Pumasok sila sa hotel at dumiretso sa 34th floor. Pagbukas ni Bea ng kwarto, agad itong pumwesto sa vanity mirror, inilabas ang isang sandamakmak na maskara, at sinimulang subukan ang isa’t isa.
Hindi siya pinansin ni Alexandra. Imbes na makisali, humiga siya sa kama, nakatitig lang sa kisame na para bang hinuhukay ang sarili sa bigat ng nangyari.
“Ano bang ginagawa mo diyan?” reklamo ni Bea. “Mamili ka na ng maskara mo! Dalian mo na!”
“Pwede bang huwag na lang akong sumama?” mahinang sagot ni Alexandra, halos pakiusap.
Pero hindi ito tinanggap ni Bea. Mabilis itong lumapit, hinablot ang unan at itinapon sa gilid. "Alexandra Kaye Villarama!! Matagal mo nang iniisip na may babae siya, and during that phase, umiyak ka na ng malala. Ngayon pa ba kita makikitang duwag? Confirmation na lang ang nakita mo kanina. Bakit mo hinahayaan ang sarili mong malugmok sa isang lalaking hindi marunong um-appreciate sa'yo?”
Napakurap si Alexandra. Kanina lang, tulala siya, pero ngayon, kahit paano ay nagising siya sa pagkakayanig ng kaibigan niya.
"Ano na?" dagdag pa ni Bea, nakapamewang. "Magpapakatanga ka pa rin? Iiyak ka hanggang sa masanay ka na lang sa sakit? Gusto mo ba 'yun?!"
Nag-angat ng tingin si Alexandra. Wala na siyang luha, pero ang kirot, nandoon pa rin.
“Wala ka bang ibang alam kundi pagalitan ako?” irap niya, pero walang buhay ang tono niya.
“Oh? Eh anong gusto mong marinig? Na tama lang na niloko ka? Na dapat kang magmakaawa sa kanya? Hell no, babe. Alam mo kung anong ginawa mo sa relasyon niyo? Ikaw ang nag-alaga. Ikaw ang nagmahal. Ikaw ang nagbigay ng lahat. Alam mo kung ano siya? Walang kwentang lalaki na gusto kang ipako sa buhay na ikaw lang ang nagbibigay habang siya? Tinatamasa lang lahat ng effort mo! At ang mas malala? Pinalit niya lahat ng iyon sa ibang babae.”
Napasinghap si Alexandra. Masakit marinig, pero hindi niya kayang itanggi ang totoo.
“Saka alam mo?” patuloy ni Bea. “Hindi lang ikaw ang nawalan. Siya rin. No, mas malala pa. Dahil habang ikaw, pwedeng bumangon, siya? Isang araw, magigising ‘yan, at mare-realize niyang ang babaeng nagmahal sa kanya ng totoo? Iniwan niyang wasak.”
Sa unang pagkakataon, kumirot ang labi ni Alexandra. Hindi sa sakit—pero sa galit.
“Kaya ano?” patuloy ni Bea, unti-unting lumapit. “Gusto mong magmukmok mag-isa? O gusto mong ipakita sa sarili mo—hindi sa kanya, pero sa sarili mo mismo—na hindi mo siya kailangan para maging masaya?”
Dahan-dahang bumangon si Alexandra. Sa loob ng tatlong taon, inakala niyang ang buhay niya ay umiikot sa pagiging asawa ni Joshua. Pero ngayong wala na siya rito... sino na siya?
Mabilis na tinapunan ni Bea ng maskara ang kandungan niya.
"Magbihis ka na. Magpapakasaya tayo. At ipapakita mong ikaw si Alexandra Kaye Villarama—hindi ang babaeng iniwan, pero ang babaeng hindi kailanman dapat binalewala."
Sa unang pagkakataon, ngumiti si Alexandra. Mapait, oo. Pero may kakaibang apoy na namuo sa kanyang mga mata.
At sa gabing iyon, hindi siya ang dating Alexandra.
Siya ang babaeng hindi mo matatalikuran—dahil siya ang Alexandra na bumabangon.
Napabuntong-hininga si Alexandra bago naglakad papunta sa closet ni Bea, kung saan nakahanger ang iba't ibang damit nito.
"Ano ba 'to? Kapirasong tela lang? 'Yan ang susuotin natin?" inis niyang tanong habang tinitingnan ang manipis at hapit na mga damit.
"Aba, malamang! Party ang pupuntahan natin, hindi lamay! Hayaan mo na, wala namang makakakilala sa'yo." Malanding kinindatan siya ni Bea habang pinipili ang sariling kasuotan.
"Oo na, oo na! Jusko!"
"Hindi ka pa nakakapili ng maskara! Kanina ko pa 'to inabot sa'yo."
"Kahit ano na lang," sagot ni Alexandra, walang gana.
"Ay naku! Ayaw mo talagang ayusin ang sarili mo?"
"Sabi ko nga, ito na lang. The red one— bagay sa slim dress na ito na backless. Sexy, pero hindi bastusin."
"Perfect! Classy and elegant. Yan ang gusto ko sa'yo, gumagana ang utak mo!" puri ni Bea, nakangisi.
