MasukTwyla POVHindi ko na maitago ang pagka-excite ko habang pinagmamasdan si Kentaro na nakatayo sa harap ng limang malalaking kahon.“Alin ang unang bubuksan natin?” tanong ko.“Simulan natin dito.” Itinuro niya ang pinakamalapit na kahon.Agad siyang yumuko at sinimulang tanggalin ang mga natitirang tape sa ibabaw nito. May ilang bahagi nang natuklap dahil sa pagkakababad sa tubig-dagat, kaya hindi na siya nahirapang buksan iyon.Ako naman ay halos hindi mapakali sa tabi niya.“Careful. Baka may masira,” paalala ko.“Alam ko.”Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang nai-angat ang takip.“OH MY GOD!” Hindi ko napigilang mapasigaw.Napanganga ako sa nakita ko sa loob.Ano ata iyon, parang camping set!Hindi basta-bastang mga gamit sa camping ang laman ng kahon. May nakabalot na camping table, apat na camping chair, dalawang duyan, at iba’t ibang kagamitan na talagang ginagamit ng mga taong mahilig mag-camping.“Ang dami!” bulalas ko.Natawa si Kentaro sa reaksiyon ko. “Camping set iyan.”“
Twyla POVMatapos ang ginawa ko kay Kentaro, pumunta ako sa dagat at nag-ugas ng kamay. Hindi ko na muna siya inistorbo, mahaba pa naman ang oras. Saka, nandoon lang naman ang mga box. Ang ginawa ko, kinuha ko ang basket na panghuli ko ng mga isda at nanghuli na lang ng pang-breakfast namin. Nakahuli ako ng apat na malalaking isda.Habang tuloy pa rin siya, niluto ko na rin iyon. Iyon na lang ang ginawa kong way para magising siya. Na kapag naamoy niya ang masarap na amoy ng inihaw na isda ay baka magising na siya.Maya maya pa, sakto namang luto na ang mga isdang iniihaw ko nung lumabas si Kentaro sa tent niya. Magulo ang buhok nito at bahagyang nakapikit pa ang mga mata. Nakasuot na siya ng pang-ibaba, kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.“Good morning!” agad kong bati sa kaniya. Natatawa ako. Wala siyang kaalam-alam na nilaro ko kanina ang burạt niyang mataba, mahaba, at maugat.Napatingin naman agad siya sa akin.“Morning,” sagot niya, halos pabulong lang.Mukhang hin
Twyla POVMaaga akong nakatulog kagabi, kaya maaga rin akong nagising. Hindi ko alam kung anong oras na, pero nang imulat ko ang mga mata ko at sumilip sa labas ng tent, napansin kong nagsisimula nang magliwanag ang kalangitan. Hindi pa sumisikat ang araw, pero may bahid na ng kulay asul ang dating madilim na langit. Mukhang mag-uumaga na.Napahikab ako habang dahan-dahang bumabangon. Medyo masakit ang likod ko dahil sa ilang oras na pagkakahiga, kaya iniunat ko muna ang mga braso ko bago tuluyang tumayo.Masarap pala talagang matulog kapag pagod na pagod ka. Ang dami kasi naming pagod kahapon, kaya nung mahiga ako kagabi, tuloy-tuloy na ang tulog, walang istorbo.Napangiti ako nang maalala ang mga bonfire na ginawa namin ni Kentaro. Kahit papaano, mas maliwanag at mas ligtas ang puwesto namin ngayon.Paglabas ko nga sa tent ay agad kong sinuri ang paligid. Mahina na ang apoy ng mga bonfire. May ilang baga na lamang na kulay pula ang natitira, pero hindi pa tuluyang namamatay ang mga
Kentaro POVHindi ko alam kung anong oras na. Ang alam ko lang, matagal na akong nakahiga pero hindi pa rin ako makatulog. Tahimik na ang buong paligid. Wala na akong naririnig kundi ang mahinang pagkaluskos ng mga dahon sa tuwing humahampas ang hangin sa mga puno. Paminsan-minsan, may maririnig akong huni ng mga insekto mula sa kung saan, pero wala namang ibang ingay na makagagambala sa akin.Halos dalawang oras na siguro akong gising. Ilang beses na akong pumikit at pilit na naghanap ng komportableng posisyon. Humiga ako nang patihaya, paharap sa gilid, at minsan ay nakadapa pa. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.Nakakainis. Kung kailan naman maayos na ang lahat, saka ako hindi makatulog. Wala nang malakas na ulan na bubutas sa bubong ng silungan ko. Wala nang hanging halos maglipad sa mga kahoy na pinagpaguran kong buuin. Hindi na rin ako nakahiga sa basang buhangin o nakasiksik sa ilalim ng malaking puno habang naghihintay na sumikat ang araw. May maay
Twyla POVHindi ko napigilang mapangiti habang inililipat ko ang mga gamit ko sa tabi ng bagong tent ni Kentaro.Sa wakas, hindi ko na kailangang matulog nang mag-isa sa may tabing-dagat. Hindi ko na rin kailangang mag-alala kung sakaling magkaroon ulit ng malakas na ulan at hangin. At higit sa lahat, hindi ko na kailangang maglakad nang malayo kung gusto kong makipag-usap sa nag-iisang taong kasama ko sa islang ito. “Ilalagay ko na lang ba rito?” tanong ko habang hawak ang isang nakatiklop na kumot. Itinuro ko ang bakanteng bahagi sa gilid ng tent na ginawa niya.“Oo. Sa gilid mo na lang ilagay,” sagot niya habang inaayos ang ilang kahoy sa labas. Sinunod ko naman iyon. Inilapag ko ang kumot, mga damit, at iba pang gamit na naipon ko mula sa kahong inanod sa dalampasigan. Inayos ko rin ang mga solar light na dala ko para hindi magkagulo ang mga gamit namin.Mas malaki ang tent na ginawa ni Kentaro kumpara sa una niyang ginawa. Makakapal ang mga kahoy na ginamit niya bilang suporta.
Kentaro POVHalos isang oras ding naghintay bago tuluyang maluto ni Twyla ang pugita. Habang naghihintay, ilang beses ko siyang nakitang bumabalik sa apoy para tingnan kung pantay na ang pagkakaluto ng bawat bahagi ng pugita. Maingat niyang iniikot ang mga galamay gamit ang dalawang patpat. Paminsan-minsan, nilalagyan niya rin ng kaunting tubig ang ilang bahagi para hindi agad matuyo habang iniihaw.Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang pasensiya sa mga ganitong bagay. Kung ako ang tatanungin, matagal na akong nawalan ng gana sa paghihintay. Pero siya, parang masaya pang pagmasdan ang ginagawa niya.“Kentaro, luto na!”Napalingon ako nang marinig ang masigla niyang boses. Inilapag niya sa isang malinis na dahon ang inihaw na pugita. Bahagya pang umuusok iyon at may amoy na agad na nakapagpagutom sa akin.Napatingin ako sa pagkain. “Wow,” hindi ko napigilang sabi.Ngumiti si Twyla. “Ang bango, ‘di ba?”Hindi ko pa alam kung ano ang magiging lasa niyon, pero mukhang masarap na agad.







