/ Romance / Stolen Heart / Chapter Two- In the House

공유

Chapter Two- In the House

작가: Allesia Amara
last update 최신 업데이트: 2022-03-30 15:30:45

Hindi maintindihan ni Ella ang nararamdaman kung maiinis ba siya sa kasungitan ng lalaki sandaling napaisip s'ya dahil naalala niya ito ang lalaking muntik ng makasaga sa kanya sa nagdaang gabi kaya humugot ng lakas ng loob para ikompronta ang lalaking ito, ngunit di pa man s'ya nakakapagsalita umalis na 'to sa kanyang likuran at lumipat sa kabilang pila.

"Huh! kainis saad ni Ella, akala mo naman kung sino!"

Nilingon ni Ella ito sa kabilang pila nagtagpo ang kanilang mga mata, ngunit makikita sa mata nito ang lungkot, matikas ang katawan at husto ang tindig nito ngunit walang kang makitang saya sa awra nito.

"Ella, bakit parang ang tahimik mo naman?" Tanong ni Kathy

"Nakakayamot kasi ang lalaking 'yun, ang suplado at ito pa ha! siya ang muntik na makasagasa sa akin nakaraang gabi."

Natawa naman si Kathy sa ginawi ng kaibigan.

"Hayaan mo na friend, cute naman eh!” pabirong sabi niya sa kaibigan.

Sabay kindat kay Ella. Patuloy niya pa rin itong inaasar at di napigilan nagtawanan na lang silang dalawa.

Di nila alam na kanina pa pakunwaring sumusulyap ang lalaki sa kabilang table. Samantala, inip na sa paghihintay ito. At dumating na din ang kanina pang hinihintay niya.

"Sir Jk! pasensya ka na ngayon lang po ako, nasiraan kasi ang sasakyan, dinala ko na po muna sa talyer. Dito na lang po natin antayin ang tawag ng mekaniko.”

"Okay po Mang Dolfo," sagot ni Jk na parang nayayamot.

"Mag-order ka na po para makakain ka na." Utos nito sa matanda.

Naiinis sa aberya si Jk dahil bawat araw ay mahalaga para sa kanya, maraming trabaho na naiwan siya sa manila para lang sa isang bagay. Napalingon si Mang Dolfo sa di kalayuan habang pinapakinggan ang mga mga sinasabi ng kanyang amo.

Sandali itong nagpaalam kay Jk at tinungo ang ang dalawang dalaga na nasa kabilang table.

"Ella ikaw ba yan?" Tanong ni Mang Dolfo.

"Opo, bakit ho?"

"Si Mang Dolfo ito kaibigan ng Nanay mo, kumusta kayo?" Tuwang tanong nito.

"Hello po, Mang Dolfo ikaw po ba talaga yan?" Mabuti naman po, awa ng Diyos. Kayo po?” Tanong ni Ella.

"Mabuti naman Ella, ang Nanay mo kumusta naman?"

"Mabuti naman po kaso may sakit na ang Inay, kaya talagang todo kayod po ako para sa aming dalawa."

May lungkot pero positibong sagot ni Ella, sa matandang kausap niya. Sa tagal ng panahon ngayon lang ulit nakita ni Mang Dolfo ang batang dati pa may magandang pag-uugali na katulad ng kanyang Ina.

Habang nagsasalaysay si Ella tungkol sa buhay nila bilang mag-ina makikita naman sa mata ni Mang Dolfo, ang awa at lungkot para sa bata na alam n'yang dalaga na sa ngayon.

"Dadating ang araw may malalaman si Ella na pwede n'yang ikasama o ikabuti pagdating ng araw." Tanging nasabi ni Mang Dolfo sa sarili.

Hindi mapalagay si Ella kaya sinabihan niya itong dumalaw sa kanila at siguradong matutuwa ang Ina kapag nakita ang kaibigan.

"Sino itong kasama mo Ella?” ani Mang Dolfo.

