Three days later.
“’Kita mo naman, naka-discount ka na, libre hatid ka pa. Bargain na bargain ka, tapos hindi mo man lang mai-dedicate kahit isa man lang sa mga bestsellers mo sa ‘kin?”“Bestsellers? Magtigil ka nga d’yan,” natatawang saway ni Joey sa nagsesentimyentong kaibigan sa likod ng manibela. On the way sila sa resthouse ng tito nito sa Tagaytay. “At ‘yon lang naman pala ang gusto mo, ‘di mo agad sinabi. H’wag kang mag-alala, ang novel na matatapos ko sa bahay ng tito mo, idi-dedicate ko sa ‘yo tapos sasabihin ko pang maganda ka kahit hindi naman totoo!”Sumimangot ito. “Eh kung bawiin ko na lang kaya ang discount mo tapos singilin kita sa gasolina nitong kotse? Ang mahal-mahal—”“Gagi, babayaran ko syempre ang gas tapos dadagdagan ko ang fettucine na iluluto natin ngayon para madalhan mo sina Tita.”“Paborito niya ‘yon, hindi ko,” reklamo ni Hazel.“I’ll add na lang na sexy ka rin sa dedication, o?”“Gaga. Sexy naman talaga ako.”“At may brains?”Ngumiwi ito. “Sadya, ‘no?!”Nagtawanan na naman sila. Inihatid siya ni Hazel kasi kung magpapahatid pa siya sa kapitbahay nilang nagsisilbing driver kapag may lakad sila, sasamahan pa siya ng kanyang mga lolang over-protective. Madilim ang langit kasi may low pressure area. Isa pa, the last thing she needed was to hear them expound on every fault they could find in the house she was renting. Kilala niya ang mga ito. Kahit all-out sa suporta sa trabel-trabel at tinanggihan agad na sumama sa kanya sa bakasyon niya, hirap din na aalis siya pansamantala. Ang mga ito pa mandin ang nangungunang nagbigay ng dahilan kung bakit mas makabubuting mag-isa lang siya. Kesyo mamamahay daw, wala daw maiiwan sa bahay, maiistorbo siya, at magpapahatid lang pauwi kapag si Lola Kora raw ay hindi makatulog sa hindi sariling kama.Pero alam niya ang totoong dahilan kung bakit tumanggi ang dalawa. Kung magbulungan kasi, ang ingay din naman at naririnig niya. They were hoping that if she was alone, she would get to know other people better. Gaya ng kanyang magiging kasama sa bahay. O magiging mga kapitbahay doon sa lugar. As if she was going on parties bigla pagdating niya sa Tagaytay.“Malapit na tayo, hindi ba? Hindi ko na tanda kasi.”Ngumisi ito. Legendary sa kanilang magkakaibigan ang kanyang kawalan ng kwenta pagdating sa locations. Naliligaw siya kahit saan kasi wala siyang sense of direction. Ang masaklap pa, kapag siya ang may hawak ng G****e map ay nililigaw niya ang binibigyan niya ng instructions. Napalo tuloy niya ito sa balikat at tumatawa itong umiwas.“Mga twenty minutes pa. H’wag kang magmadali kasi magkukwentuhan pa tayo. Saka ipapakilala pa kita sa ka-share mo sa resthouse.”Tumango siya. “Sige. Lagi n’yo ba nadadalaw yung bahay?”Tumango ito. “Regularly. Like, two or three times a month kapag weekends. Kaya h'wag kang mag-alala, maayos ang lagay ng mga gamit at hindi masyadong magabok. Pinapupuntahan din ni Mommy ang bahay sa mga pinsan namin para i-check at maglinis.” May mga pinsan sina Hazel na nasa malapit din lang nakatira. “Ingatan n’yo lang ang mga appliances, ha? Ikaw pa naman, mainit sa mga electrical gadgets.”“If ever may masira ako, papalitan ko.”“Talaga?”“Second-hand nga lang.” Umiwas siya sa palo ng kaibigan. “Gaga ka talaga! Ang laki-laki ng kita mo, sobrang kuripot mo!” “Nagda-drive ka, baka maaksidente tayo.”