Share

Chapter Three- Finding the truth

 

Paglabas ni Ella sa kuwarto tila uminit ang mukha niya dahil alam niya na nakatingin sa kanya si Jk na tila lalong nag nagpainit ng kanyang pakiramdam.

"Upo kana Iha diyan sa tabi ni Sir Jk."

"Opo Mang Dolfo, salamat po."

"Nagluto ako ng tinolang manok alam kung paborito mo yan, at pakbet.” Si Aling Susan.

At habang kumakain may paminsan-minsan nagkakadaiti ang kanilang balat dahilan magkatabi lang sila ng upuan sapagkat maliit lang ang lamesa, at si Ella naman ay di mawari kung anong nararamdaman dahil ba sa atraksyon niya sa lalake na katabi niya ngayon.

Habang naghuhugas ng pinagkainan si Ella, panay naman sulyap ni Jk sa kanya na tila hagurin ang pagkatao niya tila di niya mawari ang nararamdaman sa eksena na ito.

"What happened to you Jk?"

Tanong niya sa sarili habang nagpapahinga na siya sa kanyang kwarto.

Bumalik na naman sa kanyang isipan. habang nakapikit ang mga mata niya naalala ang maamong mukha ni Ella na parang ang sarap hagkan ang mga labi nito at ang katawan nito na parang mapang-akit ngunit sa kadahilanan na di niya mawari parang di niya gusto ang pakiramdam na ito para kay Ella.

"Susan pwede humingi ng pabor p'wede bang mahiram muna si Ella sa bahay na inuupahan namin pansamantala, kasi paluwas ako ng manila may pinapakuha si Sir Jk na dokumento sa opisina, ilang araw din ako mawawala." 

May pag-alala ang sabi ni Mang Dolfo.

"Walang problema marami namang alam si Ella sa gawaing bahay," tugon ni Aling Susan

"Maraming Salamat Susan, mabait naman yun si Sir Jk kaya wala kang aalalahanin sa kanya, paano di na ako magtatagal aalis na ko."

HAPON, hudyat na pupunta na si Ella kila Jk parang nag-uunahan na ang kabog ng dibdib niya halos nabibingi siya sa lakas nito, habang papalapit na siya sa inuupahan nila Mang Dolfo.

"Tao po," sambit ni Ella

"Wait for a second."

Unti-unting palapit na ang yabag nito sa pinto.

"The voice was husky in simple words," wika ni Ella sa sarili.

Nagbukas ng pinto nagtama ang kanilang mga mata na parang may pananabik sa kanilang mata

"Sir J--k, sabi kasi ni..."

hindi natapos ang sasabihin.

"Yeah come in, sit down wala pa si Mang Dolfo. What do you want to drink?" Tanong ni Jk na may saya na di niya maipaliwanag.

Sa bahay nila Ella, nag-uusap pa ang dalawang mag-kaibigan. At balisa pareho na alam nila sa kanilang sarili may tinatago silang di dapat malaman ni Ella.

"Dolfo kapag dumating man ang sandaling iyon alam ko maintindihan ako ng anak ko, at mapapatawad niya ako." 

Alam ni Aling Susan na anumang sandali puwede siyang mawala dahil sa sakit niya na matagal ng iniinda.

"Sana lang sa panahong iyon parehas tayong mapatawad ni Ella," mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Mang Dolfo.

Sa bahay ni JK tila nag-aabang lang ang dalawa kung sino ang unang magsasalita.

“Sir Jk makikigamit po ng banyo ninyo sandali,” Hiyang sabi ni Ella dito.

"Okay go ahead, sorry pala for the rude attitude last night, hindi ko sinasadya muntik na kitang masagasaan,  I'm sorry again." sinserong saad nito kay Ella.

Ngumiti lang si Ella bilang sagot ngunit may kilig sa puso niya sa mga sinabi ni JK. Hindi naman mapagkimkim ng sama ng loob si Ella pagkatapos dumeresto na siya sa banyo.

"Ano ka ba Ella parang kang tanga talaga hindi ka man lang sumagot sa sinabi n'ya.

Hay ano bang nangyari sayo?” tanong niya sa sarili.

Dumating na si Mang Dolfo galing sa bahay ni Aling Susan napakarami nilang napag kwentuhan ng kaibigan, panatag naman siya ngayon at naging maayos naman si Ella.

"Ella maraming salamat kasi pinagbigyan mo ang pakiusap ko na samahan si Sir Jk dito pansamantala habang wala ako.

Wag kang mag-alala babayaran ang araw mo para magpahinga ka muna sa mga side line mo Ella."

Maaninag ang lungkot sa mata ng matanda.

"Okay lang po Mang Dolfo tulong ko na lang po ito."

Habang naglilinis si Ella sa loob ng bahay.

"Ikaw muna bahala kay Sir Jk habang wala ako hindi kasi sanay yan sa loob ng bahay," pabulong sabi niya kay Ella

Naiwan si Ella sa bahay nag-linis, nag-luto at nag-laba siya ng mga damit ni Jk.

Di maalis sa isip niya ng pakiwari n'ya na mag-asawa na sila ni Jk kilig na di niya mawari. Samantala si Jk ay abala sa mga bagay na nilalakad niya sa Sta. Monica feeling niya wala ng patutunguhan ang mga ginagawa niya, kaya nagdesisyon siyang umuwi na lang ng bahay.

"Makaligo muna nga grabe pawis ko kahit gabi na napakainit pa din," sambit ni Ella habang pagawi na siya papuntang banyo.

"Where i could get those things?" saad ni Jk sa sarili.