"Si Kathy na po 'yan, ang dating makulit at matabang bata." Nangingiti siya habang nagsasalita.

Nagtawanan ang tatlo, Pasulyap-sulyap naman si Jk animo'y nakikinig sa kwentuhan ng tatlo. Naalala niya ang sagutan nila ng kanyang Mommy Minda, "Hanggang kailan ninyo itatago sa 'kin ang mga bagay-bagay Mom." si Jk habang malayo ang tingin. May nabuo na plano kapag nakabalik na siya ng Manila.

Hindi makatiis lumapit na din si Jk sa mga ito.

"Mang Dolfo wala pa po bang tumawag kung ayos na ang sasakyan?" Yamot na tanong nito.

"Sandali lang po tatawagan ko ang mekaniko."

Hindi nagtagal binaba na din ang cellphone ngunit may pag-aalala sa mukha nito na parang nag-aalangan sabihin sa amo . At pagdaka'y nagtanong si Jk kung ang mekaniko na ba ng talyer ang naka-usap.

"Ang mekaniko na po ba ang tumawag Mang Dolfo?” usisa nito.

"Oho, Sir Jk kaso wala daw pong piyesa para sa nasira, bibili pa sa Manila mga ilang araw pa daw po bago maayos ang sasakyan."

"Bullshit!" galit nitong sabi.

Nakikinig lang ang magkaibigan sa usapan ng dalawang lalaki.

"Napaka walang modo talaga! naturingang mukhang may pinag-aralan pero ang ugali parang daig pa ang di nag-aral." pabulong nasabi ni Ella.

"Pssst! friend halika na uwi na tayo," si Kathy.

"Oo, beshy paalam muna tayo kay Mang Dolfo," sabi ni Ella habang patayo na ito.

"Mang Dolfo, mauna na po kami tumawag na po kasi ang Inay,"

"O, sige Ella ingat kayo ng kaibigan mo."

"Oho! kapag may panahon ka pa po at hindi ka pa babalik ng Manila pumasyal ka po sa amin."

Binigyan ni Ella ng numero ng cellphone si Mang Dolfo.

"Opo Mang Dolfo, kayo din po mag-iingat pati na din sa kasama n'yo pong masungit," pabulong na sabi ni Ella.

Natatawa si Kathy sa kaibigan sa pagkayamot sa lalaking kasama ni Mang Dolfo. Ngunit lingid sa kaibigan kanina pa kinikilig si Kathy kahit ngayon pa lang niya nakita si Jk, 'ika nga ng iba love at first sight.’

"Saan po tayo tutuloy nito mamayang gabi wala po tayong alam na matutulugan dito." Ani Jk.

At habang nag-iisip si Mang Dolfo, naaalala niya si Ella na may binigay itong numero ng cellphone sa kanya kanina bago ito umuwi.

"Hello, sino po ito?" tanong ni Ella.

"Ella, si Mang Dolfo ito itatanong ko sana kung may alam ka kung may house for rent dito sa bayan?"

"Ay! opo, nasaan po ba kayo ngayon?" tanong ni Ella na may pag-alala.

"Andito pa din kami sa bayan Ella."

"Okay po Mang Dolfo, magpapaalam lang po ako kay Inay."

Nag-flash back sa isip ni Jk ang nangyari kanina habang nakasakay sila sa tricycle, katabi n'ya si Ella papunta sa bahay na uupahan.

“Bakit binabagabag ang isip ko ng babae na iyon?" At mabilis niyang tinanggal sa isipan si Ella.

Nakahiga na si Jk at habang nakapikit ang mga mata naalala niya ang pagdikit ng kanilang mga balat ni Ella na parang may kuryente na dumaloy sa kanya.

Naisip nito hanggang sa pagtulog ang ngiti at maamong mukha ng babae na tila inaakit ang kanyang pusong tahimik, napatingin siya sa mga labi nito na pakiwari niya ang sarap nitong hagkan.

