tugon ni Ella."Pero saglit lang samahan mo muna ako sa Principal’s office may titingnan lang ako, please!”

Pagsusumamo na nakangiti sa kaibigan.

"Hay, oo na! friend, ano naman ang gagawin natin doon?” Tanong ni Kathy.

"Basta lang," masayang sagot ni Ella. Hinila niya sa kamay ang kaibigan.

Kaya naman napilit ni Ella ang kaibigan, maya-maya pa habang nakatayo sila sa di kalayuan ng office lumabas na ang Head proffesor ng school, ngunit nagtataka naman si Kathy kung sino ang hinihintay nila.

"Sandali nga lang best friend anong ginagawa natin dito?"

"Wait lang muna tayo ng ilang minuto. Please!”

"Sino ba talaga hinihintay natin dito, hindi naman pumupunta ang crush mo dito di ba?" tanong na may pang-aasar nito sa kaibigan.

Kaya naman umalis na din sila, sa ilang minutong paghihintay, hindi nila nakita ang taong gusto sanang makita ni Ella.

Sa kabilang banda nakaupo na ang dalawa sa isang fast food na bagong bukas pa lang sa bayan, makikita ang ganda ng lugar dito.

"Friend, order ka na!” saad ni Kathy sa kaibigan.

“Okay! Treat mo naman eh." Masayang sagot niya kay Kathy.

Kaya pumila na si Ella. Tumunog ang cellphone ni Ella habang nasa pila daling kinuha ito at sinagot ang tawag.

"Hello, Inay. Pauwi na din po ako maya-maya. Nandito pa po kami ni Kathy sa bayan nang-treat kasi si Kathy dito sa bagong fast food sa baya---"

Kinakausap pa n'ya ang ina, ng biglang may nagsalita sa likod niya,

at napalingon si Ella laking gulat niya na ang lalaking kanina lang ay inaabangan nila sa school ngayon ay nasa likod na n’ya, hindi niya alam ang gagawin halos di na siya makakilos sa kanyang kinatatayuan hindi malaman ni Ella kung kakausapin ba ang lalaking di niya mawari kung naiinis ba siya o may atraksyon na ba siya sa taong hindi halos nagpatulog sa kanya.

"Miss sabi ko kung gusto mong makipag-usap sa cellphone, umalis ka muna sa pila marami pang nakapila," galit nitong sabi.

"Okay po mister, sungit mo naman!" yamot na saad ni Ella sabay irap sa kausap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stolen Heart   Chapter Thirty eight- Miranda’s weakness

    Pinilit na tumayo ni Miranda para makarating sa kinaroroonan ng kanyang medicine kit sa paghahanap ng gamot na pangpakalma nagkagulo-gulo at nahulog na ito sa sahig.“No... Hindi mo pwedeng agawin ang pag-aari ko never....”Pagkakuha n’ya ng gamot mabilis na nilunok iyon halos nanginginig pa ang kamay dahilan sa sakit na tinitiis niya ilang taon na rin ang nakakaraan, ang anxiety niya kapag bumabalik sa ala-ala niya ang kagimbal-gimbal na kanyang nasaksihan.“I beg you... patahimikin mo na ako. Hindi ka na babalik dahil patay ka na...” hindi niya napigilan nabato niya ng vase sa salamin.Ilang sandali pa may kumakatok sa pinto at takot ang nadama ni Miranda.“Wag.... wag kang lalapit.”Isang pagyugyog ang nagpabalik sa ulirat ni Miranda.“Mom what happened ?” Nalilitong tanong.“Please Jk don’t leave me, they’re all hunting me.” Nanginginig ang katawan nito at nanlalamig ang mga kamay.May katanungan kay Jk na hindi niya masagot sa ngayon.“Manong Kanor i-ready mo yong car, dadalhin na

  • Stolen Heart   Chapter Thirty seven-Love and Hatred

    Sa isang romantic place siya dinala ni Juan Karlos mula sa pagsundo ng binata sa kanya hanggang sa lugar na ito dala pa rin ni Ella ang kaba at pagkalito dahil ramdam niya ang pagbabago ng kilos ng binata sa kanya.“Maupo ka Ella.”Inalalayan pa siya nito bago ito maupo sa kaharap na bangko.Romantic lights at sinabayan pa ng sweet music na nag-aanyaya upang mapatingin siya kay Juan Karlos. “Anong gusto mo Ella?”“Ahm ikaw? Sir?”Napakunot ang noo na parang natatawa si Juan Karlos sa sinabi ni Ella.Nakita naman niya ang pagkunot ng noo nito kaya naman dinagdagan niya agad ang sinabi.“I mean ikaw Sir Ano ba ng gusto mong kainin?” Nakangiting sabi niya.“Ikaw Ella...” nakatingin ito sa mata ng dalaga.“Ha!”“Joke lang, you’re blushing,” nakatawang sabi nito.“Sige na umorder ka na.” Sabi pa niya habang hawak din ang menu.Hindi alam ni Ella ang dahilan kung bakit niya pinaunlakan ang binata isa lang ang alam niya, makasama ito bago man lang ikasal kay Pau. Sabihin na kiringking siya d