Patuloy na siyang nawawalan ng pag-asa na tila dead end na. Ilang taon ng hinahanap niya ang mga bagay na tinatago ng kanyang Mommy sa kanya.

Nagpasya na maligo muna si Jk bago matulog pagod sa maghapong paglalakad sa bawat bario na napag tanungan niya, at tinanggal ang suot na damit at ngayon naka tuwalya na lamang ito.

Ngunit laking gulat niya ng bumungad sa harap niya si Ella na naliligo nakalimutan nitong i-lock ang pinto ng banyo.

"Ano ba yan, may tao po!" gulat na may pasigaw na sabi ni Ella.

Kitang-kita ni Jk ang kahubaran ni Ella bago pa man nito nakuha ang tuwalya ay nakita na ni Jk ang kabuuan nito. 

Wala itong anumang saplot at parang nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang sarili pumintig si Manoy at dagli n'yang isinara ang pinto ng banyo. Binagsak ni Jk ang katawan sa kama.

"Ano ba naman ang babaeng iyon maliligo hindi nag lock ng pinto ng banyo. Kung hindi lang ako nakapag timpi."

Natigilan siya at ipinikit ang mata halos kumakabog pa ang dibdib sa eksena kanina. 

Habang si Ella hindi alam ang gagawin sa nangyari.

"Naku naman bakit kasi nakalimutan kung i-lock ang doorknob, alam kung nakita niya ang kabuuan ko." Inis na sabi ni Ella sa sarili.

"Tapos na kaya ‘yun?' tanong ni Jk sa sarili.

At kinatok ang pinto alam niyang wala ng tao sa loob. Niligo na lang ni Jk ang katawan na kanina ay nakaramdam ng init sa ibabang bahagi niya.

Naghain na ng hapunan si Ella at palabas na ng kwarto si Jk. Nag-init ang mukha niya sa hiya sa binata.

"Sorry ha nakalimutan ko kasing i-lock yung pinto, di ko namalayan ang pagdating mo."

At niyaya ni Ella kumain si Jk. 

"Kumain na po kayo Sir Jk."

"Sumabay ka na sa 'kin para naman may kasabay akong kumain."

Alam ni Jk nahihiya pa din si Ella sa nangyari kaya hindi niya ito pinilit.

"Sige po,"  wika niya na parang matutunaw siya sa hiya.

"Ella! Jk na lang itawag mo sa'kin halos di naman nagkakalayo ang edad natin eh. Masyado kasing pormal," seryosong wika nito.

Tumango na lang si Ella para di na humaba masyado ang usapan nila.

Sinabihan ito na wag maiilang sa kanya, kasi hindi naman daw ito kumakain ng tao pabirong sabi ni Jk

Ngiti na lang na sagot ni Ella sa tinuran ng lalaki.

Alvaro Mansion 

"Nasaan po si Jk Mang Dolfo nagpaiwan ba s’ya sa Sta. Monica?" Tanong ni Miranda na kararating lang din galing ng Hong Kong.

“Mang Dolfo, please lang po wag na wag kayo magsasalita sa mga nalalaman n'yo. Alam ko ang dahilan bakit siya pumunta ng Sta. Monica.”

"Opo Ma'am." 

At hinarap nito ang matanda upang ipaalala ang mga nagawa nito sa pamilya.

"Mang Dolfo salamat ho, alam kung napakalaking utang na loob ko sa inyo, 

kaya nga po tingnan mo naman ginawa ko sa pamilya mo di ba." Paalala nito sa matanda. 

At tinapik nito ang balikat ng matanda na gustong ipaalala ang pagtulong nito sa anak na nasa kompanya na ngayon nagtatrabaho.

Gustong mapaluha na ni Mang Dolfo, ngunit dahil sa pamilya n'ya gagawin ang lahat para lang sa kaginhawaan ng buhay nila.

"Sana mapatawad mo ako Ella," nasambit ni Mang Dolfo habang palabas siya ng Mansion ng mga Alvaro.

"Itay kamusta po, kumusta lakad n’yo ni Sir Jk? Tanong ng anak ni Mang Dolfo.

Ngumiti lang ang matanda sa anak at niyakap ito. 

"Anak ano man ang ginawa ko, para sa inyo 'yun ng nanay mo sana lang wag dumating ang araw na magalit ka sakin."

Napangiti ang anak sa ama.

"Itay ano po ba sinasabi mo puro mabuti po nagawa mo lalo at higit sa pamilya natin,

Kahit wala na si Inay alam kung masaya na siya sa kabilang buhay."

Sa mga sinabi ng anak ni Mang Dolfo nagbigay ng lakas ng loob sa kanya.

Ngunit ang anak nito ay pinipilit na siyang mag resign sa pagmamaneho para sa mga Alvaro.

Tila maiyak-iyak si Mang Dolfo sa sinabi ng anak na kahit siya man ay napapagod na din,

Ngunit meron siyang pangako kay Miranda na magsisilbi siya sa mga ito habang meron pa siyang buhay tila alingaw-ngaw ito sa tenga ng matanda na laging nagpapaala sa kanya.

Habang nakahiga nakaidlip na si Mang Dolfo. “Tulungan mo ako maawa ka!” sigaw ng babae.

Patuloy na inaaninag ni Mang Dolfo ang mukha ng babae, ngunit sawi siya na makita iyon. Napabalikwas siya sa higaan at hinilamos ng kamay ang kanyang mukha.

“Hanggang kailan mo babagabagin ang puso ko?” 

At tumulo ang mga luha ng matanda na hanggang ngayon nakatali pa rin siya sa bangungot ng nakaraan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status