Pagkagising niya tila magaan ang pakiramdam ni Jk dahil sa kanyang napanaginipan o diwa niya na naglalakbay sa pag-alala kay Ella pero sinupil niya ang kanyang isipan dahil may nagmamay-ari na ng kanyang puso.

"Good morning po Mang Dolfo, ano pong balita?"

"Eh! Sir Jk baka sa makalawa pa daw magagawa ang sasakyan, pumunta po ako sa talyer habang natutulog ka kanina.”

"Tumawag sa 'kin ang kaibigan ko ang nanay ni Ella, nang-iimbita do'n daw po tayo mananghalian."

Excited na pumunta si Jk kung saan man iyon gusto niyang masilayan ang babae na pati sa panaginip niya ginugulo siya.

"Okay lang po Mang Dolfo," tanging tugon niya.

"Tao po Susan," tawag ni Mang Dolfo sa kaibigan.

Matagal nang hindi nagkita ang magkaibigan kundi sa cellphone lang kanina nung tumawag ito.

"Pasok kayo dito sa loob. Maghahain lang ako sandali Dolfo," saad ni Aling Susan sa mga bisita ngayon ay kararating pa lang.

“Pumasok ba si Ella sa school?” Tanong ni Mang Dolfo sa kaibigan.

"Oo pero pauwi na din iyon, wala na din silang klase ngayong hapon."

Samantala, may humintong tricycle lulan nito si Ella.

"O, heto na pala si Ella tamang-tama sumabay ka na sa amin kumain anak," pagyaya ng Ina ni Ella.

"Nag-mano siya sa Ina at kay Mang Dolfo, sandali lang ho Inay, Mang Dolfo magpapalit lang po ako ng damit," hiyang sabi niya.

"Parang kailan lang Susan dalaga na si Ella gagraduate na pala ng kolehiyo, sa susunod may magiging manugang ka na niyan." Nakatawang wika ni Mang Dolfo.

Tutol ang isip ni Jk sa narinig, o kahit pabiro lang ito.

"Ano ka ba Jk, don't dare na magkagusto sa babaeng iyon." pagsaway niya sa sarili."

"Naku pihikan 'yang si Ella, napakataas ng pangarap sa buhay gustong-gusto niya ipagamot ako sa Manila. kapag may trabaho na daw siya."

"Hindi naman sa pagsabad sa kwentuhan ninyo ho,

Ano po bang course ng anak n'yo?" Nahihiyang tanong ni Jk. "Hay naku Iho, gusto ko sana dati mag teacher na lang s'ya kaso ang gusto niya eh Business Administration ewan ko ba sa batang iyan."

Nakatulala si Ella sa harap ng salamin, di niya alam bakit kailangan makadama siya ng hiya sa lalaking iyon.

"Ano ba yan bakit nandito ang taong 'yon? di ko alam kung bababa ako eh?” Tanong ni Ella habang kausap ang kaibigan sa cellphone si Kathy.

"Ano ba yan friend, kung ako sayo bababa na ako kasi may cute kayong bisita," tumatawang wika nito kay Ella.

"Okay sige, ingat ka mamaya pag-uwi mo. Kamusta na lang kay madam duty ko na naman bukas okay bye," masayang paalam ni Ella.

Umupo si Ella sa gilid ng kanyang kama at inaalala ang pagdikit ng kanilang balat ni Jk habang nakasakay sa tricycle hindi niya maintindihan ano ang kanyang nararamdaman dahil sa unang pagkakataon ngayon lang siya nakaramdam ng init na galing sa isang lalaki. Kahit si Ella di masagot ang katanungan sa kanyang isip na tila isang misteryong dapat niyang alamin kung ano ang kanyang nasa puso at isip.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Stolen Heart   Chapter Thirty eight- Miranda’s weakness