  • Stolen Heart   Chapter Thirty Six- Jk is back

    “Hijo... anong sinasabi mo?” Nababalisa niyang tanong.“Ma, I’m back the Jk who forgot everyting...”Nanlaki ang mata ni Miranda sa sinabi ng anak, ngayon bumalik na ang ala-ala ng anak siguradong hahalungkatin na naman nito ang mga bagay na matagal na niyang nililihim.“Ouch!” Pinipilit bumangon ni Jk sa pagkakahiga.“Anak, please! ‘wag ka munang kumilos ang sabi ng doktor you need more days to recover.”Muling naalala ni Jk ang huling pangyayari bago siya nabangga. Nakita niya isang babae ang driver na muntik ng makabangga sa kanya kaya kinabig niya papunta sa gilid kaya naman nabonggo siya sa poste.Pauwi na ako galing... “Ella...” naalala niya doon siya galing ng maaksidente.Namutawi sa bibig ni Jk. “I want to go home now.”“But son!!! may mga test pang gagawin sayo.”“Mommy, kelan ka nagkaroon ng care about sa ‘kin!? I think recent lang right? Now, I want to be alone.” Galit na sambit ni Jk.Naiinis na umalis si Miranda sa harap ng anak. Bumalik na nga ang dating Jk na matigas an

  • Stolen Heart   Chapter Thirty five- Amnesia gone

    Nasa isang carenderia sina Ella at ang matanda.Marami siyang gustong itanong patungkol sa buhay nito ngunit dahil alam niyang galing ito sa mental ospital kaya limited lang ang mga dapat na itanong niya. Naglalaro sa isip ni Ella.“Nga pala Tay, nasaan po ang pamilya mo?”“Nasa paligid lang hija.” Sagot nito habang ngumunguya ng pagkain.“Ganon po ba? Ahm! May itatanong lang po ako bakit nung minsan di ba po, may pinakita akong picture sa inyo bakit ng makita mo ito ay bigla ka na lang pong tumakbo paalis!?” “Hindi ko na ma-alala hija.”Patango-tango na lang si Ella dahil alam niya na Wala siyang makukuhang impormasyon sa matanda dahil nga may sakit ito sa isip. “Anong pangalan mo Tay!?” May curiosity niyang tanong.Tumitig muna ang matanda sa kanya at nagtatawa ito. “Isa ka rin ba sa mga taong gustong pumatay sa ‘kin?” “Ha! Hindi ho wala ho akong masamang intensyon sa iyo. Kaibigan ho ako.”“Marami din nagsabi n’yan sa ‘kin ng kabataan ko subalit nawala sila ng panahon kailangan

  • Stolen Heart   Chapter Thirty four- Kidnapped

    Naabutan ni Ella na malalim ang iniisip ng kaibigan.“Beshy, ano ang iniisip mo?” Tanong niya sa kaibigan habang nakatitig sa among nakahiga at tulog.Bumuntong hininga si Kathy bago sinagot ang tanong ng kaibigan.“Nagtataka lang ako friend. Bakit parang may binabanggit siyang anak. Anak daw n’ya. Hindi ko masyadong ma-gets kasi nga di ba wala naman siyang anak!?”“Kahit sa pagtulog may trauma talaga s’ya kaya kahit ano na lang pumapasok maging sa panaginip n’ya.”“Kaya nga eh, kawawa naman siya. Ano na nangyari sa pagiimbestiga sa kaso ni Madam?”“Dumaan ako sa presinto wala pa daw update, at ito pa magaling daw ang kumidnap kay madam at alam ang mga posibleng dadaanan para hindi matrack ang sasakyan na ginamit ng ibaba dito sa ospital si Madam.” Kibit balikat na napa-iling si Kathy sa mga sinabi ng ni Ella.Maya-maya pa May kumatok sa pinto.Dumating si Edward. Hindi nila akalain na dadating ito.“Sir pasok po!?” Gulat na wika ni Ella.“Gusto ko lang kamustahin si Madam? Tumawag ako

  • Stolen Heart   Chapter Thirty three- Who is the stranger?

    Alas siete na ng gabi ng pauwi na si Mrs. Cheng at ang mga empleyado nito maulan ang gabing iyon tila hindi pa rin niya makalimutan ang kanina lang nagpakaba sa kanya ng lubusan isang tao na minsan ng tumulong sa kanya sa panahon na lugmok siya, ayaw man niyang bigyan halaga ito ngunit may sumisigaw sa puso niya na kailangan niyang makausap ang taong iyon para malaman niya kung nasaan na ang munting bata na iniwan niya dito. Ilang taon na din ang lumipas.“Nasaan ka na anak ko?” Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang ulan na nakikidalamhati sa matagal na niyang nararamdaman ang awa para sa batang kanyang inabandona.Isang malakas na pagprino ang nagpabalik sa kanyang kamalayan.“Mang Kanor bakit po?” Sambit niya na may halong kaba at pagkagulat ang kanyang naramdan.“Ma’am may tao pong humarang sa sasakyan natin.“Sino kaya ‘yan?”Bumaba sa sasakyan ang lulan nito isang babae na nakaitim na leather jacket at nakasumbrero, sa lakas ng ulan hindi niya maani

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status