“Ikaw lang ang pwedeng manghampas, gano’n?”Hanggang sa makarating na sila sa resthouse, wala na silang ginawa kundi magkulitang parang mga bata. Na-realize niyang kahit lagi silang magka-chat, miss na niya talaga si Hazel. Lagi siyang busy habang ito naman ay abala sa business nitong books at novelty shop sa Ortigas. Kahit kasi nagdaan ang higpit ng pandemya, malakas pa rin ang benta ng mga ito online kaya araw-araw may pina-pack to ship. Noong panahong istrikto pa ang lockdowns, sa bahay pansamantala tumakbo ang business. “Sa palagay mo, magkakasundo kami nung isa pang magre-rent? What’s her name?”“Pepper daw, sabi ni Ara,” ani Hazel. “Cute, ‘no?”“Maanghang.”Natakpan nito ang bibig sa pagtawa. “Corny!”Tumatawa rin siya. It was something one of her lola would say. Inilalabas niya ang mga supplies ng pagkain mula sa kanyang bag na karamihan ay inihanda pa ng mga matatanda—binabad na karne, home-cooked ham, ensaladang pipino sa isang malaking Tupperware, marinated bangus, kalamansi extract sa isang malaking garapon, bagoong-alamang na matamis, etcetera, etcetera. Kulang na lang ipadala sa kanya ng mga lola niya ang kusina. Hiniwalay tuloy niya ng pack ang kalahati nang lahat para ipadala kay Hazel, trade sa balak nitong ipagluto siya pagbalik nito sa weekends para bisitahin siya o makapamasyal sila, depende sa mood niya. “Lagot ka kina lola. Pinamigay mo itong parang handa sa fiesta mong pabaon nila.”“Papalitan mo naman, ‘di ba?” Binuksan niya ang malaking bag ng gummy bears na binili nito para sa kanya. May chocolate bars pang mula sa stash nito sa bahay, pasalubong ng mga kaanak na bumibisita galing sa States. “Thanks dito. You’re the best talaga!”“Syempre, gusto ko talaga magka-cavities ‘yang teeth mo para mabawasan naman ang ganda mo.”“Kahit pa! ‘Wag ka ngang parang Lola Tinay. Kunwari saway nang saway, kupit naman nang kupit ng M&Ms ko sa drawer.”Natawa ito. “Ang kulit nila, ‘no? ‘Yung taboy nang taboy sa ‘yo tapos nag-iyakan noong paalis na tayo, ha ha ha! Aliw na aliw ang mga kapitbahay.”Napailing na lang siya. “Hindi sila mawawalan ng tagaaliw dahil tiyak na sa bahay magtatambayan ang mga amiga nilang Marites pag-alis ko.” Alam niyang kaya bihira ang mga itong mangapitbahay sa kanila kasi sinasaalang-alang ang ingay kapag nagsusulat siya. “Ano ba ‘yan? Ang dami mo pa ring mga pagkain. Hindi ka na makakalabas nito,” reklamo nito habang naghahanap ng space pa sa fridge sa mga hindi pa naipapasok doon.Ipinasok niya sa bread container ang isang loaf ng tinapay. “Maglalakad-lakad lang ako sa malapit para ma-enjoy ang view.” Lumapit siya sa isa sa malalaking mga bintana at tumanaw doon. Nagre-relax na agad ang mood niya at ang isip niya. “Feel ko makakapagsulat ako rito. Maaliwalas ang hangin, tahimik, maganda ang view…”“See? Kasi naman, anytime pwede kang mag-rent. Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo, ‘di ba?”Napakamot siya sa batok. “Kasi hindi libre. Sobra naman ‘to, tinotoo na talaga ang pagiging negosyante.”“Gagi, totoong negosyante ako, ‘no? At wala na talagang libre ngayong mga panahong ito,” pandidilat pa nito sa kanya. Saka ngumiti nang matamis. “Bibigyan na lang kita ulit ng discount everytime na rerentahan mo ‘to kasi friend naman kita. Isa pa, tiyak na mas madalas kang makapagsulat, mas malaki kikitain ko sa books mo.”Napailing na lang siya habang sumusunod dito noong nagtungo sila sa kwartong gagamitin niya. Tinulungan siya nitong magligpit ng mga gamit niya sa closet at mag-setup ng writing nook niya sa isang side ng kwarto, iyong nakakatanaw siya sa labas ng bintana habang nagtatrabaho. “Pero pasensya na sa bathroom. Since hindi namin pwedeng ipagamit ang master’s bedroom for obvious reasons, you’ll have to share the bathroom outside with the other guest.” Nag-migrate na sa America ang Tito Jack nito may anim na taon na ang nakararaan, pero isang beses isang taon ay dumadalaw sa Pilipinas at sa resthouse tumitigil. Ang mga mementos nito, nasa loob ng kwarto nito. It would be like invading his privacy if they let anyone sleep in his bedroom.