    Pinilit na tumayo ni Miranda para makarating sa kinaroroonan ng kanyang medicine kit sa paghahanap ng gamot na pangpakalma nagkagulo-gulo at nahulog na ito sa sahig.“No... Hindi mo pwedeng agawin ang pag-aari ko never....”Pagkakuha n’ya ng gamot mabilis na nilunok iyon halos nanginginig pa ang kamay dahilan sa sakit na tinitiis niya ilang taon na rin ang nakakaraan, ang anxiety niya kapag bumabalik sa ala-ala niya ang kagimbal-gimbal na kanyang nasaksihan.“I beg you... patahimikin mo na ako. Hindi ka na babalik dahil patay ka na...” hindi niya napigilan nabato niya ng vase sa salamin.Ilang sandali pa may kumakatok sa pinto at takot ang nadama ni Miranda.“Wag.... wag kang lalapit.”Isang pagyugyog ang nagpabalik sa ulirat ni Miranda.“Mom what happened ?” Nalilitong tanong.“Please Jk don’t leave me, they’re all hunting me.” Nanginginig ang katawan nito at nanlalamig ang mga kamay.May katanungan kay Jk na hindi niya masagot sa ngayon.“Manong Kanor i-ready mo yong car, dadalhin na

  • Stolen Heart   Chapter Thirty seven-Love and Hatred

    Sa isang romantic place siya dinala ni Juan Karlos mula sa pagsundo ng binata sa kanya hanggang sa lugar na ito dala pa rin ni Ella ang kaba at pagkalito dahil ramdam niya ang pagbabago ng kilos ng binata sa kanya.“Maupo ka Ella.”Inalalayan pa siya nito bago ito maupo sa kaharap na bangko.Romantic lights at sinabayan pa ng sweet music na nag-aanyaya upang mapatingin siya kay Juan Karlos. “Anong gusto mo Ella?”“Ahm ikaw? Sir?”Napakunot ang noo na parang natatawa si Juan Karlos sa sinabi ni Ella.Nakita naman niya ang pagkunot ng noo nito kaya naman dinagdagan niya agad ang sinabi.“I mean ikaw Sir Ano ba ng gusto mong kainin?” Nakangiting sabi niya.“Ikaw Ella...” nakatingin ito sa mata ng dalaga.“Ha!”“Joke lang, you’re blushing,” nakatawang sabi nito.“Sige na umorder ka na.” Sabi pa niya habang hawak din ang menu.Hindi alam ni Ella ang dahilan kung bakit niya pinaunlakan ang binata isa lang ang alam niya, makasama ito bago man lang ikasal kay Pau. Sabihin na kiringking siya d

  • Stolen Heart   Chapter Thirty Six- Jk is back

    “Hijo... anong sinasabi mo?” Nababalisa niyang tanong.“Ma, I’m back the Jk who forgot everyting...”Nanlaki ang mata ni Miranda sa sinabi ng anak, ngayon bumalik na ang ala-ala ng anak siguradong hahalungkatin na naman nito ang mga bagay na matagal na niyang nililihim.“Ouch!” Pinipilit bumangon ni Jk sa pagkakahiga.“Anak, please! ‘wag ka munang kumilos ang sabi ng doktor you need more days to recover.”Muling naalala ni Jk ang huling pangyayari bago siya nabangga. Nakita niya isang babae ang driver na muntik ng makabangga sa kanya kaya kinabig niya papunta sa gilid kaya naman nabonggo siya sa poste.Pauwi na ako galing... “Ella...” naalala niya doon siya galing ng maaksidente.Namutawi sa bibig ni Jk. “I want to go home now.”“But son!!! may mga test pang gagawin sayo.”“Mommy, kelan ka nagkaroon ng care about sa ‘kin!? I think recent lang right? Now, I want to be alone.” Galit na sambit ni Jk.Naiinis na umalis si Miranda sa harap ng anak. Bumalik na nga ang dating Jk na matigas an