Kinuha ni Alexandra ang damit at nagbihis. Lumaki siyang mayaman pero hindi siya maluho. Sanay siya sa simpleng kasuotan, pero palaging bagay sa okasyon.
Pagpasok sa exclusive bar ng hotel, agad nilang naramdaman ang eleganteng ambiance. Mataas ang kisame, may chandeliers na nagbibigay ng malambot at mapanuksong liwanag, habang ang jazz music ay parang bulong sa hangin.
Naghanap sila ng pwesto, at pagkapwesto ay agad na lumapit ang waitress. Nag-order sila ng wine, at hindi nagtagal, nagpaalam si Bea.
"Maiwan muna kita dito, ah. Pupuntahan ko lang si Mr. Buenavidez, our senior."
Tumango lang si Alexandra. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid— sumama lang siya dahil kay Bea. Pero hindi niya namalayan ang oras.
Nang tumayo siya para hanapin ang kaibigan, bigla siyang natumba. Isang matinding hilo ang bumalot sa kaniya.
"Lintik… naparami yata ako ng inom."
Sinubukan niyang itayo ang sarili at naglakad papunta sa corridor. Ngunit habang naglalakad, isang lalaki ang umagaw ng kaniyang pansin. Matangkad, matikas, at kahit may maskara, ramdam niyang may kakaibang alindog ito.
At marahil dahil sa tama ng alak— o dahil sa boses ni Bea sa kaniyang isipan na nagsasabing "Minsan lang 'to, magpakasaya ka!"— may pumasok na ideya sa utak ni Alexandra.
Dahil sa malalaking hakbang ng lalaki, sinadya niyang matapilok. Mabilis siyang bumagsak sa matigas ngunit matipunong dibdib nito.
"Ms, ayos ka lang ba?" Malalim at bahagyang paos ang boses ng lalaki— isang perpektong kombinasyon na dumaloy sa katawan niya na parang mainit na kuryente.
"I'm fine… But I’d be more than fine if you'd be mine," malanding bulong niya, hindi alintana ang init na namuo sa pagitan nilang dalawa.
"W-What?" Halatang nagulat ito.
"Nothing," aniya, sabay kagat sa kaniyang labi. "I just wanted to say, your voice sounds sexy."
Bahagyang tumawa ang lalaki. "And you are sexy… and hot."
Parang wala sa sarili si Alexandra nang mabilis niyang hinila ang maskara ng lalaki at inilapat ang kaniyang mga labi sa kaniya. Nag-aalab ang halik na iyon— puno ng pananabik, mapusok, at walang bahid ng pag-aalinlangan.
Nagpantay ang kanilang hininga. Hindi nagtagal, naramdaman niyang binuhat siya nito— parang isang prinsesang ipinapasok sa isang mundo ng tukso.
At sa gabing iyon, sa likod ng saradong pinto, isang lihim ang nabuo.
Nagising si Alexandra sa malakas na tunog ng cellphone. Napangiwi siya, ramdam ang bigat ng ulo mula sa ininom kagabi. Nakapikit pa niyang kinapa ang side table, ngunit wala roon ang cellphone.
Dahan-dahan siyang bumangon—at saka niya lang napansin ang hubad niyang katawan, balot lang ng manipis na kumot.
Napasinghap siya, biglang sinalo ang noo. Anong nangyari kagabi?
Unti-unting bumalik sa kaniya ang mga alaala—ang bar, ang alak, ang misteryosong lalaki, at ang nagbabagang halik na humantong sa isang hindi inaasahang gabi ng kasalanan.
Napatingin siya sa tabi niya, ngunit bago pa niya masilip ang mukha ng lalaki, muling nag-ring ang cellphone. Napagalaw ito sa ingay, bahagyang dumilat, at hinanap ang cellphone habang nakapikit pa.
"Okay, I'll be there in 30 minutes," mahinang sabi nito bago tuluyang iminulat ang mga mata.
Sabay silang natigilan nang magtama ang kanilang paningin.
"Alexandra?!"
"Lorence Tyron?!?"
Nanlaki ang mga mata niya. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi, imposible! Hindi siya! Kahit sino na lang sana—pero hindi siya!
Napaatras siya sa kama, niyakap ang sarili.
"Anong ginagawa mo dito?! Sinadya mo ba akong akitin?!" galit na tanong ni Tyron, kita ang iritasyon sa mukha. "Anong ginagawa mo sa party na ‘yon?!"
Dahil sa hiya at gulat, agad niyang dinampot ang kanyang mga damit at patakbong pumasok sa banyo.
"Hoy, Alexandra! Talk to me! Lumabas ka diyan!"
Ngunit hindi siya sumagot. Hindi ko kaya! Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ‘to!
Narinig niyang muling nag-ring ang cellphone nito. Kasunod noon, ang pagmamadali ni Tyron—marahil ay umaalis na ito.
Napabuntong-hininga siya nang marinig ang pagbagsak ng pinto.
Makakaalis na rin ako... at magpapanggap na parang walang nangyari.
Pero sa kanyang isipan, isang bagay ang sigurado—hindi ito magiging ganoon kadali.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kaila
Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” s
"Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko
Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…
“Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…