“Okay lang ‘yon. Pero dapat bawasan mo pa ang rent ko dahil d’on,” aniya.Tinirikan siya nito ng mga mata. “Ano ka ba? Puro ka hirit?”“Malay natin, baka maka-Bingo,” hirit pa niya. Nakapagtanghalian na sila at nauubusan na ng kwento ay hindi pa rin dumarating iyong isa pang babaeng rumenta sa resthouse. Kailangan nang bumalik ni Hazel sa Manila kasi hahabol pa ito sa pagsasara ng bookstore nito, at sumasama ang panahon. Iyong low pressure area kahapon sa karagatang katabi ng Bicol, naging bagyo sa maghapon at ilang oras na lang ay papasok na sa Philippine area. “Pagdating niya, Joey, paki-welcome na lang,” bilin sa kanya ni Hazel habang sumasakay ito sa kotse nito. “Hindi pa rin daw kumokontak ‘yung kausap ni Ara, eh. Kailangan ko nang umalis baka ako abutin nang malakas na ulan sa byahe.” “H’wag kang mag-alala, I’ll welcome her like I’m the true owner of the house.” Naglabas siya ng nakahandang pera sa envelope mula sa bulsa niya. Bukod sa para sa rent, dinagdagan na niya iyon ng para sa gasolinang ginamit sa kotse nito sa byahe nila. Asaran lang talaga nila iyong mga palibre at pa-discount. Silang dalawa ni Hazel ang unang nag-uutangan kapag kailangan nila ng pera at any time.“O baka bilangin mo pa,” sabi niya rito noong ibinigay na niya rito ang sobre sa bintana. “Kumpleto ’yan.”Ipinasok nito sa isang compartment ng kotse ang sobre. “Grabe, hindi na lang nag-bank transfer,” reklamo nito.“Galing kasi kina lola ‘yan. Alam mo namang kung hindi nahahawakan, hindi pera sa kanila. Nag-insist na sila ang magbayad sa rent ko, eh, ayoko namang may cash masyado sa bag ko dahil baka mawala or something.”Tatawa-tawa na naman ito. “Ang mga grannies talaga. O, hindi ko na bibilangin ito, ‘no? Aabutin na ako ng ulan at rush hour.” Binuhay na nito ang kotse at bumabay sa kanya. “Bye! Sana ma-inspire ka! Damihan mo ‘yung bed scenes gaya nang dati. I’ll send you more clips para pandagdag ng juice sa utak mo.”Nag-init ang kanyang mga pisngi. Grabeng babae, baka may makarinig dito. “Bye! Ingat ka, ha?” pantataboy na niya. Pero humampas ang malamig na hangin at napatingala siya sa langit. “Mukhang aabutan ka na talaga ng ulan,” nag-aalala niyang sabi rito. “Ingat ka sa pagda-drive.”“Okay!”At binuhay na nito ang kotse, umurong at nagmaniobra, saka kumaway sa kanya.Nag-drive na ito palayo.KANINA pa may nahahalatang kakaiba si Pepper.They were having a big lunch with family and a handful of close friends before he and Joey could leave in his lolo’s yacht to go sailing away to the islands. Something’s going on.Pinakamalaking give-away iyong laging magkadikit na mga ulo nina Lola Tinay at Lola Kora. Pero bago pa man ito, ilang beses niyang nakita ang smirks nina Oliver, Rick at Jim. And come to think of it, even his Lolo Ruel’s tap on his shoulder and ‘I’m so proud of your dick, apo,’ suddenly became suspect. He’s always cracking jokes like this about the Magsaysay equipment so he just grinned at him. On the other hand, he thought at first they were teasing him about his honeymoon. Joey was glowing. She looked so happy that he did feel very proud of himself. But his mother blushing, then bursting into a laugh that she would try to hide by turning to his father and hugging him…And his Dad giving him a thumbs up.Dad didn’t do thumbs up.What the hell is going on?
