Share

Chapter Four- First kiss

Sa mansyon ng mga Alvaro.

"Good morning Madam." bati ni aling Ising

"Yung kape ko please!"

"Opo Madam." sagot ni aling Ising sa amo

Sa di kalayuan nakatayo si aling Ising at nakaantabay kung may iuutos ito sa kanya, buong buhay niya ay isinilbi niya sa pamilyang Alvaro.

"Aling Ising kumusta naman kayo dito habang wala ako?”

"Mabuti naman Madam nasunod naman po lahat ng inutos ninyo sa amin, maliban po kay sir Jk po hindi ko po talaga siya mapigilan sa pagpunta sa Sta. Monica." sagot ni Aling Ising kay Mrs. Alvaro

"Matigas talaga ulo ng batang ‘yan," pabulong nito na pagkakasabi.

At inutos ni Mrs. Alvaro na ihanda ang damit na susuotin pagpunta sa opisina.

"Iutos mo na lang sa mga katulong ang mga iyon, at sumunod ka sa akin sa kwarto." utos nito kay Aling Ising

"Opo Madam," tugon nito.

Pagpasok ng kwarto may binigay ito na paper bag kay Aling Ising.

"This time kunin mo na ‘yan, kasi alam ko naman na gusto mo din magkaroon niyan at para naman hindi nakakahiya sayo sa tagal mong nanilbihan dito sa mga Alvaro, you may go now," sakristong saad nito sa matanda na parang may pinapahiwatig.

Sa opisina ng mga Alvaro.

"Team. Papasok ngayon si Madam chairman make sure okay ang lahat at ready kayo kasi alam ko iikot yun sa bawat department, okay, back to your work."

"Naku naman ang bilis naman bumalik ni Madam," bulong nito sa kaopisina

"Sir Edward si sir Jk kailan po ba ang balik?"

"Shy please, don't ask me because no one in this office know where he is, and besides hindi na natin trabaho alamin kung nasaan siya." Naiinis nitong sabi.

Inis na umalis si Shy sa meeting room at habang naglalakad pabalik sa table niya.

"Sungit din ni sir Edward pano walang girlfriend," bulong ni shy habang inaayos ang mga documents.

"Good morning Madam," bati ng security guard

"Ano ang maganda sa umaga?" sakristong sabi ni Mrs. Alvaro.

Bago pumasok si Mrs. Alvaro sa opisina niya dumaan muna ito sa office ni Jk.

"Good morning Chairman." bati ng secretary ni Jk

hindi pinansin ni Mrs. Alvaro, tumingin lang ito at pumasok sa loob.

"Kaye!" pasigaw na tawag nito,

"Yes. Madam,” sagot niya na natataranta.

"Your Idiot how many times that i told you make sure do your job!”

"Yes i did Chairman." sagot ni Kaye ang secretary ni Jk.

Sa hindi inaasahan itinapon ni Mrs. Alvaro ang mga documents sa harap ni Kaye at habang pinapagalitan ito unti-unti naman pinulot ang mga itinapon nito na ngayon ay nasa sahig. Gustong tumulo ang luha ni Kaye dahil sa sama ng loob sa amo, alam niya sa kanyang sarili she’ll do her job in the office.

"Bakit di mo na pinapirmahan kay Jk before he left the office? at di mo sinabi sa akin na hindi pa pala ready iyan... Yes! magtataka pa ba ako mana ka nga sa nanay mo isa ring boba," galit na sabi ni Mrs. Alvaro.

"Madam, wala na po ang Inay, sana lang ‘wag na po ninyo isali siya sa galit ninyo. Tahimik na po siya kung nasaan man po s'ya ngayon," pormal na sagot ni Kaye napaluha habang inaayos ang mga documents.

"Call Dolfo may sasabihin ako sa kanya," galit na utos nito kay Kaye.

"Yes Mrs. Alvaro.”

Alam ni Mrs. Alvaro na galit si Kaye sa kanya base sa tawag sa kanya.

"She's stubborn like her Mom, she calling me Mrs. Alvaro if she felt anger with me, but I like her attitude, I remember myself to her," usal ni Mrs. Alvaro sa sarili.

Maya-maya pa dumating na si Mang Dolfo sa opisina ni Jk na nagmamadali, bago pa man ito pumasok sa loob nakita nito ang anak na nakatayo sa labas ng opisina ni Jk at mugto ang mata, awa ang naramdaman niya sa kanyang anak

dahil alam niyang napagalitan na naman ito ni Mrs. Alvaro.

"Anak, pagpasensyahan mo na lang si Madam, alam mo naman ugali niya talagang perfectionist."

"Opo itay alam ko naman po, kung wala lang sana tayong utang na loob sa kanila," sambit ni Kaye na may sama ng loob.

Hindi magawang magalit ni Mang Dolfo dahil anumang oras pwede sila tanggalin sa kompanya ni Mrs. Alvaro.

"Madam, pinapatawag mo daw ako?"

"Yes. pabalikin mo na si Jk dito sa madaling panahon! ‘wag niyang antayin na ako pa mismo ang susundo sa kanya sa Sta. Monica!" galit na saad habang nakatitig kay Dolfo.

"Madam, kilala mo naman ang anak mo may pagkamatigas din ang ulo hindi po iyon susunod sa akin." mababang sabi nito.

"How dare that child always getting me in this kind of situation. He left all his obligation here, manang-mana sa ama n’ya napaka-weak,” halos maiyak ito sa galit habang kausap si Mang Dolfo. Samantala,

Sa Sta. Monica naman halos araw-araw may pinupuntahan si Jk hindi pa rin niya mahanap ang rason kung bakit anduon siya sa lugar na pilit ayaw pag-usapan ng kanyang Ina, alas sinco na ng hapon ng makauwi si Jk sa bahay.