  • Stolen Heart   Chapter Thirty five- Amnesia gone

    Nasa isang carenderia sina Ella at ang matanda.Marami siyang gustong itanong patungkol sa buhay nito ngunit dahil alam niyang galing ito sa mental ospital kaya limited lang ang mga dapat na itanong niya. Naglalaro sa isip ni Ella.“Nga pala Tay, nasaan po ang pamilya mo?”“Nasa paligid lang hija.” Sagot nito habang ngumunguya ng pagkain.“Ganon po ba? Ahm! May itatanong lang po ako bakit nung minsan di ba po, may pinakita akong picture sa inyo bakit ng makita mo ito ay bigla ka na lang pong tumakbo paalis!?” “Hindi ko na ma-alala hija.”Patango-tango na lang si Ella dahil alam niya na Wala siyang makukuhang impormasyon sa matanda dahil nga may sakit ito sa isip. “Anong pangalan mo Tay!?” May curiosity niyang tanong.Tumitig muna ang matanda sa kanya at nagtatawa ito. “Isa ka rin ba sa mga taong gustong pumatay sa ‘kin?” “Ha! Hindi ho wala ho akong masamang intensyon sa iyo. Kaibigan ho ako.”“Marami din nagsabi n’yan sa ‘kin ng kabataan ko subalit nawala sila ng panahon kailangan

  • Stolen Heart   Chapter Thirty four- Kidnapped

    Naabutan ni Ella na malalim ang iniisip ng kaibigan.“Beshy, ano ang iniisip mo?” Tanong niya sa kaibigan habang nakatitig sa among nakahiga at tulog.Bumuntong hininga si Kathy bago sinagot ang tanong ng kaibigan.“Nagtataka lang ako friend. Bakit parang may binabanggit siyang anak. Anak daw n’ya. Hindi ko masyadong ma-gets kasi nga di ba wala naman siyang anak!?”“Kahit sa pagtulog may trauma talaga s’ya kaya kahit ano na lang pumapasok maging sa panaginip n’ya.”“Kaya nga eh, kawawa naman siya. Ano na nangyari sa pagiimbestiga sa kaso ni Madam?”“Dumaan ako sa presinto wala pa daw update, at ito pa magaling daw ang kumidnap kay madam at alam ang mga posibleng dadaanan para hindi matrack ang sasakyan na ginamit ng ibaba dito sa ospital si Madam.” Kibit balikat na napa-iling si Kathy sa mga sinabi ng ni Ella.Maya-maya pa May kumatok sa pinto.Dumating si Edward. Hindi nila akalain na dadating ito.“Sir pasok po!?” Gulat na wika ni Ella.“Gusto ko lang kamustahin si Madam? Tumawag ako

  • Stolen Heart   Chapter Thirty three- Who is the stranger?

    Alas siete na ng gabi ng pauwi na si Mrs. Cheng at ang mga empleyado nito maulan ang gabing iyon tila hindi pa rin niya makalimutan ang kanina lang nagpakaba sa kanya ng lubusan isang tao na minsan ng tumulong sa kanya sa panahon na lugmok siya, ayaw man niyang bigyan halaga ito ngunit may sumisigaw sa puso niya na kailangan niyang makausap ang taong iyon para malaman niya kung nasaan na ang munting bata na iniwan niya dito. Ilang taon na din ang lumipas.“Nasaan ka na anak ko?” Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang ulan na nakikidalamhati sa matagal na niyang nararamdaman ang awa para sa batang kanyang inabandona.Isang malakas na pagprino ang nagpabalik sa kanyang kamalayan.“Mang Kanor bakit po?” Sambit niya na may halong kaba at pagkagulat ang kanyang naramdan.“Ma’am may tao pong humarang sa sasakyan natin.“Sino kaya ‘yan?”Bumaba sa sasakyan ang lulan nito isang babae na nakaitim na leather jacket at nakasumbrero, sa lakas ng ulan hindi niya maani

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status