WELL, they had to eat.Kahit sobrang glorious ng kanilang magdamag ni Pepper, eventually nabalik sa kanyang bokabularyo ang mga words na bagel, or cereal, bacon, sunny side-ups… fried rice…? Nag-angat ng tingin si Joey mula sa hubad na dibdib ng asawa at nakitang tulog pa ito. Poor baby. Pagkatapos noong unang beses na frantic nilang sex, they were able to focus on actually making love. He whipped his lubricant bottle out again because she was a little sore from the first round. Kahit na-devirginize na siya noong nasa Tagaytay pa sila, she was still tender. Pero masyado silang gigil na gigil ni Pepper sa isa’t isa so he had his boner boning her three times more before morning.Isa pa, napakaaga pa. Sanay siyang nagigising ng four AM. Minsan pa nga mas maaga pa. But it was maybe already a little past five right now? Kasi may dull na liwanag na sa labas bago tuluyang sumikat ang umaga. Nakasara pa ang mga drapes kaya madilim pa sa bedroom. But she’s really hungry.Noong bumangon si
“ARE you tired?” malambing na tanong ni Pepper sa asawa habang buhat niya itong ipinapasok sa kanyang penthouse flat. Binuhat niya ito mula sa private elevator pa lamang papasok sa loob, at ngayon ay naglalakad siya sa hallway.It was already about seven in the evening and they had just driven home from the reception. The wedding was about three pm and everybody went to the reception area in the same venue after the ceremony. They stayed there until about six, kung saan mukha namang nasulit nila ang oras para makilala nang lubos ni Joey ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan at maka-kuwentuhan naman ng mga lola ang kanyang mga kamag-anak.The grannies were a success. Ang kombinasyong ng makulit na si Lola Kora at stoic na si Lola Tinay ay nakawili sa kanyang mga kamag-anak. The fact was, he also had fallen for them the first night he met them. Ang unang unang nakaapekto sa kanya ay ang malinaw na dedikasyon ng mga ito kay Joey, pangalawa ay ang honest na personalidad at karakt
“ANO si Montes?” naiiritang paalala ni Lola Tinay.“Si Montes. Ay!” Nagbalik sa thread si Lola Kora. “Hindi ba ‘yan ‘yung nag-extra doon sa pelikulang ginawa galing sa una mong libro? Naalala ko dahil Hanna Monta—”“Montes,” singit ni Lola Tinay.“—Tes ang pangalan, malapit nga sa Hanna Montana,” gigil nitong sambit sabay tingin sa pinsan na parang ito pa ang may kasalanan nang lahat.“Really?” sabi naman ni Pepper sa tinig na parang masasamid. Nahihirapan na ito sa pagpipigil tumawa. “Nag-act si Hanna sa movie mo?” Nag-init ang mga pisngi niya sa proud nitong tono. “Hindi aking movie. I just—” Gah! Ngising ngisi ang loko. “Anyway, if ipipilit ng babaeng ‘yan na ikaw ang nakabuntis sa kanya, may online presence ako para labanan siya. Plus, ‘yung sunod na novel sa series na ‘yon, nililigawan ng same film company na may contract siya. Pwede akong um-oo sa iba kapag talaga hindi siya magsasabi nang totoo.”Pero nakakunot ang noo ni Pepper. “Baby, ayokong ilagay mo ang sarili mo sa sitwa
“LOLA, ano ba? Ang sakit no’n, ah!” reklamo niya.“Aba, aba, aba! Bakit nakapatong ka na d’yan? Hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan! Baka isipin ng mga kapitbahay, pabaya kaming mga taga-ingat mo!” Tumuro ito sa labas.And sure enough, noong mapatingin siya roon, nasa labas ng gate ang ilang mga kapitbahay na naka-duster. Hawak pa ang mga walis-tingting gayong alas siyete na nang gabi. Makikita mo pa ba ang kalat sa lupa sa dilim na ito?“Beinte-kuwatrong taon ka naming inalagaan tapos unang dalaw sa ‘yo ng lalaki, nakasampa ka na agad?!”“Tinay… ano ka ba? Gusto mo bang umabot pang alagaan natin siya hanggang kuwarenta’y sais? Aba’y buti nga at nagka-boyprens agad—aray!”“Isa ka pa! Isa ka pa, Kora! Sabi ko sa ‘yo bantayan mo at may kukunin lang ako sa taas. Tapos kilig na kilig ka pang namimilipit habang nanonood d’yan?!”“Ah!” ani Lola Kora habang hawak ang kamay na nahapyawan ng tungkod ni Lola Tinay. “Paanong hindi ako kikiligin, naaalala ko ‘yung mga panahong nililigaw
NAPANSIN NI KORA ang sumusukong pagbuntonghininga ng apong si Joey. Hindi na iyon mabilang sa nagdaang limang araw tuwing maupo ito kahit saan at matutulala. Sa pagkakataong iyon, nasa harapan na naman ito ng kompyuter nito, na nang sulyapan niya nang pasimple sa ibabaw ng balikat nito ay blangko pa rin hanggang ngayon maliban sa chapter sa itaas ng pahina sa loob ng parang telebisyon niyon na wala nga lang istasyon. Napatingin ang matanda kay Tinay. Napatingin din ito sa kanya, saka malungkot na napailing.“Wala pa rin maisulat si Joey,” paanas niyang sabi rito. “Ano bang gagawin natin? Mukhang dinibdib yata talaga ang nangyari sa kanila ng lalaking iyon.”“Wala na naman sigurong maimbentong isturya,” anito.“Brukenhurted.”Nag-angatan ang mga kilay ng kanyang pinsan. “Paanong mabubrok? Hindi naman niya naranasang umibig?”“Tsk. Hindi naman natin talaga alam kung anong nangyari sa kanila. Ang alam lang natin ay nagkagustuhan sila at hindi lang makapagsabi sa atin dahil nga tiyak n