"Wala pa ba ang babaeng 'yun alas sinco na. Hindi pa ba siya umuuwi galing school or baka dumaan sa bahay nila, bakit ko ba iniisip ang babaeng 'yun she's nothing with me." sambit ni Jk sa sarili.

Alas tres tapos na ang klase ni Ella umuwi na siya galing school para tulungan ang Ina sa paghanda ng gagamitin nito para sa order na pancit bilao, birtdehan nang anak ng kaibigan nito.

"Inay pahinga ka na po, ako na bahala sa mga ito bago ako aalis magluluto na ako ng hapunan ninyo ni Kathy. Mabuti nga mabait din si Chang Minda okay lang na dito matulog si bestfriend, siya nga pala Inay sa graduation ko may idadamit ka na ba?" ngiting tanong ni Ella sa nanay niya.

"Naku naman anak huwag mo ng isipin iyon manghihiram na lang ako kay Minda may mga bagong damit naman siguro siya."

"Ako na po bahala Inay sasabihin ko kay Mrs. Uy na aarkila na lang ako ng damit sa boutique maraming dress for rent po sa boutique." Masaya ng sabi ni Ella sa kanya ina.

Alas siyete na ng dumating si Ella sa bahay ni Jk may susi naman s'ya kaya nakapasok s'ya sa loob.

Lingid sa kanya kanina pa dumating si Jk at nagpapahinga sa loob ng kwarto.

"And'yan na kaya si sungit? Mukhang uulan pa ata." wika ni Ella.

At habang nakatingin sa labas umupo muna siya sa may beranda tiningnan ang langit at walang bituin at naalala ang mga sinasabi ng kanyang Inay sa kanya palagi.

"Bakit kaya ang Inay laging sinasabi na sana ‘wag ako magbabago sa kanya, naku ang Inay talaga s'yempre hindi anak niya kaya ako eh!" Nangingiti na lang siya.

Ngunit bigla s'yang nagulat ng bigla na lang kumidlat ng malakas naranta s'yang papasok sa loob, ngunit bigla na lang siya nabunggo sa dibdib ni Jk na nakatayo pala sa likuran niya sa taas nito na 5'10 halos hanggang dibdib lang ang taas niya rito.

"Aray ko! Sir, anong ginagawa mo d'yan? sakit tuloy ng noo ko. Kanina ka pa ba dumating?"

Nang bigla kumidlat ulit ng napakalakas at bigla na lang napayakap si Ella sa binata laking gulat niya ng kargahin siya nito papasok ng bahay.

Hindi mawari ni Ella ang nararamdaman ngayon magkadikit ang kanilang katawan ni Jk, at binaba siya sa sala ngunit parang napepe siya ng bigla na lang siyang halikan nito sa mga labi.

Halos nag-uunahan ang tibok ng kanyang dibdib na di mawari. Anong sensasyon ang nararamdaman niya ngayon gustuhin man niya na itulak ito ngunit tila tuod siya at gusto din niya ang mga nangyayari.

At nagulat siya dahil nabuhat na pala siya ng binata sa kama at sa lakas ng ulan sumasabay ang bawat galaw ni Jk sa kanyang ginagawa halos mawalan na si Ella ng kontrol sa sarili dahil unang pagkakataon niyang naranasan ang halikan ng isang lalaki.

"No please." Buong lakas ang pagtanggi niya sa binata.

"I'm sorry. Nadala lang ako, akala ko kasi katulad ka ng ibang babae d'yan na bibigay agad." Pagpaumanhin wika ni Jk.

Mabilis na nilisan ni Ella ang kwarto ni Jk.

"Damn it! bakit ko nagawa 'yun, attracted ba ako sa kanya? or namimis ko lang si Pau.”

Binalikan ni Jk ang mga nangyari, nakita niya sa mga mata ni Ella na parang gusto siya nito. Kaya naman hinalikan niya ito at nadala siya sa panahon dahil bigla na lang umulan, at naakit siya sa nakaraang nakita niya ito sa banyo na lalong nagpatindi ng kanyang emosyon na makuha ito, ngunit mali pala siya dahil hindi ganun ang babaeng ito.

"Ano ka ba Ella. Gusto mo bang ibigay sarili mo sa hindi mo naman kaanu-ano di ba may motto ka in life na sa magiging asawa mo lang ipapaubaya ang sarili mo." Saway ni Ella sa sarili. Nakatulog na siya sa pag-iisip sa nangyari kanina.

Naalimpungatan si Ella sa pagkakatulog dahil may kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto alam niya si Jk ito dahil sila lang ang tao sa bahay na iyon at bumungad sa kanya si Jk.

"Ay ano ba yan, Sir inaapoy ka po ng lagnat, uminom ka po ba ng alak?" Tanong niya kay Jk habang inaalalayan papunta sa kwarto.

Ngunit wala na itong maisagot dahil sa sobrang kalasingan at parang matutumba na sa kinatatayuan.

"Sandali lang Sir kukuha lang ako ng bimpo.” Inihiga niya ito sa kama.

"Bakit ganito ang buhay ko, nasa sa akin naman ang lahat pero bakit may parusa naman sa kabila nito," sambit ni Jk.

Nagtatakang lumabas si Ella patungong kusina at iniisip ang sinabi ni Jk paglabas niya ng kwarto at naalala na kukuha pala siya ng bimpo na basta.

"Bakit ba ang bait mo ha? wala ka bang problema ng katulad sa akin Ella?" Tanong ni Jk habang pinupunasan siya ni Ella ng bimpo sa mukha.

"Wala naman po sir Jk kontento po ako kasama si Inay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status